Halos sabay sabay kaming magkakaklaseng napabuntong hininga nang lumabas ang professor namin. Sa wakas! Natapos din kami sa lahat mid-term exams namin. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Jade na katabi ko ngayon.
"Gutom na ko," hindi ko napigilang sabihin. "Inaantok din ako."
"Huwag kang mag-alala makakakain na tayo," sagot naman nito sa'kin.
"Kakain pa ba tayo rito? O sa kanya kanya na lang nating bahay?" napaangat ako ng ulo at napasilip kay Shei na nakatayo sa may aisle. "Pwede naman kasing umuwi na lang agad tayo."
"Gusto kong kumain muna. Kumukulo na talaga tiyan ko," hinawakan ko an gang tiyan ko para ipakita rito.
"Kain muna tayo. Naistress din ako d'yan sa last exam natin, hindi ko malaman kung saan hinugot ni Sir 'yong mga tanong."
"Agree!" napapailing na pag-sang ayon ko kay Jade. Bumaling ako kay Anne at tinapik din, "Tayo na, friend!"
Papalabas na sana kami ng biglang sumulpot sa may pintuan sila Sir Czam at Sir Van. Napahinto kami, nagtatakang napatitig ako sa kanilang dalawa. Bakit sila nandito?
"Are you going already? We have some announcement," winagayway ni Sir Czam ang hawak niyang mga papel.
Napatango na lang kami bago bumalik sa pwesto namin kanina.
"Good afternoon, section C."
"God afternoon, Sir."
"I hope everyone is still here?" nilibot nito ang paningin sa paligid para tignan ang dami namin. "If some of your classmates has gone home already, then just pass them this announcement."
"What announcement, Sir?" pagtatanong ng President namin.
"I have here the form and waiver for your recollection. I need you to fill the form, and your parents will fill the waiver. All the other details such as the venue, the time, and place are stated here already. Please ready every line carefully. This will be held two days after you take your final exams for all subject. As for the form and waiver, you need to pass this on our faculty office by Friday next week."
Recollection?
"Iyon 'yong parang retreat 'di ba?" napatingin ako kay Jade na bumulong sa tabi ko.
"Hmm...oo," sagot ko habang tumatango rito.
Nabaling ang atensyon ko kay Sir Van na nagpapamigay ng mga form at waiver. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Sir Czam. "By the way, this is mandatory for all senior students. Also, since our college has a large population we're able to use the recollection camp alone during our stay. No other students from other college will be there, just us."
Kinuha ko ang pinasang papel ni Anne na katabi ko. Tinignan ko ang mga nakalagay dito. Naka-staple 'yong dalawang papel, nasa ibabaw 'yong form tapos nasa ilalim naman 'yong waiver. Personal information lang naman 'yong laman ng form, pwedeng pwede ko na ngang sagutan ngayon mismo.
"If you have any questions, feel free to ask," napatingin ako sa mga kaklase ko at mukhang wala namang may balak na magtanong. "If ever you have questions, just feel free to come to our office. That's all, thank you ladies." Pagkasabi no'n ay ngumiti ito sa'min bago tinanguan si Sir Van, naglakad na sila papalabas. Iyon na 'yon? Hindi man lang nagsalita 'yong isa.
Itatago ko na sana sa bag ko 'yong hawak kong papel ng may nahagip ang mata ko sa may waiver form. Binuklat ko ito at binasang maagi.
"Oh?"
"Bakit?" dumantay sa'kin si Jade at sinilip ang tinitgnan ko. Gamit ang hintuturo ko ay tinuro ko ang linyang binasa ko. "Guardians during the camp; (Pre – school) Section C – Vanlourd Will Mallet, Czammnel Luke Sho."
"Oh?" halos na-sandwich na ko ng pati si Anne ay dumantay na sa'kin.
"Hindi ba dapat adviser natin maging guardian natin no'n?" nagtatakang tanong ko. Gano'n kasi kami no'ng high school at grade school.
"Sigurado kang si Mrs. Roque gusto mong bantay natin?" napalunok ako sa tanong ni Jade.
"Nope. Tama lang na hindi siya," kinilabutan ako nang maisip ko kung gaanong paghihigpit ang gagawin niyan sa'min. Mabait siya sa mabait, magaling din magturo especially kapag demo time, pero ibang usapan ang pagdidisiplina niya. Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ko.
"Pero nakakacurious kung ano pinagkaiba ng recollection kapag college ka na."
"Paiiyakin na naman kaya tayo?" hindi ko naiwasang isagot sa sinabi ni Shei. "Kasi gano'n nangyayari dati 'e. Pupunta kang fresh ang itsura tapos uuwi ka ng mugto ang mata."
"Pero mas matagal 'tong ngayon. Tignan niyo," napatingin kami sa tinuro ni Anne sa may waiver form. "Three days, two nights tayo doon."
"Wow! Nice! Camping!"
"Camping talaga ha? Shei?" natatawang sabi ko rito. Matapos naming basahin ang iba pang detalye nagkaayaan na kaming lumabas ng room. Matagal pa rin naman kasi bago ang event na 'to kaya parang sobrang aga naman kung mae-excite kami agad agad ngayon pa lang.
Itinago ko na 'yong mga form ko, matapos no'n ay lumabas na rin kami agad ng room para kumain. Hindi rin kami nagtagal sa kinainan namin, kumain lang talaga kami tapos umuwi na.
Habang nasa biyahe, hindi ko na naiwasang banggitin kay kuya Jar—na siyang sumundo sa'kin—'yong tungkol sa recollection event.
"Kuya, may recollection nga pala kami sa end ng sem. Binigyan na kami ng form at nang waiver para sagutan."
"Oh? Panahon na pala ng recollection ngayon," sabi nito haban naka-focus sa daan ang tingin. "Same place pa rin ba? Sa **** camp pa rin ba?"
"Alam mo 'yong lugar na 'yon?"
"Oo naman. Doon din kami nagpunta noon, pati sila Trav. Iyon na yata ang partner camp ng university tuwing recollection season."
Napa-'ah' ako sa sinabi nito. Ang akala ko naman paiba iba pero fix na pala.
"Alam niyo ba kung sino ang guardian niyo? Sa'min noon dalawang prof per section."
"Gano'n din ngayon, kuya. Dalawang prof din sa'min."
"Kilala niyo naman mga magiging guardian niyo? May pagkakataon kasing hindi niya naging prof magbaabntay sa inyo."
"Kilala naming, mga naging prof naming last sem. Sila Sir Czam at Sir Van."
Bigla itong napatingin sa'kin pero agad ding nagbalik ng tingin sa may daan. "Si Van at Czam? Talaga?" natatawang tanong nito.
Nagtaka naman ako sa reaksyon nito, "Oo. May problema ba?"
"Problema?" tinignan ulit ako nito saglit. "Syempre wala! Okay nga kasi kakilala pala naming 'yong mga bantay niyo. At least, hindi na kami masyadong mag-aalala sa'yo."
Napatango tango naman ako sa sinabi nito. May punto nga naman siya doon.
"Pero Lana..."
"Hmm?"
"Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan doon. May mga mata kami sa'yo," napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nakita kong tinignan niya ko na may ngisi sa mukha.
"Ano namang gagawin kong kalokohan do'n?"
"Malay ko ba kung bigla ka na lang mag-drop sa recollection niyo."
"Grabe ka! Hindi ko na nga gagawin 'yon. Tsaka tapos ko na mga subject ko pagdating ng recollection, noon pa ko magda-drop?"
"Malay ko ba kung ano'ng tumatakbo dya'n sa isip mo," saglit itong tumahimik bago nagsalita ulit. "Si Orlando? Kasama ba siya sa camp niyo?"
Hindi ako nakaimik sa tanong nito. Napaisip ako, kasama nga kaya siya? Hindi kasi siya sumagi sa isip ko. "Hindi ko alam. Siguro? Siguro hindi?"
"Alam mo ba kung regular na siya sa university?"
"Regular? Hindi ko alam."
"Regular employees ang mga kasamang prof sa camp, minsan pati 'yong mga part-timer kapag kulang 'yong prof sa isang college."
"Ah..."
"I hope na hindi siya kasama sa regular employees." Hindi na ko umimik pa sa huling sinabi nito. Hindi na rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay.
Pagkabihis ko, agad kong kinausap ang mga magulang ko tungkol sa gaganapin na event. Naging madali naman ang pag-uusap namin kasi alam naman nilang mandatory 'to. Mas napabilis lang ang naging usapan no'ng nalaman nilang si Sir Van at Sir Czam ang bantay. Kita ko ang tuwa sa kanila 'e. Iba rin talaga ang pagkagusto nila sa dalawang 'yon, 'no?
"Huwag mong bibigyan ng sakit sa ulo sila Czam at Van," napatingin ako kay kuya Trav na halos kararating lang din.
"Oo, ano namang gagawin kong kalokohan doon?" In fairness dito kay kuya, mukhang nagkaayos na talaga sila ni Sir Van. Parang baliwala na lang sa kanya ang banggitin pangalan nito. Samantalang dati, kulang na lang patayin niya. Muntikan pa nga akong malipat ng ibang school maiiwas lang niya ko sa taong 'yon. Iba rin magkagalit mga lalaki 'e, ang bilis magkaayos. Usap lang talaga ang kulang sa kanilang dalawa, 'yon lang pala ang magiging paraan para magkaayos sila.
Nagkibit balikat ito bago sumagot, "Malay ko kung ano'ng tumatakbo sa utak mo."
Napasimangot ako sa sinabi nito. "Pareho kayo ng sinabi ni kuya Jar," mahinang tugon ko rito. Sinabi ko na ngang hindi ako gagawa ng kalokohan. Kung magsalita 'tong mga kapatid ko para bang napakapasaway ko.
Kahit gano'n ang mga bilin nila sa'kin hindi ko pa rin maiwasang mapaisip sa mga posibleng mangyari sa recollection namin.