Chapter 8

1363 Words
Bumaba si Lazarus sa kabayo at agad akong kinuha at binaba. Nagkatinginan pa kaming dalawa. Agad akong nag-iwas ng tingin at inayos ang sarili habang siya ay pinapasok na si Dark sa kwadra. Bumalik kami sa mansyon na walang imikan. Gabi at kumakain na kami para sa hapunan. Hindi pa rin maialis sa isipan ko ang hinihiling ko sa kanya. Siguro kapag masyado ko itong ipagpilitan ay talagang papayag na ito sa nais ko. "L..Lazarus," mahina kong tawag sa kanya. His face is still stern. His eyebrow raised and glanced at me. "I want to pursue my study! Let me study here!" I want to sound like I'm pleading, but I ended up being demanding. His jaw clenched. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang pagdilim ng mga mata niya. Napalunok ako sa aking kinakain. "I already refused, right?" mariing niyang sambit. I laughed bitterly and dropped my utensils. "Lazarus, kailangan kong mag-aral! Anong gagawin ko rito? Tumunganga? Huwag mo naman akong ikulong dito!" Padabog na iniligay ni Lazarus ang baso sa mesa na siyang ikinagulat ko. Walang emosyon niyang ibinaling sa akin ang kanyang buong atensyon. "You don't have to go to school. Kung natatakot ka na wala kang magiging trabaho dahil hindi ka nakapagtapos, pwes kaya kong ibigay lahat ng meron ako, Flare. Ibibigay ko lahat sa 'yo," wika niya ulit na ikinasinghap ko. "Don't be so selfish! What is wrong with you? Pati ba naman iyon ipagkakait mo sa akin? Ikukulong mo ako... sa mundo mo?" Bigla ay nanghina ako sa mga pinag-iisip ko. Nanatiling blanko ang mukha ni Lazarus. He's f-cking menace! "I'm just eighteen! Bata pa ako... at ikaw! Bata pa tayong dalawa. Kung iniisip mo na asawa kita at kaya mong ibigay lahat ng mga pangangailangan ko dahil sobrang yaman mo—" I stopped and stared at him bravely. "Asawa lang kita. I don't even love you and you'll never be my husband permanently! Makakatakas ako sa pesteng lugar na ito at hindi ako habang buhay na magpapatali sa isang katulad mo—!" s**t! Napatili ako sa gulat nang bigla niyang hinawi ang mga bagay sa mesa. Rinig ko ang pagbasag ng mga plato't baso sa sahig. Napatayo ako dahil sa kaba at akmang tatakbo paalis nang hilahin niya ako pabalik. "What did you say?" he asked coldly. His eyes were dark and fierce. He looks really furious. Kahit gan'on ay matapang ko pa ring nilabanan ang tingin niya. T-ngina! Pagod na ako sa pagpapanggap! Pagod na akong magpanggap na ayos na sa akin ang lahat! Na okay lang maging asawa niya! Kung ganito lang din naman siya kahigpit, hindi ko na alam kung anong gagawin ko para makatakas sa lugar na ito! Mahihirapan akong pakisamahan ito! "Tell me, I dare you!" napapikit ako sa sigaw niya. "Let me go, bastard! Bitiwan mo na ako! Ayaw ko na rito! Pakawalan mo na ako..." Damn, Flare! Huwag kang iiyak! Labanan mo! Huwag mong ipakita ang kahinaan mo sa harapan ng lalaking 'to. "Why would I even let you go now that you're finally in my territory? We're already married. Asawa na kita kaya bakit kita pakakawalan?" aniya. Malakas kong hinawi ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkakahawak sa akin. Shit! Paulit-ulit na lang ba talaga?!Nakakasawa nang marinig ang mga salitang lumalabas sa bibig niya! "Kung ganyan ka pala kahigpit at makasarili, mas mabuti pang kamuhian na lang kita kesa ang mahalin! I f-cking hate you!" sigaw ko at agad na tinalikuran siya. Napaharap ako bigla sa kanya nang hinila niya ako at sinakop ang aking pisngi. Sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. His arm encircled around my waist. Ang isang kamay ay nakahawak sa pisngi ko upang mahalikan pa ako nang maayos. Napakapit ako sa kanyang damit. He kissed me roughly. Masakit ang bawat halik niya, para bang ipinaparamdam niya sa mga halik niya ang kalupitan sa akin. I'm already f-cking breathless! Tumigil siya at mariin akong tinitigan, hindi pa rin ako binibitawan. Hingal pa rin ako dahil sa halik niyang iyon. Nagkatinginan kami. I glared at him, habang siya ay namumungay ang mga matang nakatitig sa akin. His eyes fixed on my lips. I witnessed how his green eyes burned because of lust and desire. My heart pounded so fast. Parang mga kabayong nagkakarera dahil sa sobrang bilis ng pintig nito. Bago pa ako makaangal at makapagsalita ay muli niya akong siniil ng halik. Ngayon ay marahan. He kisses became gentle and tender. He sucked my lips, habang ang kamay ay naglalakbay na sa likuran ko. Tumigil siya sa paghalik at muli na namang hinabol ang labi ko. He bit my lower lip, I moaned and that made him stopped from kissing me. He groaned and suddenly let me go. I heard his soft curses. Napahawak ako sa labi ko. Namamantal ata dahil sa halik niya. "Ba't ka tumigil?" tanong ko at tiningnan siya nang masama. Umigting ang panga niya at matalim din akong tiningnan. My eyes landed on his lips. Pulang pula ito. I smirked secretly. "Where's your anger now? Suddenly lost because of my kisses?" he asked, poking fun at me. May multo ng ngiti sa kanyang labi na siyang ikinasimangot ko. Oo nga pala, dapat galit ako sa kanya! Galit pa rin ako 'no! F-ck him. Ang sakit niyang manghalik! "Para namang may espesyal sa halik mo. Duh! I already kissed men before. Kaya wag kang feeling special." Inirapan ko ito. Tumaas ang kilay niya. "Oh, yeah? They are now lifeless, right?" he asked playfully and smirked devilishly. Natigilan ako. "Don't you dare kiss someone, Flare," he said. "If you will, your kiss implies death.' Hindi ako sumagot. "Next time don't make me mad so that I won't hurt you. I do not want to hurt you. I don't want to harm my wife, so please don't wake the monster inside me." Nag-iwas na lamang ako ng tingin. E, gusto kong mag-aral! Ma-bo-bored ako rito! "Do you understand me?" he said. His voice was full of authority and power. "May magagawa pa ba ako?" Umirap ako at tinalikuran siya. He laughed. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay. Inangat niya iyon at agad na nagdilim ang mga mata nang makita ang pamumula ng wrist ko dulot ng kanyang mariing paghawak kanina. "I apologized..." he mumbled huskily. "Does it hurt?" Napangisi ako sa tanong niya. "Oo, kanina." "I will aim my best to control my emotion next time," malamig ang boses niyang sabi at binitawan ang kamay ko. Napasulyap ako sa mga kasambahay na kararating lang at sinimulang ligpitin ang mga basag na bagay sa sahig. Kinuha ni Lazarus ang baso niya at nagsalin ng alak. "I just want to study. Ayaw kong ma-bored dito sa mansyon," mahinahon ko nang wika. He stared at me intently. "It's dangerous. I won't let my wife wander around." Kumunot ang noo ko at bahagyang lumapit sa kanya. "Bakit delikado? Natatakot ka bang baka makatakas ako? Iyon ba ang ipanag-aalala mo?" tanong ko. Uminom siya sa kanyang alak at hindi na ako sinulyapan. "I have many f-cking enemies outside. Your existence will be in threat. You will be d-mn taken away from me," mariin niyang sambit. "P..Pwede naman akong magkaroon ng bodyguards, ha?" Hilaw akong napangisi. "Pwede ring ikaw," I said softly. He lazily glanced at me. "What the hell are you talking about?" "Samahan mo ako... mag-aral. Magkasing edad lang naman tayo 'di ba? Sigurado akong hindi ka pa nakakapagtapos." "Hindi ko na kailangang mag-aral." "Edi ikaw na matalino." Umirap ako. Humalakhak siya. Damn. Bakit ang sarap pakinggan ng tawa niya? Kung ganito lang siya parati ay marahil magugustuhan ko siya. Lazarus could be perfect... kung hindi lang siya pumapatay at gumagawa nang masama. "Please, Lazarus? Gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko rito. Gusto ko talaga," pagmamakaawa ko. Umuling siya at tinalikuran ako. Nakasimangot akong sumunod sa kaniya. "Lazarus!" tawag ko. "I will think about it," aniya sa iritadong boses. I was dumbfounded. "Huh?" He sighed and faced me. "The idea of you, studying here..." he said. "I will think about that matter. Is everything alright now?" Pinigilan kong mapangiti nang marinig iyon. "O..Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD