Chapter 13

2732 Words
Pinaypay ko ang kaliwang kamay ko sa sarili ko. Medyo kalmado na naman ang t***k ng puso ko. Napasilip ako sa hallway na papunta sa comfort room. Buti na lang ang ganda ng timing nang pagpapaalam ni Orlando para mag-cr. "Lana?" Napatingin ako sa pinanggalingan no'ng boses na tumawag sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Oh! Kuya!" Napangiti ako nang makita ko ang kapatid ko. Excited akong naglakad palapit dito. Agad ako nitong inakbayan nang magkalapit kami. "Kuya Jarvis, kailan ka pa nakauwi?" Excited ta nakangiti kong sabi rito habang nakatingin dito. "Ingay," sabay kaming napatingin ni kuya Jarvis sa nagsalita. Napasimangot ako nang makita ko kung sino 'yong nagsalita. Kasama pala niya si kuya Travis. Napairap ako nang magtama mata namin. Kainis talaga 'to kahit kailan. "H'wag kang magsimula Travis," babala ni kuya Jarvis. Si kuya Travis naman ang napasimangot ngayon. Buti nga sa'yo! Sa totoo lang kasi, simula noong nagtalo kami dahil gusto niya kong lumipat ng school, hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakaayos. I mean, nag-uusap kami sa bahay pero kapag kailangan lang talaga o kaya kapag nasa harap lang kami ng mga magulang namin. "Bakit ka nandito? Wala ka bang klase?" Dire diretsong sabi ni kuya Jarvis. "Wala kaming last subject kaya gumala na lang kami rito," sagot ko rito. "Ah, kasama mo sila Jade?" Natigilan ako saglit. May kasama nga pala ko at hindi 'yong mga taong akala niya. Kilala kasi ni kuya Jarvis sila Jade, ilang beses na rin kasi nakapunta sa bahay namin sila Jade noon. "Hindi...ano kasi kuya..." paano ko ba sasabihin na lalaki ang kasama ko? Na kaming dalawa lang? Nakaabang sa sasabihin ko si kuya Jarvis nang marinig kong may tumawag na naman sa'kin. "Lhia..." Pagtingin ko, isang nakakunot noo na Orlando ang nakita. "Sino 'yan?" Tanong sa'kin ni kuya Jarvis habang papalapit sa'min si Orlando. "Siya 'yong kasama ko hindi sila Jade." "Ha?" Gulat na napatingin sa'kin si kuya Jarvis. Nabaling naman ulit kay Orlando ang tingin ko. Nakalapit na ito sa'min. Napansin kong nakatingin 'to sa kamay ng kuya ko na nakaakbay pa rin sa'kin. Bigla namang humarang sa pagitan namin si kuya Travis, "Just where are you looking?" Ha? Napakunot noo ako sa tinanong ni kuya Travis kay Orlando. Bago pa man ako magkapag-react bigla ko na lang naramdaman ang paglapit sa'kin ni kuya Jarvis. Bigla na lang 'to pumwesto sa harapan ko. Sinubukan kong silipin si Orlando kaso masyadong malaking si kuya Jarvis. Pupunta na sana ko sa may gilid nito para hindi niya ako maharanangan, nang bigla niya kong hawakan sa may pala-pulsuhan ko gamit at kanang kamay niya habang nakatalikod pa rin sa'kin. "Just where do you think you're touching her?" Nagulat pa ko sa tono ng boses ni Orlando nang sabihin niya 'yon. Medyo pagalit ang tono nito. Limitado ang kilos dahil sa hawak ako ni kuya Jarvis. Kaya naman hindi na ko nakatiis at hinawak ko na ang libre kong kamay sa kaliwang balikat nito at tsaka ko tumingkayad. Ginawa ko 'to para masilip ko sula. Napalunok ako nang makita ko 'yong sitwasyon namin ngayon. Hindi ko kasi gusto 'yong atmosphere na nabubuo rito. Ang sama kasi makatingin ni Orlando kay kuya Jarvis, nakakunot noo pa! Si kuya Travis naman na nasa gilid lang namin, masama rin ang tingin kay Orlando. Si kuya Jarvis lang hindi ko alam kung ano'ng itsurs dahil nga nasa harapan ko siya. Napansin kong napapatingin na sa'min 'yong ibang nagdadaan. Hindi na ko nakatiis at pwersahan kong inalis ang pagkakahawak sa'kin ni kuya Jarvis. Mabilis akong pumagitna sa pagitan ng mga kuya ko at ni Orlando. "Lana..." Natigilan ako saglit sa ekspresyon ng mukha ni kuya Jarvis. Ang hirap kasing mabasa pero 'yong mga titig niya nakakatakot. "Kuya, this is Orlando. My Korean teacher from the Korean class I attended before," inunahan ko na magsalita si kuya Jarvis nang aktong magsasalita 'to. Binaling ko naman ang tingin ko kay Orlando. "Orlando, these are my brothers. The eldest, kuya Jarvis and the second eldest kuya Travis." Tinuro ko pa sila kuya habang pinapakilala ko. "They're your brothers?" Tumingin ako kay Orlando at ngumiti rito. Tumango ako sa tinanong nito at napansin kong unti unting nawala ang pagkakakunot noo nito. "Excuse me," sabay kaming napatingin ni Orlando sa nagsalita. Si kuya Jarvis, kay Orlando ito nakatingin. "I don't know why you're with her, alone, but I hope you don't mind if we take her with us now." Napansin kong pinag-diinan talaga ni kuya 'yong salitang 'alone'. Bago pa man makasagot si Orlando at bago pa ko maka-react, nahatak na agad ako ni kuya Travis at kinakalad na ko palayo nang loko! Pinilit kong lingunin si Orlando pero sa sobrang bilis nang lakad namin hindi ko magawa. "Careful, Trav," narinig kong sabi ni kuya Jarvis na nasa gilid ko na pala. Napansin konh medyo bumagal na si kuya Travis kaya hindi na ko masyadong nakakaladkad. "Don't look back, Lana," May pakiramdam na kong mahabang paliwanagan ang gagawin ko mamaya kila kuya. Dire-diretso lang ang lakad namin papuntang exit. Mukhang sa parking lot na ang punta namin. Tahimik lang kaming naglalakad. Walang umiik ni isa. Pagdating namin sa tapat ng kotse ni kuya Jarvis, kanya kanya lang kaming sakay sa loob ng sasakyan. Ako sa backseat, si kuya Jarvis sa driver seat, at si kuya Travis sa passenger seat. Pagkasakay na pagkasakay namin ay siya namang agad na pagsasalita ni kuya Travis. "Sino 'yon?" alam kong para sa'kin ang tanong na 'yon. "Sinabi ko na kanina, 'di ba?" mahinahon na pagkakasagot ko rito. "Lana," pagtatawag atensyon sa'kin ni kuya Jarvis. Sa tono pa lang nang pagtawag niya sa'kin, para bang sinasabi niya na 'ayusin mo sagot mo'. Inilapit ko ang sarili ko rito at bahagyang sinilip ito. "Kuya, sinabi ko na naman kasi talaga kanina. Kung paano ang pakilala ko kanina, 'yon na talaga 'yon." "Bakit kayo magkasama na kayo lang?" Pasunod na tanong sa'kin ni kuya Travis. Napapikit na ko nang mariin. Halata namab sa klase nang pagtatanong at pagsasalita niya na kahit ano'nong sabihin ko, hindi siya maniniwala. Gano'ng gano'n ang gusto niyang iparating. Napabuntong hininga muna ko bago sumagot ulit, "Boyfriend ko siya." Sabay sa pagpapula ng stop light ang biglang pagpreno at paghinto ng sasakyan. Sabay na napatingin sa'kin ang mga kuya ko. Pareho silang nanlalaki ang mga mata, para bang gulat na gulat. Gustong gusto kong paikutin ang mga mata ko kay kuya Trav. Ayaw niya kong tantanan, tapos ngayon magugulat gulat siya d'yan. "Oh? 