Chapter 4

2216 Words
I am wearing a white short gown. Mahaba ang telang nasa likuran nito na abot hanggang sahig habang ang sa harap naman ay maiksi at hanggang binti ko lang. May ipinadala si Lazarus na make up artist dito sa kwarto at kasalukuyan na akong minimake-up-an. "You're extremely gorgeous! Hindi na ako nagtaka kung bakit ikaw ang napili ni Lazarus na maging asawa niya," my make-up artist spoke habang nilalagyan ako ng blush on. "So marami pala kaming pagpipilian niya at ako ang napili niya, gan'on ba?" I uttered sarcastically. Tumawa ang babae. "Marami. Maraming gustong maging asawa si Lazarus Devilla, pero marami ring natatakot sa kanya. You know? He's evil. A cold-blooded mafia..." Nagulat ako sa huling sinabi nito. Mafia? "He's a mafia?" I asked, horrified. Natigilan ang babae sa paglalagay ng blush on sa akin. "Hindi mo alam? He's the Mafia Lord; the leader, the boss! Siya ang pumalit sa pwesto ng ama niya, " wika nito. Mas lalo tuloy akong naguluhan. Mas lalong dumami ang katanungan sa isipan ko. Mafia Lord ang ama niya? At siya na ngayon ang pumalit sa pwesto nito?! "Kaya kailangan agad ni Lazarus ng anak, kailangan niya ng tagapagmana. Isa pa, gusto na rin ng ama ni Lazarus na magkaapo. Iyon ang utos sa kanya ng ama niya." "Bakit ang dami mong alam?" naitanong ko sa babae. Nanlaki ang mga mata nito at nag-iwas ng tingin. The girl seems guilty! "Well, uh... I'm actually her cousin. I'm Stefanie Javier. Kapatid ng papa ko ang mama niya," pakilala niya. Namilog ang mga mata ko at napatitig sa kanya. "Whatever." Umirap na lamang ako. Hindi ako interesado sa pamilya ng mokhong na iyon. Nang matapos ako nitong ayusan ay agad akong napatingin sa salamin. Naka-high ponytail ang buhok ko at light lang naman ang make up na ginawa ng babae sa mukha ko. Ibang iba sa gusto kong pinapangarap na kasal. Birthday ko tapos kasal ko rin. Doble celebration lang? Bakit kaya kailangan pa akong ayosan at damitan ng ganito. Pwede namang pumirma na lang agad ako sa marriage contract. Dami pang arte. Sabay kaming bumaba ni Stefanie. Nakakarindi ang ingay ng stilettos ko habang pababa kami ng hagdan. Napatigil lamang kami nang makita ang hindi pamilyar na mga mukha. Apat sila at parehong matatangkad na mga lalaki. Sabay silang napalingon sa gawi namin. Damn. They looked so hot and handsome, but they also looked intimidating and stern. "Sino sila?" pabulong kong tanong kay Stefanie. "Mga kaibigan ni Lazarus. Iyong isa, kapatid niya, si Damien," sagot nito. Napatingin ako sa lalaking may pagkakahawig kay Lazarus. Hindi berde ang mga mata ng lalaki kun'di kulay itim. Damien? Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon. He looks familiar. "Where's Lazarus?" si Stefanie ang nagtanong. "Kausap ang judge," baritonong sabi ng kapatid ni Lazarus. Nagtama ang mga mata namin. His eyes dimmed. He immediately looked away. "By the way, this is Flare— Lazarus' soon to be wife," pagpapakilala sa akin ni Stefanie. I want to roll my eyes, but immediately stop myself for doing it. "I see..." Damien said and looked at me coldly. Seriously? May galit ba ang lalaking 'to sa akin? Maya maya ay agad ko ring namataan si Lazarus. May kasama itong lalaki, ito marahil ang officiant sa kasal namin. Lazarus looked so dashing and effortlessly hot. I frowned. Napakagwapo nga, baliw naman. Sayang siya. Agad na nagsimula ang civil wedding naming dalawa. Nasa gilid ang mga kaibigan, kapatid at pinsan ni Lazarus. Mukhang si Stefanie nga lang ata ang suportado. Hindi ito ang gusto kong kasal! I'm just freaking eighteen. Kaka-eighteen ko lang ngayon tapos kasal na agad ako?! Gusto kong maikasal sa simbahan... kasama ang lalaking totoong mahal ko. But my dreams faded in just a snap. I'm already married with this guy who has stunning verdant eyes. The guy who promised that he'll marry me when we were naive and young... and yes, he really took it seriously. D*mn him. He forced me to marry him and I can't do anything about it. I am already officially owned by this psycho bastard. GABI at nandito ako ngayon sa aking kama. Nakahiga at nakatitig sa kisame. Nasa baba pa rin si Lazarus kasama ang mga kaibigan nito. Mukhang sila lang ata ang nag si-celebrate. I heavily sighed and stared at my hand. Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko at hinawakan iyon. I bet this ring is hella expensive. Napakaganda ng disenyo at napaka elegante tingnan. Nakakasilaw ang mga diyamanteng nakapaligid dito. Agad akong natigilan nang marinig ang pagbukas ng pinto. Agad akong tumagilid ng higa at nagkunwaring natutulog. Agad naamoy ko ang pabango ni Lazarus. Narinig ko rin ang pagbukas ng isa pang pinto hanggang sa hindi ko na maramdaman ang presensya nito. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo. Mag-asawa na nga pala kami. Magtatabi kaming matutulog. Pakshit naman. So gagawin din ba namin 'yong ano? Tangina, hindi ko ata kaya 'yon! Kung pwede lang sanang tumakas... Maya maya ay naramdaman ko ulit ang presensya nito. Amoy na amoy ko ang mabangong shower gel niya. Sh*t! "I know you're awake. Quit pretending." Napamulat ako dahil sa sinabi ni Lazarus. Grabe ang lakas naman ng pakiramdaman ng lalaking 'to! May six sense ang g*go! "Bumangon ka. May ibibigay ako," he ordered with his frigid baritone voice. Hinarap ko ang lalaki at agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. Napasinghap ako nang makitang topeless ang bastardo. Oh my... P*tragis. Those broad shoulders and six pack abs made me gasp. Agad akong nag-iwas ng tingin sa katawan nito at tinaasan ng kilay ang mokhong. "What?" suplada kong sabi kay Lazarus. Blanko ang mukha ni Lazarus at walang mababakas na emosyon. Kahit gan'on ay napakagwapo niya pa rin. Magulo ang buhok nito at mukhang basa pa. Para bang galing ito sa mundo ng anime at nagkatawaang tao! Gano'n ito kaguwapo! "Inaantok na ako! Pwede bang bukas na lang 'yan?" aniko rito. "Tss." singhal ni Lazarus. Walang akong nagawa kung hindi ang tamad na tumayo at harapin ang lakaki. "A..Ano ba kasi?!" I asked, pretending to be annoyed. Pumunta si Lazarus sa likuran ko at hinawi ang buhok ko. Tumindig ang balahibo ko nang tumama ang kamay nito sa aking balat. Naramdaman ko bigla ang malamig na bagay sa dibdib ko. My eyes widened when I saw the necklace that Lazarus gave me before. Hinawakan ko ang pendant at nilingon si Lazarus. "Paano... mo nakuha 'to? Tinago ko 'to sa loob ng kwarto ko, ha?" saad ko. He smirked smugly. "I have my ways. I can effortlessly obtain what I want, Flare," sagot ng lalaki. Suminghap ako. Paano niya nagawa 'yon? Hindi ka basta basta makakapasok sa mansyon! Lalo na sa kwarto ko! Nasa cabinet ko 'yon kaya paano nakuha ang kwintas na ito?! Masyadong imposible... "I have rules for you," biglang sabi ni Lazarus at umupo sa kama. Kinuha niya ang isang wine sa gilid at iniligay iyon sa kanyang baso. "Rules? Ano ba yan!' pagmamaktol ko pa. "Ano 'to, classroom?" Lazarus chuckled lightly. Nagulat ako roon. Tumatawa pala ito?! Matagal na napatitig ako sa kanya. Napakaguwapo niyang tumawa... "Hala? Tumatawa ka pala? Akala ko bato ka, eh!" Naging blanko na naman ang mukha ni Lazarus. "Come here," he told me at sinensyasan akong tumabi sa kanya. Ngumuso ako at tumabi na lamang. Agad napangisi ang lalaki. "You're being a good girl now, huh?" he murmured. Napairap ako sa kawalan. Naalala ko bigla ang nakaraan. Close naman kami no'ng mga bata pa kami kahit lagi kaming nag-aaway. Kaya siguro hanggang ngayon ay kahit nagbago na siya ay komportable pa rin ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay hindi niya ako sasaktan. "Taste this..." utos niya. Napatingin ako sa basong may lamang wine. Red wine iyon. Seryoso? Wala akong nagawa kung hindi ang sumimsim doon. Ramdam ko ang titig niya sa akin habang umiinom ako. Biglang hinawakan ni Lazarus ang baba ko at pinahid ang dumi sa gilid ng labi ko. Napatitig ako sa mukha niya dahil sa ginawa niyang iyon. Napatitig din siya sa akin. "I have three rules and if you break one of those, I'm going to discipline you," wika niya. Napalunok ako. Masaya na sana ako kasi tatlong rules lang pero bakit may gano'n pa? Disisiplinahin? Sa anong paraan? "Rule number one. Do not getaway. Don't even think about it." What the f-ck? May plano pa naman akong tumakas. "Rule number two. Don't f*cking flirt with any other dudes or else I'll make them crave their own gravestone." Napa awang ang labi ko. Paksh*t, hindi naman ako maharot. Slight lang naman. Kung makatingin siya parang alam niya nang haharot ako sa ibang lalaki. "And rule number three. Obey me," he stated firmly. Tumango ako. Duh? May magagawa pa ba ako? "Bakit tatlo 'yong rules? Ano 'yon? Para I love you?" I sarcastically kidded. His lips rose dangerously. "I love you too," he whispered. Natigilan ako at natawa. Galing bumanat. Kinilig ako, slight lang naman. Korni. "It's your 18th birthday, right?" tanong niya habang pinaglalaruan ang buhok ko. "Oo, kung 'di mo lang sana ako kinidnap, edi sana kasayaw ko na ang mga kaibigan ko." Umirap ako. "Kasayaw?" inosente niyang tanong. "Oo. Ganyan 'pag eighteen ka na. Dapat may eighteen roses ka tapos isasayaw ka— ah basta! Alam mo naman siguro 'yon." "No." Napatingin ako sa kanya. "Huh?" "Hindi ko 'yon alam," malamig niyang saad. Natigilan ako at napatitig sa kanya. Hindi niya alam? Bakit? "Seriously? Saang planeta ka ba galing?" mataray kong sambit. "Can you just f-cking tell me?" suplado nitong sambit at inubos ang wine. Napakamot ako ng ulo. "Ganito kasi 'yan, 'pag eighteen na ang babae, debut ang tawag doon. Ibig sabihin legal na kami. Pwede na kaming makulong," I explained. "Yeah, I know that. That's why i married you because you're now eighteen and legal." wika niya. Eh, t-ngina mo pala e. "Alam mo naman pala." "Pero hindi ko alam kong paano i-celebrate. Nakuha mo ba ang punto ko, babae?" seryoso niyang sabi sa akin. Hilaw akong napangiti. Katakot talaga siya kapag seryoso na. "Sorry hehe." Napa iwas ako ng tingin dahil sa matalim niyang tingin. "Kapag debut mo. Dapat may eighteen na lalaki, iyong mga ka-close mong lalaki. Dapat una iyong daddy mo ang kasayaw mo..." panimula ko. Umigting ang panga niya at tumango. Mukhang badtrip na naman 'to. "Tapos yung pang eighteen na lalaki 'yong last dance mo, dapat iyong last dance mo ay espesyal. Pwedeng boyfriend mo... crush, m.u. Gano'n!" "Really?" he asked coldly. Tumango ako. "I want to be your first and last dance," he declared. My lips parted when he suddenly held his hand out for me. Napatitig ako sa kamay niya. "Can I have this dance? My wife?" he asked. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanyang palad. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanyang mukha. He still looked intimidating and cold. Sa huli ay tinanggap ko na lamang. Hinila niya ako at agad na hinawakan ang maliit kong beywang. Napahawak ako sa kanyang balikat at napasinghap dahil sa kabang naramdaman. We dance slowly... para bang nasa isang fairytale book kaming dalawa. Iyong sa beauty and beast, syempre ako iyong beauty at siya 'yong beast. Charot. Tahimik kaming dalawa habang sumasayaw. "Ako rin ba ang first dance mo?" tanong ko. Mas lalong humigpit ang paghawak niya sa beywang ko. He nodded and stared at me intently. "Why? Hindi ka ba nakaranas ng Js prom?" I asked at agad siyang umiling. "Seriously?" Muntik na akong matawa. "My life has never been normal," wika niya sa akin. Natigilan ako. "When my mom disappeared, my life turned into a living hell," he said coldly. "Y..Your mom died?" Patay na pala ang mommy niya? Natandaan ko pa noon, palaging pumupunta ang mommy niya sa mansyon. Ang pagkakatanda ko ay magkaibigan si daddy at ang mommy ni Lazarus. "I'm sorry..." I muttered softly. He just stared at me without any emotion. "Why are you apologizing? Ikaw ba ang pumatay?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hala siya. Ako agad?! "Kapag ba nag-sorry, ikaw na agad ang pumatay? Ang iba nga riyan, hindi nag so-sorry kahit pumapatay," wika ko, kunwari hindi ko siya pinaparinggan. "Tss." Masungit niya akong inismiran. "Death is for those who deserve to die," he uttered. His eyes dark and sharp. "That's their faith." "So you killed people because they deserve it?" tanong ko. Suminghap ako at tumigil. Agad akong lumayo sa kanya. "Wala ka bang puso, Lazarus? Paano mo nagagawang pumatay dahil lang deserve nila iyon?" Umigting ang panga niya at nilagpasan ako. "I want to see someone who is bloody, miserable and begging not to be executed. People who have sinned against me deserve to suffer." He glanced at me. "Those people who hurted me deserves nothing but a painful death." Sa isang iglap nagbago na naman ang tingin ko sa kanya. Parang may ibig sabihin pa ang sinasabi niya. Para bang may isang tao siyang gustong pagbayarin. "You are really heartless, Lazarus." nasambit ko na lamang. "I have heart, Flare. But unfortunately, you already owned it, and I think you're indeed right... I'm now f-cking heartless.". My lips parted in shock. "Happy birthday. Go to bed and rest," huling saad niya at bigla nalang itong lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD