Chapter 3

1947 Words
"Sit down," he ordered with his cold baritone voice. Kung makapag utos para akong aso nito, ha! Wala sa sariling umupo ako sa malapit na upuan kung saan malayo sa kaniya. "Tss." Suplado niya akong tiningnan. Umupo ako ng pormal dahil doon. May mali ba? Kung makatingin siya parang ano mang oras, babarilin ako nito. "Sit beside me, woman," he asserted icly. Agad akong tumayo at naglakad. Umupo ako sa gilid kung saan malapit sa kaniya. Ramdam ko ang mariin nitong titig sa bawat kilos ko. Shit. Ano ka ngayon Flare? Ba't ba ako tiklop pagdating sa lalaking 'to? Tumikhim ako at umupo nang maayos. Matapang ko itong nilingon. 'Ganyan nga Flare, dapat matapang. Wag marupok. Kahit guwapo at hot ang kidnapper mo ay hindi ka dapat puwedeng bumigay!' "Didiretsuhin na kita. Ano ba talagang kailangan mo sa akin at bakit mo ako dinala rito?" I asked firmly. "Let's eat first, lady," wika nito na siyang ikinainis ko. "Fine, whatever." Hindi na lamang ako nakipagtalo. I'm hungry na rin kaya. Last kong kain ay iyong sa Starbucks. Nakakatakam din ang mga pagkain na nasa harapan ko, 'no. Para silang kumakaway sa akin at nagmamakaawang kainin ko ang mga ito. Tahimik kaming kumain dalawa. Tanging kubyertos at plato lang ang nagbibigay ingay sa buong paligid. Nararamdaman ko minsan ang pagsulyap ng lalaki sa akin. Minsan ay sumusulyap rin ako sa kaniya kapag naramdaman kong hindi na ito nakatingin. Awkward nga, eh. Pero hindi naman ako natatakot. Hindi ako takot sa kaniya... hindi ko alam kung bakit. Nararamdaman ko lang na wala naman itong masamang gagawin o balak. Pakiramdam ko lang naman. "Puwede ko na bang malaman kung anong kailangan mo sa akin?" tanong ko nang matapos na kaming kumain. Sumimsim si Lazarus sa hawak niyang basong may lamang red wine at sinulyapan ako gamit ang nanghihinoptismo nitong mga mata. "I already answered that question." Natigilan ako. Muli kong inalala ang sinabi niya kaninang madaling umaga. C..Child! Gusto niya ng anak... "Hindi ko matandaan," iyon na lamang ang nasabi ko. Baka mali lang ang narinig ko sa sinabi niya. Bakit kailangan niya ng anak? Kung titingnan ay ang bata bata pa niya! Magkasing edad lang ata sila ng kapatid ko. Siguro ay 19 or 20? "I want a child and a mother for them," saad ni Lazarus sa malamig na boses. Napalunok akk. "E..Eh bakit... ako?" mahinang usad ko. Tiningnan niya ako. "Puwede namang iba ang gawin mong ina nang magiging anak mo, bakit ako pa?" I said. He just looked at me. Wala pa ring emosyon ang mukha. "Bakit hindi ikaw?" Agad akong umiwas ng tingin dito. Hindi ko nakayanan ang intensidad ng titig ni Lazarus. Nakakahibang. "I'm not suitable. Bata pa ako para magka anak! Hindi pa ako handa sa ganoong buhay at isa pa... hindi kita kilala." Mas lalong tumalim ang titig ni Lazarus sa akin. "You don't know me, woman?" he asked. Kakasabi nga lang, eh. "You don't know me or you just... pretending that you can't remember me?" Namilog ang mga mata ko sa narinig. Napasinghap ako nang makita ang malademonyong pag-ngisi ni Lazarus. Sumandal ito sa kaniyang kinauupuan habang mariin pa ring nakatitig sa akin. "Try harder, Flare. You can't do anything to stop me for choosing you. Magiging asawa kita, magkakaanak tayo at magiging isang pamilya tulad nang sinabi ko noong mga bata pa tayo." Bigla itong tumayo at mabagal na humakbang patungo sa aking kinaroroonan. Ramdam ko ang bilis ng pintig ng aking puso. "Do you understand me, hmm sweetheart?" he whispered sweetly in my ear. Kinuha nito ang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha at iniligay iyon sa likod ng aking tenga. "Hindi ako magpapatali sa isang psycho na katulad mo," mariing sambit ko at matapang itong nilingon. Lazarus smirked devilishly. He stared at me, amused. "Let's see." Matapos sabihin iyon ni Lazarus ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Doon naputol ang titigan naming dalawa sa isa't isa. Kinuha nito ang cellphone mula sa kaniyang bulsa at sinagot ang tawag. He smirked. Tumalikod siya at naglakad palayo. "How are you, Ashrael?" I heard him said! Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo. It's kuya! Ang kuya ko ang tumatawag sa lalaking 'to! Bago pa ako makalapit kay Lazarus ay napigilan na ako ng mga tauhan niya at hinawakan ang magkabila kong braso. I gritted my teeth. "Assholes! Let me go! Kuya, please tulungan mo ako rito!" sigaw ko, nagbabakasakaling marinig ako ng kapatid ko. "Your sister?" I heard Lazarus said playfully, tonong nang-aasar. Nilingon ako ni Lazarus. Paniguradong alam na ng kapatid ko na nasa kaniya ako ngayon. Na si Lazarus ang kumuha sa akin. "Your sister's mine, Ash. Hindi ko na siya maibabalik sa inyo," wika ni Lazarus habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Suminghap ako. I glared at him. "Damn you!" Akmang lalapitan ko na si Lazarus ngunit ang mga tauhan nito ay mas lalo lamang hinigpitan ang paghawak sa akin. "Bitiwan niyo ako sabi!" sigaw ko habang pumapalag. "Bitiwan niyo ako para masuntok ko 'yang amo niyong sabog! Ibalik mo na ako sa amin, Lazarus! Hindi kita papakasalan, mangarap ka!" patuloy kong sigaw. "Look at her. Your sister is a little bit— hard headed, y'know?" he uttered on the phone and stared at me darkly. "Baka hindi ako makapagpigil at may magawa akong ikakasakit nito," dugtong niya na siyang nakapagpatigil sa akin. Talagang sasaktan ako nito? Binaba na ni Lazarus ang tawag at nakapamulsang nilapitan ako. Tumigil ito sa harapan ko at walang emosyon akong tiningnan. "Just f-cking obey me and do what I want, Flare," wika niya sabay haplos sa aking pisngi. Agad kong iniwas ang mukha sa kaniya at taas noo ko itong tiningnan. "Paano kung ayaw ko?" I bravely asked. His jaw clenched. His green eyes went dark and stared at me fiercely. "You will die," malamig na sagot ni Lazarus. Natigilan ako roon. He looked so damn serious. "I will kill you, and after that I will kill myself too. We will die together. Sounds fun, right?" nakangisi nitong sabi. Tangina? Baliw ba siya?! Ayaw kong mamatay kasama ang lalaking 'to. Mamatay itong mag-isa, bahala siya! Sinulyapan ni Lazarus ang mga tauhan niya. Agad naman akong binitawan ng mga tauhan nito na naka men in black at agad na umalis. Naiwan kaming dalawa. Humakbang ito papalapit sa akin. Napaatras ako ngunit agad niya akong hinapit sa beywang. "Don't try me, Flare. Be a good girl, alright?" malambing nitong wika at itinaas ang baba ko upang magpantay ang tingin amin. This asshole... Agad ko itong itinulak. Good girl his ass! "Wala akong pakialam! Mas gusto ko pang mamatay kesa ang sumunod sa mga utos mo!" I exclaimed. Dumilim ang mukha ni Lazarus at nagtagis ang bagang. Mukhang napigtas na ang natitira nitong pasensya. "Go on... kill me now, Lazarus," hamon ko rito. Sa totoo lang ay natatakot ako, pero pinipilit kong patatagin ang loob. Kahit kailan hindi ko nakikita ang sarili na kasama ang lalaking ito. Ayaw kong makasama ang taong kagaya niya. Ayaw kong makulong sa mundong meron si Lazarus. "Is that really what you want?" tamad na wika ni Lazarus sa akin. Hindi ako nagsalita. "Give me my gun," he coldly ordered. Hindi ko alam kung sinong inuutusan nito, eh kami lang naman dalawa rito. Ngunit agad ding nasagot ang tanong ko nang lumabas ang babaeng kasambahay. Siya 'yong kasambahay na tinarayan ko kanina lang. Lumapit ang kasambahat kay Lazarus at nakayukong ibinigay ang isang baril. Nanginginig pa ang babae habang inaabot ang bagay na iyon kay Lazarus. Kinuha iyon ni Lazarus. Napaatras ako nang makita ang baril nito. Lazarus glanced at me coldly. Mas lalong domoble ang kaba ko sa tingin na iyon. Shit... eto na ba talaga? Mamamatay na ba talaga ako? Sure na ba 'to? Oh my— "You still have time to think carefully the decision you made, Flare," Lazarus said. Pinaglalaruan pa nito ang baril na hawak niya. I gulped. Napasulyap ako sa kasambahay na nakayuko lang sa gilid. Nanginginig ito at mukhang takot rin kagaya ko. 'Ano ba Flame! Isip na! Gusto mo ba talagang mamatay?' Pero ayaw ko pa ring sumunod sa kaniya! "Obey me or die?" he asked again. This time, nakatingin na ito sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon. "If you chose to die, we will both die together. And even in the afterlife, I'll still hunt you..." Nilagay ni Lazarus ang nguso ng baril sa sarili nitong sentido habang tinitingnan ang reaksyon ko. Napasinghap na lamang ako. "Sinagot ko na 'yan kanina, Lazarus. Mas gusto ko pang mamatay kesa ang sumunod—Oh my God!" Napapikit ako at napatili sa gulat nang marinig ang malakas na putok ng baril. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Parang ano mang oras ay mahihimatay ako sa sobrang takot at gulat. Pinakiramdaman ko ang sarili ngunit wala naman akong naramdamang sakit. Pagmulat ay ganoon nalang ang gulat ni ko nang makita ang babaeng kasambahay na nakahandusay na sa sahig. May tama ito sa kanyang noo, mulat pa ang mga mata at duguan ang ulo... Napatakip ako sa aking bibig. Parang masusuka ako sa nakita. Napatingin ako kay Lazarus. Nanatili pa ring nakatutok ang baril nito sa babaeng kasambahay. Napatingin ako sa baril na hawak nito at nakita ang usok sa nguso ng baril na siyang gamit ni Lazarus. Palatandaan na tagalang binaril niya talaga ang kasambahay. Lazarus snickered. Napaatras ako dahil sa takot at kaba. Tumulo ang luha sa mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Hindi akong makapaniwalang... pinatay nito ang isang inosenteng babae! Hayop siya! "How can you put a smile on your face?! B..Bakit mo siya pinatay?" My voice cracked. Nilingon ako ni Lazarus. Walang emosyon ang mukha at mukhang wala lang sa kaniya ang ginawa nito. "I just tried it. Akala ko walang bala," sambit ni Lazarus na siyang ikinalaglag ng panga ko. Gusto kong matawa tapos umiyak. Tangina baliw na rin ata ako. "Emilio, clean this mess," utos ni Lazarus sa mga tauhan nito. Lazarus glanced at me. "Go back to your room." Nanatiling tulala ako habang nakatitig sa bangkay ng babae na ngayon ay binubuhat na ng mga tauhan ni Lazarus. "F-cking go to your room already or else you will experience the same thing like that b*tch..." Doon nabalik ang wisyo ko sa narinig mula kay Lazarus. Agad akong tumakbo paakyat ng hagdan upang pumunta sa kwarto. - "Madame." Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko ay iyon pala ang babaeng matandang kasambahay na nagdala sa akin ng damit kanina. "B..Bakit po?" nanginginig kong tanong. "Ipinapautos ng senyorito na magbihis ka," wika ng matanda at inilapag sa kama ang isang magandang dress. Wala sa sariling tumango ako. Mukhang wala na talaga akong mapagpipiliian. Wala na akong magawa kung hindi ang magpakasal sa kaniya. "Marahil ay gulat ka sa nasaksihan mo, hija," biglang sabi ng matanda. Malamang. Sino ba namang hindi magugulat roon?! Pakshit talaga, baka hindi ako makatulog nito dahil sa konsensiya. "Bakit siya naging gan'on? Bakit niya pinatay ang babae—?! That girl is totally innocent! Kasalanan ko 'to, eh..." sambit ko habang patuloy na umaagos ang luha. Kung hindi ko lang sana hinamon ang baliw na lalaking iyon, edi sana buhay pa ang babaeng iyon. "Hindi mo kasalanan, hija. Kasalanan iyon ni Linda," the old lady said. Biglang umurong ang luha ko at tiningnan ang matanda. "Nag nakaw si Linda rito sa mansyon. Nilabag niya ang mga batas ni senyorito." My eyes widened. "Nagnakaw?" Tumango si manang. "Hindi basta-bastang pumapatay si señyorito ng walang dahilan," aniya. Matapos sabihin iyon ng matanda ay naiwang ako tulala. Mababaliw na ata ako rito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD