Chapter 1 : Eve

1577 Words
"Ano, Iris? Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Madam Nazar, ang bugaw. Sa totoo lang kinakabahan ako, hindi ako sanay sa ganitong mga bagay. Maayos naman ang trabaho ko, isa akong guro sa isang private school. Ang hindi lang maayos ay ang perang sweldo ko, kulang. Hindi sapat sa pang-araw araw na buhay ko. Nagpapart time job din ako sa isang past food chain kaso napatalsik na ako roon last week pa, may sinuntok kasi akong customer. Eh 'sang dakilang g—go naman kasi. Binastos ako. Tapos may binabayaran pa akong utang. Utang ng magulang ko. Ewan ko ba at ako ang hina-hunting nila lagi. Ako ang sinisingil nila sa perang hindi ko naman hiniram. Kapag hindi ako nakakapagbayad, ay talaga naman, kawawa ako lagi sa bugbog. Mga g—go, hindi naawa sa magandang babae. Napakahirap pala maging mahirap. Matapos ang buong araw ko sa school, sa pagtuturo ng mga cute na cute na bata ay maghahanap ako ng raket sa gabi. Noon naman sarap buhay lang naman ako. I was born in a rich family, until my family's company's downfall. Umiling ako. Hindi pwedeng masira ang mood ko ngayon. Huminga ako ng malalim upang hindi na alalahanin pa ang nangyari sa buhay ko na dalawang taon ng nakalipas Maayos na ako. Maayos na. . . Pera lang talaga ang kulang sa buhay ko. Sasayaw ako ngayon sa isang bar, sayaw lang naman. Gigiling lang ako sa harapan ng mga lalaking customer dito sa bar. Babayaran nila ako ng malaki, swerte na kapag may tip pa akong matatanggap habang sumasayaw. Sabi ni Madam Nazar kapag hinagis mismo iyon sa akin ay sa akin lang iyon, hindi ko siya hahatian. Ngayong gabi lang ito dahil kailangan ko. Iyong mga naniningil sa akin, binantaan nila akong papatayin kapag hindi ako nakapagbayad ngayon. "Iris!" agaw pansin sa akin ni Madam Nazar. Napatulala pala ako. "Madam, Eve po ang itawag niyo sa akin, baka may makakilala sa akin dito, ma-termanate po ang license ko." pabulong na reklamo ko kahit na nasa dressing room naman kami at kami lang ang tao rito. Tumawa ang matandang babae, "pasensiya ka na kung gano'n." "Kinakabahan ako Madam, paano kapag nagkamali ako? Madapa? Gano'n?" pero sa totoo lang hindi naman iyon ang concern ko. Baka kasi may makakilala sa akin. I'm gonna wear a sexy red lingerie, red lipstick, red high heels and red masquerade mask. Surely no one will recognize me. But I can't stop myself worrying. Tumawa siya uli, "huwag ka ngang masyadong mag-isip ng ganiyan." Ngumuso ako. "Talaga bang isang gabi mo lang balak magsayaw, Iris? Maganda ka at maganda rin ang katawan mo, at bata ka pa, 24?" tanong niya kaya tumango ako, "24 ka pa lang. Maraming mahuhumaling sayo, panigurado. Ang kinis at maputi rin ang kutis mo." papuri niya. I flipped my hair, "of course, madam, alam mo naman na isa akong Royales. Thanks for the compliments." sabi ko pa pero umiling ako kapag-kuwan. "kaso isa po akong guro na kulang lang sa sweldo at baon na baon sa utang. Isang beses lang po 'to." Ngumiti ng malambing ang matanda. Tumango siya, "naiintindihan ko." Ngumiti rin ako. Kapit bahay ko itong si Madam Nazar sa tinitirhan kong apartment, alam ko rin na bugaw siya. May tiwala naman ako na hindi niya ako ilalaglag kung sakali. Bugaw man siya pero mabait siya. Siya ang nagpapahiram sa akin ng pera tuwing sumusugod ang mga naniningil sa akin sa apartment nang wala akong pera. Kapag wala kasi akong mabigay ay nanakit sila. Siya rin ang nag-aalaga sa akin kapag nagkakasugat ako sa ganoong sitwasyon. Nasa likod na ako ng kurtina. Bubuksan na nila ito mamaya at magsisimula na ang pagsasayaw ko. Pumupunta na ako sa bar noon para magliwaliw, ngayon narito para sa isang sexy dance show. "What if they'll touch me?" tanong ko kay Madam Nazar. "Sa intablado ka naman, ihja." paalala niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "And tonight! The most loved and a waited show! The sexy dance show!" hiyaw bigla ng host. Nagsihiyawan ang kalalakihan. "Star! Star!" "Ilabas si Star!" Sigawan nila. Napangiwi ako, "sino si Star?" "Ah, siya ang star of the show lagi kapag may ganiyan sexy dance show, maganda rin siya at kinagigiliwan din. Pero huwag kang mag-alala, mas maganda ka roon at mas magugustuhan ka ng mga manonood." sabi ni Madam Nazar habang inaayos ang buhok ko sa likod. "Eh." puno ng alangan ang boses ng host. "mga boys, wala si Star ngayon eh." Dumagundong agad ang dismayadong reklamo nila sa loob ng bar. "Pero may fresh and new dancer kami! For sure, magugustuhan niyo siya!" "Show!" "Show! Show!" "Oh kalma, boys, kalma lang." tawa ng host. "here's our new fresh and sexy dancer, Eve!" sigaw niya at doon bumukas ang kurtina at kasabay ng pagputok ng popper party at malakas na malaswang tugtog. Kagat labi akong naglakad papunta sa gitna ng intablado at sinimulang gumiling. Dignidad para sa buhay. Dama ko ang malamig na hangin na dumadapo sa balat ko. Nangingilabot ako dahil sa hiya pero kailangan ko itong tapusin para magkapera. Sh—t, dati umiiyak lang ako at magrereklamo para magkapera, pero ngayon. . . Malagkit ang tingin ng mga lalaking nanonood sa katawan ko. Ang iba'y napapalunok pa habang nakatingin sa akin. Ang iba nga ay nanatiling nakaawang ang labi habang pinapanood ang bawat galaw ko. Mapang-akit na ngumiti ako habang patuloy sa paggalaw ng malaswa. I maintained my eye contact to the every person I looked in the eye with. Gumiling ako ng gumiling. Ginamit ko rin ang poll sa ginta bilang props sa pagsayaw. Pumunta ako sa bawat sulok ng intablado. At bawat gilid ng intablado na iyon, may mga libo libong pera na naglakat. Akin lahat ng iyan. Pinulot ko iyon at mapang-akit na inilagay ko iyon sa bawat sulok ng suot ko. Sa lace ng bra ko, sa garter ng panty ko. Binasa ko ang labi at mapang-akit na tumingin ako sa itaas, sa may VVIP corner. Sabi kasi ni Madam Nazar, baka may maghulog doon ng perang naka-bundle kung sakali. Gumiling ako. Sumayaw ako. Ang dalawang kamay ko ay inilakbay ko sa bawat sulok ng katawan ko. Pera ang inaasahan kong mahulog mula ro'n pero gano'n na lang ang gulat ko nang may mag-hulog ng cheque. Saktong tumama ang papel sa muka ko. Gamit ang bibig, hinuli ko iyon upang hindi tuluyang mahulog. Naghiyawan ang mga kasama nila roon dahil sa ginawa ng lalaki pero hindi na ako roon nakatuon kundi sa dalawang pares ng matang tiim na nakatingin sa akin. Hindi man lang niya inalis ang tingin sa akin. Hindi man lang kumurap. Nakatingin lang siya sa akin pero parang tumatagos sa buto ang titig niya, para niya akong sinasakop, para niya akong hinahalina, para niya akong ina-angkin sa mga titig niya. Nangapos ang hininga ko sa uri ng titig niya. Natapos ang tugtog. Lumabas mula sa kurtina ang host at binalot ako ng itim na robe. "That was f—cking hot!" "Isa pa!" "Booo, iyon na iyon?! Bitin!" Hiyawan nila. May nagrereklamo, may humihirit ng isa pa, may pumupuri. Hindi ko na lang din pinansin ang mga malalaswang komento. Alam ko namang hindi iyon mawawala dahil sa uri ng trabahong pinasok ko. Muli akong tumingin sa lalaki kanina at napasinghap ako ng mahina nang makita ko na nakatingin pa rin siya sa akin. "I know you guys are hot right now because of that hot performance pero guys, isang beses lang iyon! Maawa naman kayo, napapagod din siya." sabi ng host dahilan para makuha niya ang pag-intindi ng mga kalalakihan. "And once again, Eve!" hiyaw niya at sinundan din iyon ng mga hiyawan at papuri ng mga manonood. "Hey! Can I ask?" napalingon ang lahat sa VVIP corner nang may sumigaw doon, "can we table her?" Ako naman ay nanatiling nakatingin sa harapan, sa dingding. "Ay, bongga naman!" tuwang sabi ng host sabay tingin sa akin, "pero bawal. Si Star na lang ang i-table niyo, lalabas din siya mamaya." "But we want her?" "But you can't do anything about it, darlin', sorry not sorry." tawa nito at sininyasan na akong umalis sa intablado. Kagat labi akong naglakad paalis sa intablado dahil ramdam ko pa rin ang tingin ng lalaking nasa VVIP floor, mukang hindi niya inalis ang tingin sa akin. Rinig ko pa rin ang diskusyon tungkol sa akin pero hindi na ako lumingon pa. First and last na akong aapak diyan. Nang sumara ang kurtina ay halos bumagsak ako sa sahig sa panghihina. Agad akong dinaluhan ni Madam Nazar. Nang hawakan niya ako, doon tumulo ang luha ko. Inalalayan niya ako papunta sa dressing room. "Ang make up ko, sira na. Ang ganda ko pa naman." reklamo ko at tumawa habang umiiyak. "Tahan na. Magaling ang ginawa mo. At isa pa, hindi na mauulit 'to, hindi ba? Kaya tumahan ka na." "Hindi naman 'yon ang iniiyakan ko, Madam Nazar eh." "Eh ano?" "Makakakain ako ng masarap para sa hapunan, makakabayad pa ako ng utang." sabi ko. Sinimulan kong ipunin sa mesa ang mga perang nakuha ko. Kinuha ko rin ang cheque sa dibdib ko at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko ang halaga no'n. php 1,000,000 "Pero kailangan ng pirma para makuha iyan." sabi ni Madam Nazar, gulat din habang nakatingin sa cheque-ng hawak ko. Ngumuso ako. "edi, ipa-pirma mo, Madam." sabi ko sabay abot sa kaniya ang papel, "hati tayo." sabi ko at himagikhik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD