Chapter 9

4284 Words
Saturday. Yey! Walang pasok! Lumabas ako sa kwarto ko at dumiretso sa sofa at nahiga. Oh yes, kailangan sulitin ang mga ganitong weekend na wala ka pang ginagawa. 'Pag dumating na naman kasi ang hell week sa college patay na naman. Hello sleepless nights na naman. Buti na lang din ang nagiging schedule ng mga klase namin since first year 'yong typical class days lang. Monday to Friday at wala 'pag weekends! "Gumising ka lang para lumipat ng higaan?" Napatingin ako kay kuya na kakalabas lang din ng kwarto niya. Hindi ko na lang siya inimikan at binalik ko ang tingin ko sa kakabukas ko lang na tv. Bahala siya d'yan, ang aga aga sisimulan na naman ako. Palibhasa day off nito ngayon 'e. Naupo 'to malapit sa'kin, "Mamaya sa kwarto ka muna mag-stay." Napatingin ako rito at nakatingin naman 'to sa cellphone niya. "Bakit?" Nakatinging tanong ko rito, sa cellphone pa rin niya 'to nakatingin. "May bisita kong darating," binaba nito 'yong cellphone nito sa gilid niya. "Sino? Lalaki ba?" Dumapa na ko mula sa pagkakahiga ko. Simula bata pa ko tuwing may pupunta siyang mga kaibigan o kaklase pinapag stay niya lang ako sa kwarto ko. Basta may ibang lalaki pinapag stay agad ako sa kwarto ko. "Oo." "Ah!" Impit na reaksyon ko ng nginudngod nito ang mukha ko sa unan sa sofa. Pinaghahampas ko ang braso nito, narinig ko naman ang pagtawa nito. Malalim na paghinga ang ginawa ko ng binitawan nito ang ulo ko. "Bwisit ka kuya!" Tinawanan lang ako nito nang mapang asar. Agad kong hinatak 'yong unan na pinagngudnguran niya sa'kin tsaka binato sa kanya. Malas lang at nasalo niya 'yong unan! "Weak," pang-aasar pa lalo nito. "Che! Bakulaw ka!" Umayos na ko nang pagkakahiga sa sofa. Kapag may ganito kang kapatid...naku! Sarap itakwil! Tahimik ba ulit kami pagkatapos no'n parang walang nangyari. Nanunod lang ako ng tv habang si kuya...ewan ko kung ano ginagawa. Lumipas ang oras ng gano'n gano'n lang. Napatingin ako sa may wall clock. 10:55 AM Nabaling ang tingin ko sa may pinto nang pumasok si kuya. Lumabas kasi kanina dahil may kausap sa phone, ang hina pa man din ng signal dito. Tumingin 'to sa'kin. "Pumasok ka na sa kwarto, malapit na rito 'yon," tinatamad akong bumangon sa pagkakahiga ko at tsaka dumiretso sa kwarto...nila nanay. Mas maganda kwarto nila 'e, may aircon na may tv pa. Pagkapasok ko sa kwarto binuksan ko agad 'yong aircon at tv tsaka diretso higa ako sa kama. Wala rito mga magulang namin, binisita si kuya. I mean 'yong isa ko pang kuya. Nagkasakit kasi kaya hindi makauwi rito kaya sila na lang pumuntang Baguio. Do'n kasi siya mag-ii stay hanggang February. Kinuha ko 'yong cellphone ko at tsaka ko nag-internet. Background noise lang talaga 'yong tv para hindi sobrang tahimik dito sa kwarto. Isa lang naman ang tambayan ko 'pag nag-iinternet 'e. f*******:. Wala pang ilang segundo simula no'ng buksan ko 'yong internet may nagpop-out agad na chat head. Galing kay Jade, may tinatanong lang tungkol sa isa naming subject. Dahil puro connecting lang at ayaw mag-send no'ng message ko in-exit ko 'yong chat head niya. At tsaka ko pumunta sa mismong messenger, karaniwan kasi ganito nangyayari 'e. Ia-upgrade ko na talaga 'to ng hindi na laging connecting. No'ng messenger na mismo in-open ko nag-connected na agad kaya nag-tap na ko ng reply kay Jade at sinend na 'yon. Binack ko agad pagkasend ko kay Jade at tinignan 'yong filter message. Para kasing may nabasa kong pangalan kanina sa filter message ko bago ko mag-chat kay Jade. At hindi nga namalikmata, tama 'yong nahagip ng mata ko kanina. Vanlourd Mallet You better open this message or else... Or else ano? Ano na naman bang problema nito? Ipipilit na naman bang mag-usap kami? Sinabi na kasing ayoko 'e! Hindi ba siya naiisip na ang awkward no'n? Ako nga iniimagine ko pa lang na mag-uusap kami at gano'ng topic pa...oh my! Mamatay matay na ko sa pagkailang! Hindi ko in-open message niya. Hindi naman niya malalamang online ako, naka-offline rin naman kasi ko sa chat. Bumalik na ko sa mismong f*******:. Fangirl mode muna! Habang nagba-browse ako sa news feed ko napatigil ako nang makita ko ang isang picture. Czam Luke Sho updated his profile picture. Hindi ko naiwasang hindi matawa nang makita ko 'yong picture. Paanong hindi? Parang naliligaw na bata itsura ni Sir Czam. Mabait si Sir Czam at magaling pa magturo, pareho naman sila ni Sir Van, at saya pa sa klase niya kasi light lang hindi ka mape-pressure. Tulad ngayon, binigay niya 'yong buong month ng November para mag-isip kami ng topic sa individual research namin. Pag-isipan na rin daw namin kung qunatitative o qualitative research ang gagawin namin. Though iche-check pa rin naman daw niya kung tama kung mapipili naming type sa research na gagawin namin. Wala akong problema kay Sir Czam, kahit mayroon akong problema sa kaibigan niya, 'pag nasa loob ng classroom professor-student pakikitungo niya pero 'pag nasa labas parang kaibigan ka niya. Kabaligtaran ni Sir Van! Ni hindi man lang naambunan ng kaunting kabaitan! Paano kaya naging magkaibigan 'yon? Tsk. At dahil nakita ko na rin lang profile ni Sir Czam, sige i-visit ko na! Pinindot ko 'yong name niya at napunta na ko sa profile niya. Bago ko makita 'yong mga post niya natigil muna ko sa may friends list niya. May nakita kong 4 mutual friends. Four? No'ng in-add ko siya noon isa lang mutual friend namin. Pinindot ko 'yong mutuals namin. "Oh!" Wow! Inaccept na pala ni Sir friend request no'ng tatlo. Na-excite ako para sa mga kaibigan ko kaya minessage ko agad sila para i-congrats! Tagal nilang inantay 'yan 'e. Lana Iya: Guyss! Congrats!! Inaccept na pala ni Sir Czam yung fr niyo :D Ilang segundo lang may message na nanggaling kay Jade. Jaydel Paulette: Ilalabas ko pa nga lang sana yung feels ko kasi kaka accept lang ni Sir! yess!! Hindi ko maiwasang mangiti, damang dama ko ang tuwa ni Jade. Lana Iya: Oh, bawal na siyang pagnasahan. Professor. Jaydel Paulette: Oo na, tanggap ko na. Tanggap ko na hanggang friends lang kami after niya kaming iaccept Clarise Anne: Hugot na hugot Jade hahaha Jaydel Paulette: Ganon talaga Anne. Aminin! Kinilig ka rin nung iaccept Clarise Anne: Medyo lang hahaha xD Lana Iya: Medyo na lang daw, kasi mas kilig siya sa jowa niya Hahaha! Seen! Ganyan tayo Anne e XD Jaydel Paulette: Kunwari di natin alam lhia hahaha Lana Iya: Sige, kunwari hahahaha Nang ilang segundo pa wala pang nag-message ulit in-exit ko muna 'yong chat conversation namin. Napatitig ako sa mutual friends namin. 'Yong tatlo sila Jade, Shei, at Anne. Sino 'yong isa? Tinignan ko kung sino at agad akong napaupo nang makita ko ang pangalan. Travis Jake Velasco Si kuya?! 'Yong abnormal kong kuya? Agad akong tumayo sa kama at tumakbo papunta sa pinto. Marahas ko 'tong binuksan. "Kuya Travis!" Gulat 'tong napatingin sa'kin pero agad ding napalitan ang tingin nito. Tinignan ako nito nang masama. Bakit? Ano ginawa ko? May itatanong lang naman ako! Bigla kong naalala kung bakit ako nasa kwarto nila nanay. Shoot. Nawala sa loob ko, may bisita nga pala 'to! "Lana?" Napatingin ako sa tumawag sa'kin. Napauwang ang bibig ko nang makita ko kung sino ang tumawag sa'kin. "Sir Czam?!" Gulat na tawag ko rito. Siya ang bisita ni kuya? Ibig sabihin hindi lang sila friends by f*******: kundi friends in real life rin? Amazing! "Lana Iya," bigla akong natauhan nang tawagin ako ni kuya. Lagot...Lana Iya na tawag. Tumingin ako rito at alanganing ngumiti. "Kuya, nakalimutan ko lang naman 'e," pagpapaliwanag ko agad. "Wait, wait, so she's your sister?" Nabalik ang tingin ko kay Sir Czam. "Yes, Sir!" Ako na ang sumagot sa tanong nito. Naguguluhang tinignan ako nito. "Don't even ask how. You know how babies were form," hindi makapaniwalang tinignan ko si kuya Travis. 'Yong mga ganitong bibig ang dapat may filter 'e, hindi 'yong mga camera phone na nakakapandaya ng tao! "Dude, what I meant was...I'd been here before couple of times but I didn't saw her even for once," bakit ba nauwi sa English-an ang usapan nila? "Sir, lagi kasi kong pinagtatago niyan sa kwarto kapag may bisitang hindi namin kamag-anak. Lalo na po kapag may lalaki pa or lalaki pa ang bisita," ako na nagpaliwanag, wala kasi kong nakikitang patutunguhan kung si kuya pa aantayin niyang magpaliwanag. "Why 'Sir'? Is he your professor?" Nabaling naman kay kuya 'yong tingin ko. Tumango ako rito at napakunot noo ako sa naging reaksyon nito. Para kasing natatawa na najejebs 'e. "How unfortunate," luh. "Rude," ganting sabi ni Sir Czam. "Mas unfortunate nga siya kasi kaibigan ka niya," hindi ko napigilang side comment. "Ano?" Ay, narinig pala ko. Tumingin ako kay Sir Czam, "Sir, mukha naman po kayong matino pero bakit ang mga napipili niyong kaibigan mga abnormal?" "What?" Pagkasabi no'n natawa 'to nang malakas. "Hoy, ikaw!" Agad akong umatras papasok sa kwarto at sinara ang pinto, nilock ko pa para masaya. "Sir, see you at school na lang!" Sigaw ko mula sa loob ng kwarto. Rinig ko pa rin ang pagtawa niya at pag-awat sa kanya ni kuya para tumigil na. Sige, iko-consider ko na lang 'yan na ganti sa'yo kuya! Dumiretso na lang ako sa banyo rito sa kwarto. Dito na lang ako maliligo tutal naman dinala ko na rito kanina 'yong mga damit ko. Pagkatapos kong maligo ay tinuyo ko lang 'yong buhok ko. Halos hindi pa tuyong tuyo 'yong buhok ko no'ng may kumatok sa pinto. Lumapit ako rito at binuksan 'to. Nakangiting Sir Czam ang bumungad sa'kin pagkabukas ko. "Sir, bakit po?" Tinago ko 'yong hawak kong towel sa likod ko. "Kakain na, labas ka na," sumilip ako sa may wall clock sa may sala. 11:41 AM na? Ang tagal ko pala sa banyo? Binalik ko ang tingin kay Sir Czam, "Sige po, Sir. Una na po kayo susunod na ko." Tumango naman 'to sa'kin bago tumalikod at naglakad papunta sa direksyon ng dining table. Matapos kong ayusin 'yong mga gamit sa kwarto at patayin ang tv at aircon ay lumabas na ko. Hindi ko maiwasang hindi manibago kasi paglabas ko mas mainit kumpara sa kwarto. Pagdating ko sa dining nakaayos na 'yong mga pagkain at mga gamit kaya diretso upo na lang ako. Nag-short prayer lang si kuya tapos nagsimula na rin agad kaming kumain. Habang kumakain nag-uusap lang si kuya at Sir. Samantalang ako tahimik lang, ni hindi ko na nga iniintindi pinag-uusapan nila. Wala naman kinalaman sa'kin tsaka boy stuff lang naman. "Lana," napatingin ako kay Sir Czam nang tawagin ako nito. "Bakit po?" Tanong ko rito pagkalunok ko no'ng sinubo ko. "Sama ka sa'min ng kuya mo?" Nakangiting tanong nito, all smile si Sir ha. "Saan po?" Binaling ko kay kuya ang tingin ko, "Saan kayo pupunta?" Aalis sila? 'E 'di ako lang pala maiiwan dito sa bahay? Imbes ba sagutin ako kay Sir Czam 'to tumingin, "'Wag mo na ngang ayain." Binalik ko ang tingin kay Sir Czam "Bakit? Wala siyang kasama rito," tumingin 'to sa'kin. "Sa mall lang naman kami pupunta, may exhibit kasi sa activity area." "Ano'ng klaseng exhibit po?" "Music related," music related? Teka, 'di ko gets. Paanong music related? Magtatanong pa sana ulit ako kaso naunahan akong magsalita ni Sir. "Sama ka na, if ever hindi mo magustuhan 'yong exhibit pwede ka na lang mamasyal sa mall." Nag-isip ako saglit pero hindi ako tumitingin sa direkayon ni kuya. Siguradong masama tingin no'n 'e. "Sige po, Sir," pagpayag ko. Naalala ko kasing may libro nga pala kong gustong gusto kong bilhin. Baka mayroon ng stock sa NBS. "Tsk, pustahan diretsong NBS ka na naman," tinignan ko lang si kuya bago ko bumalik sa pagkain. Pabayaan na lang, tutal hindi na naman siya kumontra sa pagsama ko. Hello NBS ako later! * * * Nasa sasakyan na kami ngayon. Nasa back seat ako habang nasa passenger seat naman si Sir Czam. Si kuya bumalik sa loob ng bahay kasi biglang nag-ring 'yong telepono no'ng pagkasakay niya. Ayaw siguro siyang paalisin. Hah! Habang iniintay si kuya, na siyang driver, may bigla akong naalala. Lumapit ako sa inuupuan si Sir. Napatingin naman 'to sa'kin na para bang napansin ang paglapit ko sa kanya. "Bakit?" Tanong nito sa'kin. Si Sir Czam naman 'to 'e, ayos lang magtanong. "Sir, paano niyo naging kaibigan si kuya?" Ngayon ko lang kasi naalalang hindi ko nga pala natanong kanina habang kumakain kami. Natawa naman 'to bigla bago magsalita, "Akala ko naman tungkol kay Van itatanong mo." Kay Sir Van? "Bakit naman po ako magtatanong tungkol sa kanya?" "Aware ka naman na siguro tungkol do'n sa article 'di ba?" Kung gano'n alam niya rin pala 'yong tungkol do'n. Sabagay, mukhang best friends sila kaya malamang. "Opo pero 'wag na nating pag-usapan," agad kong paglilinaw. "So paano nga po, Sir?" "Ah, kung paano kami naging magkaibigan ng kuya mo? Magkaklase kami no'ng college. Madalas din kaming magkagrupo sa mga activities kaya naging close kami," ah, college friends pala. Oo nga pala, naalala ko no'ng sinabi niyang Masscom siya. "Pero kayo lang po 'yong magkaibigan? I mean, si Sir Van po ba..." luh, bakit ko ba biglang naisip na ipasok sa usapan 'yon? Iniba ko na nga usapan kanina 'e! "Don't ever mention Van infront of your brother," nagtaka naman ako sa biglang pagbabago ng tono ni Sir Czam. Sobrang seryoso, ni hindi nga siya nagsasalita ng ganito sa klase. "You're free to mention Travis name infront of Van but not the vice versa." "Bakit po?" Hindi ko na mapigilan 'yong curiousity ko. Paanong hindi? 'E bigla bigla na lang nagbabago 'tong si Sir! "Just don't Lana," natigil ang usapan namin nang pumasok bigla sa sasakyan si kuya. Napatingin 'to kay Sir tsaka sa'kin, "Hoy, umayos ka na nga ng upo. Mag-seat belt ka." Sita nito sa'kin na agad ko namang sinunod. Pagkasunod ko sa sinabi ni kuya ay pasimple kong sinilip si Sir Czam. Bahagya akong napakunot noo, balik na kasi siya sa normal. All smile na ulit. Ano'ng mayroon sa pagitan nila kuya at Sir Van? Bakit gano'n na lang bilin sa'kin ni Sir Czam? Hindi kaya...magkaaway sila Sir Van at kuya? Sa ugali ba naman nilang dalawa hindi na ko magtataka kung tama man ako. Bahala na nga! Kung ano man ang rason susunod na lang ako. Nasa sampung minuto lang ang layo no'ng mall na pupuntahan namin sa bahay. Agad din kaming nakarating sa mall. Pagkatapos i-park ni kuya 'yong kotse sa parking space ng mall ay agad kong tinanggal 'yong seat belt ko. "Kuya, una na lang kayo. Punta lang akong cr," hindi ko na inantay 'yong sagot nito at agad na kong bumaba sa sasakyan at tumakbo papasok sa loob. Dire diretso lang akong nakapasok. Wala naman iche check sa'kin 'yong guard, wala naman akong dalang bag 'e. Dumiretso ako sa cr ng 2nd floor. Buti na lang ang mga cr nasa malapit sa exit, sa papuntang parking. Dire diretso lang ako sa cubicle. At ginagawa ko na ang dapat kong gawin. Matapos ko at lumabas agad ako at naghugas ng kamay sa sink. Tinuyo ko lang 'yong kamay ko gamit ang tissue tsaka na lumabas. Sa may ground floor ang activity area. Naglakad ako papunta sa kabilang side ng mall. Kung saan pagbaba ko sa escalator 'e ayon na agad 'yong activity area. Nang malapit na ko sa may escalator ay napatigil ako nang may mahagip ang mata ko sa isang stall. Wala naman sigurong masama kung dumaan muna ko do'n? Imbes na tumuloy sa may escalator, naglakad ako papalapit sa stall na 'yon. Dumiretso ko sa may part kung saan nakasabit 'yong mga cap. Ang daming magagandang cap. Naglakad ako nang mabagal habang tinitignan isa isa 'yong mga nakasabit. Napahinto ako sa tapat ng isang cap. Shoot! Gusto ko 'tong cap na 'to! Kinuha ko 'yong cap tsaka ko tinignan nang maigi. Ang ganda! Gusto ko talaga! White 'yong pinaka cloth cap tapos 'yong visor kulay black. 'Yong design niya 'yong logo no'ng brand. Sinukat ko kung kasya ba sa ulo ko 'yong cap. Wala kasing adjust-an. Saktong sakto lang naman. Out of plan 'to pero sige, bibilhin ko basta pasok sa budget! Hinubad ko 'yong cap at hinanap 'yong tag price. Pwede na, kaya namang bilhin. Pupunta na sana ko sa cashier kaso hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko kasi mahanap ang wallet ko! Nasaan 'yon? Dala ko 'yon 'e! Naku! 'Di pwedeng mawala 'yon. Nando'n din 'yong cellphone ko. Two-in-one 'yong wallet na 'yon 'e, lalagyan na ng pera lalagyan pa ng cellphone! Inisip kong mabuti kung saan ko ba huling nakita o nilagay 'yon. Tanda kong dala ko siya, nasa tabi ko pa no'ng nasa sasakyan. Pero nadala ko ba? Parang may light bulb na umilaw sa ibabaw ng ulo ko. Hindi ko siya nabitbit no'ng bumaba ako! Tinignan ko nang nanghihinayang 'yong cap. Mukhang hindi kami meant to be, sabagay pwede naman akong bumalik pagkakuha ko no'ng wallet ko. Binalik ko muna 'yong cap sa pinagkuhanan ko. Bibilhin kita! Pupuntahan ko lang si kuya saglit para buksan 'yong kotse o baka kasi nakuha naman niya 'yong wallet ko bago sila bumaba kanina. Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad palabas ng stall. Bago ko makarating sa may escalator ay napasilip muna ko sa may activity area dahil sa ingay na narinig ko mula rito. Ano'ng mayroon? Hindi ko alam kung ano'ng pinagkakaguluhan sa baba pero hindi naman siya mukhang may away o something. Bigla kong naisip na hanapin si kuya mula rito. 'Pag sa baba pa ko magsisimulang maghanap siguradong mahihirapan ako. Nilibot ko ng tingin 'yong mga nasa baba. Nasaan ba si kuya? Ano nga bang kulay suot no'ng damit? Naiatras ko ang ulo ko ng biglang may humarang sa mga mata. Tatanggalin ko na sana kaso bigla na lang may kumaladkad sa'kin. Bahagya kong naiangat 'yong humarang sa mga mata ko. Cap ba 'to? Tinignan ko 'yong kumakaladkad sa'kin. Teka, si... "Sir Van?" Gulat na tawag ko rito, tinignan ako nito at agad na binaba ang visor ng cap. "Don't call me 'Sir' and just let that cap the way it is," naramdaman kong mas bumilis 'yong paglalakad nito. "Ano? Hayaan kong ganito? Hindi ako makakita!" Sinubukan kong ayusin ulit 'yong cap pero pinigilan niya ko. "I said don't," bigay diin nito. "Akala ko ba wala ka ng galit sa'kin? 'E bakit parang gusto mo kong masubsob?!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses sa kanya. Naramdaman ko ang paghinto nito sa paglalakad kaya gano'n din ako. Nawala ang pagkakahawak nito sa wrist ko pero naramdaman kong lumipat ang kapit nito sa may ulo ko. "Let's go," nagsimula na ulit 'tong maglakad kaya gano'n din ako. Hindi na ko madapa dala tulad kanina, mas mabagal na rin kasi ang paglalakad namin. "Saan tayo pupunta?" Hindi ko na napigilang itanong. "Parking," tipid na sagot nito. "Parking? Parking lot? Teka," huminto ako sa paglalakad kaya ganito rin 'to. Tinignan ko 'to kahit na nakahawak pa rin 'to sa ulo ko. "Aalis tayo? Hindi pwede!" "What? No! We'll just talk inside my car," nagsimula na ulit 'tong maglakad kaya nagpatangay na lang ako. Okay, mag-uusap lang naman pala 'e. Nakarating na kami sa parking lot. Dumiretso kami sa isang puting sasakyan. White Adventure? Binuksan niya 'to at sa may back seat niya ko pinapasok. Pumasok din agad 'to kasunod ko. Pagkasara niya ng pinto agad kong inayos 'yong pagkakasuot ng cap sa ulo ko para makita ko na rin siya nang maayos. "Ano po ba ang pag-uusapan natin?" Binigyang diin ko talaga 'yong 'po', wala lang para lang ma-emphasize na matanda na siya. Tinignan ko nito pero hindi nagsalita. Tinignan ko lang din siya. Sabi niya mag-uusap daw kami, 'e di siya magsimula. "You have time to go to mall but don't have time to check your f*******: messages?" Naalala ko 'yong kanina, 'yong inbox zone lang ginawa ko sa message niya. "Sir," si Lhia, Sir na itawag mo't wala na naman kayo sa public place. Ay teka, 'di ba baliktad? Dapat sa public place siyang tawaging 'Sir'. Sabagay, siya naman may gusto no'n! "Hindi tayo friends sa f*******:, Sir. Kaya po malaki ang chance na napunta sa filter message 'yong message niyo sa'kin, kaya hindi ko nabasa," casual na sabi ko. "Really? How about the last time we talked through messenger?" Last time? Bigla kong naaalalang pumasok din sa filter message 'yon pero na-replyan ko siya. "Sige, Sir! Pagkauwing pagkauwi ko bubuksan ko agad 'yong messenger at hahanapin ang message niyo sa filter message," dear Lhia, iyan na ba ang todong palusot na kaya mo? Wow. "Are you f*ck*ng kidding me?" Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. "Magmura talaga? Sa harap ng estudyante? Bawal ka sa Pre-school!" Hindi ko naiwasang side comment. Aba! Bawal talaga 'yan! Tinitigan lang ako nito nang masama, "That's why I'm in terrestial level. Anyway..." inayos nito ang pagkakasuot ng cap niya sa ulo niya. Ngayon ko lang napansing naka-cap din pala siya. Kulay black. "...that article was taken down already. It was deleted in the site. Fortunately, it was resolved within an hour so not much fuss was made." Nakatitig lang ako rito. Ano raw? 'Yong article deleted na? Sa loob ng isang oras matapos ma-post? Paano? "Don't ask how," pangunguna nito sa'kin. "Go." "Ha?" Natatangang tanong ko rito. "We're done talking. You may now go," 'yon na 'yon? 'Yon na 'yong talk na sinasabi niya? 'Yon na 'yong talk na tinawag niya sa'kin, 'yong talk na minessage niya pa ko? Todo na talaga 'yon? Wala naman siyang kahilig hilig sa pakikipag-usap 'no? "Todo na 'yon, Sir?" Hindi pa ring makapaniwalang tanong ko. "What?" Nagtataka naman ako nitong tinignan. "Kung 'yon lang pala sasabihin niyo sana sinabi niyo na no'ng magkausap tayo sa phone no'ng nakaraan. Para ngang mas mahaba pa pag-uusap natin noon kumpara ngayon 'e," kung tama tanda ko nasa 10 minutes kaming magkausap no'n! 'E ngayon? Minus 'yong paglalakad namin, mukhang wala pa sa 5 minutes pag-uusap namin! Nakatitig lang 'to sa'kin. Hindi nagsasalita. Walang reaksyon. Ayos, ayos talaga. Makalabas na nga! "Sige po, Sir," pagpaalam ko rito. Bakit kaya ganito 'to kausap? Bubuksan ko na sana 'yong pinto sa gilid ko nang matigilan ako. "Shoot!" Agad akong humarap kay Sir Van at binaba ang visor ng cap nito hanggang sa matakpan na nito ang halos kalahati ng mukha nito. "Iya!" Agad kong tinakpan bibig nito. Kahit na nakatalikod ako sa bintana ng pinto sa gilid ko, napayuko pa rin ako ng bahagya para hindi ako makilala nito. Si kuya Travis kasi, nasa labas! Magkatabi pa ng sasakyan 'yong koste ni kuya at kotse ni Sir Van. Naalala ko bigla 'yong bilin ni Sir Czam kanina lang. "Don't ever mention Van infront of your brother. You're free to mention Travis name infront of Van but not the vice versa." Kung hindi na magiging maganda ang mangyayari 'pag nabanggit pa lang kay kuya ang pangalan ni Sir Van, paano na lang kung makita siya ni kuya nang harapan! Pasimple akong tumingin sa may likuran ko at nakita kong naglalakad na palayo si kuya. Tinanggal ko na ang pagkakahawak sa cap ni Sir at ang pagkakatakip ko sa bibig nito. "What was that for?" May halong inis sa boses ni Sir Van. Tinignan ko 'to. "Nasa labas po kasi si kuya kanina. Baka makita ka niya mula sa labas," sagot ko rito. "So what if he see me?" Oo nga pala, hindi nga pala nito alam kung sino kapatid ko. Sabihin ko ba? Hay, sige na nga. "Travis...Travis is the name of my brother," napansin ko ang bahagyang pagkagulat nito pero agad din 'tong nakabawi. "No wonder why," tinitigan ako nito sa mga mata. "You're exaclty like him." Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Ano'ng ibig niyang sabihin? Pero ngayong napunta na kami sa topic na 'to nacucurious ako kung ano bang issue nila sa isa't isa, kung mayroon man. "May nangyari ba sa inyo ni kuya? Paano kayo nagkakilala?" Buong tapang na tanong ko. Gusto ko talagang malaman kung ano ba talagang nangyari sa kanila. Imbis na sagutin ako nito ay binaba nito ang visor ng cap ko tulad ng ginawa ko sa kanya, at ginawa niya sa'kin, kanina. "You better go now, keep the cap," gustuhin ko mang magtanong pa pero halata namang ayaw din niyang pag-usapan. Hindi na ko umimik pa at lumabas na lang agad. Naisip ko rin kasing baka hinahanap na ko ng kapatid ko. Bago pa ko makalayo sa sasakyan ay bumaba ang bintana ng kotse sa gawi ko. Napatingin ako rito, kay Sir Van, "By the way..." nakatitig ako rito't inaantay ang sasabihin nito. "This car is heavily tinted," pagkasabi no'n ay sumara na ulit 'yong bintana. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko 'yong 'pag smirk niya. Wait. Sinabi ba niyang tinted? Napauwang ang bibig ko nang marealize ko 'yong ibig niyang sabihin. Kung gano'n sayang lang 'yong effort kong itago siya kanina sa pag-aakalang makikita siya ni kuya mula sa labas? Bwisit! Ngayong napatitig ako sa bintana napansin ko ngang tinted siya! Kaimbyerna! Hindi man lang sinabi! Naiinis kong tinalikuran 'yong sasakyan. Ibang klase rin 'yong lalaking 'yon, bago ko bumaba sobrang seryoso no'ng aura. Pagkababa ko naman sobrang mapang-asar! Nag-smirk pa! Sana nahipan ng hangin galing do'n sa aircon ng kotse niya. Para hindi na bumalik sa dati 'yong mukha niya! Dire diretso ako sa paglalakad. Papasok na sana ko sa loob ng mall kaso napahinto ako dahil sa nagsalita. "Why are you with him?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng sobrang pamilyar na boses. Hindi ako makasagot sa tanong niya, "I said why?" Napalunok ako sa tanong niya. Nakita niya kami? "Kuya Travis..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD