Chapter 6

1368 Words
Tumunog na ang alarm ni Avi para sa maaga niyang lakad. Sa karaniwan na araw, maiiyamot na si Avi dahil sa pagtunog nito, pero sa pagkakataon g iyon ay naiiyamot siya dahil napakatagal nitong tumunog kanina pa siya naghihintay. Wala siyang naging tulog. Di siya dalawin ng antok dahil sa naghahalong iyamot at paninigas ng puson niya dahil sa temptasyon at pakikipagtalo sa isipan na tanggapin ang alok ni Jacob. “Bwisit! Ang puyat!” ungot ni Avi at nagpagulong-gulong pa sa kama hanggang sa tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello?” “Hoy! Wag ka na magmatigas! Isama mo si Crim mamaya o malilintikan ka kina lola!” sabi ng boses sa kabilang linya. “Ate Sofi, ayaw ko nga! Hindi! Malabo, mamamatay na muna ako!” “Ikaw bahala, kung ayaw mo talaga ng tahimik na buhay!” galit nitong tono at ibinaba na ang tawag. “BWISIT!” palahaw ni Avi at pinilit nang bumangon sa higaan. Tamad na tamad siyang naligo at nagsuot lang ng kumoprtableng pares ng t-shirt at maluwag na pajama saka sumakay sa kaniyang sasakyana sabay pinaharurot na ito paalis. Mula sa ikalawang palapag ng ospital, walang ganang nakadungaw si Avi sa bintana habang pinagmamasdan ang mga batang masayang naglalaro at neg-eenjoy sa maaliwas na panahon sa labas. “Tsk! Nakakahabag lang sila,” bulong ni Avi sa sarili habang umiiling-iling. Malalim ang kaniyang iniisip habang halo-halo ang emosyon sa dibdib. Iniisip niya na maaaring ngayon ay masaya pero bukas-bukas, puno na naman sila ng sakit. Tapos, pagkatapos ng sakit, mauuwi na sa iyakan. Kasunod ng iyakan, ang awayan at sumabatan. “Haay!” malalim na buntong-hininga ni Avin saka bumaling ang tingin nang bumukas ang pinto nitong silid at pumasok ang isang doctor na may hawak-hawak na mga folder. “Ms. Eliandrez...I know it took sometime before the results came out. On my behalf, the hospital wanted to ask for apology,” saad ng doktor, saka naupo sa harapan niya at inayos ang folders sa desk. “We just wanted to make sure that everything was done accordingly. So, now that the results are finalized, I asked you to come here to let you know that…” “Look Doc, wag niyo na po akong bitinin pa, mas okay pa nga po na biglain niyo na lang ako nang matapos na agad,” malamlam at mababa ang boses na putol ni Avi sa doctor habang naglalakad palapit sa upuan na nakapwesto sa harapan ng desk nitong doctor. “You are badly sick,” mabilis na tugon ng doctor. “Nice. Mabilis kausap.” Tatango-tango pang wika ni Avi, di lubos maunawaan ang dapat maramdaman. “I am putting your situation into simple words, so please, listen very carefully,” “Kailangan pa ba Doc ng mahabang paliwanagan? Pwede bang diretso na lang tayo sa point kung ilang linggo, buwan, o taon na lang ang natitira sakin?” Napasandal si Avi sa upuan at nagcross-legs. “If that's what you want, puwede naman. Pero, gusto kasi kitang bigyan ng choices,” “So, I can survive this sickness?” “Yes. But the chances are barely amounting to a 20 percent success rate. You could end up in coma, or paralyzed, or suffer Parkinson's Disease. But if the procedure makes a 20 percent success, you can completely live a normal life,” “What are my choices then?” Tumayo ang doktor saka binuksan ang monitor sa gilid ng room. “Well, based from the results, may blood clot ka sa iyong utak and nerves na severely damaged, na maaari mong nakuha noong nanganak ka tapos lumala na lang over time with stress.” Matiim na nakatingin si Avi sa monitor habang nagpapaliwanag ang doctor na tinuturo ang scanned images ng brains niya. “The abnormal sensations of too much fatigue and sudden uncontrollable tremors sa mukha at mga kamay mo saka ang paminsan-minsan paghirap sa paggalaw ng mga binti at braso mo, signs na ang mga iyon na may damage o problema sa brains mo.” “Tama nga sila, may sira ang utak ko,” “Averia, this is serious,” saway ng doctor. “Sorry,” "Now, there are treatments but it will be costly. Though, napag-alaman rin namin na mahina ang puso mo. So, possible na bumigay ang puso mo once nag-undergo ka ng operation. Or in other situation, since mahina rin nga ang kidney mo, baka mas mauna pang bumigay ang kidney mo bago ka operahan,” “Ha!” Napabuntong hininga na lang si Avi saka napangisi. “Grabe naman. I always thought that I was sick, but never did I imagine that it was this serious.” “I've been your family's doctor for years and I know, securing donors for your heart and kidney will never be a problem, but you see, you can help stop the deterioration of your heart and kidney para ang problema na lang natin ay ang pag-alis ng blood clot sa utak mo,” “How?” Naglakad ang doktor papunta sa bintana at dumungaw rin sa labas. “Change your lifestyle. Try to be happy. There are many ways to be happy, I advise, try falling in love again.” Falling in love? Again? Avi scoffed with the idea and thought how ridiculous it was to be a prescription. Pakiramdam niya, nag-uubos lang siay ng oras roon. “Seryoso ka po ba sa sinasabi mo?” “Averia, consider it. Malaki ang mababago nito sa buhay mo,” Tumayo na si Avi sa pagkakaupo, “I’m leaving. Now, I want you to tell my family that I am just showing symptoms of anxiety and depression, ok?” “Pero di this is serious.” “Nobody can know, or else, malalaman ng pamilya mo na nag-check out ka sa…” “Anxiety and depression noted!” “Keep doing a good job, doc!” saad ni Avi bago tuluyang umalis. Nagpaalam siya sa doctor at nagtungo sa isang restaurant. Sumimangot na agad siya nang matanaw ang lawak ng ngiti ni Crim na nakasuot ng magarang suit at kumakaway-kaway pa. Pagkabalik sa unit kagabi galing kay Jacob ay tinawagan niya si Crim. Kahit labag sa loob ay mas maigi ng sumugal kay Crim dahil kayang-kaya niyang kontrolin ito at maliban roon ay gusto ito ng mga lola niya kaya malaki ang tsansa na di siya mapag-initan mamaya sa kasal ng kaniyang pinsan. Kaso nagbago lahat ng plano niya nang manggaling sa ospital. Matinding galit at irita ang nangingibabaw sa kaniya dahil sa pamamanipula ng mga lola niya sa mga bagay-bagay tungkol sa kaniyang buhay. “Let's end this! Di ko na itutuloy,” walang kabuhay-buhay na wika ni Avi pagkaupong-upo, na kahit konting ekspresiyon sa mukha ay walang mababakas. “Why?! Are your hospital results bad? Are you dying?” gulat at naguguluhang tanong ni Crim. Napangisi si Avi dahil inaasahan na niyang pati ang sitwasyon ng pagpapadoctor ay papakialaman ng kaniyang pamilya pero ang ipaalam pa ka Crim ay mas lalo lang nagdagdag sa galit na kaniyang nararamdaman. “My doctor said that I need to be happy, so I am doing so,” sagot ni Avi. “Breaking up with me will make you happy? The Elders won't like your decision. The Elders like me for you,” “Hm. Wala namang kailangan i-break? And besides, I do not like you.” Pagtatapos ni Avi sa usapan saka tumayo na at naglakad paalis. Kung ano ang tono ng boses niya mula una ay ganon rin lang hanggang sa matapos ang maiksing pag-uusap nila. “Come on Avi, stop this! Alam kong you are dying to come back to me. You are nothing without me! Alam iyon ng lahat! Your Elders thought so too!” Napatigil si Avi sa paglalakad at humarap kay Crim saka ngumisi, “I am useless with you around me!” madiin ang pagkakasabi nica kahit halating pinipigilan lang ang sarili na wag suntukin si Crim. Pagkasabi ay mabilis na tumalikod si Avi at ipinagpatuloy na ang paglalakad. “No wonder you are single!” pahabol pa ni Crim. “See if I care!” sigaw na lang ni Avin nang walang tinginan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD