Chapter 16

3165 Words
"Oh!" Napatingin ako sa hinagis sa'kin ni kuya Travis. Umiwas ako rito para hindi ako tamaan. Pinulot ko 'yung bagay na hinagis niya na gumulong sa may sahig. Lip balm? Nagtatakang tinignan ko 'to. "Para saan 'to?" "Sa'yo. Puro sugat na naman 'yang labi mo," sagot nito sa'kin sabay talikod at lakad papunta sa kwarto niya. Napahawak ako sa magkabilang gilid ng labi ko. Dahan dahan kong binuka ang bibig ko at ramdam na ramdam ko ang hapdi sa may gilid nito.  Malamig na naman kasi ang panahon kaya nagsisimula na namang magsugat ang labi ko. Noong nakaraang linggo nga sa may gitna mismo ng labi, ngayon naman 'yong gilid. Binuksan ko na 'yong bagong bigay na lip balm ni kuya. Agad ko itong ipinahid sa labi ko. Saktong pagkatapos kong maglagay ay siyang pag-vibrate ng phone ko. Agad kong binulsa 'yong hawak ko at kinuha 'yong phone na nakapatong sa unan na nasa lap ko. Si Orlando. Hindi ko naiwasang mapangiti nang makita ko ang pangalan niya sa screen. Dalawang linggo na rin simula noong nagging official kaming dalawa. Sa mga natirang araw ng Founder's Day halos kami lang magkasama. Talagang nilibot at inisa isa naming lahat ng booth na mayroon noon. Halos nakilala na nga kami no'ng ibang mga estudyante sa ibang booth noon, halos araw-araw kasi nila kaming nakikitang dumadaan sa harap nila. Lalo na 'yong mga food stall—barbeque booth—kasi suking suki talaga kami. Pakiramdam ko nga maha-high blood ako noon kasi puro kami karne!  Binuksan ko ang message nito. Nangangamusta lang ito. Kagigising ko lang kasi kaya hindi ko pa siya natetext, ngayon pa lang. Nagsimula na kasi ang Christmas break namin kahapon. Pagkatapos ng Foundation Week, nagpasa lang kami ng mga mid-term projects at tinapos 'yong ibang chapter ng mga lesson namin. Nag-type lang ako ng reply ko rito bago ko tumayo mula sa pagkakaupo ko. Para kasing may kumakatok sa may gate namin. Pumunta ko sa may pintuan at bahagyang binuksan 'yong pinto. Pasimple kong sinilip kung may tao ng aba. Pinaliit ko ang mga mata ko, bakit wala naman akong makita? Bigla akong napatayo nang maayos sa gulat ng biglang may kumatok nang malakas sa gate. Nakakaloka! Napabuntong hininga ko bago ko tuluyang binuksan 'yong pintuan. Hindi ko makita 'yong tao sa labas pero nakikita ko 'yong parang blue na kotse. Sino naman kaya 'to? Nakarinig ulit ako ng mga katok sa gate. Hindi na nga lang kasing lakas no'ng kanina. Lumapit ako sa may gate para buksan ito. May naririnig akong parang nagtatalo sa labas. Nakakunot noo kong tinanggal ang lock at binuksan ito. Isang babae at isang lalaki ang bumungad sa'kin. Napatitig ako sa lalaking nakaharap sa'kin. Nakahalukipkip nito kong tinignan. Nabaling naman ang tingin ko sa babaeng nakaharap ang likuran sa'kin. Hindi ko tuloy makita ang itsura nito. "Uhm, yes?" nag-aalangang tanong ko sa lalaki nang ibalik ko ang tingin ko rito. Para kasing may foreign blood ito dahil sa itsura nito kaya 'yes' ang sinabi ko rito imbes na 'ano kailangan n'yo' na linyahan. "Why is there a girl here?" Napaangat ang dalawang kilay ko sa tanong nito. Aba! Ano'ng klaseng bungad 'yan sa taong may-ari ng bahay? "What?" Natigilan ako sa boses na narinig ko. Muli, tinignan ko 'yong babaeng nakatalikod sa'kin kanina. Para bang nag-slowmo 'yong pagharap niya sa'kin. Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya pagkakita niya sa'kin. "You...?" "What are you doing here?" Diretsang tanong ko rito, tuluyan na kong lumabas sa bakuran naming at isinara ang gate na nasa likuran ko. "Wow! Rude!" Tinignan ko nang masama ang lalaking kasama nito na siya ring nag-react. Inismiran ko lang ito bago binalik ang atensyon ko kay Ema. Oo, si Ema. Ano bang ginagawa ng babaeng ito rito? "She is," napataas ang isang kilay ko sa sinabi nito. "I clearly remember you. You're Czam's rude student. Wait, why are you here?"  At talagang ako pa ang rude ha? Nasa bahay kaya naming kayo! Napahugot ako ng hininga bago ko inilagay ang kanang kamay ko sa may beywang ko. "'Coz this is our house?" pasarkastikong sagot ko rito. "What?"  "I think there's nothing important here, so..." inalis ko ang kamay ko sa beywang ko at tsaka tinulak ang nakasarang gate sa likuran ko. Ginawa ko 'to ng hindi inaalis ang tingin kay Ema. "Bye." Sabay talikod ang ginawa ko rito, mabilis akong pumasok sa loob at akmang isasara ko n asana 'yong gate ng may kung sino mang pumigil dito.  Naiinis kong tinignan 'yong lalaking kasama ni Ema. Siya ang pumipigil sa pagsara ko ng gate. Kahit ano'ng tulak ko hindi ko ito magawang isara.  "Not so fast, lass." Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko sa inis ng bigla ako nitong nginisian. "Move." Matigas na utos ko rito. "Should I?" Binaling nito pakaliwa ang ulo niya, sa direksyon ni Ema. Animo nagtatanong ito kung gagawin niya ang inuutos ko. "Forced it open." Hindi makapaniwala akong napatingin kay Ema. Napaatras ako ng kaunti nang gumalaw 'yong gate. Bwisit! Pupwersahin niya talaga?! Pinilit kong labanan ito at itinulak ng buong lakas 'yong gate, pero parang hindi naman ito sumasara. "Ready?" Napalunok ako sa sinabi nito. Ang bilis ng pangyayari, ang sunod na alam ko nasa sahig na ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa may puwetan at mga palad ko. Napatigin ako sa maliit na gate naming nakabukas na ngayon. Sumandal sa may pader 'yong lalaki habang tumayo sa gilid nito si Ema. Naiinis ako sa paraan ng pagtingin sa'kin ni Ema. Pakiramdam ko ang liit liit ko sa mga mata niya. Hindi ko talaga magugustuhan ang babaeng ito! "Lana!" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses. "Kuya." Parang batang tawag ko kay Kuya Travis. Napasimangot pa ko nang makita koi to. Dali dali itong tumakbo papunta sa'kin.  "P*ta. Ano'ng nangyari sa'yo?" Tinulungan ako nitong makatayo. Nahirapan pa nga akong buhatin ang katawan ko kasi ang sakit talaga ng butt area ko. Napatitig ako sa mga palad ko, pulang pula pareho at kitang may mga gasgas. Kitang kita rin ang mga bakas ng malilit na bato na nadiinan ko. Dahan dahan kong pinagpag ang malilit na bato at lupa na dumikit dito. "Travis..." mula sa gilid ng mata ko, naaninaw ko ang paghakbang ni Ema palapit sa'min ni kuya. "Lana..." napatingin ako ng diretso kay kuya. "...who did this?" may halong pag-didiin sa pagtatanong nito. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang may bumara sa lalamunan ko na siyang nagpapairap sa'king magsalita ngayon. Huminga muna ko ng malalim bago ko tinignan si Ema na bahagya nang nakalapit sa'min at 'yong kasama niyang parang buntot nito, nasa tabi pa rin kasi ito ni Ema ngayon.  "Ayoko silang papasukin. Nang isasara ko na 'yong gate pinigilan no'ng lalaki tapos sabi ni Ema 'forced it open' daw." Para akong bata na nagsusumbong sa nakakatandang kapatid. Iyong tipong may nang-aaway sa'kin tapos isinusumbong ko sa kuya ko para resbakan! "Look, Travis, she's not even asking who we are..." hindi pinatapos ni kuya ang sinasabi ni Ema at mabilis na lumapit dito. "Kuya!" Gulat na tawag ko rito. Hindi ko kasi inasahan ang sumunod nitong ginawa. Hinawakan niya sa may kwelyo si Ema. Bakas na bakas sa mga ugat nito sa kamay kung gaano kahigpit ang hawak niya sa damit nito. Mabilis akong lumapit palapit sa kapatid ko at hinawakan ito sa may manggas ng damit nito. Napasinghap pa ko sa hapdi nang maramdaman ko ang kirot na mula sa sugat ko, at ang sakit mula sa pagkakasalampak ko kanina. Gusto kong ipagtanggol ako ni kuya kila Ema pero ayoko namang manakit siya ng babae! "Hey!" Napaatras kami ni kuya nang itulak kami no'ng lalaking kasama ni Ema. Muntikan—na naman—akong matumba pero nahawakan ako ni kuya gamit ang libre niyang kamay. Hindi pa rin niya binibitawan si Ema. "Let her go." Matigas na sabi no'ng lalaki. Mula sa posisyon namin ngayon, kitang kita ko ang galita sa mga mata ni kuya Travis. Para bang kahit ano'ng minute mula ngayon ay sasapakin niya 'tong lalaking 'to. Marahas niyang itinulak ni Ema sabay bitaw sa pagkakahawak niya rito.  Nahawakan naman no'ng lalaki si Ema sa braso kaya hindi ito tuluyang natumba. Isang matalim na tingin din ang ibinigay nito sa kapatid ko. "Furious? That's how I'm feeling right now. How the hell can you do this to my sister?!" Mariing sabi ni kuya Travis sa kanila. Natatakot na ko kay kuya Travis. Totoong mainitin ang ulo niya pero ngayon ko lang siyang nakitang mawalan talaga ng composure! Kinakabahan ako kasi pakiramdam ko bigla na lang silang magsasapakan dito! Argh! Bakit ba kami lang nandito? Kuya Jarvis, umuwi ka na agad! "Travis, please, let me explain." Marahas na hinawi ni kuya si Ema. Ang bilis ng mga pangyayari. Biglang tinulak no'ng lalaki si kuya at gumanti naman ang kapatid ko ng suntok dito. Naramdaman ko na lang ang malakas na paghawi sa'kin no'ng lalaki. Ang sumunod na nangyari, ito na ko. Namalayan ko na lang napanupo na ko sa may gilid. Nakaramdam ako nang matinding kirot sa kaliwang siko. Nakita ko na lang may malaking sugat ito at dumudugo na.  "Fortin! Stop!" Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses. Kitang kita ko kung paanong sumisigaw si Ema sa dalawang lalaking nagsusuntukan sa harap niya. Wala itong magawa kundi ang sumigaw na lang dahil hindi siya makalapit sa dalawa. "Kuya Travis!" Hindi ko maiwasang mapangiwi ng gumalaw ako para sana tumayo. Samu't saring sakit ang nararamdaman ko sa iba't ibang parte ng katawan ko, partikular sa may siko ko. Napatitig na lang ako habang nagpapangbuno sila kuya. Helpless. Ganito pala ang pakiramdam no'n? Mangiyak ngiyak ako habang pinapanuod ko lang silang saktang ang isa't isa. Wala akong magawa kundi ang maupo rito at hawakan ang parte ng katawan kong nananakit. "Kuya..." mahinang pagtawag ko sa kapatid ko.  ** BANG! ** Malakas na kalampag sa gate ang nagpatigil sa'ming lahat. Maski sila kuya Travis at 'yong lalaki ay napatigil. Napatingin kaming lahat sa pinagmulan no'ng malakas na tunog. Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagpatak pagkakita ko kung sino. "Kuya Jarvis..." Nilibot nito ang tingin sa'min, mula kay Ema—kay kuya Travis na nakaupo sa sahig at sa lalaking akmang susuntok dito—at sa'kin. Kitang kita ko kung paano tumigas ang bagang nito. Napalunok ako sa takot nang magbago ang ekspresyon nito sa mukha, nagdilim ito at mararamdaman mo ang biglang pagbigat ng hangin sa paligid. "Get off my brother." Mababang tinig na sabi nito, mula sa gilid ng mga mata ko kita ko ang dahang dahang paglayo no'ng lalaki kay kuya Travis. "Travis, get Lana and go inside."  Nabaling ang tingin ko kay kuya Travis na mabilis tumayo at lumapit sa'kin. Napatitig ako sa mukha nitong may mga sugat din. "Kuya..." Bumuntong hininga ito pagkatitig sa'kin. "Halika." "Ah!" Napatitig 'to sa'kin bago napamura nang makita niya 'yong sugat ko sa siko. "Masakit ang puwet ko," diretsrang sabi ko rito. Sobrang sakit kasi talaga na para bang kahit alalayan niya ko patayo ay hindi rin ako makakalakad ng maayos. Huminga ito nang malalim bago ako binuhat. Napansin ko ang pagngiwi nito nang patayo na kami pero agad naman din itong nakaayos ng tayo.  "Trav—" "You better f*ck off, Ema. I'm so furious right now you wouldn't dare trigger me more." Hindi na masyadong malinaw sa'kin 'yong sinabi ni kuya Jarvis after no'ng 'Ema'. Dire diretso lang din kasi sa paglalakad papasok sa bahay si kuya Travis. Pagkapasok naming sa loob ng bahay, ibinaba lang ako ni kuya sa may sofa. Saglit itong umalis at pagbalik nito ay may dala na itong first aid kit at ice pack. Pasimple kong  pinihit ang katawan ko para silipin sila kuya sa may labas. Nahihirapan akong makita ng maayos kasi ang sakit ng buong lower body ko. Naramdaman ko ang malapit na presensya na kuya sa likuran ko, kasunod noon ay ang pagsara ng mga kurtina sa harapan ko. Napatingala ako kay kuya Travis. Sinundan ko ito ng tingin nang maupo ito pagkasara ng kurtina. Dahan dahan kong iniayos ang sarili ko paharap dito. "Kuya..." "Sorry." Napatitig ako rito matapos kong marinig ang sinabi nito. Napakagat ako ng labi ko, tinitigan ako nito sa mga mata. "Sorry, Lana." Naging tahimik lang ang buong paligid naming pagkatapos noon. Tinulungan niya kong linisin at gamutin ang mga sugat ko sa may palad at siko. Tinulungan ko rin siya sa kanya pagkatapos noon. Ilang minute pa, habang niyeyelo ni kuya Travis 'yong mukha niya, ay pumasok na rin sa kuya Jarvis. Walang umiimik sa'min, katahimikan lang ang namayani sa paligid. Ibinaba ni kuya Travis 'yong ice pack na hawak niya. Para bang naghahanda siyang magsalita pero bago pa man din niya magawa 'yon, si kuya Jarvis na ang bumasag sa katahimikan. "You had a bad fall." Napalunok ako sa tono ng boses nito lalo na at sa'kin pa 'to nakatingin. "Let's have you check." Ilang beses akong napakurap bago ako naka-react sa sinabi nito. "Ha?" Mabilis tumayo si kuya Travis at binuhat ako. Ilang segundo lang nasa loob na kami ng sasakyan at paalis na. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ng bakuran naming. Wala na si Ema at 'yong lalaki, wala na rin 'yong sasakyang naka-park sa harap namin kanina. "They're not here anymore." Napunta sa harapan ko ang tingin ko sa pagsasalita ni kuya Jarvis. "They're never going to be here anymore." Binigyang diin nito ang salitang never. Napatango na lang ako rito kahit hindi ako sigurado kung nakikita niya ba ako mula sa likod. Hindi ko alam kung paano niya napaalis 'yong dalawa at kung ano ang mga sumunod na nangyari pag-alis namin. Isa lang ang sigurado ko, kapag si kuya Jarvis na ang nagsabing hindi na sila makakabalik ditto, hindi na talaga. * * * Napabuntong hininga ako nang mailapat ko ang likod ko sa kama ko. Kakauwi lang naming galling hospital. Ang main purpose nang pagpunta naming ay para magpa-check up kami ni kuya Travis. Nagpa- x-ray kaming dalawa. Ako, sa lower back, spinal cord to hip bone. Si kuya, sa right arm niya. Wala namang nakita sa'kin, sabi no'ng doctor nabugbog lang daw pero nothing serious. Kay kuya, may napunit na ligament ba 'yon? Na-sprain siya at nilagyan ng cast ang braso para hindi na mapwersa pa. Napapikit ako nang mariin. Para bang napakahaba ng araw na 'to, napakadaming nangyari sa ilang oras lang. Hindi ko maiwasang mapailing kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina. Hindi ko maiwasang isipin kung ako ba may kasalanan sa mga nangyari. Kung pinapasok ko na lang kaya sila ng maayos para si kuya na mismo ang nagdesisyon sa kanila, magkakagulo pa kaya katulad no'ng kanina. Napabuntong hininga ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ko akalain sa loob ng isang araw makikita kong ma-beast mode ang mga kapatid ko, nakakatakot sila, grabe. Naibaling ko ang tingin ko sa may pintuan ng may kumatok. Inantay ko lang na bumukas ito at pumasok si kuya Jarvis. Akmang mauupo na sana ko pero itinaas nito ang isang kamay nito at tsaka umiling sa'kin. "Bibigay ko lang 'to." Iniabot nito sa'kin ang cellphone ko. Ah, sa lahat ng mga nangyari nawala na sa loob ko ang bagay na 'to. Ngumiti lang ako rito at nagpasalamat. Hindi naman na ito nagtagal pa at lumabas na rin agad. Ramdam na ramdam kong galit pa rin si kuya, hindi na nga lang tulad no'ng kanina. Salamat naman. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong umilaw. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa screen. 15 missed calls 5 unread messages Shocks! Si Orlando! Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga ko—na isang malaking pagkakamali dahil biglang sumakit ang likuran ko! Dahan dahan na lang tuloy akong bumalik sa pagkakahiga ko. Binuksan ko 'yong phone ko. Una kong tinignan 'yong mga messages. Isang network advisory, isang text mula kay Anne, Jade, at Shei, at ang pinaka huling text ay kay Orlando. Una kong binuksan 'yong kay Orlando. Simpleng 'Hey...' lang ang naman ang laman nito. Napahinga ako, hindi ko muna 'to nireplyan at binuksan ko muna 'yong messages ng mga kaibigan ko. Halos iisa lang naman ang laman ng mga text nila sa'kin. 'friend?????' — Jade 'beh? Busy kba?' — Shei 'huy, gurl? Anyare sayo? Hinahanap ka ni orlando' — Anne Ayan na nga ba 'e. Base sa mga text nila paniguradong tinext o baka nga tinawagan pa sila ni Orlando. Sa dami naman kasi ng nangyari kanina nawala na sa isip ko si Orlando. Huminga muna ko ng malalim bago ako nag-compose ng group message. Oo, group message para sa kanilang apat. Wala kasi talaga ko sa mood ngayon para makipag-usap. 'Hi. Sorry, something happened earlier at the house but everything is fine now. I'm so sorry to worry you. I'm really tired for the day. Can I just explain things tom? Thanks.' Agad kong nilapag sa gilid ko ang phone pagka-press ko ng send button. Inaantok na ko. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Ramdam kong hinahatak na ko ni pareng antok ng bigla akong mapamulat sa pag-ring ng phone ko.  Oh! Please! Mabigat sa kalooban kong kinuha 'yong phone sa gilid ko. Nagulat pa ko nang makita ko ang pangalan ni Sir Van sa screen. Wait, bakit ako tinatawagan nito? At sa ganitong oras pa? Gabi na kasi, nakita ko pa sa phone screen ko na 8:13 PM na. Napabuntong hiniga ako bago koi to sinagot. "Hello?" [Finally! After 12 missed calls, you finally answer your phone!] 12 missed calls? So, 12 out of 15 ay galing sa kanya? "Sir? Bakit po ba?" [You submitted an incomplete mid-term project.] "Po? Paanong incomplete, Sir?" [There is a missing part in...] Halos hindi ko na naintindihan ang mga sumunod pa nitong sinabi. Napapikit ako at napahilot sa sintido ko. Hindi ko na kaya. Pagod na talaga ko sa mga nangyari kanina. "Sir?" [What?]  "Pwede po bang bukas na lang 'to? Promise, ako po mismo tatawag sa inyo." [...Why? Something happened? That's why you didn't answer my calls?] Natigilan ako at napamulat ng mga mata. May parte sa'kin na gustong sabihin sa kanya ang mga nangyari pero para saan? Hindi ba masyado na 'yong personal? At tsaka kaya siya tumatawag sa'kin ngayon ay as a professor. "Sorry, gusto ko na lang talaga magpahinga." [...Okay, sorry for disturbing you. Talk to you tomorrow.] "Thank you." Palayo na sa tenga ko 'yong phone ko nang may marinig pa ko sa kanya. Saktong paglapit ko ulit sa'kin no'ng phone ay naibaba na nito ang tawag. Gayunman, malinaw ko pa ring narinig ang huli niyang sinabi. [You did well today. Sleep tight. Good night.] Hindi ko alam kung bakit pero sa simple mga salita na 'yon napangiti ako. Pakiramdam ko biglang gumaan ang pakiramdam ko. Nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko. Matapos ang isang mahaba at nakakapagod na araw, isang 'you did well' lang pala magpapagaan sa pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD