"Nasaan ba kasi?" Naiinis na tanong ko sa kabilang linya.
"Nandya'n lang sa drawer na 'yan, hanapin mo," huminto ako sa paghahanap ng flash drive nito sa drawer.
"Kung nandito 'yon sana nakita ko na kanina pa!" Kainis! Ilang minuto ko na hinahalugad 'tong drawer na sinasabi niya pero wala naman!
"Basta hanapin mo, 'pag nakita mo na send mo na lang sa e-mail ko 'yong may file name na proximate," makabilin naman 'to! Akala mo naman nagkaayos na kami. Sabagay, hindi naman uso ang salitang 'sorry' sa'ming magkakapatid. Lalo na kapag sa'min ni kuya Travis!
"Wala akong e-mail, sa f*******: message na lang," sagot ko at bumalik sa paghahanap no'ng flash drive niya.
No'ng na-wrong send siya sa'kin kahapon umaarte na lang akong wala akong nareceive na text na gano'n. Wala namang mangyayari kung mang-uusisa ako. Tsaka, ewan, ayos na rin kasi baka lalo lang kaming mag-away. 'Di naman 'yan si kuya Jarvis na mag-eexplain agad kapag tinanong mo.
"Gumawa ka kaya?" Sarcastic na pagkakatanong nito. "Magagamit mo naman 'yon lalo na 'pag nagtrabaho ka na."
"Whatever," may e-mail naman talaga ko 'e, sadyang 'di ko lang maalala password. Bakit ba kasi iniba ko pa password do'n kumapara sa iba kong account. "Sige na."
"Hmm," binaba na nito ang tawag kaya pinatong ko sa ibabaw ng drawer 'yong cellphone ko.
Padabog kong sinara 'yong drawer, kahit ata itapon ko lahat ng laman nito hindi ko pa rin makikita 'yong flash drive. Nilibot ko 'yong paningin ko sa loob ng kwarto ni kuya Travis. Baka naman kasi sa iba niya nilagay.
Pambihira naman kasi! Siya 'tong nakaiwan ng flash drive tapos ako ang aagarin na hanapin!
Natigil ang tingin ko sa may desk ni kuya. Baka naman nando'n? Lumapit ako rito tsaka binuksan 'yong pangalawang drawer sa tatlong mayroon dito, may lock kasi 'yong una.
Napatanga ako sa laman no'ng drawer, tatlong box ng cloud 9, 'yong white chocolate. 'Yong dalawa sealed pa, 'yong isa naman puro balat na lang. Katamatan naman nito, may basurahan naman siya diyo sa ilalim ng desk!
Tinapon ko ba 'yong basura? Syempre hindi! Paano kung wala naman dito 'yong flash drive tapos tinapon ko 'yong nga balat, 'e 'di nabuking pang pinakialaman ko 'to. Sinara ko na lang 'yong drawer. Ang tindi rin kasi ng temptation para kumuha ng isang piraso!
Binuksan ko 'yong pangatlong drawer. Scrapbook? Bakit may ganito dito? Kukuhanin ko sana para buksan at tignan pero lock kasi. Ayos ah, ngayon lang ako nakakita ng scrapbook na may lock. Nabaling ang atensyon ko sa napansin kong cellphone sa gilid nito. Dala naman ni kuya cellphone niya, 'di ba?
Kinuha ko 'yong cellphone. Pamilyar 'tong cellphone na 'to. Ito 'yong...
"Akala ko nanakaw 'to?" Ito 'yong cellphone ni kuya Travis dati, sabi niya nanakaw 'to.
Nanakaw? 'E bakit nandito?
Nagulat pa ko ng bigla na lang 'tong umilaw. May nagtext? May sim pa pala 'to? Alin? 'Yong luma niyang number?
Nag-pop 'yong contact image no'ng nagtext kasama 'yong first few words sa text.
Future Wife ❤
How I wish you're reading this...
Kahit hindi malaki 'yong image sigurado ako kung sino 'to, si Ema. So, talagang ex siya ni kuya? At future wife pa talaga tawag sa kanya? Ngayon, mas lalo akong nilalamon ng curiosity. Bigla king gustong basahin 'yong buong laman ng text.
Tinap ko 'yong message, good thing hindi mahilig maglagay ng password o pattern code 'tong kapatid ko na 'to. Nadala na no'ng one time na nagka-emergency dito at mag-isa lang ako. Wala pa kong cellphone no'n kaya iniwan ni kuya Travis 'yong cellphone niya para ma-contact ako o vice versa habang wala sila. No'ng time na 'yon aksidente akong nakakain ng pagkaing may hipon kaya sinumpong ako ng allergy. Hindi ko sila magawang ma-contact dahil may code 'yong cellphone na hindi ako alam.
Future Wife ❤
How I wish you're reading this. I won't give up Trav, i won't. I already broke up with Van and the least i can do for him is to win you back.
Wait. Wait. Wait talaga, bigla akong nainis sa nabasa ko. Utang na loob pa ba ni kuya na nakipagbreak siya kay Sir Van? At ano? Win him back? Ibig bang sabihin siya nakipagbreak sa kapatid ko? Tapos ngayon hahabulin niya? Ha. Ha! Ang kapal naman talaga nito!
Napansin kong may ibang text messages pa siya. Halos gano'n lang din ang laman. Hindi ko alam kung nabasa na ba ni kuya 'yong mga 'yon, dapat pala chineck ko muna kung may unread messages kanina bago ko binuksan 'yong latest text.
Humugot ako ng malalim na hininga. 'Tong gagawin ko baka mag-cause ng malaking away sa'min ni kuya Travis pero bahala na. Nabubwisit na talaga ko rito kay Ema. Dinelete ko 'yong buong conversation nila. Tumayo ako at dumiretso sa banyo rito sa kwarto. Kinuha ko 'yong big mug na nasa may sink. Inalis ko'yong mga laman nito tsaka ko nilagyan ng tubig. Nang napuno na tsaka ko hinulog sa loob 'yong cellphone.
"Move on, kuya, move on," nasabi ko na lang sa sarili ko.
* * *
[Thursday]
"Excuse me, ladies," napatingin kaming lahat na nasa room don sa nagsalita. Nakatayo sa may pintuan si Sir Van.
Ano'ng mayroon? Bukas pa meeting namin sa kanya.
"Yes, Sir?" tanong ng isa naming kaklase. Maaga kaming na-dismiss ng professor namin dahil nagkaroon ng urgent faculty meeting ang CSSP. Halos thirty minutes nga lang kaming na-meet pinag-stay na lang kami dito sa room since one hour and thirty minutes pa bago matapos ang subject namin sa kanya.
"Does this room have electric socket? It's an urgent matter and our faculty room is quite in other side of the University," cool at diretsong sabi nito.
"Sir, mayroon po rito," turo ng kaklase ko sa may electric socket sa may baba ng white board. Do'n kami nagsasaksak kapag kailangan namin para sa power point presentation.
"Mind if I sit in?" tanong na naman ni Sir Van.
"No, sir. Sige lang po,"sagot ng kaklase ko.
Sa ngayon halos kalahati na lang kaming nandito sa room. 'Yong iba kasi lumabas na para kumain. Three hours kasi ang susunod naming subject mamaya.
Naisipan naman namin na mamaya na lang kumain kasi pa rush hour na lunch break kaya siguradong punuan na rin ang mga kainan sa loob at labas ng university.
Humatak lang si Sir ng isang arm chair at nilapit sa may electric socket. Iniwas ko ang tingin ko ng magtama ang tingin namin.
Ang uneasy ng pakiramdam ko, feeling ko para kong nahuli sa akto sa kung ano. Samantalang wala naman akong ginagawa. Ganito rin pakiramdam ko no'ng klase namin kahapon 'e. Hindi kasi naging maganda 'yong last time na nagkita kami, 'yong kasama ko si kuya. Pero mukhang sa'kin lang naman may gano'ng feeling, sa kanya kasi parang wala lang. Siya na! Siya na magaling maging civil.
Kinuha ko na lang mula bulsa ng blouse ko ang cellphone ko. Naalala ko kasing magtetext nga pala nanay ko kung ano ipapabili niya sa super market mamaya. Nakauwi na sila no'ng Martes lang.
Salamat nga sa pag-uwi nila hindi ako naaway ni kuya sa pagsira ko sa cellphone nito, 'yong lumang cellphone I mean. Ilang araw pagkatapos kong sirain 'yon tsaka lang napansin ni kuya na sira na. Bago pa niya itanong sa'kin 'yon ako na mismo nagsabi na ako ang nakasira. Sabi ko natapunan ko no'ng iniinom kong tubig habang hinahanap 'yong flash drive niya.
Napatitig naman ako bigla sa screen ng cellphone ko ng umilaw 'to. Para kong na-engkanto ng makita ko ang nakalagay sa screen.
재신 오빠 calling...
Nakatitig pa rin ako sa screen ng phone ko. O mas tamang sabihing natulala.
Sino'ng hindi? Lokohan ba 'to? Sinong siraulo ang gumagamit ng sim ni Orlando? Paano niya nakuha 'yong sim nito? Hindi rin nagtagal at namatay na 'yong ilaw. Siguro dahil 'di ko naman sinagot.
Nanatili lang akong nakatitig sa screen ng cellphone ko ng umilaw na naman 'to. Tumatawag ulit 'yong may gamit ng sim ni Orlando.
"Lhia," narinig kong tawag ni Jade sa tabi ko pero 'di ko siya magawang tignan. Naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin, Natulala ka na d'yan.
Mula sa gilid ng mata ko nakita ko ang pagtingin niya sa screen ng cellphone ko.
"Oh!" mukhang pati siya nagulat.
"Jae Shin? Si Orlando 'yan 'di ba? Bakit tumatawag?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Ano?" gulat na may halong pagkalito na tanong ni Shei. Pati si Anne na tahimik lang napatayo. Ngayon pinapalibutan na namin yong cellphone ko.
"Pangalawang tawag na 'yan. 'Di ko nasagot 'yong una," nasabi ko na lang.
"Sagutin mo!" Napatingin naman ako kay Anne ng sabihin niya 'yon, "Dali, nang malaman natin kung sino gumagamit ng sim."
Napatango na lang ako at ini-swipe yong green botton. Agad kong pinindot 'yong speaker para marinig din no'ng tatlo.
"Hello?" alanganin kong sagot. Kapag ito isa lang sa mga staff ng Chambre na nakakuha ng sim ni Orlando at nagti-trip call lang, mamumura ko talaga.
Walang sumasagot. Shoot. Trip call nga.
"Hello," ulit ko pa. Sige, inisin mo ko! Loko 'to ah.
[Lhia...]
Natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Ramdam ko 'yong tingin nong tatlo sakin.
"O-oppa?" halos pabulong na sabi ko.
Nakarinig naman ako ng buntong hininga. 'Yong buntong hininga na masaya? May ganon ba? Naloloka na yata ko. Nakakaloka naman kasi ang nangyayari!
[This number still works and you haven't changed your number either.]
Naramdaman ko na lang ang malakas na palo ni Jade sa braso ko.
"Aray!" sinamaan ko ng tingin si Jade, nag-peace sign lang to sakin.
[Hey, you okay?]
Sa hindi malamang dahilan natataranta ko!
"Y-yeah. I mean yes!" medyo napalakas pa nga pagkakasabi ko. Napansin ko kasing napatingin sa'min 'yong iba naming kaklase.
Narinig ko naman naman ang pagtawa niya. Argh! Bakit ganito nararamdaman ko? Para kong kinikilig? Kinikilig? Bakit? Hindi naman ako kinikilig sa kanya dati ah! Baka dala lang ng pagkamiss ko sa kanya? Miss? Namiss mo siya? Mababaliw na yata ako!
"Nasa Pinas ba siya? Bakitt nagagamit niya 'yong sim na 'yan?" halos pabulong na sabi ni Anne. Oo nga 'no?
Hindi naman roaming sim 'to, posible kayang...
"Oppa, are you..."
[I'm in the Philippines.]
"Since when?!" gulat na tanong ko. Wafakels na kung tignan man kami ng classmates namin. Hindi naman sila others.
[Since this morning.]
Nai-imagine ko siyang nakangiti habang sinasabi 'yon. My imaginative brain is working.
"Ah," tumingin ako sa tatlo na para bang tinatanong kung ano pang sasabihin ko. Kaso mukhang hanggang ngayon gulat pa rin sila sa pagtawag ni Orlando.
[Don't you have class?]
"It ended earlier than usual," sagot ko naman.
[You're with your friends?]
"Yes, they're actually listening," napanganga naman ako ng bigla akong hampasin ni Jade, sa hita naman ngayon. "Pangalawa mo na 'yan," may halong gigil ang pagkakabulong ko.
"Bakit kasi sinabi mong nakikinig kami?" pabulong na sagot naman nito.
[Oh. So, they're the ones whispering? Hi, friends!] natatawang sabi ni Orlando.
"Narinig mo? Naririnig kayo!" sabi ko ko Jade. Inismidan lang ako ng loka.
"Hi!" - "Hello!" halos sabay sabay nilang bati.
[You're in your homeroom? On 4th floor?] tanong nito matapos ng kaunting kumustahan nilang apat.
"No, we're on the 3rd floor. You, oppa? Are you staying in a hotel?" tanong ko naman.
[I'm walking around the area.]
"Which hotel are you in?" curious na tanong ni Jade. Saang hotel nga kaya 'to mag-ii-stay?
"Chambre?" sabay sabay pa kaming apat na nagsalita.
"No, I mean which hotel you are staying?" tanong ulit ni Jade.
Mukhang may tama pa rin hanggang ngayon 'tong teacher ko na 'to. Imbes kasi na sumagot tinawanan lang tanong ni Jade.
"Nagkakaintindihan ba kayo?" natanong na lang ni Anne.
"Parang hindi," nasabi na lang ni Jade.
"Why is it noisy? Where are you?" nakakarinig kasi ko ng ingay. May narinig pa nga akong sumigaw e.
[I'm here standing near the window.]
"What? What window?" naguguluhang tanong ko. Ano pinagsasabi nito? Window?
Parang automatic naman kaming napatinging apat sa may bintana ng room.
Natigilan ako ng makita ko siya do'n, nakasilip sa bintana at nakangiti samin. Kumaway pa 'to gamit ang libre nitong kamay.
[Hi.]
Rinig kong bati nito mula sa speaker phone. Para naman akong natauhan nang mahina akong itulak ni Shei.
"Beh, labasin mo na. Go!" Pagtutulak nito sa'kin.
"Ha? Ah, oo," tumayo ako mula sa inuupan ko dala ang cellphone ko. Iniwan ko na lang 'yong bag ko tutal nandon naman 'yong tatlo.
Bago ko lumabas ng room nahagip pa ng mata ko 'yong tingin sakin ni Sir Van. Hindi ko na lang pinansin. Paglabas ko binaba na niya 'yong cellphone niya. Itinago ko naman 'yong akin sa bulsa ng blouse ko.
Ngumiti 'to sa'kin kaya gano'n din ako. Shoot, bakit ba ganito nararamdaman ko? Kinikilig? Luh. Gumulo lang utak ko dahil kay kuya Travis at Sir Van, ngayon pati nararamdaman ko gumulo na rin?