2nd of January – Year 20**
"Goodbye, ladies."
"Good bye, Ma'am!" Halos sabay sabay naming pagpapaalam na prof naming naglakad na palabras sa room dala ang mga exam papers namin.
Samu't saring ingay ang maririnig sa room paglabas nito. Tanungan ng sagot question na ganito, mahinang hiyawan at iba pa. Isinandal ko ang sarili ko sa sandalan ng inuupuan ko sabay unat ng dalawang braso at binti ko. Sa wakas! Natapos din ang pre-hell week! Pre-hell week kasi wala pa 'to sa kalingkingan ng tunay na hell week kapag patapos na ang sem! Mid-term exam lang ang ginawa naming halos sa buong linggo na 'to. Matapos kaming magsaya at magliwaliw no'ng dalawang linggong bakasyon naming, ganito naman agad ang bumungad sa'min. Isang linggong puro lessons tapos exam week.
Umayos na ko nang pagkakaupo at tsaka nagsimulang magligpit ng mga gamit ko. Parang hangin lang 'yong bakasyon naming, ang bilis lang dumaan. Halos wala namang masyadong nangyari no'n, simpleng family celebration lang ng Christmas at New Year sa bahay. Buong bakasyon ko ring hindi nakita si Orlando. Nasa Manila kasi siya no'ng mga panahon na 'yon dahil sa work. Wala naman siyang mismong work ng araw ng pasko at bagong taon, pero dahil pahirapan ang biyahe no'n pauwing province hindi na rin niya pinilit na umuwi rito. Pagkaligpit ko ng mga gamit ko agad kong nilabas ang phone ko.
Bahagya akong napanguso nang makita kong wala man lang text akong nakuha. Hapon na kasi kaya akala ko kahit papano makakasingit na ng text si Orlando. Ibinalik ko na lang sa loob ng bag ko 'yong phone, mamaya ko na lang siya itetext at baka busy pa.
Tumayo na ko upuan ko at lumapit sa mga kaibigan ko. Halos magkakalapit kasi sila ng upuan sa subject na 'to. Ako lang 'yong napunta talaga sa dulo. Random seating lang dito, kung saan ka lang maisipang ilagay nang prof niyo.
"Kain na tayo?" Pag-aayang tanong ni Jade. Sinang-ayunan naman naming tatlo 'yon at tsaka kami nagsimula nang lumabas palabas ng room. Ito na rin kasi ang last subject namin para ngayong araw at ngayong linggo na rin.
"Saan tayo?"
"Mall, do'n na lang tayo kumain," suhestiyon ko kay Shei.
"Oh, sige." Dire diretso lang kami habang nag-uusap usap.
Naging mabilis lang naman ang pag-byahe namin papuntang mall dahil na rin sa lapit nito sa school. Hindi pa naman kasi rush hour kaya madali pang makasakay at mabilis pa biyahe. Pagpasok sa loob dumiretso lang kami sa Greenwhich kung saan naming napagkasunduang kumain habang nasa byahe kami.
Hindi naman kami nagtagal doon, kumain lang kami at nagpahinga ng mga ilang minute bago kami umalis. Eat and go lang talaga kasi ang dami ring naka-waiting sa may labas. Naglibot libot lang kami sa mga store, mula sa shoe store, clothing brand, at sa department store. Window shopping lang kami syempre dahil wala naman kaming pangbili. Habang tumitingin kami ng isang statement shirt na nakalagay sa display bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng bag ko sa may bulsa ng blouse ko. Agad koi tong kinuha at tinignan, dahil sa sunod sunod nap ag-vibrate nito alam kong tawag 'yon at hindi message lang.
Nanay *mother emoticon* calling...
Nagtatakang sinagot ko ang tawag nito. Bahagya akong dumistansya mula sa mga kaibigan ko para makausap ko nang maayos ang nanay ko.
"Hello? Nay?"
[Nak, tapos na ba klase mo?]
"Opo, nasa mall kami nila Jade, Anne, at Shei ngayon." Pag-amin ko rito habang tinitignan ang mga kaibigan ko. Natitingin din ang mga 'to sa'kin, nagtataka siguro kung sino ang kausapan ko.
[Ah, gano'n ba? Aayain pa lang sana kitang pumuntang mall 'e.]
"Bakit po? Ano'ng mayroon?"
[Wala naman, nasa mall din kasi kami ng Tatay mo ngayon. Aayain ka na lang sana naming dito kasi wala kang kasama sa bahay, dito na lang sana tayo kumain.]
"Ay, kakakain lang naming." Sagot ko sabay tingin ulit sa mga kaibigan kong nagsisimula nang lumapit sa pwesto ko ngayon. "Nasaan kayo? Pauwi na ba kayo"
[Hindi pa, kakarating lang namin. Manunuod kami ng Tatay mo ng pelikula. Naku! Gustong gusto panuorin 'yong animated film na 'yon!]
Hindi ko naman naiwasang matawa sa sinabi ng Nanay ko. Sa Tatay ko yata namana ang pagiging mahilig ko sa mga animated film, 'yon talaga bonding naming 'e.
[Basta 'wag ka munag uuwi, sabay sabay tayo. Mamasyal masyal muna kayo d'yan.]
"Penge muna pera," pagbibiro ko rito habang nakangiti. "Hanggang window shopping lang kami kasi naipangkain na namin pera namin."
[Oh! 'E puntahan mo kami rito sa 4th floor. Bilis bilisan mo lang at malapit na kaming pumasok.]
Bigla namang lumapad ang ngiti ko. May pera si Mader!
"Okay!" masiglang sagot ko rito bago ko binaba ang tawag at ibalik sa bulsa ko ang phone na hawak ko.
Nakangiti akong tumingin sa mga kaibigan ko. "Sino 'yong kausap mo?" nagtatakang tanong ni Shei sa'kin.
"Nanay ko. Samahan niyo ko sa 4th floor? May ibibigay lang siya." Pag-aya ko sa kanilang tatlo at tsaka nagsimulang maglakad palabas.
"Nandito siya?" pasunod namang tanong ni Jade.
Tumango ako rito bago sumagot, "Manunuod daw sila pelikula. Sabi sa'kin antayin ko raw sila matapos para sabay sabay kaming umuwi. 'E sabi ko naman bigyan ako ng pera para makapaglibot." Nangingiting kwento ko sa kanila.
"Iba ka talaga, nanghingi ka pa!" tinawanan ko lang si Shei sa sinabi niya.
"Pero ang sweet ha? Nagde-date pa rin sila kahit matanda na sila."
Inakbayan ko si Anne pagkarinig ko sa sinabi nito. "'Wag kang mag-alala, magde-date rin kayo pagtanda niyo." Kinindatan ko pa 'to pagkasabi ko noon.
Tinulak lang ako nito palayo sa kanya na siyang kinatawa ko at ng mga kaibigan namin.
* * *
"Sigurado kang magpapaiwan ka? Pwede ka naman naming samahan maghintay?" nag-aalangang tanong ni Shei habang naglalakad kami palapit sa exit ng mall.
Tumango ako rito bago sumagot, "Okay lang ako. Mauna na kayo ba maabutan pa kayo ng ulan. Nandyan lang naman mga magulang ko tsaka malapit lapit bahay naming." Bahagya ko pang binangga ang balikat nito para pang-enganyo rito.
Wala pa naman talaga kaming balak umuwi. Karaniwang uwi naming kapag ganitong naggagala kami ay 6:00 o 7:00 PM. Hindi kami masyadong nagpapagabi kasi malayo uuwian ni Shei, at ang hirap makasakay pauwi dahil lahat ng jeep na dumadaan ay puno na dahil nadaaanan na ang mga university na nag-uuwian na rin. Nasa 5:00 PM pa lang kanina pagtingin ko sa phone ko pero napagdesisyunan naming maghiwa hiwalay na. Nakita kasi namin kanina mula sa may bintana kung gaano kadilim ang kalangitan, mukhang babagsak ang malakas na ulan ano mang minute.
"Oh, sige, una na kami. Maiiwan ka rin ba Jade?" pagtatanong ni Anne bago huminto at humarap sa'min ni Jade na nasa likuran nila ni Shei. Malapit na kasi kami sa may exit nitong mall.
Napatingin ako kay Jade at napatango ito rito. "Oo, papunta pa lang Daddy ko rito 'e."
"Ayaw mo bang mamasahe na lang? Baka maabutan kayo nang malakas na ulan sa daan." Pagtatanong ko rito dahil nag-aalangan talaga ko na nagpasundo pa siya, de motor kasi ang sundo nito.
"May kapote naman 'yon na dala lagi, 'wag kag mag-alala." Napatango na lang ako rito bago kami tuluyang nagpaalam kila Shei at Anne.
Matapos naming magkahiwa hiwalay ay naglakad lang ulit kami pabalik ni Jade sa looban ng mall. Naghanap lang kami ng pwede naming upuan. Hindi naman kami nahirapan kasi nakakita kami ng bakanteng upuan doon sa may ilalim ng escalator.
Habang naghihintay kami pareho ay napagkwentuhan lang namin 'yong mga latest na nangyayari sa KPOP. Hanggang sa biglang mag-iba ng tanong sa'kin si Jade.
"Maiba ako," ibinaling ko ang katawan ko rito at naghintay sa sasabihin nito. "Kumusta kayo ni Orlando?"
Bahagyang napakunot ang noo ko sa tanong nito. "Okay lang naman. Hindi lang kami masyadong nakakapagkita ngayon kasi busy siya sa Manila." Simula kasi no'ng Christmas break hanggang ngayon nando'n pa rin siya at hindi pa nakakabalik dito. Regular naman ang pag-uusap naming thru text at call, may time pa nga na video call.
"Bakit bigla mo atang natanong?"
"Wala naman. Nagtataka lang ako kasi hindi nagpapakita sa'yo 'e kaya naman pala kasi nasa Manila."
Bago pa man ako makaimik dito ay sabay kaming napalingon sa tumawag sa pangalan niya.
"Jade!" malakas na bati ng isang binatilyo na nanggaling sa direksyon ng isang bakeshop na malapit lang sa kinauupuan namin. Masigla itong kumaway kay Jade habang nakangiti nang napakalaki.
Naibaling ko pabalik kay Jade ang tingin ko nang makilala ko kung sino 'yong tumawag sa kanya. Kita ko ang tipid na ngiti ni Jade at ang marahang pagtango niya rito. Muling nabaling sa binatilyo 'yong tingin ko. Nakita kong akmang lalapit sana ito sa'min pero nahataka na ito agad ng mga kasama niya palayo sa'min. Wala itong nagawa kung hindi ang kumaway na lang nang kumaway hanggang sa halos matumba na ito dahil hindi nakatingin sa nilalakaran.
Nang tuluyan na itong makalayo ay tsaka ako nagbato ng tanong kay Jade. "Hindi ka pa rin niya tinitigilan?" pagtatanong ko habang hindi iniaalis ang tingin ko sa direksyong pintuhan ng mga binatilyo na 'yon.
Hindi ako nito sinagot kaya naman hindi na lang din ako nagsalita rito. Napahugot na lang ako ng isang malalim na hiningan.
"Lhia..."
"Hmm?"
"Tingin mo ba...kailangan ko na siyang..." hindi nito maituloy ang gusto sana niyang itanong. Napapikit ako saglit nang marealize ko kung ano ang gusto nitong itanong sana sa'kin. Nilingon koi to at doon ko nakita ang ayos nito. Nakayuko ito habang nakayakap sa kandong niyang bag ang mga braso niya.
"Kahit ano namang sabihin ko sa'yo, ikaw pa rin dapat ang mag-desisyon." Napatingin ito sa'kin pagkarinig ng sagot ko sa putol niyang tanong. "Kahit ano naman ang maging desisyon mo, moral support mo kaming tatlo."
Muli, hindi ito umimik. Pinanuod ko lang ito habang kinukuha nito ang phone niya sa bag niya. Mukhang nandito na yata ang sundo niya. "Samahan kita hanggang exit?"
Umiling ito sa'kin, "'Wag na, dito ka na lang."
Tumayo na ito at sinundan ko lang ito ng tingin. "Okay lang na ikaw na lang mag-isa rito?"
Tumango ako rito bago sumagot, "Oo naman. Tingin ko naman mga ilang minuto na lang at lalabas na rin sila sa sinehan." Tumango tango lang ito sa'kin bago nagpaalam at nagsimulang maglakad palayo, pabalik sa exit na pinanggalingan namin kanina lang.
Sinundan ko ito nang tingin hanggang matabunan na ito ng mga naglalakad na tao. Iniunat ko ang mga binti ko bago ko napagdesisyunang tumayo at maglakad papuntang escalator. Pupunta na lang ako sa arcade, doon na lang ako papalipas ng oras. Magkatapat lang din kasi ang arcade at sinehan sa may 4th floor.
Pagdating ko sa may 4th floor, dumaan muna ako sa may sinehan. Bukod sa iilang nakapila papasok, wala pang ibang tao sa lobby. Ibig sabihin hindi pa naglalabasan 'yong mga naunang nanuod. Umalis na rin agad ako rito at dumiretso sa may arcade na nasa tapat na tapat lang nito.
Namalit lang ako ng token doon sa may counter bago ko nagdire diretso sa may bandang dulo ng arcade. Nandito kasi 'yong shoot-an, 'yong pang-basketball. Ito talaga ang paborito kong laro rito kahit na dudumi ang mga kamay mo dahil sa alikabok ng mga bola. Sa normal na basketball kasi ni hindi ako nakaka-shoot, puro air ball lang, pero ibang isapan dito dahil bibihira akong pumalya.
Nag-insert lang ako ng ilang token bago nagsimula ang countdown. Pag-release ng mga bola agad akong kumuha at naglaro. Dire diretso lang ako sa matapos ko ang unang round. Hindi ko muna kinuha 'yong ticket na lumabas after no'ng round. Nag-insert ulit ako ng token para sa isa pang round. Dalawang beses ko pang inulit 'yong proseso na 'yon.
Sa panglimang laro ko, inihulog ko na ang mga huling token ko. Ito na ang last na laro ko pagkatapos nito maghuhugas na ko ng mga kamay at tsaka maghihintay sa may lobby ng sinehan.
3
2
1
Pag-release ng mga bola ay kukuhanin ko na sana 'yong unang gumulong papalapit sa'kin pero natigilan ako ng may isang kamay ang biglang kumuha no'n at siyang nag-shoot. Agad akong napatingin sa gumawa no'n at gulat na gulat ako nang makita ko si Orlando!
"Come on! Time is running!" nakangiting sabi nito habang nakatingin sa harap at dire diretso sa pag-shoot.
Mga ilang segundo rin siguro ang lumipas bago ako natauhan at kumuha ng bola. Dire diretso kami sa pag-shoot hanggang sa magsara na 'yong daanan ng mga bola. Ako na ang nag-shoot ng huling bola. Pinakita lang sa'min no'ng machine na natalo naming 'yong best score sa record nito bago naglabas nang napakaraming tickets. Si Orlando ang kumuha ng mga ito habang ako nakatitig lang sa kanya.
Masaya niyang itinaas sa harapan ko ang mga ticket na hawak niya. Natingin ako rito bago ko binaling ang tingin ko sa kanya. "Wow! You're so good at this game! Look at these tickets!" manghang mangha nitong sabi sa'kin.
"You..."
Nakangiti nitong itinaas ang dalawang kilay niya sa'kin. "How come you're here?"
Ibinaba nito ang kamay nitong nakataas at tsaka sinimulang ayusin 'yong mga ticket. "Oh. Our boss let me go early so I decided to comeback now. I thought of relaxing a bit and wanted to play sometime here. I was expecting to see you on Monday since it's already this late and there's no school tomorrow but..." huminto ito sa ginagawa niya bago ako tignan na nakangiti pa rin. "Lucky~ I saw you while I'm roaming around here."
"Do you want another round? Or do you want to play a different game?" inabot nito sa'kin 'yong nakayos ng ticket. Tinapik ko na naman ang back bag kong nakasukbit sa harapan ko. Tinuro ko rito 'yong pinakaharap na zipper. Naintindihan naman niya ang gusto kong sabihin, inilagay niya sa loob ang mga ticket.
"I wanted to but..."
"But? Are you going home already?"
Umiling ako rito, "I'm actually waiting for my parents. They're watching some movie right now."
Saglit itong natigilan sa sinabi ko bago nagsalita, "Your parents are here?" tumango ako rito bilang sagot. "Let's go wash our hands first." Ako naman ang tumango rito at tsaka ito sinunan nang maglakad ito palabas sa arcade.
Pumasok ako sa womens bathroom at siya naman ay sa mens. Malapit lang din kasi ang cr dito sa 4th floor sa arcade kaya madaling puntahan. Nilinis ko lang ang mga kamay ko gamit ang sabon at tubig. Matapos koi tong tuyuin gamit ang tissue ay lumabas na rin ako agad. Paglabas ko ay nando'n sa may tapat ng pinto ng mens si Orlando. Nilapitan ko ito at napaayos 'to nang pagkakatayo.
"So?" hindi ito umimik at tinignan lang ako. "I haven't told my parents about us yet. If they see us together..."
"I want to meet them." Napatitig ako sa mga mata nitong direkta ring nakatingin sa'kin. Napalunok ako sa sinabi nito.
Hindi naman ako sa natatakot o ano pero para kasing ang bilis ng mga pangyayari? I mean, legal na naman ako. Pinapayagan na kong mag-boyfriend ng mga magulang ko simula nang mag-18 ako last year. Hindi rin naman sila striktong magulang na halos bantay sarado kami. Open-minded din naman sila pero para kasing...wala...ang bilis lang talaga ng mga pangyayari? Ngayon pa nga lang nag-sink in sa'kin na nasa iisang lugar kami ng mga magulang ko kasama ang boyfriend ko.
Okay lang 'yan, Lhia. Wala naman sila kuya Jarvis at lalo na si kuya Travis.
Napahinga ako nang malalim bago ko ngumiti rito at humawak sa braso nito. "Let's go, let's meet them."
Naglakad kami papunta sa may lobby ng sinehan. Nang malapit na kami ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ko. Saglit kaming napatigil nang kinuha ko ito pero naglakad din agad.
"Hello, Nay?"
[Tapos na kaming manuod. Saan ka na?]
"Ito na po kami, malapit na sa lobby ng sinehan."
[Ah. Kasama mo pa ba sila Jade?]
"Hindi po, Nay." Napahinto si Orlando nang huminto ako, nasa tapat na kami ng mga magulang ko. Dahan dahan kong ibinaba ang cellphone na hawak ko mula sa tenga ko.
Kita ko paglipat lipat ng mga tingin nila mula sa'kin, kay Orlando, at sa kamay kong nakakapit sa braso nito.
Isang malalim na hinga muna bago ipakilala!
"Nay, Tay," nagpasalit salit ang tingin ko sa kanila bago ko tinignan si Orlando. "Si Orlando po," tumango si Orlando na nakatingin sa kanila. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga magulang ko. "Boyfriend ko po."