Chapter 5

1671 Words
Pagpasok sa unit ay dumiretso na sa banyo at naligo si Jacob pero habang nagsasabon ng katawan, bigla siyang napatingin sa alaga niya na tayong-tayo. Kadalasan pag pagod siya ay nakapahinga ito pero iba sa oras na iyon. Mula sa banyo ay tanaw niya ang oras, magmamadaling-araw na. Napatingala siya nang di mawaglit sa isipan ang mga sandali noong isang gabi kasama si Avi. “F*ck!” Mabilis niyang tinapos ang paliligo at mabilis na nagluto. Naghanda na siya nagbabakasakaling kumatok si Avi sa pinto, atleast, may mapapakain siya bago niya kainin ito. Napakamot sa ulo si Jacob dahil sa kalikutan ng isip niya na dulot ni Avi. Ang tagal na niyang di nakakaramdam ng ganoon kaya para siyang mawawala sa katinuan. Este, never naman talaga siya nakaramdam dahil abala sa trabaho. Kaso, walang Avi na kumatok sa pinto kaya nagpasya na siyang gawin ang tama. Nang mailagay sa plastic container para di mahalatang luto niya, nagtungo na siya pabalik sa unit ni Avi. Nakailang atras-abante pa siya kung tutuloy ba o hindi. Hanggang sa makitang nagngangalit na talaga ang alaga na mababakas na ang katigasan sa labas ng kaniyang pajama. “I brought food, you want to eat, or can I eat you?” nag-iinit agad niyang tanong pagbukas na pagbukas ni Avi ng pinto. Kita niya ang pamumula ni Avi at bakas rito ang pilit na pagpipigil sa sarili kaya mas lalo lang nag-init si Jacob. “Pasok!” sabi ni Avi at abot-langit ang ngiti ni Jacob. Eleven years ago, dalawang taon pa lang sa pagdo-doctor si Jacob. Sa loob ng president’s room, nakaupo si Jacob sa isang sofa kaharap ang apat na matatanda. “We need you to have your signature for confidentiality,” masungit at mapagmataas na turan ng isa sa mga matanda. Binasa ni Jacob ang laman ng document na inabot sa kaniya. Naka-highlight sa papel ang pangalan ng isang babae na nagngangalang Averia Gezery Eliandrez, eighteen years old, at ang confidentiality agreement na walang anumang balita ang pwedeng lumabas na nanganak ito at mananatiling sikreto ang lahat kung sakali mang may mangyari sa babae, kagaya kung mamamatay man ito at ang anak. Dahil bata pa at sumusunod lamang sa mga nasa itaas ay pumirma lamang si Jacob nang wala nang tanong-tanong. Pagdating sa operating room, ay agad na tumambad kay Jacob ang dalagang nanghihina at namimilipit sa sakit, di na maunawaan kung saan ipupwesto ang katawan sa di maunawaang pakiramdam. “AAAAHHHH!” iyak nitong dalaga. “Jacob, Avi here is losing oxygen, you need to get that baby out!” Usal ng isang nurse na humawak sa kaniyang balikat dahil natigilan siya sa kaawa-awang sitwasyong ng dalaga. Sa labas ng room ay wala ni isa sa pamilya nito ang naghihintay. Nagmadali si Jacob na operahan si Avi. Ligtas ang batang nailabas pero si Avi ang nanganib ang buhay, mahigit isang oras rin ang binuno ni Jacob para bumalik ang pulso ni Avi, inilaban niya ito. Si Jacob na ang nag-asikaso sa paglipat sa dalaga sa recovery unit. At dahil lunod sa anesthesia, di niya magawang ipagwalang bahala na di siguraduhin ang kalagayan nito maya’t-maya. Siya ang nagpunas at nagpalit rito dahil natutuyo na ang dugo nito sa katawan. Habang nagbabantay ay maya’t-maya rin niyang binibisita ang anak ni Avi para mapadede habang wala pang malay si Avi. Makalipas ang tatlong araw, nang sa wakas ay magmulat na si Avi, may dalawang babae ang nagtungo sa ospital para arugain si Avi, napanatag na si Jacob at hinayaan na si Avi. Limang taon ang lumipas, palabas si Jacob ng condo na kasalukuyang tinutuluyan ay nakuha ang pansin niya ng isang babae na hirap na hirap sa pagbubuhat ng mga bagahe habang nakikipag-away sa facility worker. “Manong, ok na ho! Kaya ko na! Wag na po, wala akong pambayad. Sige na ho!” nakikipagbuno na sabi ni Avi sa worker. Pinanooran niya ito at nangingiti pa siya dahil sa kakaibang ugali nito. Di niya akalaing muli niyang makikita ang babae na nilaban niyang mabuhay. May mga araw na nakikita niya itong nagbubuhat ng tubig kahit bawal na bawal dahil sa opera, naiisip niyang pinipili nitong magbuhat kesa magpabuhat sa di malaman na dahilan. May mga araw na nagtatampisaw sa ulan kahit may payong sa bag, may mga araw na maraming pinamili, bitbit na mga papel pero ni minsan ay di niya nakitang nagpatulong ito. Walong taon ang lumipas, di namalayan ni Jacob na kulang ang mga araw niya na hindi nakikita si Avi at ang bizarre way of life nitong babae na inintay niyang makita simula nang araw na bigla na lang itong mawala sa hospital room nito habang ginagawa ang usual rounds niya. --------End of Flashback--------- “Ah, ang sarap!” nakangiting sabi ni Avi nang maubos ang pagkain na dala ni Jacob. Di mawari ni Jacob ang saya habang pinagmamasdan si Avi. “Glad you liked it!” “Why are you doing this?” seryosong tanong ni Avi matapos na ibaba ang baso ng tubig. “What?” “Eto? Bakit pumunta ka sa akin? Bakit mabait ka sa akin? Teka baka akala mo na naghahabol ako sa nangyari…no! Alam ko ang kalakaran ng mundo, di mo kailangan na maawa o ano,” dire-diretsong sabi ni Avi. Si Jacob, natawa at di mapigilang mas mapatitig kay Avi. “Bakit nga ba?” buntong-hininga ni Jacob. “Ah, siguro, dahil gusto kitang tulungan.” Napatingin si Avi kay Jacob, “Tulungan? Bakit?” Umangat sa pagkakaupo si Jacob at inilapit ng sobra ang mukha kay Avi, nakatitig ng matiim rito. “Don’t you need help? I can see how tired your eyes are.” Pagkasabi nito ay tinangkang halikan ni Jacob si Avi pero umiwas ito. “Umalis ka na.” Sabi ni Avi. “What’s wrong? Hindi ba, inintay mo rin akong kumatok ulit?” malagkit na ang boses ni Jacob, tumitindi na ang gigil na nararamdaman sa katawan. Tumayo na si Avi at kita ang di pagkatuwa sa mukha nito. “Umalis ka na, salamat sa pagkain.” Napatanga si Jacob pero hindi na siya nagpumilit pa. “Fine!” Tahimik silang naglakad papunta sa pinto. Nang makalabas si Jacob, matindi ang dismaya niyang nararamdaman. Mabigat ang bawat hakbang niya pabalik sa kaniyang unit pero laking gulat niya nang marinig na may tumatakbo sa likuran niya. Mabilis siyang lumingon, nagbabakasakaling sumunod si Avi at di maipaliwanag ang saya ni Jacob nang makitang humahangos na tumigil si Avi sa harapan niya. “What?” tanong ni Jacob. “I need to see your files to make sure you are not a criminal, at para makasigurado akong di pera ang habol mo sa akin,” humahangos na sabi Avi. Natawa si Jacob sa narinig, “Ano?” “I…I need help,” maiksing sabi ni Avi. Ngumisi si Jacob at hinigit na si Avi papasok ng kaniyang unit. Pagpasok ay agad na iniupo ni Jacob si Avi at nagtungo sa kwarto. Paglabas ay bitbit ni Jacob ang sandamak-mak ng mga folders. Samu’t-saring mga card, credit cards, idienfication cards, driver’s license card, national ID card. “Here, my diploma, t.o.r., certificates, passport and plane tickets, nbi clearance, whatever you need,” sabi ni Jacob saka naupo sa harapan ni Avi. Binasa lahat iyon ni Avi at nang mapagtibay ang pagiging matinong tao ni Jacob, ngumiti ng maganda si Avi. “Ok na ba?” tanong ni Jacob, nakapangalumbaba pa habang nakatitig kay Avi. Tumango si Avi, “Hintayin mo ko rito. Papakita ko rin ang mga papers ko,” “No. You don’t need to. Panatag akong mabuti kang tao,” sabi ni Jacob. “So, what do you need help with?” Huminga ng malalim si Avi bago nagsalita, “Can you be my date, tomorrow?” Ngumiti ng malaki si Jacob sa sobrang saya, “Ok.” “Yon na yon? Payag ka na agad?” “Ayaw mo ba?” magiliw na tanong ni Jacob. “Kasi…hm, anong kapalit?” matapang na tanong ni Avi. “It’s just for a day, so I can do you hundred thousand? Kasi kailangang kapani-paniwala na matagal na tayong magkakilala.” Sa loob-loob ni Jacob ay matagal na talaga sila magkakilala para sa kaniya. “Ano ba talaga ang kailangan mo?” usisa ni Jacob. “Ok, may suit ka ba rito na alam mo yon, pagpasok mo pa lang sa hall, titigil ang mundo?” nahihiya pang tanong ni Avi. Tumayo si Jacob at naglakad papasok ng kwarto, nagmumwestra na sumunod si Avi. Nang makapasok sa sliding door, nalaglag ang panga ni Avi sa laki ng closet ni Jacob na may iba’t-ibang magagarang mga suit.”Like these?” Tumango naman si Avi at laking gulat nito nang maghubad si Jacob. “I want you to see yourself.” “Pero…” pigil sana ni Avi pero tuluyan nang nakahubad si Jacob. “I want to be fair, I’ve seen your entire body, so it is just right na makita mo rin ang akin.” “Hindi na…” sabi ni Avi at di na natapos ang sasabihin nito. Laglag ang panga at halos lumuwa ang mga mata ni Avi nang tumambad and malaki at unat na unat na alaga ni Jacob. “Oh sh*t! That can destroy lives!” singhap pa nito. “Yeah?” mayabang na sabi ni Jacob saka nagbihis na ng isang pares ng khaki suit. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya kay Avi. Kumalma si Avi at itinuon ang pansin sa suit. “Bagay nga! Sige, so ano ngang kapalit?” “No need. Just let me eat you,” Napanganga si Avi. “Forget about it!” Tumalikod na si Avi pero agad itong pinigilan ni Jacob. “Ayaw mo ba talaga?” tanong ni Jacob, sinsero ang tingin kay Avi. “Kala ko ba alam mo na ang galawan ng mundo?” Di naman talaga iyon ang habol ni Jacob, ang ayaw lang niya ay baka isipin ni Avi na mahina siyang tao kung wala siyang hihinging kapalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD