Naiinis akong humakbang palayo sa faculty nila Sir Czam at Sir Van. Nanggigigil talaga ako dyan sa Ema na 'yan. Gano'n nya talaga gustong makipagbalikan sa kapatid ko? Abnoy pala siya 'e. Papakawalan niya tapos magkukuhamog balikan. May saltik din 'yung babaeng 'yon.
Hindi ko malaman kung bakit gigil na gigil ako sa kanya. Ewan, basta kasi ang arogante rin ng dating sa'kin no'ng mga sinabi n'ya. Ano ba nagustuhan ng kapatid ko do'n? 'Yong picky pa sa babae na kuya ko ang naging boyfriend nya!
Nakalabas na ko ng building namin nang maramdaman kong may humahatak sa bag ko. Nakakunot noo ko itong tinignan at nakita kong si Anne pala 'yong humahatak.
"Dire diretso ka, 'di mo man lang kami inantay."
Napabuntong hininga ko bago ko 'to sinagot, "Pasensya na, nawala sa loob kong nag-aatay nga pala kayo." Napansin kong papalapit pa lang sila Shei at Jade sa'min mula sa likuran ni Anne.
"Anyare, girl? Bakit naman nagmamadali ka?"
Napapikit ako ng mariin at hindi ako nakasagot agad kay Shei. Argh! Naiirita talaga ko kapag naaalala ko si Ema!
"Mabuti pa, dalhin ka na lang namin kay Orlando nang mawala 'yang kung ano mang kinaiinis mo." Gano'n na nga yata kahalata ang pagkainis ko base na rin sa sinabi ni Jade.
Naramdaman ko ang bahagyang pagtulak sa'kin ni Anne kaya naman napalakad na ko agad. Nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla akong mapahinto at mabilis na hinarap ang mga kaibigan kong nakasunod sa'kin.
"Ano ulit 'yung sinabi n'yo? Saan n'yo ko dadalhin?" Hindi ko maiwasang mapakunot noo muli habang nagtatanong.
"Sa jowa mo," nakangising sagot ni Jade.
"Utot! Hindi ko jowa si Orlando."
"Oh~ 'e bakit siya agad naisip mo no'ng sinabi kong 'jowa mo'?"
Natigilan ako sa sinabi nito at pasimpleng umiwas ng tingin, "Kasi...."
Wait, bakit nga ba siya?
"Kasi...." Ah tama!
"Nasabi n'yo 'yung pangalan niya kanina, 'di ba?" Napaturo pa ko sa kanila habang nagdadahilan ako.
"Ay, sus! Palusot pa. Halika na! Puntahan na natin jowa mo!" Hindi na ko nakapalag pa kasi ba naman bigla na lang hinawakan ni Anne at Shei ang magkabilang braso ko, at tsaka sila naglakad! Kaya wala akong nagawa, napalakad na rin ako dahil sa kanila.
"Nakakaloka kayo! Pinag-kakaisan n'yo ko!" Pagsusumbat ko sa mga 'to.
"Ngayon, alam mo na feeling. Ganyang ganyan ka sa'kin, friend," panunumbat naman pabalik ni Anne sa'kin.
Hindi makapaniwalang tinignan ko 'to, "Kailan? Paano? Ano ginawa ko sa'yo? Wala kong matandaan!"
"Sshhh! Beh, 'wag ka na maingay, lakad lang. Go. Go," paghihikayat naman sa'kin ni Shei.
Tumahimik ako saglit at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang bigla akong tumalikod at tinangkang tumakas. Oo, takas talaga! Kaso nakalimutan kong nasa likuran pala namin si Jade. At itong si Anne, ewan ko ba at kapayat payat 'e nagawa pa kong pigilan at bahagya pa kong nahatak! Take note, sudden move pa 'yon ha? Surprise attack, gano'n!
"Tatakas ka pa talaga ha?" Tanong sa'kin ni Jade habang pilit akong pinapaharan sa direksyon ng chambre. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kapit sa'king no'ng dalawa sa magkabilang braso ko.
Para kaming mga batang naghahatakan, nagkakaingay pa nga kami. Hindi nga lang patas ang laban kasi 3-1 ang laban! Habang pilit akong kumakawala sa tatlong 'to, sila naman ay sanib pwersa talagang hinatak at tinutulak ako paabante! Napansin ko na ngang napapalingon na sa'min 'yong mga nakakasalubong namin. Wala na kong panahong intindihin sila, ang kailangan komg isipin kung paano makakawala sa tatlong 'to.
Iniatras ko ang likuran ko at pilit na pinabibigat ang katawan ko. Sinusubukan kong ilagay ang lahat ng bigat ko sa dalawang paa ko. Ayaw lang talaga patalo nitong tatlo, todo kapit at hatak talaga sa braso ko. Todo tulak din mula sa likod ko. Kapag talaga ako napilay pagkatapos nito yari kayo sa'kin!
"Dali na, girl!" Pagpipilit ni Jade mula sa likod ko.
"Kasi...naman...'e." Hirap na sabi ko hanggang sa maramdaman kong tumama sa kung saan 'yung unahan ng kaliwang paa ko. Saglit akong napatingin sa baba, "Sandali, may tubo."
Mula sa gilid ng mga mata ko napansin kong napatingin sila Anne at Shei do'n sa tubong nakausli mula sa simento. Naramdaman ko rin ang paggaan ng mga kamay ni Jade mula sa likod. Lumuwag ang pagkakakapit nila kaya sinamantala ko 'yon at mabilis na tumalikod.
Wrong move kasi sobrang lapit sa'kin ni Jade.
"Ow!" Kaya pagharap ko sa direksyon niya ay nagtama kami at nag-bounce back ako. Napaatras ako at naramdaman ko ang pagtama ng sakong ko sa tubo!
Shemay! Matutumba ko!
Napapikit na lang ako ng sobrang riin. Ramdam ko ang unti unting pagbagsak ng katawan ko. Oh my gulay! Ang sakit sa puwet nito! Naramdaman kong may tinamaan ang likod ko, kasabay no'n ay may pumulupot sa may beywang ko. Bigla akong napamulat ng pakiramdam ko ay tumigil ang pagbagsak ko.
Hindi ko pa napa-process ang mga nangyari nang maramdaman ko ang unti unti kong pagtayo. Bigla akong napatili ng biglaan akong napaikot.
"Aray ko!" Napatingin ako sa kung saan tumama ang noo at kamay ko.
Black? Unti unti kong umakyat ang tingin ko hanggang sa makita ko kung ano, o sino talaga ang tinamaan ko.
Nakatingin pababa sa'kin ang matangkad na mamang ito, "That was close." Tumama sa mukha ko ang amoy mint na hininga nito.
Napatulala na lang ako rito.
Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug.
Napaiwas ako bigla ng tingin sa mga mata nito. Bakit biglang lumakas ang t***k ng puso ko? Sa kaba? Nakakakaba naman kasi talaga 'yong muntikan kong pagbagsak, pero kasi....parang hindi iyon ang dahilan? Kasi, bakit nag-iinit mga pisngi ko? Normal ba 'yon?
"Careful. That was dangerous, girls. What were you playing?" Dahan dahan kong binalik ang tingin ko rito pero hindi 'to nakatingin sa'kin. Diretso lang ang tingin ko.
Napatitig ako sa adams apple nito. Parang deadly weapon? Ang tulis.
Hala, wait. Parang ang weird no'n pakinggan. Agad kong iniwas ang tingin ko rito.
Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug.
"Sorry...we were just...sorry," hindi ko na masabi kung sino at ano ang sinagot nila kay Orlando.
'Yong malakas na pintig ng puso ko lang naririnig ko ng maayos ngayon. Hindi ko na namalayang bahagya ko na palang nahatak 'yong damit ni Orlando. Naramdaman kong humigpit ang hawak nito sa may beywang ko, wait! Nakalimutan ko na ngang hawak niya pala ko. Pasimple kong nakagat ang labi ko ng hawakan nito ang buhok ko gamit ang isa pa nitong kamay.
Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug.
Sh*t! Lalong nagwawala puso ko! Sinubukan kong ilayo ang katawan ko rito. Paano kung marinig n'ya 'yung lakas ng t***k ng puso, 'di ba? Ang kaso hindi ako nagtagumpay. Napigilan kasi ko ng braso nitong nakapulupot sa'kin at ang kamay nitong nakahawak sa ulo.
"Did you eat already?" Napatingala ako rito pero parang 'di pa rin naman ako ang tinatanong niya dahil kila Jade pa rin siya nakatingin.
"Yes, we just had some snacks," hindi ko magawang tignan sila Jade kasi para kong nabato sa posisyon namin ngayon.
"Oh, okay," napatingin naman 'to sa'kin. Napakurap kurap ako rito. Napansin kong bahagya itong napangiti bago ibalik ang tingin nito kila Jade.
Ngingiti ngiti ka pa! Mabaliw baliw na nga t***k ng puso ko!
"How about some dessert?"
"We're fine, thank you. But you can take Lhia with you," agad akong napaharap kay Anne dahil sa sinagot n'ya.
Naramdaman kong tumama 'yung katawan ni Orlando sa likod ko. Napalunok ako ng bigla nitong pinatong ang braso niya sa kanang balikat ko, at tsaka hinawak muli ang kanang kamay niya sa ulo ko.
"No~ I'm asking the four of you. Come on, let's eat all together."
Pinanlakihan ko ng mata 'yung tatlo. The sumama-kayo-look! Napansin kong nagpalitan muna sila ng tingin, pansin ko rin 'yung simplehan nilang sikuhan.
"Okay. So, where are we going?" Napahinga naman ako ng maluwag sa sinagot ni Anne. Salamat naman! Akalo ko talagang ipipilit nilang iwan kaming dalawa lang.
"Just come with me," pagkasagot no'n ni Orlando ay hinatak na ko nito mula sa balikat ko.
Hindi ako mapakali habang naglalakad kami palabas ng university. Paano ba naman nakaakbay sa'kin 'tong lalaking 'to! May time pa na bigla niyang ihahawak sa buhok ko 'yung kamay niya tsaka niya ibabalik sa balikat ko. Dumadagdag pa 'yung mga nakatambay sa daanan! Sinusundan kami ng tingin kaya mas naiilang ako.
Nang makalabas kami ng university, tumawid kami papunta sa kabilang side ng daan. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang light pink na building. Hindi ako pamilyar dito ah.
"Here," napatingin ako kay Orlando ng alisin niya 'yung kamay niya sa'kin at tsaka binuksan 'yung glass door para saming magkakaibigan.
Nauna akong pumasok at gumilid lang ako saglit para antayinh makapasok lahat ng kasama ko. Pagkapasok nila tsaka ko nilibot ang mga mata ko sa loob. Simple lang 'yung design sa loob pero ang gaan sa feeling. Nakakakalma. Tapos ang daming sweets related na design. Ang tamis din ng amoy sa paligid.
"Good day! Ma'am, Sir!" Napatingin ako sa babaeng sumalubong sa'min. Naka-plain white polo shirt siya at pale pink skirt. Tinernuhan niya 'yun ng white shoes. Hindi ko lang maaninaw 'yung pangalan niya sa name plate niya sa kaliwang dibdib.
"Table for how many po?" Magalang na tanong nito habang nakangiti.
"For five po," ako na ang sumagot kasi sa'kin 'to napatingin.
"Okay, this way please." Tumingin ako sa mga kasama ko tsaka sinundan 'yung babae sa side na tinuro at pinuntahan niya.
"Water po, ma'am?"
"Po?" Napatitig ako sa tanong nito sa'kin habang nauuna itong maglakad.
"Namumula po kasi pisngi n'yo, baka po nainitan kayo sa labas?" Nakangiti pa rin nitong tanong.
Hindi ko namang naiwasang idikit sa kanang pisngi ko 'yung likod ng palad ko. Namumula ba talaga ko?
"Ah, hindi na po. Salamat," pagtanggi ko na lang dito at tsaka inalis ang kamay ko sa mukha ko.
Tumango lang ito hanggang sa nakarating na kami sa pwesto namin. Isang 4-seated table ang pinagdalhan sa'min. Pasimple akong napalibot ng tingin. Lahat ng 6 at 8-seated tables ay occupy. Itong 4-seated na 'to at 'yung katabing 2-seated table na lang available.
"Is it okay po if one of you will seat here on this side?" Pagtatanong no'ng babae habang kinuha 'yung isang upuan sa katabing table. Nilagay niya 'yung sa side sa gilid bilang dagdag na upuan.
"Uhm..." napatingin ako sa mga kasama ko.
"Okay lang po ba i-occupy na rin namin 'yong table for two na 'yon?" Si Shei ang sumagot para sa'min. Nag-step back ako para mag-giveway sa pag-uusap nila.
"Oh, okay lang naman po Ma'am. Kaso po may bubukod sa inyo. Non-movable po kasi 'yung tables natin sa side na 'to."
"Okay lang po, thank you."
"Sige po, Ma'am. Take your seats na po, kuhanin ko lang po 'yung menu. Excuse me po," umatras ako para makadaan 'yung babae. Sinusundan ko 'to ng tingin ng may kumalabit sa'kin.
"Akin na 'yang bag mo, beh," kinuha ni Shei 'yung bagpack ko.
"Bakit?" Nagtatakang sinundan ko ito ng tingin. Binaba nito 'yung bag ko sa may upuan ng 4-seated table.
Humarap ito kay Orlando bago nagsalita, "Orlando, you can seat there with Lhia." Tinuro nito ang 2-seated table. "We will sit here," sabay upo sa upuan katabi ng bag ko.
Napaangat ang dalawang kilay ko sinabi nito. So, ito 'yung rason kung bakit parehong table gusto niyang i-occupy namin?!
"Upo na, girl," napatunganga ako kay Anne at Jade na dumaan sa harap ko para maupo sa katapat na upuan ni Shei.
"Let's sit down?" Napatingin ako kay Orlando at wala na kong nagawa kung hindi maupo dito sa may 2-seated table. Naupo naman sa tapat ko si Orlando.
Tinignan ko 'yung mga kasama namin at patay malisya lang sila. Aba'y kay galing naman talaga ng mga 'to! Lakas magkaisa!
Ilang saglit lang bumalik din agad 'yung babae dala dala ang menu. Pinapili kami ni Orlando ng gusto naming dessert pero may hiya pa pala 'tong mga 'to at hindi basta basta makapili. Sa huli, si Orlando na lang pinaorder namin. Ang inorder niya ay 'yung best seller nila rito, Fruity Mountain Fudge? Ewan, basta something na gano'n.
"Waiting time of 15 minutes po. Thank you po," pagkasabi no'n ay umalis na 'to agad dala 'yung menu at maliit na notebook na galing sa bulsa ng skirt nito.
Pasimple kong sinilip 'yung tatlo sa kabilang table pero busy sila sa pag-uusap. Ang hihina nga ng boses, hindi katulad nang pangkaraniwan naming pag-uusap na talagang nagkakaingay kami. Nakatitig ako sa kanila ng biglang may naramdaman akong pumatong sa ulo ko. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko na siyang may-ari no'ng kamay na nasa ulo ko.
Ilang beses akong napakurap habang titig na titig 'to sa'kin. "Why?" Medyo naiilang na tanong ko rito.
Mula sa ulo ko bumaba ang kamay nito sa kanang pisngi ko. Pasimple akong napasinghap sa ginawa nito. "W-what?" Tanong ko rito habang nakapigil ang hininga ko.
Bahagya nitong pinisil ang pisngi ko. "Are you okay? Your cheeks are red."
Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug.
Shocks! Kumalma na 'yung t***k ng puso ko kanina 'e! Ngayon, ito na naman!
Hindi ko kinakaya 'yung titig niya at kamay niyang nakahawak pa rin sa'kin. Binaling ko ang tingin ko sa lamesa na nasa gitna namin. "I'm fine. I usually have rosy cheeks when I feel hot." Mahinang pagsagot ko rito.
"Excuse me," pasimple ko 'tong sinilip bago nagbaba muli ng tingin. Nagtaka kasi ko sa 'excuse me' niya pero hindi naman pala ako ang kinakausap niya. "Water for us, please. Thank you."
Ramdam kong bumalik na muli sa'kin ang tingin nito. Hindi pa rin nito inaalis sa pisngi ko 'yung kamay niya. Habang tumatagal mas nararamdam ko kung gaano kalambot ang kamay nito. Medyo mainit din ito sa pakiramdam.
Grabe, may ginagawa kaya 'to sa bahay? Bakit ganito kalambot kamay nito?
Hindi ko itatanggi, masarap sa pakiramdam 'yung hawak niya.
Napabitaw siya sa'kin nang dumating na 'yung tubig na hiningi niya. Pareho kaming napaayos ng upo. Ininom ko lang agad 'yung tubig. Hindi rin naman nagtagal dumating na 'yung order namin, para ngang di naman umabot ng 15 minutes 'yung waiting time.
"Wow!" Hindi ko maiwasang magulat sa inorder niya. Ang laki! Isang malaking ice cream na fruit shape. Napatingin ako sa kabilang table at gano'n din 'yung kanila. Halatang nagulat din sila.
"Wait, can we even finish this?" Nanlalaking mga mata kong tanong kay Orlando.
Tinawanan lang ako nito bago niya inabot sa'kin 'yung kutsarang pinunasan niya ng tissue. "We should start now so we can finish this."
Tinusok niya gamit ang kutsara niya 'yung tuktok ng ice cream at tsaka sinubo 'yun. "Mmm. Its so cool."
Para naman akong natakam sa ginawa nito kaya isinantabi ko na 'yung pag-aalinlangan ko at tsaka ko ginaya 'yung ginawa niya. Napangiti ako pagkatapos kong matikman ito.
"Good?" Nakangiting tanong ni Orlando.
"Yes!"
"Have some more," muli itong kumutsara bago nilapit sa bibig ko 'yung hawak niya.
Natigilan ako sa aksyon na ginawa nito. Kitang kita ko sa gilid ng mata ko 'yung pagtitig sa'min no'ng tatlo. Naiikom ko ang bibig ko bago ko hinawakan ang wrist ni Orlando. Hinarap ko sa kanya ang hawak niya. Bahagya itong sumimangot bago walang imik na sinubo 'yung ice cream.
Binitawan ko ang pagkakahawak ko rito. "Hold this, please?"
Tinignan lang ako nito bago kinuha 'yung kutsara ko. Nagtataka ko nitong tinignan nang tumayo ako. Kinuha ko 'yung upuan ko at inilipat sa pagitan ng mga lamesa namin nila Jade. Ang pwesto ko ngayon ay nasa gilid na ni Orlando. Ang likod ko naman ang nakaharap kila Jade.
Inabot ko 'yung pinahawak ko rito bago kumuha ng ice cream at inilapit 'to sa bibig niya. Kitang kita ko ang dahan dahan nitong pagngiti bago ako tinanong.
"What are you doing?" Mapaglarong pagtatanong nito.
"Hiding from my friends?" Ngumiti ako ng alanganin dito.
Natawa 'to sa sagot ko, "What?"
"It's starting to melt," pagpuna ko rito. Nangingiting sinubo naman na nito 'yung ice cream.
Nangiti ako rito. Wala na. Patay na. Iba na 'yong kilig ko sa taong 'to.