Chapter 15 (Part 1)

2542 Words
"Papasok ba tayo next week?" Tanong ko habang pauwi kami. Opening na ng Foundation Week ng university sa Monday next week. "Oo naman, kailangan nating sulitin at i-enjoy ang next week!" Masiglang pag-oo si Jade. "Pero sana naman 'yong ibang prof natin 'wag nang magklase no'n," hindi ko napigilang mapatango sa sinabi ni Anne. "Ay, may magkaklase pa ba sa mga prof natin?" Tanong ni Shei. Pinaliwanag naman sa kanya ni Jade 'yong announcement ng class mayor namin kanina. Na-late kasi 'to kanina 'e. 'Yong ibang professors namin nag-announce na this week na hindi kami imi-meet. Dahil na rin sa pakiusap namin na 'wag ng magklase. Kaso, 'yong ibang prof namin tuloy pa rin sa klase next week. Hindi namin napakiusapan. Dumiretso na kami papunta sa pizza house malapit sa university. Maaga kasi uwian namin ngayon dahil nagpasa lang kami ng proposal seminar. Naisipan muna naming kumain kasi hindi pa kami nagla-lunch. Alanganing oras kasi 'yong schedule namin, 11am to 2pm. Pagkapasok namin ng pizza house agad kaming naupo do'n sa usual seat namin. Nilapag ko lang 'yong bag ko sa table habang sila Jade at Shei ay nagpaalam muna saglit para mag-cr. Kami ni Anne ang naiwan sa may table namin. Bigla kaming nagkatinginan ni Anne ng biglang mag-vibrate 'yong table. "Hindi sa'kin 'yon," patungkol ni Anne sa cellphone niyang hawak hawak niya. "Sa akin, sorry," natatawa kong sabi. Imposible naman kasing kay Shei o Jade 'yong nagva-vibrate na cellphone dahil 'di naman nila binaba bag nila.                   재신 오빠 calling...               "Hello?" [Lhia, oh, do you have class?] "No, it ended earlier," sagot ko nang pakiramdam ko ibaba niya ang tawag dahil akala niya nagkaklase kami. [Really? Where are you now?] "Pizza house." [Oh, uhm...] iniintay ko ang susunod niyang sasabihin kaso parang nag-aalinlangan siya. "What is it?" Siguradong may sasabihin 'to kaya 'to tumawag 'e. [I'll stay here in Manila until Monday so I won't see you,] mahinang sabi nito. "Gano'n? I mean...really?" Ang tagal naman no'n. Friday pa lang ngayon 'e, so bukod ngayong araw 3 days pa? [Yeah, mian.] (Sorry.) Napakunit noo naman ako nang mag-sorry siya. Sorry para saan? "What for?" [For I'll not see you for the next few days,] hindi ko naiwasang hindi mapangiti. Adik din 'tong si Orlando 'e. "We can just meet once you're home," pagchi-cheer up ko rito. [Then we can meet on Tuesday morning? At 9 o'clock?] Napatingin ako sa kaliwa ko nang mapansin kong pabalik na sila Shei at Jade. 'Sino 'yan?' Basa ko sa buka ng bibig ni Jade habang nakaturo sa cellphone ko. 'Orlando.' Sinabi ko 'yon ng walang sound at buka lang din ng bibig. Tumango tango lang ito at naupo na rin sa tabi ni Shei. "That early? Can we make it at 10am?" pagtawad ko, wala kasi kaming klase ng Tuesday kaya nakakatamad gumising no'n ng maaga. [Okay, Tuesday at 10 o'clock.] "Hmm..." tumango tango pa ko na parang nakikita ko nito. [Just the two of us.] Natigilan ako sa sinabi niya, "Just what? Only us? You and me?" Paglilinaw ko kung tama ba ang rinig at intindi ko. [Yes, I'll see you! Bye!] May sasabihin pa sana ko nang naputol na 'yong tawag. Kaming dalawa lang talaga? Paano sila Shei, Jade, at Anne? "Ano'ng only us?" Napatingin ako kay Shei nang magtanong siya. "Sabi kasi ni Orlando hanggang Monday daw siya sa Manila at magkita raw kami sa Martes, kaming dalawa lang," sagot ko habang inaalis 'yong bag ko sa ibabaw ng table. "May date kayo?" nabaling naman ang tingin ko kay Jade nang sabihin niya 'yon. "Ha? Hindi, magkikita lang. Baka nga maglibot libot lang kami sa university grounds no'n kasi siguradong maraming booth," pagtatama ko. "Lhia, kayo na ba ni Orlando?" Natigilan ako sa tanong ni Anne at napatitig lang sa kanya. "Lagi kayong nagkikita kapag available kayo pareho, lagi