Travis' POV
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasaan na ba si Lana? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Nakaramdam ako ng vibration sa isang kamay ko kaya napatingin ako rito. Damn. Naiwan nga pala ni Lana 'yong higanteng wallet niya sa kotse, kaya ako ang nagdala.
Tumingin ako kay Czam na nasa gilid.
"Czam," tumingin 'to sa'kin.
"Yeah?" Umayos 'to ng pagkakatayo.
"Hanapin ko lang kapatid ko," tumingin tingin 'to sa paligid.
"Hindi pa ba siya nakakabalik? Go ahead, dito na lang ako para in case na nandito na pala siya," tinanguan ko na lang 'to tsaka tumalikod.
Naglakad na ko palayo sa activity center at pinuntahan ang floor kung saan 'to nagbanyo. Napahinto ako sa may tapat ng mens comfort room, paano ko hahanapin si Lana sa cr ng mga babae?
Lumapit pa ko ng kaunti sa may cr ng mga babae. Ilang saglit lang may lumabas na janitress mula rito.
"Excuse me," huminto 'to at tumingin sa'kin. Paano ko ba ide-describe 'yong panget kong kapatid dito.
"Uhm, may nakita ka bang babaeng naka black shirt at gray shorts sa loob?" Ano bang klaseng description 'yon?
"Sir, sa may mga sink po puro clerk sa department store lang nandoon. Hindi ko lang po sigurado sa loob ng cubicle," napatango ako sa sagot nito. Nasa cubicle kaya 'yon? Ganito katagal? 'Wag niyang sabihing binibinyagan niya cr ng mall?
"Gusto niyo po i-check ko, Sir,?" Umiling ako sa offer nito. Abala na 'yon sa part niya.
"Hindi na, salamat ha?" Ngumiti ako tsaka umatras para makadaan na siya. Sinundan ko lang 'to ng tingin hanggang sa nahalo na 'to sa mga tao sa may labas ng corridor ng cr.
Napakunot noo ako sa napansin kong isang pamilyar na tao. Si Van? Kahit naka cap siya sigurado akong siya 'yon. Napansin kong may kasama siyang nakasuot din ng cap... isang babae? Nakasuot ng black shirt at gray shorts? Lana?
Mabilis akong naglakad sa direksyon nila. Nakita kong lumabas sila papuntang parking area. Hindi ko gusto 'yong nararamdaman ko.
Damn! Van, ano'ng gagawin mo sa kapatid ko? Bakit mo siya kasama? Paano mo siya nakilala?
Patakbo kong lumabas sa may parking area. Bwisit! Bakit ang bilis nilang nawala? Nasaan na?
Nilibot ko ang paningin ko, saan? Nasaan sila? Naglakad lakad ako sa parking. Imposible namang nakaalis agad sila.
Napahinto ako sa may tapat ng sasakyan ko. Sigurado akong si Van 'yong lalaki pero si Lana ba talaga kasama niya? Paano naman sila nagkakilala kung nagkataon?
Napabuntong hininga ko, hindi si Lana 'yon. Hindi siya, hindi pwede. Babalik na sana ko sa loob ng mall, baka nasa activity area na si Lana, pero napahinto ako sa napansin ko. Sa tabi ng sasakyan ko isang pamilyar na kotse.
Tinignan ko ang plate number, kotse nga ni Van. Naglakad ako sa pagitan ng mga sasakyan namin, posible kayang nasa loob si Van at si Lana? Bigla akong humarap sa sasakyan ko.
Hindi si Lana 'yon, hindi siya. Naglakad na ko palayo, pabalik sa loob ng mall.
Nasa may entrance na ko ng mall ng bigla akong huminto sa paglalakad. Hindi talaga ko mapakali, humarap ako sa direksyon ng sasakyan namin ni Van.
Nagulat ako sa nakita ko, si Lana bumaba galing sa sasakyan ni Van? Hindi ko magawang lumapit papalapit sa kanila. Pinanuod ko lang kung paanong naglakad papalapit sa may pwesto ko si Lana. Kung paanong hindi niya ko napapansin.
"Why are you with him?" Tanong ko kay Lana no'ng matapat 'to sa'kin. "I said why?"
"Kuya Travis..." agad kong hinatak si Lana sa braso, papunta sa sasakyan.
"Kuya, teka lang...kuya," hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa'kin.
Napatingin ako sa kotse ni Van ng bumukas ang back seat door nito, kung saan bumaba si Lana kanina. Hinatak ko papalapit sa'kin si Lana no'ng nakita ko si Van na bumaba at nakatingin sa'min.
"Get inside the passenger seat," pinindot ko 'yong key ng sasakyan para ma-unlock ang pinto.
"Kuya, bakit ba kasi..." hindi ko na 'to pinatapos magsalita.
Inis na tinignan ko 'to, "I saide get in!" Halata ang gulat sa mukha ni Lana pero sinunod din naman niya ang utos ko.
Nang makapasok na sa loob ng sasakyan si Lana tsaka lumapit si Van sa'kin. Ngayong kaharap ko na mismo siya hindi ko na maiwasang mainis ng sobra. Tuwing nakikita ko siya lagi kong naaalala 'yong nakaraan.
"She don't know anything. You shouldn't done that," titig na titig na sabi nito.
"How did you know her?" Sa lahat ba naman ng babaeng pwedeng makilala ang kapatid ko pa? Si Lana pa talaga?
"By accident," parang nagpantig ang tenga ko at mabilis akong humakbang hanggang sa halos magtama na katawan namin.
"f**k you Van! What did you do to her?" naikuyom ko ang kamao ko.
"Nothing to worry about," wala lang na sagot nito.
"Really? The last time you met someone by accident," hinawakan ko ng sobrang higpit ang kwelyo nito. "I lose her."
Binitawan ko na ang kwelyo nito at naglakad na papuntang driver's seat. Sumakay agad ako, ramdam ko ang tingin sa'kin ni Lana.
"Don't even ask," ini-start ko na ang sasakyan.
Bago ko paandarin paalis ang sasakyan ko nakita ko pa ng huling beses si Van. How I wish this will be the last.
Tahimik ang pagbyahe namin hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko 'to pinansin, siguradong si Czam lang 'yan dahil hindi na kami bumalik ni Lana.
Mabilis lang ang byahe namin kaya nakarating agad kami sa bahay. Halos sabay kami ni Lana na bumaba sa sasakyan. Dire diretso lang ako sa loob ng bahay.
Pupunta na sana ko sa kwarto ko ng bigla akong tawagin ni Lana. "Kuya," tinignan ko 'to.
"'Yong tungkol sa kanina, paano mo nakilala si—"
"Huwag ka na ulit makikipagkita sa kanya," diretsong sabi ko rito bago pa 'to matapos magsalita. "Hindi ko alam kung paano kayo nagkakilala pero huwag na huwag ka na ulit makikipagkita sa kanya."
"Kuya," halatang gusto nitong magtanong pero hindi nito magawa. Hindi ko rin naman hahayaan.
"Shut it Lana," tinalikuran ko na 'to. Bukod sa ina namin, si Lana na lang ang babae sa buhay ko. Hindi ako papayag na pati siya mawala sa'kin dahil kay Van.
"Professor ko siya! Siya at si Sir Czam, hindi ko siya maiiwasan," natigilan ako sa narinig ko. Gulat kong hinarap ang kapatid ko.
"Ano'ng sabi mo?!" Professor niya ang gunggong na 'yon?!
"Professor ko siya sa isang major subject," pag-uulit nito.
Saglit akong tumahimik, "Lilipat ka ng school."
Kita ko sa mukha nito kung paano 'to nagulat, "Ano? Nababaliw ka ba?"
"Lilipat ka ng school sasabihin ko kila Nanay at Tatay," may pagdedeklara sa boses ko.
"Kuya naman! Hindi ba masyado ka namang unfair? Bakit ako lilipat ng school? Dahil lang kay Sir Van? Iyon ba ang sasabihin mo sa kanila?"
"Lilipat ka ng school! Sasabihin ko sa mga magulang natin and that's final!" Bahala na kung ano'ng rason ang sasabihin ko sa kanila.
"Napaka unfair mo! After this sem isang taon na lang graduate na ko. Palilipatin mo pa ko? Paano kung hindi ma-credits 'yong iba kong subject sa paglilipatan mo sa'kin? 'E 'di nagsayang lang tayo ng pera at nasayang lang din effort ko? Tsaka...ano'ng kinalaman ko sa problema niyong dalawa? Problema niyo 'yon, hindi ako kasama do'n!" Ramdam ko ang pagkainis ni Lana pero hindi niya kasi maintindihan ang dahilan ko.
"Hindi mo ko naiintindihan Lana," puno ng diin ang pagkakasabi ko sa bawat salita.
"Kasi ayaw mong ipaintindi! Lahat sinasarili mo! Ni ayaw mong sabihin kung paano mo siya nakilala at kung ano ang issue mo sa kanya!" Natigilan ako sa sinabi nito. Bakit? Kapag ba sinabi ko sa kanila maiintindihan ba nila ko? Sigurado namang hindi. "Bakit ba ikaw pa ang nakakasama ko rito sa bahay at hindi si kuya Jarvis?" Napatitig ako kay Lana sa huli nitong sinabi, agad 'tong umalis sa harap ko at dumiretso sa kwarto nito.
Inis kong ginulo ang buhok ko. Madalas kaming mag-asaran ni Lana pero ngayon lang kami nag-away ng ganito. At dahil pa kay Van! Dahil na naman sa kanya! Bwisit ka talaga Van, bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng makilala kapatid ko pa? Pambihira naman!
Napatingin ako sa hawak ko, 'yong pouch bag ni Lana. Napabuntong hininga ko, iiwan ko na lang siguro 'to sa labas ng kwarto niya. Malabong magkausap kami ngayon.
Pumunta ko sa tapat ng kwarto niya tsaka ko kumatok ng dalawang beses. Sigurado naman kasing naka lock pinto nito. Walang nagsalita mula sa loob. Ibinaba ko na lang sa sahig 'yong hawak ko tsaka ko pumunta sa loob ng kwarto ko.
Napatitig ako sa screen ng cellphone ko ng bigla 'tong tumunog. Si Czam. Neutral siya pagdating sa'min ni Van kahit na pareho niya kaming malapit na kaibigan.
Ini-slide ko 'yong answer botton at tinapat sa tenga ko 'yong cellphone.
[Hello? Dude! Nasaan na kayo ni Lana? Magkasama ba kayo?]
"Yeah."
[Nasaan na kayo? Hinahanap ka na no'ng magkapatid na Narcisco. Hinaharass na ko ng dalawang baliw dito!]
"We're home," walang kalakas lakas na sabi ko.
[What?!]
"I saw Van earlier," natahimik sa kabilang linya. "He talked to Lana for I don't know why."
Natigilan ako sa sinabi ko. Bakit nga kaya nag-usap 'yong dalawa? Ni hindi ko pa rin alam kung paano sila nagkakilala.
"Hoy," pagtawag ko kay Czam, tahimik pa rin 'to at kung ganito 'to ibig sabihin may alam 'to.
"Ano'ng alam mo tungkol sa kanila? Sabihin mo," pag-uutos ko. May alam 'to sigurado ko.
[Dude, baka kasi sapakin mo na si Van sa susunod 'pag nalaman mo.]
Napakunot noo ako sa sinabi nito, "Muntikan na kanina kaya sabihin mo na. O ikaw ang sasapakin ko."
[You know I don't mind being beaten but since she's your sister then fine.]
"I'm all ears."
[They met at a bar.]
Bar? 'Yong pinuntahan nila no'ng isang buwan ba 'yon? Oo nga pala, DJ nga pala 'tong dalawa na 'to.
[To make it simple, Lana accidentally heard Van's proposal to Ema. Which the latter declined.]
"Wait, what? He proposed?" Siraulo 'yon! Bwisit!
[Yeah, but Ema said no. It's an indirect no but still a no.]
Hindi ko na inintindi pa kung bakit "indirect no" ang sinasabi ni Czam. Basta nag-'no' si Ema, iyon ang mahalaga. "Then? Did Van found out she heard them?"
[Yes, and your sister being Travis the 2nd didn't back down when he was confronted by Van. I don't know what they talked to, Van didn't tell me.]
"That f*ck*r! He even confronted my sister? He really don't have any respect to girls, doesn't he?" Now I'm dying to know what they talked to. I'll really punch him the next time I see him!
[He's only kind to people he likes.]
And that trait is the reason why I hate him. That trait was the reason why I lost to him.
[You're weird.]
"What?"
[I thought you'll divert the topic to Van and Ema's break up. But you didn't.]
"What? They broke up?" Ang sabi niya lang kanina tumanggi si Ema sa proposal, wala siyang sinabing nag-break na sila!
[Didn't I mention? But, yeah, they broke up right that moment.]
"Really?" I wonder why I can't help but to grin.
____________________
Lhia's POV
Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Nakakabwisit si kuya! Sobra! Alam kong abnormal siya pero ibang level pala! Ilang beses ba naalog utak no'n no'ng bata pa siya? Nakakabwisit!
Kinalma ko muna ang sarili ko tsaka ko hinanap 'yong cellphone ko. Nasaan nga ba 'yon? Bigla kong naalala na na kay kuya 'yon kanina no'ng pauwi kami. Kainis naman! Paano ako makakatawag kila Nanay? Kainis!
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng makarinig ako ng pagkatok. Hindi ako kumibo, hindi rin naman kumibo si kuya. Syempre siya lang naman kasama ko rito kaya siguradong siya 'yon. Walang nagsalita, wala na ring kumatok pa.
Ilang minuto akong nakatitig sa pinto. Nang pakiramdam ko wala ng tao sa tapat ng pinto ay tsaka ko lumapit. Binuksan ko 'to at agad akong napatingin sa baba, 'yong lalagyan ko ng cellphone tsaka pera!
Mabilis akong yumuko at kinuha 'yon. Pumasok agad ako sa kwarto ko at sinara 'yong pinto, ni-lock ko ulit 'to.
Agad kong kinuha 'yong cellphone ko. Tatawagan ko si Nanay! Sasabihin kong naaabno na naman si kuya Travis kaya 'pag tumawag 'wag nilang pansinin anv sasabihin.
Number 2 sa speed dial ko si Nanay kaya natawagan ko agad. Mga nakailang ring pa bago may sumagot.
"Nay!" Bungad ko rito, wala ng 'hello' 'hello'.
[Lana?]
Boses lalaki? Hindi naman boses ng Tatay ko. Hindi kaya...
"Kuya? Kuya Jarvis?" Gulat na banggit ko sa pangalan nito. May sakit 'to, bakit may hawak na cellphone 'to? Tsaka cellphone pa talaga ni Nanay?
[Lana, ako nga,] sabi ba 'e!
"Kuya! Bakit ikaw sumagot? Tsaka 'di ba may sakit ka? Bakit may hawak kang cellphone?"
[Easy. Nagpuntang palengke si Nanay at Tatay, naiwan 'yong cellphone kaya ako sumagot. May sakit pa ko pero hindi na kasing lala no'ng ako lang tao rito. Ayan, nasagot ko na?]
Napansin ko sa boses nito na medyo hirap pa 'tong magsalita. May sakit pa nga 'to.
"Sige, mamaya na lang ako tatawag," pagpaalam ko rito kahit na risky kasi baka maunahan ako ni kuya na tumawag sa kanila! Speaking of, nauna na kayang tumawag sa'kin si kuya Travis?
"Kuya, tumawag din ba rito si kuya Travis?" Sana hindi pa! Sana! Sana! Sana!
[Bakit naman tatawag 'yon? Alam mo namang ayaw na ayaw no'n na tumatawag kila Nanay unless may emergency.]
Totoo 'yon, napaka raming arte ng kapatid ko sa buhay 'e. Sa sobrang dami nakakainis na! Tulad na lang kanina! Hmp!
[May nangyari ba? Una, tumawag ka bigla. May pagka-Travis ka kaya, the 2nd ka no'n 'e. Pangalawa, tinanong mo kung tumawag si kuya mo. Ibig bang sabihin may emergency d'yan sa bahay?]
Wow! Kinumpara pa ko do'n sa isa! Sa piling bagay o pagkakataon lang kami nagkakamukha 'no! Ito namang si kuya Jarvis may sakiy na't lahat nagpapaka detective sa mga conclusion 'e!
"'Wag mo na lang intindihin kuya. Ibababa ko na, pahinga ka na! Bye!" Pagpaaalam ko rito, kapag hindi ko pa 'to binaba siguradong magtatanong pa 'to.
[Don't dare to hang up on me, Lana Iya.]
Jusko! Nag-English na, nag-Lana Iya pa! Ibig sabihin seryoso na 'to. Ano ba naman 'yan! Si kuya Jarvis ang ayaw kong makainitan 'e. Super close kami, walang duda! Total opposite kasi siya ni kuya Travis kaya nagkakasundo talaga kami. Siya ang masasabi kong guy best friend ko pero iba 'to kapag nagseryoso. Lalo na kapag nagalit! Pati si kuya Travis tiklop dito 'e.
"Kuya...ano lang naman 'e..." ano ba sasabihin ko? Bigla akong nagsising tumawag pa ko!
[What?]
"Si kuya Travis kasi gusto akong ilipat ng school," inantay kong mag-react 'to pero wala 'tong sinabi. "Pinapalipat niya ko ng school dahil professor ko si Sir Van."
[Van? Vanlourd Mallet you mean?]
Napakunot noo ako sa sinabi nito, "Kilala mo rin siya kuya? Teka, ano ba talagang relasyon niya sa'tin at kilala niyo siya?"
Ano ba talagang mayroon?
[I won't ask you to explain further and about Travis? I'll take care of him just don't mention Van's name infront of him.]
"Pareho kayo ng sinabi ni Sir Czam," 'yon na 'yon din sinabi niya sa'kin no'ng nasa sasakyan kaming dalawa 'e.
[You even...never mind. Just do as I told, okay?]
"Okay," kahit na lalo lang akong nacurious kung bakit. "Sige na, kuya, baba ko na. Dapat nagpapahinga ko 'e."
[Okay, see you soon Lana.]
Napahugot ako ng hininga matapos ang tawag. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko. Bakit ang gulo gulo ng mga bagay? Bakit?
* * *
"What's the difference between validity and reliability in Assessment?"
Tahimik ang buong classroom. Ni walang nagtataas ng kamay. Ramdam ang kakaibang aura sa loob ng room.
Wednesday ngayon, hell subjecteste Assessment subject namin sa napaka sungit naming prof na si Sir Van. Nagtatanong siya ng tungkol sa validity at reability na tinuro last sem, sa Assessment I, na halos walang makatanda sa'min kasi sobrang bilis magturo no'ng nakaraan namin prof!
Pasimple kong nilibot ang tingin sa classroom namin. Ni walang nag-a-eye contact kay Sir Van.
"This is just a review question. Why no one can answer?" Ayan na, nagsusumigaw na ang bad aura niya. Nakakabilib din 'tong isang 'to 'e, no'ng nagkita kami no'ng Sabado normal lang naman siya pero ngayon nakakatakot na naman siya.
Galing niyang ihiwalay ang personal sa professional life niya ha. Speaking of last Saturday, hindi natuloy 'yong gusto ni kuya Travis na paglilipat sa'kin. Ni hindi nga nakarating sa mga magulang namin 'yong idea na 'yon 'e. Naharang ni kuya Jarvis at tinotoo niya talaga 'yong sinabi niyang siya bahala kay kuya Travis.
Kami naman ni kuya Travis parang cold war. Ni hindi kami nag-uusap sa bahay. Buti na lang talaga at may pasok kaya nakakaligtas ako sa awkwardness sa bahay.
Si Sir Czam naman parang si Sir Van din. Hiwalay na hiwalay ang personal at professional life. Dapat kasi magso-sorry ako sa bigla naming pag-uwi ni kuya after ng class namin sa kanya no'ng Monday, kaso pinigilan niya kong magsalita. Sabi niya outside school daw kami mag-usap ng mga gano'ng bagay since personal topic daw. Okay na rin 'yon, kasi baka masabihan pa kong favorite ni Sir Czam.
"Iya," bigla akong napatingin kay Sir Van na nakatayo sa gilid ko. Sa pinaka aisle ng row kasi namin ako nakaupo. "Lana Iya, can you share to us what's the difference between validity and realibility?"
Shoot. Kahit na nag-aalangan ako ay mabilis pa rin akong tumayo.
"Sir, uhm..." teka, ano ulit validity? Tsaka realibility? Simple words lang Lhia! "Validity and realibility are both attributes of a good test as an Assessment tool. Validity refers to the interpretation of the raw score from an Assessment tool, for us to find out what are the weak points of student on the given topics. On the other hand, Realibility talks about how dependable, consistent, or stable an Assessment tool is. It is for us to find out whether the same Assessment tool is still...uhm...effective even you give it more than once?" Ano raw? Jusko, tama ba mga pinagsasasabi ko?
Tumingin ako kay Sir Van. Sa white board kasi ko nakatingin habang nagsasalita. Ngayon ko lang din naramdaman titig ng mga kaklase ko.
Nakatingin 'to sa'kin habang ako nakaabang sa kung ano'ng sasabihin niya."The idea was very clear. Very good, take your seat."
Napabuga naman ako ng hangin pagkasabi niya no'n. May sense naman pala 'yong sinabi ko. Naupo na ako at si Sir naman naglakad pabalik sa harap habang ine-explain ang validity at realibility.
Nagpatuloy lang ang klase namin hanggang sa mag-dismissal na. As usual, nauna ulit lumabas si Sir Van habang kami naiwan pa sa classroom. Syempre uwian na kaya 'yong iba nag-aayos na. Bakit nga ba kung kailan uwian na tsaka nagsisipag ayos?
Nanatili lang akong nakaupo tutal hindi pa naman tapos mag-ayos sa sarili at ng gamit 'yong mga kasama ko. Napatingin ako sa bag ko ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone. Ramdam na ramdam ko pa nga sa kinauupuan ko.
Kinuha ko 'yong cellphone ko sa loob ng bag ko. May isang text message, galing kay...
"Kuya?" Bulong ko sa sarili ko pagkabasa ko no'ng 'Travis (2Bro)'. Two bro kasi second brother ko raw siya, ewan ko ba do'n.
Kay kuya Travis galing 'yong message. May himala? Bakit 'to biglang nagtext? In-open ko 'yong text nito.
From: Travis (2Bro)
u kidding me? U left me for that fucker Van then u want me back? Get a life Ema!
Napakunot ako sa nabasa ko. Wrong send ba 'to? Binasa ko ulit 'yong text nito. Left. Van. Back. Ema. Nanlaki ang mga mata ko sa nabuong conclusion sa isip ko.
Posible kayang...wait...ex-girlfriend ni kuya Travis si Ema? What the...!