Chapter 2

2029 Words
KINABUKASAN ay tulala ako habang naglalakad sa hallway. Alam na ng buong school ang nangyari kay Arnold. Sabi ng mga pulis ay wala silang lead kung sino ang pumatay rito o kung meron nga ba at mukha naman daw suicide ang pagkamatay ni Arnold. Iyon ang pinalabas ng hayop na lalaking iyon! "Arnold is dead. Malas talaga 'yang si Flare!" "Yeah, malas talaga. Lahat na lang nang napapalapit sa kanya ay naaaksidente. Worse, namamatay pa!" Agad kong nilingon ang dalawang babaeng nag-chichismisan. Tinaasan ko ang mga ito ng kilay. Humalukipkip ako habang lumalapit sa mga ito. They looked frightened. Well, they should be. "I heard my name at galing pa talaga iyon sa pangit mong bunganga," saad ko sa babaeng bumanggit sa pangalan ko. Napaatras ang dalawa. "Napakaganda ng pangalan ko tapos babanggitin lang ng pangit na katulad mo? That's ridiculous." "Totoo naman, eh! Na malas ka!" lakas loob na sambit nito sa akin. "Kung malas ako mas malas ka. Everytime I looked at you, I felt bad for your parents for creating such a little piece of s**t like you," I said that made the girl face irritated. Nginisihan ko siya. "Instead of gossiping about me, why don't you try to fix yourself first? I mean look at you, unpleasant and pathetic." "Shut up! Hindi na ako nagtaka kung bakit walang nakikipagkaibigan sa 'yo. Nagtataka nga ako kung bakit ang daming lalaking nagkagusto sa 'yo, eh ganda lang naman ang meron ka," sabat ng babaeng nag-swimming sa harina. Umawang ang labi ko at pagak na natawa. I looked at her from head to mukhang toe. Mukhang paa ang mukha amputa. "Atleast I'm gorgeous. How about you?" Nilapitan ko siya. Napaatras ito. "Kapag may problema kayo sa 'kin, ibulong niyo lang sa tenga ko pwede? I'm free to heard nonsense words from a nobody like you. Heard me? Nobody like you dahil wala kayong kwenta," saad ko at agad silang nilampasan. "Mga tsismosa." Ang aga aga pinapainit ng mga ito ang ulo ko! Bakit ba ako ang sinisisi ng mga ito sa pagkamatay ng mga ex ko?! Hindi ko naman ito ginusto... Natapos ang klase at napaka-boring. Wala na kasi si Arnold. Siya pa naman ang palagi kong kasama tuwing lunch at uwian. Wala na siya kaya wala na akong kasama. Oo, ako na ang lonely! I don't need friends anyway. Mas gusto ko pang mapag-isa kesa ang sumama sa mga kaibigang plastik naman. Ayaw kong may nagtratraydor at patalikod na tumitira. Iyong akala mo totoo na sa 'yo pero pag wala ka sa harapan nila ay paguusapan ka nalang ng masasama. Ew, friends like that are f*****g trash. "Birthday mo na bukas, Flame 'di ba?" one of my boy classmate asked. Tamad ko itong tinignan. "Yeah, why?" "Debut mo na! Magpapa-party ka?" Akmang hahawakan ako nito nang may bigla akong naalala. Agad ko itong iniwasan na siyang ikinagulat ng lalaki. "Don't touch me. Kung may party man ako, you're not invited anyway. Asa ka naman," sabi ko at inirapan ito. "Suplada ka talaga!" "Oo, at wala ka ng pake ro'n." Tumayo ako at lumabas ng classroom. Nakakabadtrip din talaga minsan ang mga kaklase ko! UWIAN at panay na ang tawag ni Kuya Ash. Mukhang hinahanap na ako nito. Si Kuya Ash na kase ang kasabay ko tuwing uwian. Ganyan siya kabantay sarado. Nandito ako ngayon sa Starbucks. Nag ditch lang naman ako sa klase at dito lamang nagpalipas ng oras. 5pm na rin at malapit nang gumabi. Kulay kahel na ata ang kalangitan kaya agad na akong tumayo para lumabas. Napagpasiyahan kong mag-taxi na lamang. Tumayo ako sa may waiting shed at doon naghintay ng masasakyan. I brushed my hair using my fingers. Agad akong umayos ng tayo nang makitang may papalapit na taxi. Huminto ito sa harapan ko. Agad akong pumasok at sumakay. "Emilie Subdivision," saad ko habang nakatingin sa labas ng bintana. "Manong, hindi po rito ang daan. Hindi niyo ba alam kung saan ang Emilie Subdivision?! My God! Badtrip ako ngayon manong, huwag niyong dagdagan!" inis kong sabi nang biglang lumiko ang taxi. The taxi driver didn't even respond. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba nang magtama ang tingin namin sa salamin. "Hey! What the hell?! Hindi ito ang daan! Saan mo ako dadalhin?!" Nagpapanic ko nang wika. Tiningnan ko ulit ang taxi driver. Naka-mask ito kaya hindi ko makita ang buong mukha. "Pasensiya na, ma'am. Trabaho lang," wika niya dahilan upang manlaki ang mga mata ko, at kasabay no'n ang biglaang pag-spray nito ng kung ano. Agad ko iyong nalanghap hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. _ Nagising ako na masakit ang ulo. Napahawak ako rito dahil sa biglaang pagkirot. I couldn't remember... anything! Bakit ako nandito? Asan ako? Agad kong inilibot ang tingin sa buong paligid at nakitang nasa isang madilim na kwarto ako napunta. Napatingin ako sa malaking orasan na nasa kabilang gilid. 11:59 Gabi na. Nasaan ako? Bakit masakit ang ulo ko at bakit wala man lang akong maalala? Ilang sandali akong natulala sa kawalanan. I was startled when the clock suddenly made a noise. 12:00 "Happy birthday," I was flabbergasted when someome spoke. Napalinga ako muli sa buong paligid upang hanapin ang pinanggalingan ng boses na iyon hanggang sa natigil ito sa lalaking nakaupo sa madilim na sulok ng kwarto. He looks like a king sitting on his throne, holding a glass of wine while giving me his daggers stares. Hindi ko makita ang buong mukha nito dahil madilim sa direksyon niya. "Who are you?" I asked softly. Bigla itong tumayo. Pinapaikot niya ang alak sa loob ng baso habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Kung kumilos ito ay parang pagmamay-ari niya ang buong mundo. He look so intimidating and... deadly. Napaawang ang aking labi nang tuluyan ko nang makita ang mukha nito. His fierce green eyes bore into me. Napakaganda ng mga mata niya. Ang kanyang ilong ay matangos at ang labi niya ay namumula. His jaw defined perfectly. He looked absolutely flawless, and d-mn desirable. Amoy ko ang tila mamahalin nitong pabango at ang natural na panlalaki nitong amoy. "How are you, Flare?" he asked in a casual voice. "S..Sino ka? Bakit ako nandito?" A mocking smirk crept on his lips. Sumismim ito ng alak habang ang titig ay nasa akin. Napalunok ako habang nanginginig sa takot at lamig lalo na't tanging isang lingerie lamang ang suot ko kaya naman lantad ang balat ko sa harapan ng lalaking ito. Nilapag ng lalaki ang baso sa isang mesa. "I'm your fiance," the man declared. "Fiance—?!" Muntik na akong mahimatay sa gulat. "Hindi kita kilala... paanong naging fiance kita?!" matapang kong sigaw rito. Umigting ang panga ng lalaki. "Ikakasal tayo bukas." Hindi nito sinagot ang tanong ko! "Bakit tayo ikakasal?! I don't even know you! Hindi kita kilala at hindi ako papakasal sa 'yo!" I yelled, already panicking. Napatili ako sa gulat nang hinablot ng lalaki ang braso ko. Napaharap ako sa kaniya nang hawakan nito ang panga ko. Our eyes met. My tears flowed due to fear. "Whether you like it or not, you have to be my spouse," mariin nitong sambit sa akin. Napadaing ako sa higpit ng hawak nito. "L..Let me go," I begged. "please..." His face relaxed instanly. Agad niya naman akong binitiwan. Napahawak ako sa aking braso at panga. Pakiramdam ko'y magkakapasa ako sa ginawa niya. This guy is a d-mn rascal. He's acting like a bats-t insane person. Sino ba siya para gawin ito sa akin?! "Bakit mo 'to ginagawa?" He just stared at me unemotionally. Hinaplos niya ang pisngi ko at tsaka bumaba ang tingin sa aking labi. "Because you are my possession," he whispered, it made me tremble. It feels like I've heard that line before. "Please tell me, who really are you?" The man chuckled. "So you forgot, huh?" "I am Lazarus Devilla," wika niya at tiningnan ako gamit ang nang-hihinoptismo nitong mga mata. Lazarus...? "Y..You are—" Bago pa ako makapagsalita ay siniil na niya ako nang isang mariin na halik. Napakapit ako sa damit ng lalaki dahil sa biglaan nitong ginawa. "H..Huwag! Ano ba?!" Pagpupumiglas ko. Lazarus stared at me intently. Humigpit ang hawak niya sa braso ko na siyang ikinadaing ko. "Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin?! Ano bang gusto mo, huh?!" wika ko habang lumuluha. Hinawakan ni Lazarus ang pisngi ko at pinunasan ang luhang patuloy na tumutulo. Mapupungay ang mga mata niya nang tingnan ako. "Give me a child, Flare," he uttered. My eyes widened in shock. - Muling akong nagising dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Agad akong bumangon at napatingin sa buong paligid. Hindi ba iyon panaginip? Bakit nandito pa rin ako? Pakshit talaga at naka lingerie pa rin ako! Sino kayang manyak ang nagsuot nito sa akin?! Agad akong tumayo at napatingin sa may pinto. Binuksan ko iyon at doon ko napag-alaman na terrace pala iyon. Namilog ang mga mata ko nang makita ang nasa labas. Nasa isang mansyon ako at... marahil ay isa itong hacienda! Kung gan'on ay nasa bukid... ako?! What the f-ck? "Madame," agad akong napalingon sa tumawag. Isang matandang babae na may dalang mga damit at towel. "Ipinapabigay ni Senyorito Lazarus. Pagkatapos mo maligo ay bumaba ka na upang makapag-agahan," she announced. "Sinong nagbihis sa akin nito?" tanong ko at itinuro ang suot. Napatingin ang matanda sa suot ko. "Ako po, madame. Inutosan lamang ako ni senyorito." Nakahinga ako nang maluwag. "Paumanhin ngunit aalis na po ako," she said and bowed slightly. Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na ang matanda at umalis. Kunot-noo kong tiningnan ang damit na ibinigay nito sa akin. Senyorito Lazarus? Kung gan'on ay totoo nga 'yong lalaki kagabi. Agad akong pumasok sa isang banyo at naligo. Bigla ko tuloy naalala. Birthday ko nga pala ngayon at ang lalaking kumidnap pa sa akin ang unang bumati sa kaarawan ko! Malas nga talaga ako. Paano na ako makakapag-celebrate ng birthday? It's my debut, my 18th birthday and it must be special! Suot ko ang puting damit na hanggang talampakan, hapit ito sa akin maliit na katawan at nakikita pa ang cleavage ko kung meron man. Nagmumukha tuloy akong dyosa. Charot pero totoo naman. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Agad na lumabas ako ng kwarto at napalinga sa paligid. Bobo. Saan ang hagdan? Paano ako bababa?! Hindi ko kabisado ang buong lugar. Napakalaki ng mansyon na ito. Nakakapagtaka lang. Sa movie kasi, kapag nakidnap ka eh ang pangit ng kulungan mo at pangit din ang kidnapper pero bakit gano'n? Bakit napakaguwapo ng kidnapper ko? Kidding but it's true. Pero seriously? Sa bukid talaga ako dinala? Mas okay na sa beach o isla huwag lang sa bukid at probinsya! Anong gagawin ko rito? Magsaka? Magtanim? Mag-alaga ng kalabaw? Nahanap ko rin sa wakas ang hagdan. Agad akong bumaba at namamanghang napatingin sa buong mansyon. It's look like this mansion is old, but the furnitures looked luxurious. "Madame," napalingon ako sa nagsalita. Isang babaeng kasambahay. Yumuko ito nang magtama ang mga mata naming dalawa. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Senyorito Lazarus sa dining area," sabi niya. "Then?" Tinaasan ko ito ng kilay. Napasinghap ang kasambahay, marahil ay nagulat sa ugaling pinapakita ko. Anong akala nila? Magiging mabait ako? Na-kidnapped na nga ako, tapos amo pa nila iyong kidnapper. Alangan namang makipag plastikan ako, 'no! Duh. "Kailangan niyo na pong puntahan si senyorito sa dining area. Mainipin po ang senyorito, ayaw niyang pinaghihintay siya," she told her. Ayaw niya palang pinaghihintay siya, e bakit pa siya naghintay? Obob lang? Hindi na lamang ako nakipagtalo at sumama na lang sa kasambahay. Una kong nasilayan ang mga pagkain sa mahabang mesa. Nagningning ang mga mata ko ngunit agad ding nawala nang makita ko ang lalaking nakaupo sa dulo. I stiffened. My heart pounded so darn fast when our eyes met. Siya 'yong lalaki... The guy with deep mesmerizing green eyes. Napakaguwapo niya nga talaga. He looks hot, but his ambiance screams threat. Malamig ang titig nito ngunit tagos naman sa kaluluwa. Walang emosyon ang mukha ngunit nakikitaan ko ng kulay ang mga mata niya... Tanging mga mata niya nalang ata ang nagbibigay kulay sa madilim nitong pagkatao. Sayang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD