Iris POV Kinaumagahan ng Linggo nakita ko sa basurahan ang bulaklak na bigay sa akin ng Kuya ni Mr. Andrado. Kinuyom ko ang kamao ko nang makita ko na halos sira sira na. Wala ng petals ang ibang bulaklak at lanta na. Bakit ba nakalimutan kong dalhin 'to sa kwarto ko kagabi? Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Umagang umaga ay nasusubukan ang pasensiya ko. Pupunta na ako ng kusina nang madaanan ko si Mr. Andrado na mukang nag-e-exercise. Nakasuot siya ng sweatpants at topless, basa ang buhok niya ng pawis at tumutulo iyon pababa sa katawan niya. Nakahawak siya ng bottle water at saktong umiinom. He look hot but. . . irritating. Inis na napairap ako. Kahit naiinis ako sa lalaki ay hindi ko maiwasang purihin ang katawan niya. Tutuloy na sana ako sa kusina pero napat