'Di ba iyan naman ang gusto mong marinig na sagot? Kaya ayaw mo kong tantanan sa mga tanong mo." Naramdaman ko ang mahinang pagtama ng likuran ko sa sandalan sa pag-andar namin. Habang nakatingin na sa daan si kuya Jarvis, nanatiling nakatingin sa'kin si kuya Trav. Napansin ko ang pagbukas ng bibig nito, may sasabihin na naman, pero naunahan siya ni kuya Jarvis. "So, hindi talaga kayo?"  "Hindi talaga, kuya Jarvis. Kung may boyfriend o manliligaw man ako, siguradong sasabihin ko naman sa inyo." "Dapat lang," napairap na lang ako sa pahabol si kuya Trav. "Saw that." 'E ano? Sinadya ko naman talagang ipakita sa'yo! * * * Napangiwi ako sa lamig nitong iniinom ko. Nangilo ngipin ko sa lamig. Masasabi kong kahit papaano sulit naman 'yong shake na binili ko. Sumilip ako sa labas ng bintana. Katapat nitong kwarto na kinalalagyan namin 'yong faculty nila Sir Czam at Sir Van. "Ang tagal ni Shei," napatingin ako kay Jade sa sinabi niya. Inaantay namin si Shei na lumabas sa faculty nila Sir. Kinakausap kasi siya ngayon ni Sir Czam. Na-late kasi si Shei sa subject ni Sir kaninang umaga. Dito sa BAU, hindi pa naman kinokonsiderang 'late' kapag wala pang labing limang minuto ka dumating simula nang magsimula ang klase. Tulad na lang sa klase namin kanina, 9 AM ang klase namin pero magiging late ka lang kung dumating ka ng 9:16 AM. Kahit na nagsisimula na ang klase at nasa loob na ang prof. Mark as absent ka na naman kung 30 minutes na simula nang magsimula ang klase at wala ka pa. Nasa student guidebook kasi 'yon. Sa kaso ni Shei, isang oras siyang late. Mabait pa si Sir kasi tinanggap pa siya, kung 'yong ibang prof kasi 'yon siguradong hindi na. Ang katwiran naman kasi ni Sir Czam, kaysa ma-miss ni Shei 'yong buong lecture ngayong araw 'e pumasok na raw siya sa loob ng room. Iyon nga lang mark as absent na siya at kailangan pumunta ni Shei sa faculty room nila Sir para mag-usap sila. Isa pang good point kay Sir kasi sinabi niya 'yong mga 'yon kay Shei lang mismo. Hindi katulad ng ibang prof na sa harap ng buong klase pa pagsasabihan 'yong estudyante. Kaya lang nga namin nalaman 'yong sinabi ni Sir Czam kasi sinabi ni Shei sa'min kanina. Ngayong vacant namin siya pumunta. Pagkatapos na pagkatapos ng 2nd subject namin dumiretso agad si Shei sa may faculty. Kami naman nila Jade at Anne bumili muna ng pagkain sa may student food street, na katabi lang ng Athena building. Humanap lang kami ng pwede naming pagtambayan habang inaantay si Shei. Swerte namin bakante 'yong room na katapat mismo ng faculty nila Sir. Maganda talaga 'yong bawat room may nakadikit na class schedule 'e. Sabay sabay kaming napatinging tatlo sa may pinto ng faculty nang bigla itong bumukas. "Shei!" Tawag ko pagkasarang pagkasara nito ng pintuan. Nakita naman kami ni agad at dumiretso sa'min. "Ay buti nandito lang kayo, tatawagan ko nga sana kayo 'e," sabi nito at tsaka naupo sa bakanteng upuan sa tabi i Jade. Inabot naman ni Jade 'yong pagkaing binili namin para sa kanya. "Para sa'kin? Thank you!" Nagsimula na rin itong kumain. "Ano? Sinabon ka ba ni Sir?" Panimulang tanong ko rito. "Hindi naman masyado. Tinanong niya lang ako kung bakit ako late. Tapos sabi niya dahil first offense ko pa lang warning muna, pero sa susunod daw detention na raw ako. Unfair daw kasi dahil on time kayong classmates ko," sagot nito sa'kin. "Bakit ka nga ba late?" Naunahan ako ni Jade, itatanong ko nga rin sana. "Kasi..." "Lana," napaharap ako sa may likuran ko nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. "Sir," napaupo ako nang maayos. Si Sir Czam ang tumawag sa'kin, nakatayo siya sa door frame ng faculty room nila. Napaangat ang dalawang kilay ko nang sumenyas ito na lumapit ako sa kanya. Saglit akong tumigin sa mga kasama ko at tumango naman ang mga ito. Dumiretso ako palapit kay Sir Czam. "Bakit po?" Tanong ko pagkalapit ko rito. "Go inside," napakunot noo ako sa sinabi nito. Bago pa man din ako makapagsalita ay pumasok na 'to agad sa loob. Wala tuloy akong nagawa kundi sumunod. Inantay lang ako ni Sir Czam makapasok bago niya sinara 'yong pinto. Dapat na ba kong kabahan? Bakit ba ko pinatawag dito sa loob? Nakikinig naman ako kanina habang nagkaklase, nagpa-participate naman ako kahit papaano. "Huwag kang kabahan," napatitig ako kay Sir Czam. "Wala ka namang ginawang kung ano, may ipapasuyo lang ako sa'yo." Medyo nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi nito. "Ano po 'yon?" Pagtatanong ko rito. "Maupo ka muna, may kukuhanin muna ko," napatango na lang ako at tsaka naupo sa sofa na tinuro nito. Sinundan ko nang tingin si Sir sa pagpunta niya do'n sa may sulok at tsaka naghanap ng kung ano. Sinusunod ko ang tingin ko sa bawat galaw niya. Para bang nakikihanap din ako. "Got it!" Napaayos ako bigla ng upo sa sinabi niya. Katulad kanina, sinundan ko nang tingin ang bawat galaw niya. Papalapit ito sa'kin habang hawak ang isang hoodie? Iniabot niya ito sa'kin nang nasa harapan ko na siya. Magsasalita pa lang sana ako ng may biglang kumatok ng tatlong beses. Sabay kaming napatingin sa may pintuan. Bahagya akong napakunot noo ako nang makita ko ang pumasok. Agad kong napansin ang suot nitong ID. Visitors ID. At ang nakalagay na pangalan ay...agad akong napatingin sa mukha nito. "Ema?" Bakas ang pagkagulat at pagtataka ni Sir Czam sa boses nito. Napalunok ako at napahawak ng sobrang higpit sa hoodie na nasa hita ko. Si Ema nga. Siya nga talaga ang nakatayo sa harapan ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ngayon lang kami nagkaharap na as in kitang kita ko ang itsura niya. Maganda. Iyon talaga ang una mong mapapansin sa kanya. Ang ganda talaga niya at mas halata pala ang pagiging foreigner niya sa personal at malapitan. Simpleng damit lang ang suot niya. As in, plain shirt, pants at sneakers lang pero ang lakas pa rin ng dating niya. "Why are you here?" Para akong natauhan sa pagtanong ni Sir Czam. Medyo nakonsensya naman ako kasi para bang tinitigan ko ng sobra si Ema. Umiwas na lang muna ako ng tingin dito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lalabas ba o ako o hindi? Pero may parte sa'kin na ayaw pang lumabas. Parang gusto kong sulitin 'yong pagkakataon na 'to. Ewan, parang gusto ko siya makilala pa? Pasimple akong napahawak sa kaliwang dibdib ko. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko. "Well, I want to talk about someone," naramdaman ko ang pagkilos nito. Mula sa gilid ng mga mata ko, kita ko ang paglalakad nito papalapit kay Sir Czam. Napapansin kaya nitong may ibang tao sa rito sa faculty room? Humugot ako ng hininga at tsaka ko napagdesisyunan na mag-excuse na lang ako at lumabas. Dahan dahan na kong tumayo sa pagkakaupo ko at magpapaalam na sana nang matigilan ako sa sumunod niyang sinabi. "Can you help me win Travis back?" "What?" Nanlalaking mga mata ko itong tinignan. Tama ba narinig ko? Seryoso ba siya? Na-realize ko na ako pala ang nagsalita nang tumingin ito direkta sa'kin. Halos magkatapat na kaming dalawa. Agad nitong binalik ang tingin kay Sir Czam, "Sorry, I didn't notice someone else is here." Binalik nito ang tingin niya sa'kin at tsaka nagsalita. "But, dear, ears dropping is a bad manner." Bigla naman akong nairita sa sinabi nito. Lalo na sa pinakita nitong ngiti. "Plastic." Halos pabulong na sabi ko, hindi ko na sigurado kung ano'ng klaseng ekpresyon ang mayroon ako. "Pardon?" Umayos ako nang tindig bago ito sagutin. Sinigurado ko ring nakakatitig ako sa mga mata nito habang nagsasalita. "Sir, this hoodie is for my brother, right? You want me to return it to him?" Na-realize ko pagkabigay sa'kin ni Sir na kay kuya Trav 'to. Minsan ko na rin kasing nagamit 'to noon. "...Yeah." Ngumiti ako ng bahagya, hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Emma. "Okay, Sir. I'll give this to my brother, to my kuya Travis." Binigyang diin ko ang pagkakasabi ko sa pangalan ng kapatid ko. Nakita ko ang pagbabago sa ekpresyon ni Ema. Bahagya itong napakunot noo at bahagyang naipilig ang ulo. "What a coincidence, Miss. My brother has the same name as the guy you mentioned." Humakbang ako isa para mapalapit sa kanya. Siniguro kong hindi mapuputol o mawawala ang tingin ko rito. "Although, if we happen to be talking about the same Travis, I'll make sure you won't win him back. After all, my brother doesn't deserve a petty woman." "What?!" Humakbang din ito papalapit sa'kin. Nag-iba ang ekpresyon nito. Hanggang kanina lang nakangiting plastic ito, hanggang sa naging kunot noo, ngayon pinaghalong gulat at pagkairita ang nakikita ko sa mukha nito. "Won't say it twice," pagkasabi noon ay tumingin ako kay Sir Czam at nagpaalam na rito. "See you around, Sir." Hindi ko na hinintay na magsalita ang kahit sino sa kanila. Agad na kong naglakad palabas at umalis sa faculty room. Narinig ko pa ang pagtawag sa'kin ni Ema at kung paano siya tinawag ni Sir Czam, para bang pinipigilan itong sundan ako. Pagkasarang pagkasara ko ng pintuan ng faculty room ay siyang sulpot ni Sir Van sa harap. "Lana?" Takang tanong nito na para bang nagtataka kung bakit ako nasa faculty room. "You're here? Why?" Malalim na buntong hininga ang una kong naisagot dito. "What? Something happened?" Lumapit ito sa'kin ng isa pang hakbang. "If I were you, I won't go inside. You b***h ex is in." Pagkasabi ko noon ay umalis na rin agad ako sa harap nito. Nakita ko namang inaantay lang ako nila Anne kaya nilapitan ko ang mga ito agad at tsaka sila inayang umalis. Ema. Mark my word. I won't allow you to get my brother and hurt him again. Never.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD