Ilang araw na nang magsimula ang Christmas break naming. Kung akala ko ma-eenjoy ko ng prfoject free ang break na 'to, akala ko lang pala. Kasi ito ako ngayon, nag-rerevise o mas magandahang sabihin nag-cocomplete ng mid-term project!
"Did you get it?"
"Wait lang, Sir." Ni hindi koi to tinignan nang sumagot ako rito.
"Which part is it that you don't get?"
"Tekaaaaa, try ko muna kung tama tsaka niyo i-check." Tutok na tutok sa papel na nasa harapan ko pa rin ako rito.
Hindi ito umimik at inantay lang akong makatapos bago siya nagsalita muli. "So?"
Tinignan ko ito at tsaka ko hinarap 'yong yellow pad na sinusulatan ko. "Kita niyo ba, Sir?" pagtatanong ko rito habang itinatapat ko 'yong papel sa camera. Tinatansa ko pa kung gaano kalapit para siguradong kita 'yong buong may sulat na parte. "Malinaw ba?"
"No, it's pixilated. Why is your connection like this?" sumandal ito sa may sandalan nang inuupuan niya sabay alis ng sa suot nitong reading glass.
"Mahina kasi talaga signal dito, Sir. Liblib kasi 'yong bahay namin," pagdadahilan ko rito na totoo naman kasi halos bandang dulo na 'yong bahay namin. "Picture-an ko na lang tapos send ko sa messenger niyo? Tsaka niyo sabihin sa'kin kung tama?" pagsusuhestiyon ko rito.
"Not on the messenger, the quality will be ruined. E-mail it to me."
"Ano e-mail niyo?" inabot ko 'yong sticky note pad ko sa may gilid at isinulat ko ang idinikta nitong e-mail. Tumango tango ako sa kanya bago ko inulit ditto 'yong e-mail na naisulat ko para ma-double check.
"I'm waiting..." napasimangot ako rito bago ko tinanggal ang nakasaksak na earphones sa'kin. Dahan dahan kong itinulak paatras 'yong inuupuan ko papunta sa may kama ko. Doon ko kasi iniwan 'yong phone ko kanina bago kami mag-video call nitong si Sir Van.
Matapos kaming mag-usap kagabi, agad akong nakatulog na ni hindi na nga ako nakakain ng hapunan. Kaya pagkagising ko kanina, gutom na gutom ako. Nagising pa nga ako ng madaling araw dahil kumukulo tiyan ko, sobrang sakit lang ng katawan ko kaya hindi na ko bumangon pa.
Nang makarating ako sa may paanan ng kama ko ay marahan kong inabot ang phone ko. Napabuntong hininga ko dahil hindi ko ito maabot. Halos malapit na kasi sa gitna ng kama ko ito naiwan. Wala akong choice kung hindi ang tumayo na rin. Inihawak ko ang mga kamay ko sa magkabilang arm rest ng inuupuan ko. Dahan dahan akong tumayo dahil kumikirot ang likuran ko. Ngayon ko talaga ramdam ang bugbog sa buong katawan ko. Maingat ako sa pagkilos ko, iniiwasan ko rin kasi na biglang umusad 'yong upuan ko. Pagkatayo ko, mabilis ko lang naabot 'yong phone. Dahan dahan muli akong naupo bago ko inusad pabalik 'yong upuan ko sa may study table kung nasaan 'yong tablet ni kuya Jarvis.
Pagkagising ko kasi kanina, kumain lang ako at agad akong nag-send ng message kay Sir Van. Tinanong ko lang kung ano ulit 'yong kulang ko sa mid-term project at kung pwede ko ba siyang tawagan. Pagka-message ko nga sa kanya agad ako nitong tinawagan, kahit na sabi ko ako ang tatawag sa kanya kagabi.
"Hello? Sir?"
[Iya, let's have a video call via messenger. It's hard to explain the detail thru call only.]
...'yon lang naging pag-uusap namin kaya nauwi kami sa video call. Syempre hindi na ko makaangal pa. Paano naman, 'di ba? Professor pa rin siya at kung iisipin, hindi lahat ng prof katulad niya in terms of consideration. Kung 'yong iba 'yon, hahayaan na lang na incomplete 'yong gawa ko at bibigyan na lang ako basta ng grades. 'Yong ibang prof nga baka manghula na lang ng grades ng hindi man lang tinitignan 'yong content ng mga projects. Hiniram ko lang 'yong tablet ni kuya Jarvis kasi text ng text si Orlando, ayoko namang ma-distract ako habang nag-eexplain sa'kin si Sir.
Agad kong binuksan ang e-mail ko nang makabalik ako sa may table ko. Buti na lang nakagawa na ko e-mail account, sinunod ko rin si kuya Travis sa sinabi niyo noon. Kinopya ko 'yong e-mail address na nasa papel tsaka ako nag-add file at kinuhanan ng picture 'yong yellow pad. Pagkasend ko ng picture ay iniharap ko ang phone screen kay Sir Van. "Nareceive niyo na?" pagtatanong ko rito pagkasuot ko muli ng earphones ko.
Nakita kong bahagyang humarap sa side niya si Sir Van. Rinig na rinig ko ang pag-click nito gamit ang mouse. Tinitigan ko lang ito habang inaantay siya sa ginagawa niya. Ngayon ko lang narealize na parang bagong gising lang si Sir, may bed hair pa kasi. Nakatayo 'yong buhok niya sa may bandang likuran ng ulo niya. Nabaling ang tingin ko sa reading glass niya na isinabit niya sa harapan ng damit niya.
"Sir? May grado 'yan?" pambasag ko sa katahimikan naming dalawa.
"Yeah." Napaangat ang dalawang kilay ko sa sagot nito.
"Talaga? Malabo na mata niyo?"
"I'm myopic."
"Myopic?"
"Nearsighted."
Napanganga ako sa sinabi nito. Wow! Hindi ko alam—I mean hindi naman kasi mahahalata kay Sir kasi hindi naman ito nagsasalamin sa school.
"Bakit sa school hindi naman kayo nakasalamin?"
"Contact lenses."
"Oh~ 'e 'di ba nakakalaki ng mata kapag naka-contacts? Parang normal size lang naman mga mata niyo kapag nasa school?"
Nagsusuot din kasi ng contact lense 'yong class mayor naming, pati si Shei paminsan minsan—malabo rin kasi mata niya, at pareho silang parang namimilog sa laki ang mga mata kapag nakasuot ng gano'n.
Napaupo ako nang maayos ng bigla itong tumingin sa'kin. Bahagya naman akong napangiwi sa kirot dahil sa biglaan kong pagkilos. Naihawak ko ang isang kamay ko sa may likuran ko.
"What really happened to you yesterday?" napatitig ako kay Sir sa tinanong niya. "I saw how hard it was for you to move."
Pakiramdam ko biglang natuyo ang labi at lalamunan ko. Dahan dahan kong isinandal ang sarili ko sa may upuan ko. Lumunok muna ko bago ako nagsalita. "We just had...some unexpected visitors."
Nanatili lang itong tahimik, nakikinig sa'kin. Napabuntong hiniga ako, hindi ko kasi alam kung ano ang susunod kong sasabihin. Itutuloy ko baa ng pagkukwento? Sasabihin ko ba kung sino 'yong mga pumunta sa'min kahapon? Masasaktan ba siya kapag nalaman niyang si Ema?
"I saw what you sent and—"
"It was a guy," pinutol ko ang sasabihin nito, napagdesisyunan kong ikwento na sa kanya. Tumahimik naman ito at para bang inaantay ang mga susunod kong sasabihin. "A guy came here yesterday. He was with Ema."
Binantayan ko kung may pagbabago ba sa magiging reaksyon nito pagkabanggit ko ng pangalan ng babaeng iyon. Hindi naman nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Humugot ako ng hininga bago ko itinuloy 'yong sasabihin ko.
"Kami lang ni kuya Travis ang nasa bahay kahapon. Nang kumatok sila sa gate, saktong ako ang nagbukas. Nagulat ako nang makita ko si Ema, nainis din ako kasi bigla na lang siyang sumulpot sa bahay namin na may alalay pang kasama." Saglit akong huminto at tumingin kay Sir Van, tahimik pa rin itong nakikinig. Napaka hirap namang basahin ng ekspresyon nito sa mukha, hindi ko malaman kung itutuloy ko pa ba o ihihinto na 'yong kwento ko 'e. "Tuloy ko ba, Sir?"
Nakita ko ang marahan nitong pagtango sa'kin. "Yes, I'm all ears."
Tinitigan ko ito saglit bago ako nagpatuloy sa pagkukwento. "Ayoko siyang makita ni kuya Travis kaya hindi ko sila pinapasok. No'ng isasara ko na sana 'yong gate, pinigilan 'yon no'ng lalaki. Tapos biglang inutos ni Ema sa kanya na 'forced it open' daw 'yong gate. Natumba ako, sakto namang labas ni kuya Travis mula sa loob ng bahay. Nagalit siya, nagkasagutan sila no'ng lalaki hanggang sa nauwi sa sakitan. Natigil lang no'ng dumating si kuya Jarvis."
"Pagkatapos no'n pinapasok ako ni kuya Jar kasama si kuya Trav sa loob. Paglabas namin no'ng papunta na kaming hospital, wala na 'yong dalawa. Hindi ko na alam nangyari."
Inantay ko ang sasabihin ni Sir Van nang matapos akong magkwento rito. "Since Jarvis got involved, they'll surely won't be back anymore."
Napakunot noo ako sa sinabi nito. Bukod sa halos pareho sila ni kuya Jarvis na nag-assure sa'king 'di na babalik sila Ema, nakakapagtaka rin kung paanong parang kilala nito si kuya.
Bago ko pa man din matanong ito tungkol sa kapatid ko ay naunahan na ko nito magsalita. "Iya."
"Hmm...?"
"Let me ask you, why you didn't let them in?" natigilan ako sa tanong nito at napaiwas ng tingin mula rito.
"You know why..."
"I don't, tell me." Ibinalik ko ang tingin ko rito. Naikuyom ko ang kamay kong nakapatong sa may yellow pad.
"I don't want her to see my brother."
"Why?"
"Sir!" nakanuot noo kong pagtawag dito. Alam naman niya kung bakit pero tinatanong niya pa.
"I'm trying to understand you here, so why?"
"Understand? What is it that you do not understand? I don't like her. She hurt my brother and you as well! And then, what? She'll act as if nothing happened and just going to go back and forth between you and my brother? What kind of b***h is she?!" Hinahabol ko ang hininga ko matapos kong sabihin ang mga bagay na 'yon. Nanggigil ako sa tuwing naaalala ko ang ginawa ng babaeng 'yon.
I hate everything about her.
"You hate everything about her," direktang nakatingin sa mga mata ko si Sir Van. "I can clearly see it all over your face."
"Don't I have the right to?"
"You don't."
Hindi makapaniwala ko itong tinignan, "Sir?!"
"I don't how much you know about the three of us. But it will never be a valid reason for you to her or anyone." Umayos ito nang pagkakaupo at inilapit ang mukha sa'kin. "After what happened, don't you question your actions?"
Natigilan ako sa tanong nito, hindi ko naiwasang mapayuko at mapakurap ng ilang ulit. Mas lalo ko pang naikuyom ang kamay ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko at pakiramdam ko may matalim na bagay na gumuhit sa puso ko. Hindi ko naiwasang mapasimangot.
"Napapaisip ako...kung pinapasok ko kaya sila magkakagulo ba? May masasaktan ba? Kasalanan ko ba ang lahat ng nangyari?"
Hindi ko iniaangat ang tingin ko. Nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko alam pero para bang pakiramdam ko guilty ako. Siguro, dahil nasapul ni Sir ang bagay na kagabi ko pa tinatanong sa sarili ko?
"It's good then, if you're thinking that way." Dahan dahan kong iniangat ang tingin ko rito. "It means you are self-reflecting your actions, and that show maturity, my dear."
"Listen carefully, Iya. We are adults, we can act accordingly on our own. You don't have to act and own up everything as if we can't do anything. Let your brother decide on his own. He is a man; he can do it."
"Okay..." halos pabulong ang naging sagot ko rito. Wala naman akong ibang maisagot rito. Paano ba naman? Sapul na sapul 'yong bawat salitang sinabi niya. Ngayon ko narealize kung gaano ako ka-immature. "Sorry."
"Say it to your brother."
"Deserve niyo rin ng sorry, Sir. Kasi pati kayo nadadamay sa actions ko."
Bahagya itong natawan sa'kin. Ano'ng nakakatawa? Hindi ko maiwasang mapakunot noo. "Whatever."
Napanlakihan ko ito ng mga mata ko. "Whatever?! Seryo-seryoso nang usapan natin tapos bigla kang mananabi ng ganyan?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at naghimutok na ko.
Saglit ako nitong tinawanan bago tinitgan habang nakangiti. "Stop worrying, okay?"
Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga rito. Hindi ko na rin naiwasang ngumiti pabalik ditto. "Okay."
Matapos ang pag-uusap naming na 'yon bumalik na kami sa totoong dahilan kung bakit kami nag-video call. Hindi na rin naman nagtagal 'yon at natapos ko na rin agad 'yong kulang ko sa mid-term project. Pagkasend ko sa kanya noon sa e-mail ay nag-paalam lang kami sa isa't isa at tsaka tinapos ang video call.
* * *
"Nagugutom na ko," isinandal ko ang mukha ko sa balikat ng tatay ko.
"Hoy, nagugutom na 'to." Kinalabit ng tatay ko ang nanay kong nakapili sa harapan naming.
"'E ang haba pa ng pila. Bumili ka na lang muna ng shawarma o kaya tinapay d'yan sa mga stalls." Tinignan ko ang mahabang pila na sinusundan naming ngayon. Nasa mall kami para mamili ng ilang grocery items. Dahil magpapasko at bagong taon na, napakadaming tao ang nakapila sa bawat cashier lane.
"Buksan ko na lang 'yong cookies." Sabay turo ko sa cookies na nilagay ko sa cart kanina. Aabutin ko n asana 'yon kaso pinigilan ako ng nanay ko.
"Sa bahay mo na lang kainin 'yan. Ang laki niyan, sasayangin mo lang kapag 'di mo naubos. May dala ka namang pera 'di ba?" tumango ako rito. "Bumili ka muna, matagal pa naman 'to."
Umayos ako nang pagkakatayo. Bago ako umalis tinanong ko muna sila kung ano baa ng gusto nilang kainin para mabili ko. Umayaw naman sila kasi kakain din naman daw kami agad pagkabayad naming sa cashier. Tumango na lang ako sa kanila at nagsimula na kong maglakad palayo. Napahinto ako saglit nang maalala kong may gusto ko nga pala akong bilhin na libro sa bookstore. Mabilis akong naglakad pabalik sa pwesto ng mga magulang ko.
"Nay," nagtataka ako nitong nilingon at bago pa man din ito makapagsalita ay inunahan ko na ito. "Pwede ba kong dumaan sa bookstore saglit pagkabili ko pagkain? May bibilin lang akong libro!"
"Bahala ka. Mahaba pa naman 'to baka mauna ka pa rin sa'min." Ngumiti ako rito bago masayang naglakad papalayo.
Mabilis akong naglakad papuntang escalator. Nasa 4th floor pa kasi ang book store dito samantalang nasa ground floor lang 'yong supermarket at mga kainan. May food stall naman sa bawat floor, mamaya na lang ako bibiling pagkain kapag nakabili na ko ng libro. Bawal rin kasi mga pagkain sa loob ng bookstore.
Mabilis lang akong nakarating sa 4th floor. Dire diretso ako sa loob ng bookstore at agad pumunta sa pwesto ng mga fiction book. Hinanap ko lang 'yong book na gustong gusto kong bilhin. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko agad sa may display. Kaka-release lang din kasi ng librong ito kaya hindi ako nahirapang hanapin. Kumuha lang agad ako ng stock na nasa likod. Matapos kong macheck na walang damage 'yong book ay mabilis din agad akong pumunta sa cashier. Di tulad sa supermarket na napaka haba ng pila, dito iillan lang. Maraming tao ang nasa loob at tumitingin tingin pero hindi naman lahat bumibili.
Pagkakuha ko sa binayarang kong libro ay lumabas na ko agad. Kung kanina halos magmadali ako papunta rito, ngayon naman ay sinusulit ko ang oras ko sa paglalakad. Para kong naglalakad sa buwan. Well~ halos lahat naman ng mga nasa harapan ko gano'n din ang bilis sa paglalakad.
Habang pababa ako sa 3rd floor, iniisip ko na kung ano'ng pagkain ba bibilhin ko. Para namang nag-slowmotion ang paligid nang makatitigan ko 'yong lalaking nakatayo sa escalator na pataas. Kitang kita ko siya mula sa taas hanggang sa magkatapat kami at nalagpasan na naming ang isa't isa. Agad akong nag-iwas tingin dito.
Shemay!
Lumipat ako sa left side ng escalator at mabilis na naglakad pababa. Halos hawiin ko 'yong mga pasaway na nakatayo sa left side kahit na dapat stand on the right.
~
"By the way, Iya." Natigilan ako sa tangka kong pag-end ng video call. Tapos na kasi kami ni Sir sa mid-term project ko.
"Bakit po?" tanong ko habang inaayos muli ang pagkakalagay ng earphones sa kanang tenga ko.
"The guy's name is Fortin," napakunot noo ako. Sino? Bigla namang bumalik sa alaala kong 'yong lalaking kahapon, kung tama tanda ko parang tinawag nga siyang Fortin ni Ema.
"Ah. Parang nabanggit nga po ni Ema kahapon," casual na pagsagot ko rito.
Tumango tango ito sa'kin bago muling nagsalita. "That guy is total jerk. Avoid him."
Parang automatic na tumaas ang gilid ng labi ko sa sinabi nito. "Para namang magkikita pa kami." Halos pabulong na sagot ko. Tuluyan na kong nagpaalam kay Sir Van at tsaka ko binaba ang video call.
~
Mabilis akong umalis sa escalator at halos patakbong pumunta sa susunod na escalor na pababa sa 2nd floor. Hindi ko alam kung bakit pero pagkakita ko kay Fortin kanina bigla ko na lang gustong tumakbo. Para kasing nag-flashback sa'kin 'yong gulo nangyari noong nakaraan. Brutal din kasi ang lalaking 'yon! Walang sinasanto!
Nilagpasan ko lang ang ilang taong nakatayo sa gilid sa escalator. Napahinto lang ako sa may bandang gitna nang puro dalawang tao per stair na 'yong mga nasa harapan pa. hinabol ko ang hiningan ko. Grabe. Adrenaline rush!
Bahagya akong napagilid ng may maramdaman akong presensya na pababa galing sa gilid ko. Nagtaka naman akong nang huminto ito mismo sa gilid ko at hindi na gumalaw. Agad akong napatingin dito, hindi kasi ko kumportable. At alam ko na kung bakit hindi....
"Hi," nakangiting bati sa'kin ng lalaking ito. Nagbawi ako ng tingin dito at idinungaw ang ulo ko sa may kanan ko. Bakit ba napaka daming tao sa harapan namin! Hindi ako makakalusot basta basta. Umayos ako nang pagkakatayo at hinigpitan ko ang hawak sa librong dala ko at sa bag. Kapag talaga may ginawang masama sa'kin 'to hindi ako mag-aalinlangang ipukpok 'to sa kanya.
Matapos no'ng pagbati niya ay hindi na ito umimik pa. Tahimik lang itong nakatayo sa tabi, habang nakaiwas ang tingin ko rito; ramdam na ramdam ko naman ang titig nito sa'kin. Nang mawala na ang mga tao sa harapan naming ay mabilis akong naglakad palayo sa escalator at sa lalaking 'yon. Pagsakay ko sa escalator papuntang ground floor ay mangilan ngilan lang ang tao. Magdidire-diretso lang sana ko sa pagbaba ng bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Fortin! Bakit na naman ba?!
Napaatras ako ng isang hakbang dahil sa lapit nito sa'kin. Umatras din naman ito ng isang hakbang pababa—palayo sa'kin.
"Is this enough space for you?" nakangiting tanong nito sa'kin habang nakapamulsa.
"Why are you following me?" mahigpit pa rin ang hawak ko sa mga gamit ko.
"Why are you avoiding me?" hindi makapaniwalang napaawang ang bibig ko sa tanong niya. Seryoso ba siya? Matapos noong ginawa niya sa'kin noong nakaraang araw? Hanggang ngayon nga hindi pa tuluyang magaling 'yong sugat ko sa siko. Tapos si kuya Travis aalisin pa lang ngayong araw 'yong cast niya, sinamahan nga siya ni kuya Jarvis sa ospital habang namimili kami rito.
Gulat na gulat ang mga magulang naming pagkauwi nila noong araw na 'yon sa bahay. Umalis silang natutulog pa ko, tapos pag-uwi nila tulog na ulit ako. Ang kaibahan lang, puro ako sa sugat pati na rin si kuya Trav. Hindi ko alam kung ano'ng sinabi sa kanila ni kuya Jarvis basta pagkagising ko kinabukasan, kinamusta lang nila ko at hindi na nagtanong pa.
"Move. I'm with my parents." Bahagya ko pang iniangat ang ulo ko rito para makita niyang hindi ako natatakot sa kanya—kahit na halos manginig ang mga tuhod ko ngayon. Binanggit ko na sa kanya ang mga magulang ko, baka sakaling mag-back down.
"Cool. I should go and apologize to them now. Where are they?" Inialis nito ang mga kamay niya sa bulsa niya at nagpalinga linga.
Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking ito!
Tumigil ito sa pagtingin sa paligid at umayos nang pagkakatayo. Hindi ito umimik at gano'n din ako. Nagpatuloy 'yon hanggang sa makaalis na kami sa escalator. Agad akong naglakad palayo rito pero sinabayan lang ako nito sa paglalakad. Naiinis na tinignan ko 'to.
"Bakit ba kasi?!" iritableng tanong ko rito. Manong sabihin na kung ano man ang kailangan niya!
Nagkibit balikat ito bago sumagot sa'kin. "Wala naman, gusto lang kita kausapin."
Napaangat ang dalawang kilay ko sa sinabi nito...pero teka... "Nagtatagalog ka?" nagtatakang tanong ko rito. Itsurang itsurang foreigner kasi 'to, tsaka kung tama tanda ko wala naman silang Pinoy blood?
"Well, we're staying here for good so I studied the language." Napatango lang ako rito bago tumalikod. "Hey..."
Huminto ako sa paglalakad at hinarap ito. "Huwag mo kong tawaging 'Hey' may pangalan ako."
"Would you mind telling me?"
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?"
Humakbang ito papalapit sa'kin kaya naman hindi ko naiwasang mapahakbang palayo rito. Nang huminto ito sa paglapit at tsaka lang ako huminto sa pag-atras.
"Sorry for hurting you and your brother last time. That was bad of me, sorry." Nakatitig lang ako rito, ewan ko ba pero parang hindi ako makaramdam ng sincerity sa 'sorry' niya.
Napabuntong hininga ko bago ako sumagot dito. "Okay."
Agad akong tumalikod dito at naglakad palayo. Wala rin namang sense kung kakausapin ko pa siya. Pinakiramdaman ko ang paligid ko pero parang hindi na naman siya nakasunod. Napahinga ako nang maluwag ng mukhang hindi na siya nakasunod.
Salamat naman.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyari do'n at biglang nag-sorry kahit na labas naman sa ilong. Ang laman ko lang, ayoko na siyang makita pa o kahit si Ema. Ayoko na rin kasi ng gulo. Sapat na sapat na 'yong mga nangyari no'ng nakaraang araw.