Iris POV "Bakit mo hinayaang makalapit sayo ang lalaking 'yon?" tanong ni Mr. Andrado sa akin dahilan para mabalik ako sa reyalidad. Hindi na nakayapos ang braso niya sa akin, nakatingin lang siya sa akin. Nakakausap na niya ako dahil malayo ng kaunti ang anak niya sa amin. "Pagbibintang mo na naman ba akong lumalandi?" tanong ko na kaagad. Alam ko na kasi kung saan hahantong ang usapan namin. Lagi namang gano'n. "You're flirting. I saw it. You smile and talk so cute in front of him." Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Talk so cute?! Kailan ko naman ginawa 'yon?! Inirapan ko na lang siya. Alam ko naman kung saan na naman patungo ang usapan na 'to. Hindi na siya matapos tapos. "Bakit ka nakikipag-landian? Sinama mo pa talaga ang anak ko sa kalokohan mo." Nanikip bigla ang

