Continuation...
Kinuha ko 'yong cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Tinignan ko kung ano'ng oras na.
5:45 PM
Halos wala pang 6 o'clock pero ang dilim na. Sabagay, BER month nga naman kasi. Idagdag na rin siguro 'yong fact na hindi pa binubuksan 'yong lamp post dito sa may malapit kaya mas madilim. Automatic naman magbubukas 'yong mga lamp post na 'yan mamayang 6pm.
Napatingin ako kay Orlando na nakatayo sa may gilid ko. Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa school, inaantay ko si Orlando kasi may kausap siya sa cellphone niya.
Naririnig ko naman ang usapan nila dahil halos isang hakbang lang naman pagitan namin, sadyang 'di ko lang talaga naiintindihn 'yong usapan dahil in Korean.
Ilang saglit pa natapos na rin 'yong tawag. Naupo si Orlando sa tabi ko.
"My boss," bungad nito. "He's asking me to send some important files to his e-mail."
"Then send it," simpleng sagot.
"It's on my flashdrive, inside my room," tumingin pa sa'kin 'to. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o hindi, 'yong itsura niya kasi parang batang iiyak.
Naiintindihan ko naman na ang gusto niyang iparating ay kailangan na niyang bumalik sa chambre. At syempre, ibig sabihin no'n tapos na ang date namin.
"It's just 6 o'clock but it's already dark, I should go home too," pampalubag loob na sabi ko sa kanya.
"Aish," tinanggal nito ang cap na suot, at tsaka sinuot na pabaliktad.
Tinap tap ko lang ang balikat niya habang tumatango. "You don't seem sad," parang batang nagtatampong sabi nito.
"We can meet tomorrow," para namang nabuhayan ito sa sinabi ko.
"Jeongmal?" (Really?) Tumango naman ako sa kanya. "Yes!"
Hindi ko napigilang hindi matawa. Nakakatawa naman kasi si Orlando. "Let's go, I'll-" sabay kaming napatingin sa cellphone niya ng bigla 'tong mag-ring. "Wait," tumango naman ako at hinayaan siyang sagutin 'yong tawag.
"Yeoboseyo? Ne? Jigeum yo? Ye, algess-seumnida." (Hello? Yes? You mean now? Okay, I understand.)
Nakatingin lang ako kay Orlando hanggang sa binaba niya 'yong tawag. Base sa pagkakaintindi ko parang may pinapagawa sa kanya, as in ngayon na. Boss niya kaya?
"My boss, he's rushing me to send the files now," pagkasabi niya na no'n parang frustrated na frustrated siya. Bumubulong bulong pa siya, in Korean naman kaya 'di ko maintindihan.
"What?" Natatawang tanong ko. Ang cute cute niya!
"Ah! I still want to send you off!" Pinatong nito ng ulo niya sa kanang balikat ko. So, 'yon ang kinaiinis niya? Kasi gusto niya kong ihatid? Para namang maliligaw ako papuntang sakayan.
"It's okay," gamit ang kaliwang kamay ko pinat ko pa ang ulo niya.
"Aninde!" (No, it's not!)
"Oppa, your boss might be waiting for the files now. You should rush to your room," inangat naman niya ang ulo niya at umayos nang upo.
Bumuntong hininga pa muna 'to bago nagsalita, "Fine."
Ngumiti naman ako sa kanya, "See you!" Masiglang sabi ko sa parang nanlalata kong boyfriend.
Tumingin naman 'to sa'kin at ngumiti rin. Hinawakan nito ang ulo at..."Aish." Hindi ko napigilng sabihin ng bigla nitong binaba 'yong visor no'ng cap ko. Kaya naman takpan ang mga mata ko hanggang sa may ilong ko.
Sinubukan kong ayusin 'yong cap kaso nakahawak pa rin siya sa may ulo ko kay hindi maayos ng sobra. Natatakpan pa rin 'yong mga mata ko.
Tumingala ako para subukan kung masisilip ko man lang ba siya. "Oppa..." natigilan ako ng may maramdaman ako.
May naramdaman akong dumampi sa labi ko. Saglit lang 'yon pero...malambot? Malambot? Nanlaki mga mata ko nang ma-realize ko 'yong ginawa ni Orlando. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Kiss.
Kiss.
Kiss.
Saglit lang 'yon pero...
Agad kong inayos 'yong cap ko. Madali ko na siyang naayos dahil nawala na 'yong kamay niyang nakapatong sa ulo ko. Agad kong tinignan si Orlando. Saktong pagtingin ko sa kanya ay biglang liwanag na ng paligid. Binuksan na pala 'yong mga lamp post. Nakangiti 'tong nakatingin sa'kin.
"Take care," mabilis 'tong tumayo at naglakad na agad paalis.
Nakagat ko ang labi ko pero kahit gano'n hindi ko pa rin mapigilang mangiti. Ganito pala feeling ng in a relationship? Hindi naman ako NBSB pero 'yong past boyfriend ko kasi hindi naman kami nagtagal. Tsaka ang bata ko pa no'n, naging mapusok lang talaga ko.
Tumayo na ko sa kinauupuan ko. Maglalakad na sana ko nang maramdaman kong nag-vibrate 'yong cellphone. Non-stop vibrate, ibig sabihin tawag. Agad kong nilabas 'to mula sa bulsa ko.
재신 오빠 calling...
"Hello?"
[I'm tempted to run back,] bungad nito sa'kin.
"You're already in chambre?" Hindi muna ko umalis sa kinatatayuan ko.
[Yes, near my room,] sagot nito sa'kin.
"You're quick to escape," biro ko tungkol sa biglang pag-alis nito. Narinig ko namang natawa siya.
[Sorry,] napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
"Sorry for the kiss or sorry for walking away?"
[Sorry for not sending you off,] gusto niya talaga kong ihatid.
"Why did you walk away anyway?" Bigla kong tanong, nagtataka kasi talaga ko kung bakit siya bigla na lang umalis.
[Uhm...I-I think I'll hang up now. Message me when you're home,] parang kinakabahan siya.
"You're avoiding the question," puna ko. "Are you..."
[What?]
"Shy? You got shy?" Seryoso, kung iyon ang dahilan baliw na siya. Siya kaya nanghalik! Pasalamat nga ako at madilim sa paligid at medyo malayo sa mga booths 'yong pwesto namin.
[Bye! Take care!] Biglang naputol 'yong tawag after no'n. Confirmed. Tama ako. Para na naman akong baliw at hindi maiwasang hindi mangiti.
Tinago ko na 'yong cellphone ko at nagsimula nang maglakad. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng bigla akong napahinto.
"Nakakagulat naman 'to," bulong ko sa sarili ko. Pagtingin ko kasi sa may harapan ko may taong nakatayo sa may tapat ng plant box. Ngayon ko lang napansin na may tao pala ro'n. Hindi ko naman maaninaw 'yong mukha niya kasi naka-hood siya.
Napansin kong parang lilingon ata siya sa gawi ko kaya iniba ko na 'yong direksyon ng tingin ko. Makauwi na lang. Dire diretso lang ako nang lakad hanggang sa malagpasan ko na 'yong kung sino man na 'yon.
* * *
"Seryoso?!" Halos sabay sabay na sigaw no'ng tatlo. Buti na lang medyo maingay din sa paligid kaya hindi kami pinagtinginan. Wednesday ngayon at kanina lang inannounce no'ng prof namin na wala kaming klase sa kanya. Kung kailan majority ng section namin ang nandito na.
Nagkita rin kami ni Orlando kanina after sabihin na wala kaming klase kaso sobrang saglit lang. Bigla kasi siyang pinapunta sa Manila ngayon. Hay, sayang naman.
"Ibig sabihin, taken ka na? Hindi na single status mo kundi in relationship na?" Hindi ko alam kung natutuwa ba si Anne o hindi sa tono ng boses niya.
"Oo Anne, may karamay ka na sa pagiging taken," natatawang sagot ko.
"The oldest and the youngest. E 'di kayo na!" May kasama pang hampas ang pagkakasabi ni Jade niyan.
