Season 2 - Chapter 33

1841 Words
"Teka, iha," napahinto ako sa paglalakad pabalik sa room namin ng tawagin ako ng isang prof. Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang itsura niya sa'kin. Lumapit ako rito, "Good afternoon po, Sir. Bakit po?" "Kilala mo ba si Orlando Lee ng Foreign Language?" Si Orlando? Tumango ako rito, "Yes po, Sir. Professor po namin siya ngayong sem, bakit po?" "Mabuti naman," nagtatakang tinignan ko ito nang iabot niya sa'kin ang isang brown envelope na hawak niya. "Pakibigay mo naman ito sa kanya. May meeting kasi kami kay Dean ngayon, hindi ko na madaan pa." Nagulat naman ako sa pakiusap nito. Bago pa man din ako makasagot ay naiwan na nito ang envelope sa mga kamay ko, nakaalis na rin ito agad sa harapan ko. Natitigan ko na lang ang hawak ko. Sa lahat naman ng taong pwedeng utusan, ako pa talaga? Wala na kong nagawa kundi ang bumalik sa kwartong pinanggalingan ko. Maagang natapos ang klase namin kanina kaya naman wala ng prof sa room namin ngayon. Pabagsak kong inupo ang sarili ko, pinadausdos ko pa pababa 'yong katawan ko para maipatong ko ng likuran ng ulo ko sa may sandalan. "Oy, Lhia, napaka ganda naman ng upo mo." Tinapik ni Anne ang braso ko, "Umupo ka ng maayos baka makapatid 'yang mga binti mo." Napabuntong hininga ako rito bago umayos nang pagkakaupo. Tinignan ko ang brown envelope na hawak hawak ko pa rin. "Ano 'to?" kinuha ni Jade mula sa kamay ko 'yong hawak ko. Akmang bubuksan niya 'yong envelope nang pigilan ko siya. "Huwag mong bubuksan. Para sa professor 'yan," pagbabala ko rito. Napatigil naman sa ere ang isang kamay nitong pabukas na sana sa envelope. "Pinabibigay no'ng isang prof kay Orlando," napabuntong hininga pa ko nang sabihin ko ang pangalan nito. "Sinong prof? At talagang sa'yo pa ha?" kapareho ko ng naging reaksyon si Jade. Napailing na ako rito, "Hindi ko alam pangalan pero kilala natin sa mukha." Iniusad ko ang sarili ko sa kanya, "Dahil hawak mo na rin lang, ikaw na lang magbigay?" suhestiyon ko rito. Tinitigan ako nito bago siya bumuntong hininga. "Girl, hindi habang buhay matatakbuhan mo 'yong tao." Napasimangot ako sa sinabi nito. Naisandal ko ang likuran ko sa may sandalan ng upuan ko. "Sige, ako na lang," napatingin ako kay Anne na inagaw kay Jade 'yong sobre. "Ako na mag-aabot." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito, "Talaga?" hindi makapaniwalang sagot ko rito. "Oo, ako mag-aabot pero kailangan mo sumama," ramdam ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ko. "Oh, ako na nga mag-aabot, sasamahan mo na nga lang ako 'e," napansin ata nito ang ekspresyon ko. "Mamili ka, beh. Sasamahan mo si Anne o ikaw mismo ang magpapasa," pilit na ngiti na lang ang naisagot ko kay Shei. Talagang hindi ako kinampihan nito ah. Tumayo na ko sa pagkakaupo ko, tinignan ko si Anne. "Halika na, basta labas lang ako ha?" Tumayo na rin ito sa pagkakaupo niya, "Oo." Siya na ang nagdala no'ng brown envelope. Habang naglalakd pababa sa hagdan, "Alam mo ba kung nasaan 'yon ngayon?" Umiling ako kay Anne, "Syempre, hindi. Iwan na lang natin sa may faculty niya." "Alam mo ba kung saan?" "Oo, pinuntahan namin ni kuya no'ng nakaraan." Tahimik kaming naglakad paputa sa faculty nito. Huminto ako sa tapat ng pintuan kung nasaan ito at tinignan si Anne. Tinuro ko 'yong pintuan na katabi ko, "Ito na, ikaw na bahala." "Oo na," pinanuod ko lang ito habang kumakatok. Matapos ang tatlong katok sa pintuan ay binuksan niya ito at tsaka pumasok sa loob. Bahagya pa kong umatras palayo sa may pintuan para hindi ako makita nang kung sino mang nasa loob. Pinagkrus ko ang mga braso ko, sumandal ako sa pader malapit sa may pintuan habang inaantay si Anne. "Excuse me?" nanlaki ang mga mata ko sa isang pamilyar na boses na nanggaling sa may likuran ko. Dahan dahan kong nilingon ang may-ari ng boses. "Lhia," parang nahigit ang hininga ko sa pagtawag nito sa pangalan ko. Kapag nasa klase; Ms. Velasco, kapag ganitong kami lang magkaharap; Lhia. Nag-iwas ako ng tingin dito. Kapag naaalala ko 'yong pag-'thank you' ko sa kanya no'ng nakaraan bigla akong nahihiya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan bakit ako nag-thank you sa kanya. Basta ang alam ko lang, matapos no'ng maiksing moment na 'yon biglang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. "Why are you here?" hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Nakakatawa rin ang pagkakataon, 'no? Paiwas iwas pa ko sa pagpapasa ng envelope sa kanya dahil akala ko nasa faculty office siya, tapos wala naman pala. Magkikita rin pala kami sa may labas. Sakto namang lumabas si Anne habang kinakausap ako nito. Gulat itong nagpalipat lipat ng tingin sa'ming dalawa bago ito nagsalita. "Sir, I left an envelope from another prof to your table." Tumabi ito sa'kin at kulang na lang kumapit ako sa braso nito. Para siyang knight in shining armor! Hindi na nito inantay na makapagsalita pa si Orlando, agad na itong naglakad papalayo, nilagpasan niya ito. Napasunod na lang ako rito pero agad din akong napatigil sa paglalakad. "Thank you," nag-aalangang tinignan koi to. Imbes na kay Anne ito tumingin at magpasalamt, sa'kin ito nakatingin. Tumango na lang ako rito bago tumalikod at tuluyang naglakad papalayo. Ilang araw at linggo ang lumipas. Habang tumatagal mas nasasanay ako sa set-up namin ni Orlando, sa set up na prof namin siya. Gano'n pala talaga 'no? Sanayan na lang. Hindi ko na nga masabi kung nasasaktan pa ba ko tuwing nagkakaharap kami sa klase. Kasi nga, nasanay na ko. "Wala na?" Napatingin ako sa dalawang kaklase kong nakadungaw sa'kin. Foreign Language class na naman namin ngayon. Napatingin ako sa harapan ko para i-double check ang handout na nasa tapat ko pero para sa iisa lang talaga 'yong copy na nakuha ko. Binalik ko ang tingin ko sa kanila, "Kulang? Ilan?" Sumenyas ng dalawa ang mga ito. Napatango ako at tumingin sa naglalakad pabalik sa harapan na si Orlando. Sakto namang napatingin ito sa direksyon namin. "We need two more copies," direktang sabi ko rito. "Oh, on my table." Tinuro pa nito ang mga handout nasa teachers table. Palihim akong napabuntong hininga sa sarili ko. Kailangan ko pang pumunta doon sa harapan? Napasunod ako rito ng lumapit ito rito. Tinapik niya ang mga handouts bilang senyales na kumuha na lang ako. Nasa may papel na ang isang kamay ko nang mapalingon ako sa kaklase kong tumawag sa'kin. "Lhia?" Isang nagtatanong na mukha ang binigay ko rito. Sumenyas ito ng 'isa', naintindihan ko naman ang ibig sabihin nito. Kasabay nang pagbalik ko ng tingin sa handouts ay ang pag-usad ng kamay ko. Sa pag-usad nito ay hindi ko sinadyang mahawakan ang dulo ng daliri ng kamay ni Orlando'ng nasa ibabaw din ng handouts. Mabilis ko sanang aalisin ang kamay ko nang matigilan ako rito. Tinitigan ko siya bago inalis ang kamay ko, agad akong kumuha ng tatlong hand out. Inabot ko sa kaklase kong nasa harapan 'yong isa, bago ako dumiretso sa may upuan ko dala ang dalawa pa. Ipinasa ko lang ito sa mga ka-row ko bago naupo ng maayos. Napabuntong hininga ko pagkaupo ko sabay kuyom ng kamay. Hinawakan ko ang nakakuyom kong kamay gamit ang isa ko pa. Hindi ko alam kung sadya ba 'yong ginawa niya o hindi pero nagulat talaga ko. Nasa pagitan kasi kanina ng dalawang daliri niya ang gitnang daliri ko. Nang aalisin ko na sana ang kamay ko, biglang inipit ng dalawang daliri niya ang daliri ko. Ano bang gustong palabasin ng taong 'yon? Paano kung may nakakita sa mga kaklase ko, nasa harapan pa man din kami. Napatingin ako sa may kanan ko nang pakiramdam ko may nakatingin sa'kin. Hindi ko sigurado pero parang nahuli kong nakatingin sa'kin si Jasmin. Biglang pumasok sa isip ko 'yong kakatapos lang na nangyari kanina. Nakita niya ba? Nag-iwas na ko ng tingin. Hindi. Hindi naman siguro pero hindi ko maiwasang mairita talaga sa ginawa ni Orlando. Chansing! Kung hindi ko lang siya kilala baka inisip ko na isa siyang manyak na professor.      ~ "Sila Sir oh!" napatingin ako sa tinutukoy ni Jade. Agad din naman akong tumalikod sa direksyong tinuturo niya. SI Sir Czam at Sir Van ang tinutukoy niya. Naku, wala ako sa mood makipag-usap sa dalawang 'yan. Hindi ko pa nakakalimutan kalokohan nila sa'kin no'ng nakaraan ha. Nitong nakaraang Sabado't Linggo lang kasi bumisita ang dalawang 'to sa bahay. Sleep over ba. Aba't ewan ko kung ano'ng naisipan nila at pinagkaisahan nila akong takutin! Una, sinama nila ko sa panunuod nila ng isang horror film—na ayaw ko talagang panuorin. Matapos 'yon no'ng pabalik na ko sa kwarto bigla silang nagkunwaring nawalan ng kuryete. Ang lakas ng tili ko ng mula sa dilim ay may isang kamay ang biglang humawak sa may paa ko. Iyon pala si kuya Trav, pinagplanuhan pala talaga nila kong takutin. Napailing na lang ako sa naalala ko. Hindi mo talaga aakalaing mga professor sila ng time na 'yon. Hindi ko rin akalain na may mas ikakaisip bata pa si kuya Trav. Bugok din 'e. "Good morning, Sir." Narinig kong pagbati no'ng tatlo sa mga ito pero hindi ko sila binati. Naramdaman ko pa ang mahinang magtama ng sapatos ni Jade sa sapatos ko. Tinignan ako nito na para bang sinasabing 'hindi mo sila babatiin?' pero tinignan ko lang din siya. Wala akong ibang aksyong ginawa o sinabi. "Someone is still sulking, huh?" may bahid ng kalokohang sabi ni Sir Czam, mas lalo akong tumalikod at napairap pa sa sinabi nito. "Let the child have her tantrums." Tantrums? Ako ba tinutukoy ni Sir Van? Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Nakakunot noo ko itong tinignan, kasabay nang pagharap ko rito ay ang paggalaw din ng mga braso ko. Mabilis kong inilayo ang isang kamay ko nang makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Nagtama kasi ang mga likod ng palad namin sa biglang paggalaw ko. Hindi ko alam kung bakit pero nang magtama ang mga ito bigla akong may naramdaman na kung ano. Weird. "No need to act like that. It's only a slight touch." Pagkasabi no'n ay naglakad na ito papalayo. Tanging pagsunod na lang ng tingin ang nagawa ko. Nagtataka man si Sir Czam sa hindi niya nakitang pangyayari ay nagpaalam na rin ito agad at sumunod sa kaibigan. Naihawak ko ang kanang kamay ko sa likod ng kaliwang palad ko. Napansin naman iyon ng mga kaibigan ko. "Bakit? Lhia?" "Para kasi kong nakuryente no'ng bigla kong nadikit kay Sir." Sagot ko kay Anne habang marahang hinimas ang likod ng palad ko. "Hindi ba normal naman 'yon? Kapag nga naglalakad tayo sa mall at nagtama mga braso natin bigla kang nagrereklamong masakit kasi para kang nakuryente." Bigla namang pagsabi ni Jade. Totoo ang sinabi nito, kaya ayaw kong naglalakad kami ng magkalapit kapag nasa mall. Alam kong maaring gano'n din ako kay Sir Van pero hindi maialis sa isip ko ang kakaibang pakiramdam na 'to. Ewan ko ba, bigla na lang kasi kong kinabahan nang magtama kami. Weird. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD