Iris POV "Hindi ka ba papasok ngayon, Damain? Anong oras na ah." sabi ko kay Damain pero umungot lang siya at mas pinagsiksikan ako sa katawan niya. Nakayakap kami, kanina pa ako gising pero hindi ako makatayo dahil kulong niya ako sa bisig niya. Hindi niya ako pinapakawalan. "Ang secretary ko muna ang bahala sa office. Ngayon, sa inyo muna ng anak natin ang oras ko. Tapos mamayang gabi, pupunta pa tayo sa engagement party ni Kuya." paliwanag niya. Napangiti ako. Hindi pa rin ako nasanay na anak natin na ang sinasabi niya tuwing nababanggit niya ang bata. "Sana. . . masaya ang Kuya General." biglang sabi ko nang maalala ko na naman na ayaw nito sa babaeng magiginga asawa niya. "Asa naman." Damain tsked. "baka nga hindi niya pa siputin 'yong babae eh." "Huwag naman sana. Kahit pakisa