"Hayaan mo beh, tayo rin soon," tinapik pa ni Shei si Jade sa balikat.
Nagkwentuhan lang kami habang naglilibot libot dito sa university grounds, kung nasaan ang mga booths.
"Ladies," may narinig ako'ng nagsalita malapit sa'min kaya lumingon ako do'n.
"Sir," gulat na tawag ko at napahinto sa paglalakad. Dahil bigla akong huminto, napahinto rin sa paglalakad 'yong tatlo.
"Good morning po Sir," bati ni Jade na sinegundahan nila Anne at Shei.
Tumango lang si Sir Van sa kanila. "I know it's your celebration week but I wonder if you, ladies, can lend a hand?"
"You need help, Sir? For what?" Tanong ni Shei. Hindi ako umiimik at nakikinig lang sa kanila. Ano'ng tulong kailangan nito?
"Paper works, I need some help to arrange those and everyone are too busy. So?" Tumahimik 'to at parang iniintay ang sagot namin.
Nagtinginan naman kaming apat. Nagtatanungan gamit ang mga tingin. Sa huli si Shei na rin ang nagdesisyon, "Sige po, Sir."
Nagulat pa ko ng biglang ngumiti si Sir Van. Wow, ngumingiti pa pala 'to? Akala ko naging robot na simula no'ng ma-reject.
"Thank you, it won't take an hour," pagkasabi no'n pinasunod na lang niya kami sa kanya papunta sa faculty nila ni Sir Czam.
Iisang faculty lang sila ni Sir Czam, ang alam ko nga sila lang gumagamit ng faculty room na 'yon 'e. Sosyal.
Pagpasok namin sa faculty room, walang tao. Wala si Sir Czam. Office cubicle style pala faculty room nila. May sofa ring nakadikit sa pader. Iba sa faculty ng college namin. May flat screen tv din, may tv din naman sa college faculty namin kaso hindi flat screen. Napansin ko agad 'yong isang teacher's table na puno ng mga bundle ng paper.
"Just a moment," sinundan ko ng tingin si Sir Van. Sa may sulok ng room may limang white monoblock na magkakapatong. Kumuha siya ng dalawa at nilagay harap ng isang table. Nilagay niya 'yon sa tabi ng isang teacher's chair.
"I need three people here to arrange these papers. The first bundle should be arrange by scores. The next two bundles should be alphbetically arrange. And," umatras si Sir Van at tinuro 'yong cubicle sa likod.
"I need someone to assist me here, I'll be recording the checked papers. I need one to check the uncheck papers. It's up to you ladies to decide who'll be here..." tinuro niya 'yong teacher's table na nasa harap namin. "...and their." Tinuro nito ang teacher's table na nasa may likod.
Naglakad na si Sir papunta sa likod na part kung nasaan 'yong isa pang teacher's table. Baka table niya 'yon?
Napatingin ako kila Jade nang maramdaman kong siniko ako. Nagtataka kong tumingin sa kanila. Bakit ganito ang tingin nitong tatlo sa'kin?
Ginalaw ni Jade ang ulo nito.
Ha?
Napataas ang kilay ko nang maintindihan ko ang gusto niyang sabihin. Tinuro ko sarili ko at tsaka tinuro 'yong pwesto ni Sir.
Translation: Ako doon?
Tumango naman si Jade, napansin kong naupo na sa monoblock sila Anne at Shei. Aba't talaga naman!
Tinignan ko si Jade at umiling iling. Ayoko nga! Pero no effect at pinandilatan pa ko ng mata ng bruha!
"Dali na," mahinang bulong nito sa'kin at tsaka ko tinulak papunta kay Sir. Sinamaan ko siya ng tingin pero bruha talaga at diretso upo!
Napatingin ako sa direksyon ni Sir at nakita kong nakatingin din 'to sa'kin. Napaayos ako nang pagkakatayo. Sinenyasan ako ni Sir na maupo. Napansin kong may isa ng monoblock sa may side ng table.
Humakbang na ako palapit sa upuan at tsaka naupo.
"Here's the uncheck ones. And this is the correct answers," tumango tango ako. "Red ballpen?" Napatingin ako dito at kinaway kaway nito ang red ballpen na hawak nito.
Tumango ako at inabot niya sa'kin 'yong ballpen. Mayroon naman ako no'n kaso naghihingalo na 'yong tinta. Sinimulan ko nang mag-check ng mga papel.
Katahimikan. Sobrang tahimik sa paligid! 'Yong ingay sa labas hindi pumapasok sa loob. Ano ba naman 'to?! Mas lalo akong hindi nagiging komportable nito 'e.
Ilang minutong katahimikan ang nangyari. Maski sila Anne, Jade, at Shei ni hindi ko naririnig na nagbubulungan. Gusto ko sana silang silipin kaso ang dami no'ng iche-check ko! Matapos ko kaya 'to within one hour?
Narinig ko na biglang bumukas 'yong pinto. Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa direksyon nito. Nakita ko si Sir Czam, do'n sa tatlo 'to napatingin.
"Oh, may workers na pala tayo?" Pagbibiro nito, natawa naman 'yong tatlo at nangiti lang ako.
"Sir, magkano ba sahod?" Pagbibirong patol naman ni Shei.
Tuluyan nang pumasok ng faculty room si Sir. "Ten pesos per 1 minute. Nakakailang minuto na ba kayo?" Naglakad 'to papunta sa lalagyan ng monoblock at kumuha ng isa.
"Mga 15 minutes na Sir. O, 150php na 'yon Sir ha?" Tinignan kami ni Shei isa isa. Maski nga ako sinilip pa 'e. "Bagalan niyo mga beh, para mas lumaki."
Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Shei. Nailing ako sa pinagsasabi nito, bumalik na lang ako sa ginagawa ko.
"Buksan natin ang tv," binaba muna ni Sir Czam 'yong monoblock tsaka binuksan 'yong tv. Pagkabukas kinuha nito ang remote at tsaka binitbit ulit ang monoblock.
Sinundan ko 'to ng tingin hanggang sa pumwesto 'to sa gilid ni Sir Van. Bale nasa may tabi ng pader pumwesto si Sir Czam.
"Marami namang silang nag-aayos ng papel do'n," tumingin 'to sa'kin. "Kaya ikaw na lang tutulungan ko."
Ngumiti ako rito at sinimulan nga niya kong tulungan. Thanks to Sir Czam at sa tv hindi ulit tahimik kahit na hindi kami masyadong nag-uusap.
Paminsan minsan magsasalita si Sir Czam tapos papatulan ni Shei o Jade at ayon, mauuwi sa tawanan.
Naging mabilis na lang ang pagche-check ko. Salamat na rin sa tulong ni Sir Czam. Ilang saglit pa natapos ko nang i-check 'yong share ko. Inayos ko lang 'yong papel at binigay kay Sir Van na tambak pa rin ng papel na irerecord.
"Sir, tapos ko na pong i-check 'yong sa section G," tumingin 'to sa'kin at kinuha 'yong inaabot kong papers.
Tumingin naman ako kay Sir Czam, baka kasi kailangan pa niya ng tulong.
"Matatapos ko na rin 'to," nagulat pa ko nang bigla 'tong magsalita at tumingin saglit sa'kin. "H'wag mo na ring alukin ng tulong si Van. Sasakit lang ulo mo sa pagrerecord."
Hindi ko naiwasang tignan si Sir Van. "'E, Sir ang dami 'o. Parang lalamunin na siya no'ng mga papel sa dami," hindi ko napigilang sabihin.
Narealize ko lang 'yong mga sinabi ko ng biglang tumingin sa'kin si Sir Van. "Joke lang, Sir!" Pagdedepensa ko, narinig ko namang parang mahinang nagtatawanan 'yong tatlo. Mga bruha!
Natulala naman ako sa mga sumunod kong nakita. Smile. He smiled! Ngumiti siya bago niya tinuloy 'yong ginawa niya.
Wow...wow! Ngayon ko lang nakita 'yong smile na 'yon! Usually kasi pag nag-smile siya 'yong formality smile lng. Alam niyo 'yon? 'Yong wala ka lang choice kundi ngumiti kasi binati ka, or something. Pero iba 'yong smile niya kanina lang! 'Yong boyish smile!
"E'di wala na pong gagawin?" Tanong ko nang makabawi na ko.
"Manuod ka na lang ng tv."
"Sir, nagtagalog ka," nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi ko. 'E totoo naman 'e! Puro English 'tong si Sir Van 'e! Pero bakit ba nawawalan ako ng control sa bibig ko?
Bago pa ko lingunin ulit ni Sir Van agad na kong humarap sa direksyon ng tv. "Manunuod na lang po ako!" Mabilis na sabi ko at dumikwatro pa.
Napatingin ako kila Shei, mas kita ko na kasi sila sa posisyon ko ngayon. Kitang kita ko kung gaano gustong tumawa nang malakas ni Shei pero 'di niya magawa kasi nasa faculty kami. Kitang kita ko rin ang pigil at mahinang pagtawa nila Anne at Jade. Mga kaibigan ko ba talaga ko? Ginagawa akong laughing material ha.
Natingin sila sa'kin at nag-peace sign. Sinimangutan ko lang sila.
'Lipat ako d'yan?' I mouthed.
Mabilis na umiling si Anne na parang sinasabing 'hindi pwede'. Si Shei naman sumenyas na masikip. At si Jade? Basang basa ko ang buka ng bibig niya: 'Busy kami.'
Mga bruhaaa! Humanda kayo mamaya sa'kin! Binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa tv. Manunuod na lang ako!
"May boyfriend ba kayo?" Napatingin ako kay Sir Czam ng bigla bigla na lang niyang tinanong 'yon.
"Ako Sir single," si Shei ang unang sumagot.
"Ako rin po, Sir," segunda naman ni Jade. "Oy, Anne. May boyfriend daw ba."
Dahil siniko na ni Jade no choice na si Anne kundi sumagot. "Ako po Sir mayroon."
"Wow! 'E ikaw Lana?" sa'kin nabaling ang tingin ni Sir Czam.
"A-ano po..."
"Bawal magsinungaling, prof sila," pagpapaalala sa'kin ni Jade. Tinignan ko naman 'to nang masama tsaka ko nagsalita.
"Wala kong balak magsinungaling 'no!" Binalik ko ang tingin ko kay Sir Czam na nag-aantay ng sagot ko. "Mayroon po, Sir."
"Mayroon? Sino?!" Gulat na tanong nito, hindi ko rin maiwasang magtaka sa pagkakatanong nito. Bakit parang hindi 'to makapinawala? Mahirap bang paniwalaan na may boyfriend din ako?!
"That guy yesterday," napatingin ako kay Sir Van na nagrerecord pa rin hanggang ngayon.
"Sino? 'Yong Korean?" Tumango naman ako sa tanong ni Sir Czam. "Seryoso?"
"Oo nga po, Sir," umayos ako nang pagkakaupo.
"Kailan pa?" Kailan? Kailan nga ba? Para sa'kin kahapon lang, kasi kahapon lang na both parties ay aware. Pero sabi kasi ni Orlando dating na kami since bumalik siya, 'e last month pa 'yon.
"Last month lang po," sagot ko. Akmang magsasalita pa lang ulit si Sir Czam ng biglang magsalita si Sir Van.
"Faster, will you?"
"Fine!" Pagsuko na sabi ni Sir Czam, "Later, Lana." Grabe, may follow up questioning pa mamaya?
Tumahimik na ulit, dahil wala akong magawa at ayoko naman no'ng palabas sa tv, nilibot ko na lang ng tingin 'yong buong faculty room. Ang neat ng faculty room nila to think na dalawang lalaki ang gumagamit.
Napatigil ang tingin ko sa isang hoodie. Parang nakita ko 'yong hoodie na 'yon. Saan nga ba? Para namang may isang memorya na biglang nag-flash sa utak ko.
Ah! Kamukha no'ng hoodie no'ng taong nakakagulat kagabi. Kamukha nga lang ba? Ngayong tinititigan ko para kasing 'yon talaga 'e. Hindi kaya...si Sir Van 'yon?