“Prepare the operating room,” turan ng lalaki habang papadaan sa harap ni Avi,hindi manlang ito lumingon kahit nakasunod ang tingin ni Avi.
Nang tuluyang lumagpas ang lalaki ay awtomatikong nag-play sa utak niya ang mga nangyari kagabi, ang malambing pero maawtoridad na boses nito, ang kay lalagkit nitong mga tingin, at ang mga matitigas nitong muscles.
“TABI!” palahaw nitong lalaki na nakaputol sa iniisip ni Avi.
Nagtatatakbo ito pabalik na halos mabangga pa siya.
Laking gulat lang ni Avi na nilagpasan lang siya nito ulit na parang di siya kilala o maski manlang makaramdam ng pananagutan sa nangyari sa kanila.
Pananagutan na agad si Avi kaya di magka-jowa, masyadong makaluma ang alam na paraan ng pag-ibig.
Nang lumagpas ulit iyong lalaki ay nagpatuloy na si Avi sa pag-alis. Agad niyang inawat ang sarili na mag-asam ng higit pa sa kung ano man maliban sa isang gabi na nagkataon na nalaglag niya ang keycard sa labas ng pinto niya.
Lutang siyang nagmaneho papunta sa isang kilalang wedding dress boutique. Buti na lang talaga at sampal agad ang sumalubong sa kaniya mula sa mga nagngangalit na mga matatanda pagkapasok na pagkapasok pa lang, kaya mabilis na bumalik ang kaniyang katinuan. Di nga pala siya kagusto-gusto!
“Averia! Ano iyong nakarating na balita sa amin na nagkaproblema sa site at bukod pa roon ay di mo raw pinagbigyan si Mr. Severino sa pag expedite ng project?” marahan man ay ramdam ang bigat sa bawat salita nang pinakamatanda sa lahat, ang Lola Alfuenta niya.
Huminga muna ng malalim si Avi bago sumagot, “Lola, naayos ko na ho yong sa site. Tungkol naman ho kay Mr. Severino, nakausap ko na ho siya at ipinaliwanag na hindi na pwedeng mas paiksiin pa ang construction days o magkakaproblema sa tibay ng building. Bukod ho sa ayaw ko makulong, hindi ho maatim ng sikmura kong mandamay ng mga inonsenteng buhay. Hindi ho kaya ikonsola ng pera ang buhay ng tao.”
“AVERIA! Manang-mana ka sa ama mo, napakahina! Puro prinsipyo kaya namatay at namatay na wala manlang pera! Tandaan mo Averia, lahat napaparaanan ng pera,” ani Lola Alfuenta, pinakamatanda at tinuturing na pinaka-nagtatag ng reputasyon at legasiya ng kanilang pamilya.
“Lola, kung ayaw niyo pong masayang lahat ng pinaghirapan niyo, please lang po, kahit ngayon lang,” pakiusap ni Avi. “Wag niyo ho pating idamay si Papa rito, ginawa niya lang ho ang tama!”
“Mga lola, susukat na raw ho kayo!” biglang singit ng isa sa pinakamalapit na pinsan ni Avi, si Sofia.
“Alfuenta, halika ka na,” sabik na yaya naman ng lola Beinita niya.
Lumabas ang grupo ng mga tiyahin ni Avi maging ang kaniyang ina para akayin ang matatanda papasok. Pero bago tuluyang umalis ay nag-iwan pa ng masasamang tingin ang mga ito kay Avi.
“Oh, ano? Haay nako!” usal ni Sofia saka kinuha ang kamay ni Avi para pakalmahin.
“Ate, ang pagod,” sabi ni Avi, bakas sa boses niya ang lungkot.
“Ikaw kasi, kung nag-aasawa ka na,”
“Ate naman eh! Alam mong malabo na saka, ayaw ko namang papahalagahan lang nila ako dahil nag-asawa ako? Ano yon? Babayaran ko ang utang ko nang di nag-aasawa,”
“Siya sige na, tara na. Andon na rin si Ate Zari,” yaya ni Sofia at tumango naman si Avi.
Inabot na ng gabi ang fitting, daig mo pang aattend sa house of the president kung maging pihikan sa damit ang lahat, maliban siyempre kay Avi.
“Hoy Averia, anong susuotin mo?” masungit na usisa ng ina niya.
“Ma, ok na ako sa kung ano na lang mapagkasunduan,” matamlay na sagot ni Avi.
“Ah talaga? Baka nalilimutan mo na sa itsura mong ‘yan ay di basta babagay ang kahit ano!” irap ng kaniyang ina. “Wala ka nang ibang ginawa kundi ang ipahiya kami kaya pakiusap lang, kahit ngayon lang, ibagay mo naman ang sarili mo sa pamilya natin.”
Pagkasabi nito ay iniwan na siya ng kaniyang ina. Kumpara sa mga pinsan, ay hindi man siya petite. Matangakad na babae si Avi, katamtaman ang pangangatawan pero dahil nagkalaman simula nang manganak, mataba na ang tingin sa kaniya ng lahat. Inaakusahan na pinabayaan na ang sarili kaya kahit labing-isang taon na ang nakakalipas ay wala pa ring nagiging kasintahan.
Maghahating gabi na ng tuluyang matapos ang fitting. Nakapagpaalaman na at si Avi, tumanggi na munang umuwi sa kanilang village, kung saan matatagpuan ang mansiyon ng kaniyang mga lola.
“Hoy, siguraduhin mong darating ka bukas ha!” paalala ng Ate Sofia at Ate Zari niya habang nakatayo sila sa labas ng boutique.
“Opo,” usal ni Avi.
“Sorry. Kami na ang hihingi ng tawad para kina lola,” sabi ni Zari at niyakap si Avi.
“Ok lang, Ate. Deserve ko naman. Mali ako eh.”
“Bukas, after wedding, party tayo. Tayong tatlo lang,” sabi ni Sofia.
“Ay nako, di na ako aasang kitang tatlo lang. Pero bakit? Anong meron?” nakasimangot na sabi ni Avi.
“Ito naman, di pa kasi mag-jowa. Isama mo si Crim! May surprise kami sayo,” asar kay Avi nong dalawa.
“Mamatay muna ako bago ko isama iyong Crim na ‘yon. Sige na, papahinga na ako.” Paalam ni Avi.
Pagkarating sa condo ay may kung anong hangin ang umihip kay Avi at sinadya niyang ilaglag ang keycard bago pumasok.
Parehas na oras na rin naman kagabi kaya umasa siya ng very light. Dahan-dahan pa siyang naligo, iniintay na may lalaking papasok at sosorpresahin siya.
Kaso, mag-aala-una na nang mapagpasyahan niyang lumabas na ng c.r. dahil sakit lang ang aabutin niya.
“Bwisit, Avi! Kaya ayaw kong nagmamaneho ng hating gabi eh, pinapasok ng kabag ang utak ko!” iyamot niyang bulong sa sarili dahil sa dismaya na umabot siya sa desperadong sitwasyon.
Baka nga nagkataon lang ang lahat, isip ni Avi.
Nang makapag bihis ng kumportableng pajama at maluwag na t-shirt, binuksan na ni Avi ang pinto at kinuha ang keycard.
“What took you so long?” usal ng isang lalaki na may malalim at nakakapang-akit na boses.
Agad na iniangat ni Avi ang kaniyang mata, at di niya mapigilang mapatanga nang tumama ang paningin sa lalaking nakasama noong isang gabi.
“You.” Mahinang usal ni Avi.
“I waited so long, binantayan ko yang keycard mo, at baka may ibang kumuha. Habit mo bang mag-iwan ng keycard riyan, o sadyang nilaglag mo para magpapansin sakin?”
Di naman nakasagot si Avi dahil naghahalo ang irita at pagkahiya.
“I’m Jacob. This is my business card, my duty hours, and my unit number.” Tuloy-tuloy na sabi ni Jacob habang nagsusulat sa papel na pang reseta ng gamot. “Hindi na ako pumasok, marami akong naging pasyente, bukod sa pagod, kailangan ko muna mag-disinfect. Call me when you need help.”
Tuluyan nang umalis si Jacob habang naiwan namang tulala si Avi.
Di na nagawang magluto o makapag-isip pa ng matino ni Avi, natulala na lang siya sa sofa sa harapan ng t.v. habang ang mga mata naman ay nakatitig sa kapirasong papel na hawak.
One-thirty sakto ng madaling-araw sa orasan nang tumunog ang doorbell nang kaniyang pinto. Mabilis na lumingon si Avi at sumama ang mukha.
Napakunot ang noo ni Avi dahil naalintana sa pag-iisip. Napangiwi pa siya sa pag-aakalang baka ang mga Ate niya ito at malamang sa malamang ay napagpasyahang umuwi sa condo para mag-inuman bitbit ang kani-kanilang mga boyfriend.
Hinayaan na muna niyang tumunog lang ng tumunog, aalis rin naman ang mga ito pag walang nagbukas kaso bigo siyang tiisin nang di talaga tumitigil ang pagalingawngaw ng doorbell.
Sinilip niya ang doorbell camera at laking gulat niya na si Jacob.
Halos manigas si Avi bago kabang-kabang binuksan ang pinto.
“Ano yon?” tanong ni Avi, pinipilit na itago ang tensiyon sa boses.
“I brought food. Do you want to eat, or can I eat you?”
Napalunok ng laway si Avi sa sinabi ni Jacob.