Chapter 7

2070 Words
Avi just broke up with someone. Well, hindi nga pala pwedeng tawaging break-up ‘yon? Hindi naman kasi talagang naging sila, kahit label sa kung anong meron sila, wala. Basta, every night after work, they made sure to go out and eat. They talk. Kinakamusta ang araw ng isa't-isa. Three months na ganon. Parang routine na nga. Avi would have played along her Elders' games, pasasaan ba't matutunan niya ‘ring magmahal ulit. But last time, Crim disregarded one of her love requirements. In fact, her only requirement kaya napagdesisyunan na niyang tapusin kung ano man ang meron sila. Pagkatapos makipag-usap, nagdiretso na si Avi sa company building ng pamilya niya. Pagkarating ay agad na nakita ang kahon na nasa ibabaw ng mesa niya. Madali niya iyong binuksan at tumambad ang isang red dress roon. Iyon ang dress na susuotin niya para sa kasal mamaya ng kaniyang pinsan. Nauwi rin kasi sa desisyon ng mga lola niya kung ano ang susuotin niya. “Ms. Averia, dumating na po ang damit niyo. Kailangan raw po na pumunta kayo sa tamang oras sabi ng…” “Alam ko, Aaron. Di mo na kailangang sabihin pa!” madiin na sabi ni Avi at inayos lang ang mga papel na kakailanganin niya para sa resignation. Buo na ang loob ni Avi. Eleven years, sa tingin naman niya ay may karapatan na siyang umayaw. Suot ang red dress na napakahaba ng slit sa gilid dahilan ng pagluwa ng mga hita niya na kay puputi, tinawagan niya ang driver habang nag-iintay sa labas ng building. Di naman siya madamit ng ganito, kaso kailangan, para sa kaniya ay mas mabuti na ring angkop sa okasyon nang pagreresign niya. “Finally,” sabi niya nang dumating ang sasakyan dahil asiwang-asiwa na siya sa pagtitinginan ng mga tao. Pagtigil ng sasakyan ay madaling sumakay si Avi. “Where to?” tanong ng driver dahilan para tumayo ang mga balahibo sa braso niya. Pagharap nitong lalaki sa driver’s seat, nanlaki ang mga mata niya. Boses pa lang ay alam na niya kung sino ito. "F*ck you!" buong lakas niyang duro sa lalaki. "Get out!” Gigil na hiyaw niya saka mabilis na bumaba sa sasakyan at binuksan ang pinto ng driver’s seat. “Really? Is that what you really want? Or we could talk,” tanong ng lalaki habang naka-angat ang tingin kay Avi. “Kausapin mo mukha mo. Labas!” “You dress differently now! Ha! Do you really think you can make someone like you despite your flaws?” Napasinghal na lang si Avi dahil di niya akalaing sa tagal ng panahon ay di manlang nagbago ang ugali nitong lalaki. Magaspang pa rin. “I do not have to make someone like me. They will fall for me without me doing anything. So, stop whatever you are doing. People change. I am not that weak person you abused before.” Malalam na sagot niya saka marahas na hinablot ang lalaki palabas ng driver’s seat. Nagpupuyos sa galit si Avi dahil di niya akalaing aabot sa ganoon ang pamilya niya. Para siyang hihimatayin sa sama ng loob. Gusto niya magwala pero di pwede sa mga oras na iyon dahil maraming makakakita. “You are mine, Averia. You and my son.” Pagpupumiglas nitong lalaki. Natigilan si Avi at mas nanindig talaga ang balahibo sa mga naririnig. “Seryoso ka?" walang kabuhay-buhay niyang sumbat pabalik na tila lahat ata ng emosyon ay iniwan siya sa mga oras na 'yon. Pagkasuklam lang ang natira. "Then make me Targus! Make us! If you can! Or we can just see each other in court a*shole!” Mas lumamig pa ang titig ni Avi sa lalaki saka mabilis pa sa segundong sumakay sa sasakyan at pinaharurot ito palayo. Nang liliko na siya sa intersection, may itim na kotse ang kita niyang bumubuntot sa likuran ng minamaneho niyang kotse. Nagumisi siya saka kinabig ang sasakyan sa kanto na wala masyadong tao. Pagbaba niya ay bumaba na rin ang ilang kalalakihan sa kotseng itim. Wala ng sali-salita pa. Nanakit na si Avi. Para sa kaniya ay deserve naman niyang manakit ngayon. Sipa dito, sipa roon. Suntok dito, suntok doon. “Takte nasira na damit ko!” Reklamo ni Avi sa gigil. “Sumama ka ng maayos samin Miss,” “Eh sa ayaw ko!” Sigaw niya ulit pagtapos sipain sa tiyan ang isang lalaki. Natigil lang si Avi nang may pumarada na kotse sa harapan. “Sakay!” Paglingon niya sa kung sino ang nagsalita, abot-tenga ang ngiti niya nang makita na ang Ate Zari niya ito. “Ate Zari!” Sigaw niya saka ibinato ang heels sa loob ng kotse at sunod na pumasok. Pinaharurot nito ang kotse at nang makalayo, sabay silang nagpakawala ng malakas na tawanan. “Dalhin mo ko sa mga Lola,” humihingal na utos ni Avi. “Ba, alalay mo lang? Di sana, hindi na kita sinaklolohan, pupunta ka rin naman pala ron,” “Hiningi ko ba?” ismid ni Avi saka kinuha ang heels sa ibaba ng upuan ng kotse. “Si Ate Sofi?” “Nag-alala lang. Kasalanan ko pa. Umuwi si Sofi, may emergency sa café niya,” “Kung di ka naman dumating, bubugbugin ko lang sila saka magtataxi papunta kina Lola. Pagod na ako non para mag-drive eh.” “Sira-ulo. Binugbog mo pa,” Tawang-tawang saad nitong Ate Zari niya habang nagmamaneho. “Naglabas lang ng galit,” “Anong plano mo?” “Susunurin ko lang reseta ng doctor,” ngisi ni Avi at saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Mga ilang minuto pa sa biyahe at tumigil na ang kotse sa harapan ng magarang mansiyon. “Goodluck! See you mamaya sa kasal.” Sigaw ni Zari bago pinaharurot palayo ang kotse. “Ge.” Maiksing sagot ni Avi at naglakad na papasok sa mansiyon. “Lola!” malakas na tawag niya papalapit sa apat na matatandang babae na nakaupo sa malalaki at magagarang upuan na ginto at may nga intricate na scupltures sa sandalan nito. “Averia, dear.” Salubong ng lola Beinita sa dulo sa kanang bahagi. “Tama na mga lola, di ako magtatagal. Sasabihin ko lang na mag-reresign na ako. This time, you are way out of the line,” “Anong ibig mong sabihin?” nagmamaang-maangan pang tanong ng lola Pola niya. “About Crim and that gruesome man. I can understand your intentions with Crim pero ang papasukin muli sa buhay ko ang ama ni Conar. That's too much. It's as if you wanted me broken again.” “Silence, Avi!” namimikit ang mata at tila nagsasalubong ang mga kulubot sa mukha na awat ng lola Zenaida niya. “No! This time I won't be silent anymore. Tiniis ko ang mga kalokohan niyo, sa pag-aakala na baka ikamatay niyo pa kung susuway ako pero napag-isip-isip ko, kakayanin niyo dahil iintayin niyo na dumating sa punto na hihingi ako ng tawad at sasabihing tama kayo. Na dapat sinunod ko kayo. Pero, makikita niyo. Magiging masaya ako. Di ba, pinareseta niyo pa sa doktor?” “Ano naman ang plano mo?” kalmadong tanong ng pinakamatanda sa lahat na nakaupo sa gitna at diretso lang ang tingin kay Avi, ang lola Alfuenta niya. “Magiging masaya ako. Pinapangako yon! Magsusulat na rin ako, at papatunayan ko sa inyong lahat na di ko kailangan ng lalaki para lang patunayan ang halaga ko!” “Oh Avi!” natatawang sabi nito. “Fine! Go ahead and suit yourself. Pero pinapaalala ko lang sayo na wag kang lalapit at hihingi ng tulong sa amin pag namali ka na naman. Gumawa kami ng paraan para makabayad ka sa utang sa amin. Magpapakasal ka lang naman kay Crim but you are too stubborn. Love takes time and you should know that,” “Ah kaya po pala nang pumalpak kay Crim, si Targus naman?” “May anak na kayo? Ano pa ba ang inaarte mo? Look, malaking project ang…” “Tama na po Lola! Please! Buong buhay ko po na tatanawin na utang na loob ang pagkupkop samin nang mamatay si Papa at pagbuhay saming mag-ina pero kung yong eleven years na pinagsilbihan kayo ay di pa rin sapat para makabawi, pasensiya na po. Sisiguraduhin ko pong makabawi ako pagdating ng araw, pero kailangan ko na rin naman pong sumaya,” turan ni Avi at mabilis na ibinaba ang resignation letter sa mesa saka patakbong umalis. Halo-halo ang nararamdaman ni Avi paglabas ng mansiyon. Kukunot ang noo, pero biglang ngingiti at mamikit-mikit na ang mata sa pagka-proud sa sarili sa ginawa tapos malulungkot na naman. Umuwi siya sa kanilang bahay na ilang metro lang naman ang layo mula sa mansiyon para magpalit pero di pa man siya nakakapasok nang tuluyan sa loob ng bahay, nang salubungin siya ng kaniyang Mama na nagpupuyos sa galit. “Ang galing mo talaga!” Sigaw ng kaniyang ina saka pinaliparan ng malakas na sampal sa mukha. “Ouch?” mahinang bulong ni Avi nang matigilan siya sa pagkasampal ng kaniyang ina saka sinapo ang namumulang pisngi. “Ang lakas ng loob mo para ayawan pa si Crim. Buti nga pinapakisamahan ka nong tao. Sa tingin mo talaga, may magkakagusto pa sayo?” “Meron. Watch me!” sagot ni Avi, pilit na pinipigilan ang panginginig ng labi sa sama ng loob. “Ganoon ka ba talaga kaatat na mapaalis ako sa bahay na ito? Pwes, hindi ako aalis dito at hayaan sayo ang pinaghirapan ni Papa na maipundar. Intayin niyo lang Ma, bibilhin ko sayo lahat ng ito, nang matapos na lahat ng utang ko sa pagbuhay mo sakin, sa anak ko, at ang sabi mong utang sayo ni Papa!” Pumasok siya at nagmadaling nagbihis ng kung ano na lang na mahigit mula sa closet dahil nanlalabo na ang paningin niya sa mga luha na nag-ipon sa kaniyang mga mata. “Averia,” tawag ng ina niya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad palabas ng bahay nila. “May presentation ako sa sunod na linggo, gawan mo ako ng powerpoint! Lahat ng details nasend ko na sa email mo at…di ka pwedeng magresign dahil ipapakulong ka ng mga Severino pag umalis ka nang di pa tapos ang project!” turan ng kaniyang ina. “Tang-nang buhay 'to.” Humihibing bulong niya sa sarili habang nagmamadali paalis ng bahay at di na ginawang lingunin pa ang ina. Dahil puno na ng sama ng loob, naramdaman na naman niya ang kakaibang pakiramdam na dulot siguro ng barado niyang utak. Nagsimulang umikot ang kaniyang paningin kasabay ng pagmanhid ng katawan. “Sh-t!” Nagpagewang-gewang na siya roon at nagsimula na rin manlamig ang mga kamay at talampakan niya. “Mamatay ba ako nang di manlang nakatikim ng totoong pagmamahal? Kala naman nila, may nagka-gusto kaya sakin nang dahil sa gusto niya ako! I know, I’m lovable.” Naiiyak na rant ni Avi, parehas na mga labi at mga balikat ay bumagsak sa pagkabalisa. Kahit malabo na ang paningin pilit niyang maglakad, nagbabakasakaling may taxi na dumaan pero may naaninag siya na salitang 'Clinic' sa isang maliit na building sa kabilang kalsada at buong lakas na nagtungo ron. “Tulong!” mahinang wika niya nang makapasok sa maliit na building. “How stupid can you be not to read the word 'close' on the signboard?!” malakas na sigaw ng nag-iisang lalaki sa loob na nagulat sa pagpasok ni Avi. “Takte ka. Bukas ang pinto pano naging close? Help me. I'm dying,” “Nakakapagsalita ka pa, you are not dying!” Napalaki ang mga mata ni Avi at di sinasadyang napangiti sa inasal ng lalaki sa kaniya. “Why are you smiling? Stop! I’ll call police!” nagpapanic na ang lalaki pero di iyon inalintana ni Avi bagkus diretso lang siya sa paglalakad papalapit rito. “Stop! I said, 'Stop!'” awat ng lalaki. “Call someone in your family to take care of you!” Ngumisi lang si Avi, “I wish I could. But you see, I only have me to take care of myself even if I am f*cking tired!” Namumutla nang sabi ni Avi. Nang makalapit sa lalaki, “Pakiss bago mamatay!” sabi ni Avi. At di na niya alam ang nangyari. Ang alam lang ni Avi, nalulunod na siya sa magandang panaginip. “Your lips are surprisingly tasty, stupid.” Bulong nitong lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD