Iris POV "Cassia?" tawag uli ni Damain sa babae na kumunot ang noo. Nilingon kami ng babae at gano'n na lang ang ngiti niya nang makita si Damain. Ngiting. . . parang nanalo. "Damaino." banggit nito sa pangalan ng lalaking katabi ko na parang na-estatwa na 'ata. "Hazel. . ." biglang sabi ni Damain, na parang may na-realized siyang bagay. Nagtaka rin ako. Hazel? Hindi ba si Cassia ang nasa harapan namin? Bakit biglang Hazel na ang tawag niya rito samantalang Cassia kanina? Pinagmasdan ko nag muka niya. At na-realized ko rin. . . Nakikita ko si Cassia sa kaniya, ang babaeng nakita sa painting. Pero ang babaeng 'to ay mukang matapang, maikli ang buhok, kulay kape ang mata. Magkamuka sila pero may pagkakaiba sila. Hindi ito si Cassia. Sumulyap sa akin ang babae pero saglit lang 'yon, hi

