Kita ko ang paglilipat lipat ng tingin no'ng tatlo sa sa dalawang picture na nasa harapan nila. 'Yong isang picture 'yong sa cellphone ni Jade, group picture naming apat no'ng nagpunta kaming bar. 'Yong isang picture naman sa cellphone ni Anne, sinave ko kasi 'yong featured photo no'ng article na pinakita niya.
Napaka misleading no'ng title no'ng article! Sa title kasi parang sure na sure silang break na 'yong dalawa at dahil 'yon sa third party, pero kapag in-open at binasa mo naman 'yong content puro rumors o kuro kuro lang naman sa tunay na nangyari ang laman.
Kanina habang nag-uusap kami ni Anne biglang dumating 'yong dalawa. Pinabasa ko sa kanila 'yong article na pinakita nito sa'kin at sinabi ang kaparehong sinabi ko kay Anne kanina. No'ng una same reason din ni Anne kung bakit sila parang na-hook sa article.
Tinitignan nila 'yong dalawang picture para i-confirm ng mismong mga mata nila na ako nga 'yon. Magkakatabi pa nga silang tatlo na nakaupo sa harapan ko, sofa like kasi 'yong naupuan namin.
"Parang ikaw nga," pambasag katahimikan ni Jade. Naka-glue pa rin ang mga mata nila do'n sa picture.
Napabuntong hininga ako napangalumbaba. "Ako talaga 'yan, tandang tanda ko 'yong scene na 'yan 'no," imposibleng makalimutan ko 'yon. Kinagat ko 'e, bakit ba kaso kinagat ko? Nagmukha kaming naghahalikan 'e! Well, nagkiss naman tala—ah! Bakit ba 'yon pa iniisip ko?!
"Tsaka alam ko kung ano itsura ko no'n," naka suot kasi ko no'n ng black long sleeves fitted dress. May abstract design lang sa may gilid na kulay brown.
"Hindi naman siguro 'to lalabas sa school 'di ba?" Natigilan ako sa tanong ni Anne, nabaling sa kanya ang tingin naming tatlo.
Kinuha ko mula sa pagkakahawak ni Jade 'yong phone ni Anne. Zinoom in ko 'yong article picture, pixelated kapag zoom in at hindi naman siya HQ kaya hindi kita mukha ko kahit naka zoom out.
"Hindi naman kita mukha ko," bulong ko more on sa sarili ko. Hindi siya kita, hindi. 'Yong mukha rin ni Sir hindi masyadong kita pero kung kilala mo siya, malalaman mong siya 'yon.
Dahil na rin siguro sa madilim do'n sa spot na 'yon, at halatang naka-zoom in 'yong pagkakakuha kaya hindi HQ 'yong picture.
Napatingin ako kay Shei ng bigla 'tong tumayo. Lilipat lang pala ng upuan, tumabi 'to sa'kin.
"Pero kapag kumalat 'yan sa school hindi ba mayayari si Sir?" Mahinang sabi nito, sa totoo lang kanina pa kami halos magbulungan dito. Pasalamat talaga na medyo bukod pwesto namin kaysa sa ibang table.
"Code of Ethics," napabuga ako ng hangin sa binanggit ni Jade. Code of Ethics for Teachers, sabihin na lang nating Saligang Batas ng mga guro.
"'Yong making out particularly in public malamang mabatas na siya 'e, lalo pa siguro kapag..." pinatong nito 'yong dalawang braso nito sa table tsaka nilapit 'yong upper body niya, "...nalaman na estudyante niya 'yong babae." Halos pabulong ang pagkakasabi nito sa huli niyang sinabi.
"Nakakabwisit naman 'yong kumuha nito 'e," hindi ko na matago 'yong inis ko. Parang ngayon pa lang nagsi-sink in sa'kin mga nangyayari.
Bigla akong napasandal sa sandalan ng inuupuan namin ni Shei. Speaking of Shei, bakit ang tahimik nito. Nilingon ko 'to sa gilid ko.
"Huy, Shei," tawag atensyon ko rito. Napatingin naman 'to sa'kin.
"Bakit?" Tinitigan ko lang 'to at gano'n din 'to sa'kin.
"Ako lang ba? O talagang ang tahimik mo ngayon?" Tanong ko rito. Saglit na natahimik ang table namin, walang nagsasalita.
"Ay, bhe 'wag mo kong alalahanin. Wala lang 'to 'no, 'yong tungkol sa article ang isipin mo," halatang iniiba nito ang usapan. Sige na nga, may iniintindi ako ngayon kaya hindi kita kukulitin.
Natigil saglit ang pag-uusap namin ng dumating na 'yong order namin. Matapos ilagay sa table namin lahat ay nagsimula muna kaming kumain. Mas lalo akong ginutom pagkakita ko sa pagkain!
Kanya kanya muna kami sa pagkain. Tahimik lang kami, hindi 'yong usual na nagdadaldalan kahit kumakain.
Habang kumakain, may biglang pumasok sa isip ko kaya natigilan ako. 'Yon kaya ang dahilan? 'Yong article kaya ang dahilan kung bakit pumuntang university kanina si Ema? Hindi ko nga pala nabanggit sa kanila nando'n si Ema kanina. Bukod sa mga tanong na 'yon, may isang tanong pang pumasok sa isip ko.
"Hindi kaya alam sa University na DJ sila Sir Czam at Sir Van?" Bigla na lang 'yan pumasok sa isip ko. Kasi, paano kung hindi alam sa University?
"Ngayong tinanong mo 'yan, nacurious din ako bigla," natigilan din sa pagkain si Jade.
"CPTE rin kaya si Sir Van?" Biglang tanong ni Anne.
"Baka," sagot ko. "Ah basta! Kung ano pa man isa lang ang mahalaga," natingin sa'kin 'yong tatlo. "Hindi pwedeng kumalat sa University 'yong tungkol sa article, maraming maaapektuhan."
Ano ba naman 'to? Simple lang naman 'yong reason kung bakit kami nagpunta do'n sa bar noon 'e. At ang reason na 'yon ay ang magsaya. 'Yong ma-experience man lang namin kahit once. Sige, added factor na 'yong dahil request ni Shei pero hindi naman kami pupunta do'n kung hindi majority desicion. Pero naman! Bakit may after effect? Malalang experience pa!
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at parang may himala! Kasi ako ang huling natapos. Ako kasi ang laging nauunang matapos kumain. Ewan ko, para kong walang gana. Kung hindi lang ako nanghihinayang sa pagkain hindi ko na talaga uubusin.
Nanatili pa kami sa table namin ng ilang minuto bago kami nagkasundong umalis na at maglibot libot para matagtag naman kami. Pampababa ba nang kinain.
Habang naglilibot libot hindi ko pa rin maiwasang isipin 'yong sa article. Kalokang article 'yon! Sino ba kasi kumuha ng picture na 'yon 'e! Ang tagal na ba naman nilabas pa!
Nagulat na lang ako ng bigla akong makaramdam ng pagvibrate sa may bag ko. Baka may tumatawag sa cellphone ko. Agad kong kinuha mula sa bag ko 'yong cellphone ko. At tama nga ako may tumatawag nga kaso unknown number.
+63999******* calling ...
Sino naman ba 'to? Ini-slide ko 'yong answer button, "Hello?"
[Iya,] pamilyar na boses 'to ha, tsaka ano tinawag sa'kin? Iya? Isa lang naman kilala kong tumatawag ng Iya sa'kin.
[Don't mention Sir nor my name,] babanggitin ko pa lang pero pinigilan na niya ako.
"Bakit naman?" Ayan, wala ng tunog paggalang sa tono ko. Hayaan mo nga siya, Sir na nga lang sign of respect ko sa kanya ayaw niya pang ipatawag.
[We need to talk privately, just the two of us.]
Medyo binagalan ko ang paglalakad at nagpahuli do'n sa tatlo. Natitingin na kasi sa'kin dahil may kausap ako sa phone. Sigurado mamaya magtatanong mga 'yan kung sino kausap ko.
Biglang pumasok sa isip ko 'yong tungkol sa article. Tama, kailangan naming mag-usap kung tungkol nga do'n!
"Paano?" Tanong ko rito."Privately talaga? I mean tayo lang talaga?" Pabulong kong sinabi 'yong huling tanong baka kasi marinig no'ng tatlo.
Kahit professor siya ayokong kausapin siya na kaming dalawa lang? Syempre, siguradong mag-uusap kami ng walang masyadong tao na makakakilala sa'min, particularly sa kanya, at ayoko ng idea na 'yon.
Napatingin ako kay Anne nang sumenyas 'to. Nagpaform 'to ng letter "C" gamit ang right hand niya, nabasa ko rin ang buka ng bibig niya at sabi niya "R".
CR? Tumango na lang ako at sinundan sila. Nag-escalator kami papunta sa may 2nd floor, sigurado kasing maramimg gumagamit sa cr sa ground floor.
[We can't let anyone hear us talking if you only know what I mean.]
Kung kaharap ko 'to malamang nairapan ko na. Alam ko tinutukoy mo! Alam ko!
"Alam ko tinutukoy mo, nakita ko," ang hirap naman makipag-usap ng ganito. Ingat na ingat ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
[You mean the article? How?]
Halatang hindi 'to makapaniwala. Ano'ng tingin nito sa'kin? Hindi marunong gumamit ng internet?
"Basta nakita ko," hindi ko masabing pinakita sa'kin ni Anne kasi makakahalata 'yong tatlo.
Dire diretso lang kami sa direksyon ng cr. No'ng papasok na sila medyo nilayo ko muna sa'kin 'yong phone ko.
"Dito na lang ako sa labas," sabi ko bago sila tuluyang makapasok sa loob. Natingin sila sa'king tatlo.
"Hindi ka ba magsi-cr?" Tanong ni Jade na inilingan ko.
"Hindi, tsaka baka mahina signal sa loob," tinuro ko pa 'yong phone ko. Tumango naman sila sa sinabi ko.
"Sige," pagkasabi no'n pumasok na sila sa loob.
Naglakad ako palayo sa may tapat ng pinto ng cr. Buti na lang walang tao dito sa part na 'to. 'Pag diniretso mo kasi 'tong parang corridor kung nasaan 'yong mga cr, parang mapupunta ka na sa authorize area.
"Hello?" Nilapit ko na ulit 'yong phone ko sa'kin.
[Done with your friends?]
Nakikinig sa usapan ng may usapan! Gusto ko sanang sabihin 'yon kaso baka ibalik sa'kin 'yong sinabi ko kasi aksidente ko ring nagawa. Aksidente lang ha.
"Hindi tayo pwedeng mag-usap na tayong dalawa lang," mabilis kong sabi. Sana magtagal 'yong tatlo sa loob!
[Why not?] Sa 'di ko malamang dahilan nagsisimula na kong mainis dito sa kausap ko.
Na-experience niyo na rin ba 'to? 'Yong naiinis kayo sa kausap niyo kasi kausap niyo siya? Gano'n!
[Don't think of bringing your friends.] May diin ang pagkakasabi niya no'n.
"Bakit hindi? Alam naman nila 'yong..." napatingin ako sa paligid, 'yong janitress ng cr lang pala. Hininaan ko na lang 'yong boses ko, "...tungkol sa article." Pagtatapos ko sa sasabihin ko.
[What?!] Medyo nalayo ko 'yong cellphone sa tenga ko.
"Pwede 'wag kang sumigaw? Hindi ako bingi, okay?" Kung sino man makakarinig nang pag-uusap namin baka akalain na kaedaran ko lang kausap ko.
[How...did...]
"Si Anne 'yong nakakita no'ng article at pinabasa sa'kin," ayan nasabi ko na.
[Anne who?] Napanganga ako sa sinabi nito.
Tumingin muna ulit ako sa paligid bago magsalita, "Estudyante mo hindi mo kilala? Tao ka ba?"
Pinag-introduce yourself pa kami no'ng nakaraan tapos gano'n lang. I mean, hindi ko naman ineexpect na matatandaan niya lahat ng name namin pero ni hindi man lang pamilyar sa kanya?
[Then what am I? An animal?]
"Hindi ba?" Hindi ko napigilang itanong.
[Let's just talk privately just the two of us, okay?]
"Hindi pa ba privately pag-uusap natin? Tsaka hindi naman 'to conference call kaya tayong dalawa lang nag-uusap," tantanan niya kasi 'yang private talk na kaming dalawa lang!
[Personally.] Binigyang diin nito 'yong 'personally'.
"Last time na nag-usap tayo personally in private at tayong dalawa lang naging disaster!" Disaster talaga para sa'kin 'yong cr scene na 'yon! At ngayon kausap ko na naman siya sa may tapat na naman ng cr. Buti na lang this time sa phone call na lang.
[Disaster? No. What you're talking about was our first meeting not the last time we talked.]
"Ano?" Ano bang sinasabi nito? Ang gusto ko lang naman i-emphasize 'e 'yong fact na hindi magadang idea na mag-usap kami!
[The last time we talked personally in private and only the two of us was in your building, Athena building.]
Bigla kong naalala 'yong tinutukoy niya. Niliteral naman niya 'yong sinabi kong 'last time'.
[Do you still remember?]
"Oo, 'yon 'yong time na hindi ko alam kung nagdedelusyon o nagdedeliryo ba ko kasi feeling ko nakita kitang ngumiti," bigla kong nakagat ang dila.
Lhia! Jusko! Kailan ka pa hindi natutong magpigil ng dila? Dire diretso ka, walang filter filter! Nawala na kasi sa isip ko na professor ko pa nga rin pala 'to kahit papano. Siya naman kasi! Siya nagsabi na 'wag ko siyang tawaging Sir! Pero wala naman siyang sinabing 'wag ko siyang irespeto...ah! Ewan!
[Are you aware that I'm still you're professor?]
Ayan na nga ba sinasabi ko 'e.
[But who cares I'm talking to you as someone I met tragiclly and not as a student.]
Akala ko isusumbat na prof ko siya. Pero ano raw...?
"Tragiclly talaga ang term?" Tragic means trahedya 'di ba? Ay, niliteral na translate ko lang 'e.
"Sir, define tragiclly. Hindi ko talaga ma-gets connection ng 'tragic' sa unexpected meeting natin no'n," diretsang sabi ko. No sarcasm.
[Then let's leave it as your assignment.]
"Assignment?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Lhia," napatingin ako sa direksyon no'ng tumawag sa'kin. Nasa may labas na pala sila Jade.
[I'll contact you later.]
"Ha? Teka," pero huli na kasi binaba na niya 'yong tawag.
"Hindi pa rin kayo tapos mag-usap?" Puna ni Anne. Hindi na ko nagtataka, paano no'ng nakita ko 'yong call duration namin umabot ng higit 10 minutes.
"Tapos na, binabaan pa nga ako 'e," lumapit na ko sa kanila.
"Sino ba 'yon?" Hindi ako umimik.
"Tara na," pag-iiba ko ng usapan.
"May tinatago ka ha," nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni Jade.
Sorry guys, pero ang isang tao kailangan pa rin magtago ng lihim.