kayong kumakain-nadadamay pa nga kami sa pagkain niyo, lagi kayong magkatext, tinatawagan ka niya kapag nasa Manila siya para sabihin ang schedule niya. Kapag naman nandito siya aantayin ka niya o 'di kaya hahatid ka hanggang makasakay ka." "Hindi...ano...friends lang kami," unsure na sabi ko. Friends nga lang ba? Ngayon kasing nabanggit ni Anne 'yon, napansin ko ngang hindi ako ganito sa kahit kanino. Kung text at call lang usapan, sila lang ang katext at ka-callmate ko dahil sa school stuff pero 'yong iba niyang sinabi... "Sure ka bang friends lang kayo?" Kay Jade naman ako napatingin. Nalipat ang tingin ko kay Shei na katabi nito ng segundahan nito si Jade. "Oo nga girl, parang may something na 'e," pagdagdag pa ni Shei. "Kasi Lhia," nabalik ang tingin ko kay Jade. "Kung ako or kami-nila Shei at Anne- ang tatanungin, hindi na kayo mukhang friends lang 'e." "Gano'n?" Sa dami nang sinabi nila 'yon lang ang naisagot ko. "Baka kasi ang tingin mo friends lang kayo tapos para sa kanya pala more than friends na kayo. Tanda mo 'yong situation ni Mae noon? Sobrang close nila no'ng Korean friend niya, para kay Mae friends lang sila pero para pala do'n sa guy sila na. Tapos ano ending? Si Mae pa na broken," napaisip naman ako sa sinabi ni Jade. "'E ano'ng gagawin ko?" Sa totoo lang wala akong idea kung ano'ng dapat kong gawin. Bakit ba kasi walang ligawan stage ang mga Koreans 'e? Bakit mutual feelings at exclusively dating lang tapos sila na? "Tanungin mo siya," napakunot noo ako sa sinabi ni Jade. "Sino? Si Orlando?" Tumango naman si Jade, "Ano itatanong ko? 'Oppa, are we in a relationship?' Gano'n?" "Oo, bakit hindi?" Hindi ko maiwasang mapangiwi sa idea. "Paano kung friends lang pala tingin niya? 'E 'di napahiya pa ko?" Alanganing sabi ko, isipin ko pa lang nahihiya na ko. Paano pa kaya kung talagang itanong ko na? "Paano kung girlfriend pala tingin niya sa'yo? E'di hindi ka aware?" Napasimangot naman ako sa sinabi ni Jade. "Ah! Bahala na!" Frustrated na sabi ko, "Kumain na lang tayo," pag-iiba ko sa usapan.                  * * *                  ~* TUESDAY *~        "Oh!" napatingin ako kay Orlando ng bigla 'tong huminto. "Why?" Takhang tanong ko. Anong ino-"oh" "oh" nito? "Can you wait for me here? I'll be quick," magsasalita pa sana ko kaso tumakbo na 'to agad. Sa direksyong pinuntahan niya mukhang pabalik siya sa chambre. Baka may nakalimutan? Wala pang 10 minutes no'ng nagkita kami umalis na agad. Nilibot ko na lang muna ang paningin ko sa paligid. Medyo napaatras ako ng biglang sunod sunod na nagsisulputan 'yong mga nagba-bike. Dahil nga foundation week ngayon ng University namin kaya ang daming activities at mga booths na makikita. Isa na sa mga booths na 'yon ay 'yong rental bicycle booth. For an amount magagamit mo for 15 minutes 'yong bike. Hindi ko lang sigurado kung magkano per 15 minutes. Ilang minuto lang akong nakatayo habang inaantay si Orlando. Bakit kaya ang tagal no'n? Tumingin tingin ako sa paligid para maghanap kung may mauupuan ba ko sa may malapit lang. Nakakita ko ng isang bakanteng bench. Naglakad na ko papunta do'n, uupo na sana ko nang narinig kong may tumawag sakin. Pagtingin ko sa harap ko nakita ko sila Sir Van at Sir Czam. Papunta sila sa may direksyon ko. "Lana," nasa harapan ko na mismo sila. "Bakit mag-isa ka yata ngayon?" "Ah, sir kasi..." "Lhia," napatingin ako sa tumawag na naman sa'kin. Si Orlando. Napatingin 'to kila Sir kaya napatingin din ako. Spell awkward, K-A-M-I. Ano ba'to? Paano ba gagawin sa mga ganitong sitwasyon? Kausap mo professors mo tapos may bigla kang darating na foreign friend. "Who are they?" Hindi ko alam kung para sa'kin ba 'yong tanong kasi nakatingin siya do'n sa dalawa. "They're my professors," tumingin sa'kin si Orlando. "Teachers." "Oh, good day," inoffer pa ni Orlando ang kamay niya kila Sir para makipag-shake hands. Agad naman 'yong kinuha ni Sir Czam, si Sir Van naman parang napipilitan pang makipagkamay. Okay. Ano na sunod? Naiilang talaga ko sa set up namin ngayon. "You're with her?" Sa'kin nakatingin si Sir Czam pero ang sabi niya 'her' ibig sabihin si Orlando tinatanong niya? 'Di ba? 'Di ba? "Yes," hindi ako makaimik. Wala naman kasi kong iiimik 'e. "Are you on date?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa follow up question ni Sir Czam. "N-" sasagot na sana ko ng 'no' kaso naunahan ako ni Orlando. "Yes," gulat akong napatingin dito, sisikuhin ko na sana kaso bigla akong inakbayan at kinabig palapit sa kanya. Loko 'to ah! Para paraan para makalusot. "Date on a university? Tch," nalipat ang tingin ko kay Sir Van nang marinig ko 'yong sinabi niya. "Yeah, date-university style," chill lang na sagot ni Orlando. Buti pa siya chill lang! Ako nagsisimula nang ma-tense ng sobra! "Please, excuse us," at dahil naka-akbay pa rin sa'kin si Orlando, pati ako napahakbang no'ng humakbang siya. Tinignan ko muna sila Sir bago nagsalita, "Sige po, Sir." Pagpapaalam ko. Ngumiti lang si Sir Czam tsaka tumango, si Sir Van? Ewan, hindi ko na tinignan. Ang sama kasi makatingin, kanina pa! Matapos kong magpaalam ay nagpatangay na ko kay Orlando. Nang makalayo layo na kami, bigla na lang 'tong napahinto. Tinignan ko 'to, "Why?" "We didn't exchange names," exchange names? Ah. Hindi sila nagpakilala sa isa't isa. "That's fine, by the way," napatingin na 'to sa'kin, 'di ko na pinigilan sarili ko at siniko siya sa may tagiliran. "Ah! Yah!" Napabitiw 'to sa pagkakaakbay sa'kin. "Date? Really?" Pagpapaalala ko sa sinabi niya kanina. "What? Aren't we dating now?" Nagtatakang tanong nito sa'kin. Ako naman nagtataka sa reaction niya. "Wait, we're dating?" Gulat na tanong ko. Seryoso? Shoot! So, totoo nga 'yong concern nila Jade last Friday?! "Yes, since I came back. Do you..." napansin kong umayos 'to nang tayo. "You think we're not?" "Well...I thought...we're just..." hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Nagde-date talaga kami? Bakit hindi ako aware? Talk about culture differences! "We're what?" Napalunok ako sa tono ng boses niya, sa tono kasi parang naiinis na siya! Ngayon lang siya nagkaganito! "I thought we're just hanging out?" Diretsang sabi ko. Iyon naman kasi talaga ang alam ko! Malay ko bang para sa kanya nagde-date na pala kami! Halata sa expression ng mukha niya na hindi makapaniwala. Kung medyo medyo nate-tense ako kanina, ngayon tense na tense na talaga ko! "I chose to stay here to see you often even I was asked to stay in Manila, I always call and message you, I always see you whenever you and I are free, and we're always eating together!" Uh-oh. Katulad nga ng mga sinabi ni Anne, "And you thought we're just hanging out? Just like friends do?" "Orlando, I..." nagulat ako ng bigla na lang 'tong nag-lakad palayo sa'kin. Naglalakad siya papunta sa quarters nila na malapit lang dito sa kinatatayuan ko. Napabuntong hininga ko. Gusto ko siyang habulin kaso ano'ng sasabihin ko? Hindi kasi talaga sumagi sa isip ko 'yon. Mga ilang minuto akong nakatayo rito sa kung saan ako iniwan ni Orlando. Kahit ano'ng isip ang gawin ko hindi talaga ako makabuo ng ideya kung ano ang gagawin ko. Naisip kong tawagan sila Anne pero baka sermon muna abutin ko. Hindi kasi ko naknig sa kanila 'e. Napatingin ako sa harapan ko ng may maramdaman akong presensya sa harap ko. Bigla palang bumalik si Orlando. Kinuha nito ang isang kamay ko at nilagay ang isang cap? Nagtataka kong tumingin sa kanya. Akala ko galit siya o inis siya sa'kin? "My supposed to be gift," at tinalikuran na niya ko at tsaka mabilis na lumakad palayo. Tinignan ko 'yong cap na binigay niya. Wala naman siyang dala kani- ito ba 'yong binalikan niya kanina sa chambre? Tinitigan ko 'yong cap, 'yong cap itself kulay gray. 'Yong visor naman kulay black. Napansin ko 'yong design sa harap ng cap. May isang bear like cute image na I assume isang lalaki na design, nakaturo 'yong bear sa left side nito. Nakaturo 'to sa lettering na nakalagay. Binasa ko 'yong nakalagay na naka italic pa.              여자 친구                   Wow, para sa hangul lettering. At another wow para sa meaning. 'Girlfriend'. Bigla na lang akong napangiti. Hinanap ko kung saang direksyon nagpunta si Orlando. Hindi naman ako nahirapan kasi nangibabaw siya sa crowd. Mukhang pabalik na siyang chambre. Ang hilig niya kong layasan ngayon ha! Agad akong tumakbo papunta sa direksyon niya. Para kong nakikipagpatintero habang tumatakbo para maiwasan 'yong ibang taong palakad lakad. "Oppa!" Sabi ko nang hinihingal ng sa wakas ay maabutan ko siya. Mukhang galit pa rin kasi ni hindi man lang tumigil sa paglalakad. Kaya naman kahit hinihingal pa ko, naglakad na rin ako para masabayan siya. Malapit na kasi kami sa entrance ng Chambre, kapag nakapasok 'to hindi ko,na mahahabol pa. "Oppa," tawag ko ulit sa kanya. Wala pa rin. Hindi ko na kaya pa, dahil hinihingal na talaga ko sa bilis ng lakad namin, kaya hinawakan ko siya sa braso para pigilang maglakad. At mabuti na lang tumigil siya. Sinamantala ko naman 'yon nang makabawi ng hangin. Nang medyo umayos na paghinga ko tsaka ko nagsalita. "Why are you walking so fast?" 'Di ko napigilang sabihin. Long legged kasi! Pero imbis na sagutin tinitigan lang ako nito. "Still mad?" Hindi pa rin 'to sumagot at bigla na lang naglakad, ulit. Hindi ko na siya sinundan, tinawag ko na lang siya, "Namchin." (Boyfie/boyfriend) Napansin kong napahinto 'to sa paglalakad. "Namchin-a, eodi ga?" (My boyfriend, where are you going?) Trying hard na kung trying hard, at least napatigil siya! Bigla naman 'tong humarap sa'kin. Nakatitig 'to sa'kin kaya naman tinitigan ko rin siya. 1...2...3...nakakailang. Dahil 'di ko na kaya ang titig niya naisipan ko na lang isuot 'yong cap na binigay niya kanina. Yumuko ako ng kaunti. Buti na lang nasa may gilid kami, kundi para kaming tanga na nakatayo lang dito. Ilang saglit pa naramdaman kong may humawak sa kaliwang kamay ko. Napaangat ako ng tingin. Napatitig ako kay Orlando na nakahawak sa kamay ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko, ewan ko ba para kasing pinipigilan niya ang sarili niyang ngumiti kaya ito, nahahawa ako. "Namchin?" Napatango ako sa sinabi niya. "I thought we're just hanging out?" "I thought we're already dating?" Mabilis na ganting sagot ko. "Its our cultural differences that's why we had a misunderstanding. You know that here, we have courting unlike in your culture when two people are dating exclusively then they're already official." Hindi siya umimik at nanatili lang nakatitig sa'kin, nakikinig. "But..." "But?" "It doesn't matter what kind of culture you have as long as you have mutual feelings?" "Okay." "Okay?" Tumabi na 'to sa'kin. "We're now official," at tuluyan na 'tong ngumiti. Medyo napanganga naman ako sa sinabi niya, "Wait, why does it sounds like...a guy saying a 'yes' to a girl?" Imbis na sumagot tinawanan niya lang ako. Naramdaman kong inayos niya ang pagkahahawak ng mga kamay namin. Intertwined fingers. "Kaja?" (Let's go?) Tanong nito with happy tone. Hindi ko napigilang matawa, tumango ako sa tanong niya kahit 'di ko alam kung saan kami pupunta. Nakatitig ako sa kanya nang isuot niya ang isang cap na kakulay no'ng akin. Napansin ko rin 'yong design nito. Kapareho no'ng sa'kin, ang pinagkaiba lang, nasa kanang side 'yong bear at nakaturo sa kanan nito. May nakalagay na:               남자 친구                 Boyfriend.                To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD