Chapter 12

3898 Words
"Didn't you miss me? Why won't you guys join us?" Kung pwede ko lang sagutin 'yong tanong ni Orlando, ginawa ko na. Kaso masasabi ko bang, "They don't want to join us because they're pushing us together." sa kanya? "Next time, for now just go with Lhia. She missed you the most," gulat na tinignan ko si Jade. Adik ba 'to? "Just enjoy your date," pinandilatan ko ng mata si Anne. 'Tong mga kaibigan ko na 'to sarap ingudngod. Halatang pinagtitripan ako! Pagkalabas ko kanina sinenyasan ni Orlando 'yong tatlo na lumabas din. At paglabas nga nila inaya kami ni Orlando na kumain, kung free time naman daw namin, libre raw niya. Pero itong tatlo may iba yatang plano at tumatanggi sa libre! Hindi ko naman sinasabing mahilig sila o kami sa libre. Hindi gano'n pero alam niyo 'yong feeling na parang pinagtutulungan ka on something. 'Yong feeling na parang may kalokohang binabalak ang mga kaibigan mo. At sa case nga na 'to, pinagtutulungan nila ko kay Orlando, para kaming dalawa lang ang kumain outside University. "Go ahead! Bye!" At talagang halatang pinagtutulakan na kami nitong tatlo. "Ay, wait!" Nagtatakang sinundan namin ng tingin si Shei. Pumasok kasi ulit 'to sa loob ng room. Kinuha nito ang bag ko? Ah, oo nga pala, nasa loob pa 'yong gamit ko. "Hers?" Tanong ni Orlando kay Shei kaya tumango 'to. Kukunin ko na sana 'yong bag ko rito pero inunahan ako ni Orlando. "Thank you, we'll go now," pagpapasalamat nito kay Shei at hinawakan ko sa wrist ko. "Bye," mabilis na pagkaway ang ginawa ko bago ko mahatak palayo ni Orlando. Halos hindi ko na nakita 'yong mga reaksyon nila. Mahirap na at baka masubsob pa ko kung hindi ako titingin sa lalakaran ko. Habang naglalakad kami palabas ng building namin at palabas na rin ng University, pansin kong napapatingin sa'min 'yong mga nadadaanan naming estudyante. Hindi naman alien kasama ko, may mga Korean students din dito pero 'yong mga tingin nila 'e. Idagdag pa 'yong may narinig ako sa nadaanan namin na: "Koreano, sosyal ng boyfriend ni ate." "Ano'ng gayuma kaya ginawa niya?" Gayuma? Kapag may kasamang taga ibang nation ginayuma agad? Boyfriend agad? Hindi pwedeng kaibigan lang? Mga tao nga naman! Napatingin ako sa wrist ko ng parang may bumitaw. Shoot. Nakahawak nga pala si Orlando sa wrist ko kanina pa. Baka iyon ang dahilan kung bakit napagkamalang boyfriend ko. Naku naman! Napatingin ako rito no'ng suotin nito 'yong back bag ko. Aakalain mong bag niya talaga 'yon, 'yong style kasi ng bag ko pwedeng pang lalaki at pwede ring pang babae. Ina-arbor pa nga 'yan no'ng dalawa kong kapatid, mga kuripot, ayaw magsibili ng gamit may mga pera naman. At dahil hindi na siya nakahawak sa'kin, medyo dumistansya ako sa kanya. Halis nagkakabungguan na kasi kami habang naglalakad. "Why?" Nagtatakang tumingin ako rito. "What?" Naguguluhang tanong ko rito. "Come closer," hinawakan ulit nito ang wrist ko at tsaka ko nilapit ng kaunti sa kanya. Something is weird. Dati naman wala lang sa'kin kung may kaunting skinship sa'min, pero ngayon para naiilang ako. Siguro dahil ilang buwan din kaming hindi nagkita? O baka naman dahil na rin sa mga taong nakakaconscious kung tumingin? Baka nga. Siguro nga gano'n. Nakalabas na kami ng university. Sa may bagong bukas na tea house kami pumunta na nasa labas lang din ng university, katabi lang nito 'yong pizza house. This week lang 'yon binuksan at nagbabalak pa lang kaming kumain nila Anne rito. Pagpasok namin naupo kami sa may two seater table sa may bandang sulok. Pagkaupo tsaka ko lang nalibot 'yong tingin ko sa loob. Walang second floor dito hindi tulad no'ng TeaTime na katabi lang nito pero masasabi kong mas gusto ko 'yong ambiance rito. Maganda at relaxing kasi 'yong lugar tapos 'yong nagpe-play na music 'e 'yong mga calming song. Napansin ko ring hindi pa marami ang kumakain dito. Siguro dahil na rin sa kakabukas pa lang nito. "What do you like to eat?" Nilapag ni Orlando 'yong menu list sa harap ko. Naupo siya sa tapat ko, hindi pa rin nito hinuhubad 'yong bag ko. Pero saan naman niya kinuha 'to? Wala naman kasing ganito sa table kanina. Ni hindi ko man lang napansing tumayo pala siya? Tinignan ko 'yong menu list hanggang sa napatingin ako sa may presyo. Bigla akong napasandal. Okay, sa presyo ng drinks masasabi kong reasonable kahit papano. Pero 'yong presyo ng mga cakes, desserts and others? Nakakalula! Isang slice ng cake nasa 100php? Partida desserts and sweets pa lang 'yon! Paano pa presyo no'ng meals? Estudyante po ang posible costumer niyo 'no! Haller! "Why? What?" Nilapit ko 'yong katawan ko sa may round table at pinatong dito 'yong dalawang braso ko. "Too expensive," sagot ko patungkol sa presyo. "That's fine. My treat," sagot nito at ngumiti. Ay, juice ko! H'wag mo kong ngitian! Kahit libre ayoko pa rin! Ang mahal! "Let's just eat somewhere. There are others who has cheaper price at the same time taster meals," isa pa 'yan. Sugal masyado, hindi naman namin sigurado kung masarap ba rito. Tsaka kawawa bulsa nitong si Orlando. Nilabas nito ang cellphone nito at tumingin sa screen nito. Pagkatingin nito hinarap niya sa'kin 'yong screen. "Lunch time. Hard to find other place," sagot nito sa'kin. Pasimple akong napabuntong hininga, na-experience na rin kasi nito 'yong rush hour tuwing lunch time. "I'm not a student anymore. I'm already working," natigilan ako. Oo nga pala, graduate na nga pala 'to. No'ng umuwi siya sa South Korea candidate for graduation na siya, pero hindi ko alam na may trabaho na agad siya. 'Yon nga pala ang reason kung bakit siya nagpunta rito earlier this year para mag-aral ng English. Isa kasi siyang Foreign Language student and for some reason napabayaan niya 'yong isang major subject niya. Para hindi siya ibagsak ng prof niya, binigyan na lang siya nito ng special project. 'Yon ay ang mag-aral ng English language rito, kahit knowledgable na siya sa basic English, kakaunti raw kasi 'yong gustong mag-aral dito as exchange students sa university nila kaya gano'n. "I'll just order whatever then," ngumiti muna 'to sa'kin bago tumayo at naglakad papuntang counter. Kaya pala mas malakas mag-aya ng libre kasi nagtatrabaho na. Wala na rin naman akong nagawa kundi hayaan siya. Nakapila na siya 'e tsaka masyado kong natulala sa fact na nagtatrabaho na siya. Kinuha ko mula sa bulsa ng blouse ko 'yong cellphone ko, naramdaman ko kasing nag-vibrate. Galing kay Anne 'yong text message.         From: anne.,trisi friend, meant to be kayong mag date ni orlando ngayon! Wala tayong prof sa 3hr subj natin! Pano ba yan? See u tom na lang! :D             Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Aba't...ano'ng mayroon at nagkakawala ang mga professor namin? Aba! Ni wala pang isang buwan simula no'ng mag-start 'yong second sem ah! Tsaka ano? Date? Itong mga 'to talaga pilit akong pinupush kay Orlando kahit noon pa. Sinabing wala ngang something! Nag-type ako ng reply message kay Anne.            To: anne.,trisi Sino may sabi? Kakasimula pa lang ng sem ang sisipag na agad ng mga prof natin! Tsaka ano? Hindi nga date toooo!!! >_          Ilang segundo lang nagkareceive agad ako ng reply kay Anne. Mabilis siyang mag-reply ngayon ah. From: anne.,trisi si pres, tinawagan pa ni mam, tawag pa talaga ginawa. Wag na kasing magdeny friend, obvious namang dun din punta nyo! :D basta ingat lang ha? Wag masyadong mafall para di matulad sakin :)           Napakunot noo ako sa huling part ng text ni Anne. Dahil nandito na ulit si Orlando, siguradong hindi niya maiiwasang maalala si- Bigla akong napatigil sa pag-iisip at napatingala no'ng maramdaman kong may humawak sa ulo ko. Pagtingin ko si Orlando pala, naupo na ulit 'to sa upuan niya at inalis na rin nito 'yong bag ko pero hindi niya binigay sa'kin. "Who are you texting?" Saglit akong napatingin sa cellphone ko in-off 'yong screen at binalik sa bulsa ko. "It's Anne, she texted me that we don't have our professor for our next class later," sagot ko rito. Napatango tango naman 'to. "Last subject?" Patungkol nito sa next class dapat namin, tumango naman ako. Kaya ang lumalabas ngayon, uwian na namin. Grabe, pumasok lang kami para sa wala. Nagkaroon ng kaunting katahimikan. Napansin kong may number na nakalagay sa table namin, para siguro sa order namin. Hinawakan ko 'yon at natitigan ko 'yong number. Number 23. Twenty-three. Iyon 'yong date ng...napabuntong hininga ko sa naisip ko. Bakit ba iniisip ko pa 'yon? Wala naman siyang significant meaning sa'kin pero para kasi sa kanya...mayroon. "Number 23," nabaling ang tingin ko kay Orlando. "You still remember that day?" Kung gano'n pareho pala kami ng naiisip. Tumango ako, "Where is he? Are you with him?" Kasi kung nandito siya mag-aalala talaga ko kung ano ang pwedeng mangyari. Umiling 'to sa'kin, "He has no business here." "He has no reason to be here," direktang sabi ko, 'yon naman kasi ang gustong iparating ni Orlando sa sinabi niya. Naiba lang ang usapan ng dumating na 'yong inorder niya. Nakakagutom 'yong amoy kaya instead na kung ano pa ang mapag-usapan namin, kumain na lang kami ng tahimik. Fruit shake ang drinks namin, sa'kin strawberry samantalang sa kanya mango. Alam na niya kung ano favorite kong fruit shake dahil na rin sa mga pakain kain namin dati. 'Yong meal naman hindi ko alam kung ano'ng klaseng luto 'to. Basta beef at parehas lang kami ng pagkain. May mga small talks kami habang kumakain. Random topics lang, kung ano ang maisipang pag-usapan. Natigilan naman ako sa pagsasalita dahil bigla nitong hinarap sa'kin ang kaliwang palad nito. May kinuha 'to sa bulsa niya at nilabas 'yong cellphone nito. Hinarap nito sa'kin 'yong screen, "Phone call, excuse me?" "Go ahead," sagot ko habang tumatango pa. At dahil nakita kong nakasulat sa hangul ang pangalan, siguradong Korean person 'yan. Ano ibig sabihin no'n? Mag-a-alien talk sila at dahil alien talk sila hindi ko sila maiintindihan. In short, kumain na lang ako habang may kausap siya. Naubos ko na 'yong kinakain ko pero may kausap pa rin siya. Ininom ko na lang 'yong shake habang inaantay matapos usapan nila ng kausap niya. Ilang minuto pa bago natapos ang usapan nila. Napabuntong hininga muna 'to bago nilapag sa table 'yong phone niya, "Sorry about that long call, it was mg boss I can't hang up." Sabi nito habang nakatingin sa'kin. "Ah, that's why you seem stress " puna ko sa kanya na kinatawa niya. "A little, he's a nagger," natatawang sabi nito bago sumubo ng pagkain. Kawawa naman, ngayon pa lang siya kakain ng tunay. No'ng tumawag kasi 'yong boss niya halos wala pa kami sa kalahati ng kinakain namin. Buti na lang talaga wala akong next subject, wala akong hinahabol na oras. "Oh, you're done?" Tinignan ko 'to at nakita ko 'tong nakatingin sa...plato ko. "Yeah, don't mind me. Just eat your food," sagot ko rito tsaka ininom ulit 'yong shake ko. Infairness naman, masarap ang pagkain pero hindi pa rin reasonable ang presyo! Ayan, naalala ko na naman 'yong gintong presyo ng pagkain dito! Kailangan makabawi ako rito kay Orlando. "Let's eat ice cream after this. My treat!" Deklara ko agad. "I'm about to ask you what you want for dessert," bigla akong napailing sa sinabi nito. Naku! No! No! No! Ililibre na naman ako nito! "No! I'll buy the dessert, let's go to the near ice cream parlor here," mabilis na sagot ko. "Where's the near ice cream parlor here?" Parang nag-iisip pa 'to kung saan. "Inside the mall, we'll go to the mall near here. I don't have my class anyway so better use the time to wander," sayang naman kasi 'yong inalis ko ng bahay at ginising ko ng maaga kung uuwi lang agad ako pagkakain namin. Tsaka nakakahiya rin! Matapos akong ilibre uuwi agad? Ni man lang babawi? "What?" Nagtatakang tanong ko kay Orlando. Nakatitig kasi 'to sa'kin habang naka-half smile. Bakit ang hilig nitong tumitig ngayon? "Have you seen my video message before I left?" Video message? Bigla ko namang naalala 'yong napanuod kong video message nga niya. "Yes, actually-" "So this is your answer?" "Ha?" Nakangiti pa rin 'to hanggang ngayon. Ano bang sinasabi nito? Pilit kong inaalala 'yong mga sinabi niya sa video. Teka, may tinanong ba siya no'n? Sa dami ng nangyari nitong nakaraan hindi ko na masyadong maalala. "Okay, then. I'll finish this quickly," nakangiti pa rin 'to hanggang ngayon. O-kay, tumango na lang ako sa kanya at nagsimula na ulit siyang kumain. Habang kumakain siya nabaling ang tingin ko sa phone niya. Bigla kasing umilaw 'yong screen, babanggitin ko na sana sa kanya 'yon ng mapansin kong may nawawala sa phone screen niya. Bakit wala na si Pororo? 'Yong Pororo foam like sticker na nakadikit dati? Hindi naman siya nagpalit ng cellphone ah? Do'n ko lang narealize na may nagbigay nga pala sa kanya no'n. 'Yong ex-girlfriend niya. Wait... Kung wala na 'yong Pororo sticker na bigay ng ex niya ibig kayang sabihin no'n...? Bigla akong napatingin kay Orlando na tahimik na kumakain, kulang na lang mabulunan sa bilis ng subo, ibig bang sabihin naka-move on na siya sa ex niya? Mabuti naman, hindi niya deserve ang gano'ng klase ng babae. "Should we ice it?" Nag-aalalang tanong ko kay Orlando. "I'm fine," sagot nito habang hinihimas himas ang ulo. Nauntog kasi 'to kanina pagbaba namin ng jeep. "Are you sure? You don't look like you're fine," puna ko rito. Napansin ko kasing napapangiwi ito habang hinihimas ang parteng nauntog. Baka kasi magbukol pa. Hinawakan nito ang ulo ko gamit ang libre niyang kamay. Ngumiti 'to sa'kin, "Don't worry about me." Gusto ko pa sana 'tong kulitin na bumili na kami yelo kaso iniba na usapan. Tinanong nito kung nasaan ang ice cream parlor na sinasabi ko. Itinuro ko naman ito at agad niya kong hinatak papunta do'n. Habang nakapila kami tinanong ko siya kung ano'ng flavor ang gusto niya. "I want cookies 'n cream, you?" Nakatitig na sagot at tanong nito sa'kin. "I want rocky road" tinanong ko lang kung ano'ng size ang gusto niyang order-in. Pareho kaming nag-settle sa medium size cup. Matapos kaming mag-place ng order, akmang kukuha na si Orlando ng pera sa wallet niya. Agad ko naman siyang pinigilan. Gamit ang kanang kamay ko, agad kong hinawakan ang kamay niya sabay sabi. "Stay still," mariing sabi ko rito. Natigilan naman ito kaya mabilis akong kumuha ng pera sa wallet ko. Pagkabayad ko lumipat lang kami sa kabilang land para kunin ang orders namin. Napansin kong habang nakapila kami ay pasimple pa rin nitong hinahawakan ang ulo nito. Inabot ko ng kanang kamay ko ang ulo nito. "Does it hurts here?" Sandaling natigilan 'to tsaka tumingin sa'kin, "Yes." Halos pabulong na sagot nito. Tinanggal nito ang kamay niya kaya mas nahawakan ko 'yong part na nauntog. Pinakiramdaman ko kung may bukol ba. "Looks like their's a bump," sabi ko ng may mahawakan akong parang nakaulbok. "Let me check it later." Inalis ko na ang kamay ko at umusad na sa unahan para kunin ang orders namin. Inabot kay Orlando ang order nito at tsaka ko hinawakan agad sa may braso para dalhin sa may labas. May chairs and tables kasi para sa mga costumer. Agad kong pinaupo si Orlando sa bakanteng upuan, at tsaka ko umupo agad sa bakanteng upuan sa tabi nito. Binaba ko lang sa table 'yong hawak kong ice cream. "Move here, I'll check it," nakatitig kong sabi kay Orlando. Binaba rin nito sa table ang hawak niyang ice cream, "Lhia..." na-sense ko na na pipigilan ako nito kaya naman ako na ang nag-adjust. Inusad ko 'yong inuupuan ko at tsaka lumapit sa may ulo nito. Wala na itong nagawa kundi hayaan ako. Hinawakan ko 'yong part na nauntog. Tsaka ko hinawi ang buhok nito sa part na 'yon. "It's a red and I can see a little bump," komento ko pagkakita ko. Sabi na, may bukol 'to. May kalakasan din kasi pagkakauntog nito. Napatingin pa nga 'yong mga pasahero malapit sa babaan. "Let's ice it," deklara ko, sigurago namang may yelo rito sa ice cream parlor. Makakabili naman siguro ko kahit isang cup. "You said it yourself, it's a little bump only," ito na naman kami. Lalagyan ko lang naman yelo pero ayaw niya! "It still a bump!" Sabi ko rito, akmang tatayo na sana ko kaso hinawakan ako nito sa braso. "Let's not spoil our day just for little things like this. Look," kinuha nito ang ice cream cup niya. "The ice cream's melting, let's eat it." Matapos sabihin 'yon ay binitawan ako nito tsaka kumutsara sa ice cream niya. Medyo nailayo ko ang ulo ko ng itapat niya sa bibig ko 'yong kutsara niya. Tinignan ko siya, "That's..." saktong pagbukas ko ng bibig ay siyang subo nito. Nagulat ako sa ginawa nito, "How is it?" Nahampas ko ang braso nito. "What?" Natatawang tanong nito, loko 'to ha. Biglang isinubo sa bibig ko, ang dami pa man din no'ng laman ng kutsara. "Eat yours now," nakangiting sabi nito tsaka sumubo ng ice cream nito. Tinitigan ko lang 'to, kailangan nga naming yelohin 'yog bukol niya! Napansin niya yata ang pagtitig ko. Nang nakita kong akmang susubuan na naman niya ko mabilis kong kinuha ang ice cream cup ko. "Here! Here's mine. I'll eat it," sabi ko rito. Ngumiti naman ito nagpatuloy sa pagkain ng ice cream niya. Tinitigan ko ito hanggang sa may bigla akong naisip. "Yah!" Gulat at hindi makapaniwalang reaksyon ni Orlando. Nilayo nito ang sarili sa'kin. "What?" Inosenteng tanong ko rito. "Ice cream is cold, it can be an alternative to ice." Dinikit ko kasi may bukol niya 'yong bottom part ng ice cream cup ko. "Stop it, you should eat that," bakas pa rin ang gulat sa itsura nito. Hindi ako umimik, gusto ko talagang gamutin 'yong ulo niya! "Okay! Okay! I got it, let's ice later," bigla naman akong nangiti sa sinabi nito. "Really?" Tinitigan muna ko nito bago nagsalita, "Yeah." Napakurap kurap naman ako, para kasing ang lalim ng titg niya sa'kin kaya umiwas na lang ako ng tingin at kinain ang ice cream ko. Habang kumakain kami sa may ice cream parlor, nagkwento si Orlando ng mga nangyari sa kanya pagbalik niya sa South Korea. Napansin kong iniiwasan niyang magkwento tungkol kay Kevin. Hindi ko na rin naman inopen ang topic. Matapos ng ginawa ni Kevin sa kaibigan ko, hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Nang tinanong ko 'to tungkol sa trabaho niya, sinabi niyang nakaka-stress daw pag-usapan kaya 'wag na raw 'yon. Matapos namig ubusin ang ice cream namin bumili si Orlando ng yelo sa ice cream parlor, mabuti pinagbilan kami. Binigyan pa nga kami plastic. Matapos ko ilagay sa plastic 'yong yelo binalot ko 'to sa panyo ko. "Wait, that's..." hindi ko na pinatapos si Orlando sa sasabihin nito at agad kong dinikit sa ulo nito 'yong yelo nito. Napaiwas 'to no'ng una pero kalaunan na yeluhan ko naman ng maayos ang bukol niya. Ginawa namin 'yong for 15 minutes, gano'n katagal kasi sabi ng school clinic nurse namin no'ng high school. After no'n umalis na rin kaming ice cream parlor shop kasi dumadami na costumer. Tinapon ko 'yong plastic na tubig na ang laman ngayon. 'Yong panyo ko naman binaot ko lang sa extrang plastic na binigay sa'min kanina. Dahil hindi na naman daw masakit, mas kampante na ko kaya naglibot libot na kami ni Orlando. Pumasok kami sa department store, nag-window shopping din kami sa mga clothing lines. Matapos no'n, nag-aya si Orlando sa may arcade sa top floor ng mall kaya nagpunta kami do'n. "Have you tried this before?" Napahinto at napatingin ako sa tinutukoy ni Orlando. Isang photo booth, sa may labas ng arcade, parang siyang ATM style siya. "Nope, want to try?" "Yes! Let's try this!" Parang batang excited na aya nito sa'kin. Hinawakan ako nito sa may kamay ko at hinatak palapit sa photo booth. Hinawi niya 'yong kurtina tsaka kami pumasok at tumapat sa mismong photo booth machine. Nakita kong kailangan din gamitan ng arcade card 'tong photo booth. Buti na lang may card ako, kakaload ko lang din nito no'ng last time. Hindi ko pa rin naman nagagamit simula no'n. Nilibot ko 'yong tingin ko sa machine na kaharap namin para sa instruction. First time ko lang din naman kasi rito kaya hindi ko alam kung paano. May nahagip ang mga mata ko, "Here's the instruction!" Turo ko sa may bandang itaas ng machine. Binasa namin 'yong nakalagay do'n at sinunod lahat ng steps. Habang nagpipipindot kami, napag-usapan namin 'yong mga pose na gagaein namin. Natatawa ga ako sa mga suggestion niya. Pout ba naman? Ang laking tao niya kaya. Nagkasundo na kami sa mga pose na gagawin namin. Nang okay na ang lahat at 'press to capture' na lang ang kailanga pindutin ay nag-tip toe na ko. Para ready to take picture na. Ang tangkad kaya nitong kasama ko. Humawak ako sa braso nito para hindi ako ma-out of balance. Si Orlando na 'yong nag-press ng capture botton. Nagsimula na 'yong 5 second timer. 5... "Should I lift you?" Alam kong nang-aasar siya niyan.  4...3... "You should bend down," napatingin ako rito ng sundin nga niya 'yong sinabi ko. 2...1... Nagkatitigan kaming dalawa at sabay pa kaming natawa. Saktong pagtawa namin ay ang pag-tunog ng 'click' ng camera. Napatingin agad ako sa may harap at tsaka ngumiti. Four shot ang ginawa namin at two copies naman ang pinagawa namin. Ilang segundo lang matapos namin kuhanan lumabas na rin agad 'yong copies. Si Orlando na ang kumuha at binigay sa'kin 'yong isa. Pabaliktad ang ginawa kong pagtingin sa photos namin. Mula do'n sa huli naming photo. 'Yong huli naming photo 'yong pareho kaming naka-pout. 'Yong pangatlo pareho kaming naka-wink habang naka-peace sign. 'Yong pangalawa, normal shot lang, pareho kaming naka-smile. At 'yong unang unang photo ay... Hindi ko alam kung bakit pero para kong natigilan sa unang photo namin. Ang weird, bakit ganito pakiramdam ko? Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang...parang...kilig? Teka, kilig? Kinikilig ako dahil lang sa photo namin ni Orlando? Ni Orlando talaga? Ano ba naman 'tong pinag-iisip ko. Tingin ko lang ang cute no'ng photo namin tapos kikiligin na agad ako? Jusko, gano'n na ba ka-dry ang lovelife ko? Binaling ko sa iba 'yong paningin ko. Hindi naman siguro 'to kilig. Baka nadala lang ako kasi cute talaga 'yong photo. Bigla kong napaypay sa sarili ko 'yong free hand ko. Ano na ba nangyayari sa'kin? Parang uminit bigla ang mukha ko. 'Yong first photo naman kasi namin, hindi ako na-inform na gano'n kalalabasan. Magkatitigan kasi kami habang nakangiti sa isa't isa no'ng na-take 'yong first photo. Ewan ko ba naman sa sarili ko, para kasi parang may ibang dating sa'kin 'yong photo namin 'yon. Tapos 'yong tingin kasi ni Orlando parang may something na hindi ko ma-explain. Basta 'yon! Pasimple akong bumuntong hininga. Wala lang 'to, napapala lang siguro 'to kakapanuod ko ng mga Korean drama. Naramdaman ko ang pag-pat ni Orlando sa ulo ko. Hindi ko siya magawang tignan at sa hindi ko malamang dahilan bigla na lang akong na tense. Luh. Ano'ng nangyayari sa'kin? Bakit ako nate-tense? "I love the first photo."  Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug. Nagulat ako sa daing at tono ng boses nito. Parang malumanay...parang sweet ang dating? "Yeah. I love it ,too," parang wala sa sarili kong sabi. Dear self, ano'ng nangyayari sa'yo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD