Chapter 8

1848 Words
“Avi! Hoy wag mo ko iiwan!“ “Averia!“ “Averia!“ Naalimpungatan na lang si Avi sa malakas na ngawa ng isang babae. Sinubukan niyang ipagwalang bahala ang tawag nito pero sa tindi ng tunog ng boses nito ay sumuko siya at pilit na iminulat ang mga mata. Mabilis siyang napabuntong-hininga nang makita na Ate Zari niya nga ngumangawa. “Tumigil ka! Buhay pa ako!“ ungot ni Avi habang nakakunot ang noo at ipinikit muli ang mga mata. “Bwisit ka! Kala ko namatay ka na!“ pumapadyak-padyak pa na sabi ni Zari. “Ate Zari naman, natutulog 'yong tao! Alis na! Saka masamang damo ‘to! Baka kahit kabilang buhay ayaw sakin eh,“ “Pwede namang matulog pero, sa tingin ko mas gugustuhin mo na huwag dito?“ Pagkasabi ay mabilis na napabalikwas sa pagkakahiga si Avi. “Asan ako?“ gulat na gulat na tanong ni Avi nang mailibot ang paningin. “Bakit ka nga ba andito? Sobra akong nag-alala na di ka nakarating sa kasal kaya tinrack ko na ang kwintas mo. Baka napano ka na eh.“ Nang maalala ang mga nangyari, napasapo na lang sa ulo si Avi, “Ahhh! Nakatulog na naman ako. Inatake kasi ako kanina.“ Tumayo si Avi at nagulat na lang siya nang may malaglag na karatula sa paanan niya. 'PICK ME UP! ANYBODY WILL DO! I'M STUPID ANYWAY!' Lumingon si aAvi at narealize na nasa mismong harapan siya ng clinic na naaalala naman niya na pinasok niya kanina para humingi ng tulong. “Gago!“Bulong ni niya sa sarili. “Ano?!“ “Hindi ikaw! 'Yong lalaki na nasa clinic kanina. Humingi ako ng tulong sakanya pero mukhang pinabayaan niya lang akong humandusay dito sa labas.“ “Ahm, mukha namang hindi gago. Kasi may lalaki akong nakita rito na umalis lang nang dumating ako. Tapos, kita mo oh, may unan ka pa saka sapin!“ “Eh bakit naman ganon ang isinulat sa karatula?“ “Pasalamat na lang tayo na buhay ka pa at wala namang masamang nangyari sayo. Halika na! Hahatid na kita sa condo. Maaga pa tayo bukas!“ madaling wika ni Zari saka hinigit na si Avi papunta sa sasakyan. “Teka? Bukas? Bakit anong meron?” tanong ni Avi habang kinakaladkad ng Ate Zari niya. “Surprise!” ngisi ng Ate Zari niya kaya napailing na lang si Avi. Nang makasakay, parang lutang pa rin si Avi. “Ok ka lang ba talaga?“ tanong ni Zari habang inaayos ang seatbelt saka pinatakbo na ang kotse. “Sa totoo lang, hindi eh!“ sagot ni Avi habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Pilit na iniipit ni Avi ang mga luha niya. Pero kahit ano namang tago niya ay alam na agad ni Zari ang totoong dahilan kung bakit inatake na naman si Avi. “Alam mo, huwag mo na labanan. Hindi ka naman ok, mas mahihirapan ka lang.“ Saad ni Zari saka binuksan ang music player. “Sa totoo lang, dapat maging proud ka dahil nagawa mong maging totoo sa iyong sarili pagkatapos ng mahabang panahon. Wag kang matakot na makapanakit, minsan, subukan mo ring manakit hindi yong ikaw lang laging nasasaktan.” “Mahirap! Mahal ko ang pamilya natin. Buong buhay ko, wala akong hinangad na mahalin at pahalagahan lang rin nila ako pabalik. Mahirap ba yon?” “Kasama sa pagiging tao yon, Avi. Di naman porket pamilya, mahal ka na. Iba-ibang tao pa rin tayo. Nagkataon lang talaga na mabait ka, sa sobrang bait, hinahayaan mong abusuhin ka ng ibang tao,” Biglang lumiko si Zari at nag-iba ng daan. “Saan tayo?“ gulat na tanong ni Avi. “Nabalitaan ko ang ginawa mo kina Lola, at alam ko namang nakarating na agad 'yon kay Tita. So, naisip ko mabuting maglabas muna ikaw ng sama ng loob, libre lang manakit ron eh.“ Ngumisi pa si Zari saka kumindat ng nakakaloko kay Avi. Pinaharurot ni Zari ang sasakyan at makalipas ang mahigit kalahating oras ay tumigil sila sa harapan ng isang malaking building na may simbolo ng dalawang malaking baril sa taas ng sign na 'BallsEye'. “Let's go?!“ sabi ni Zari nang bumaba sa kotse. “May choice ba ako?“ sagot pabalik ni Avi. Di nga naglaon at sampung grupo ng mga lalaki ang kalaban nila sa loob ng malaking arena na may maraming mga malalaking obstacles. “May isa sa kaliwa, ako na ang bahala, 'yong ngiti ng ngiti ang tirahin mo at icocover kita!“ humihingal na bulong ni Zari kay Avi habang nagrereload ng airsoft gun. “Copy!“ sabi ni Avi na lumilingon-lingon sa paligid para mataan ang mga kalaban. “Sugod!“ palahaw ng natitirang apat na lalaking kalaban nina Avi mula sa kabilang bahagi ng arena. “Fire!“ sigaw naman ni Zari at pumwesto na si Avi as shooter at tumakbo naman si Zari as distraction kaya madaling natarget ni Avi ang dalawa. Kaso, nakabaril naman si Zari ng isa doon sa apat bago pa nabaril ni Avi kaya one on one na lang. Avi versus the last guy sa kabilang grupo. “I'm out! You got this Avi!“ sigaw ni Zari pagkatapos alisin ang helmet at tumatakbo palabas ng arena. Nagtago muna si Avi at nakiramdam sa nag-iisa na niyang kalaban. “Takte!“kabang-kaba na bulong ni Avi habang sumisilip sa kung saan na pumwesto ang kalaban. “You're dead now!“ sigaw nong lalaki pero nanatili lang tahimik si Avi. “Come out! Come out b-tch!“ “Ay pota!“ iyamot na bulong na naman ni Avi dahil sa mga binibitawang salita nong lalaki. “Don't bother hiding! YOU'RE MINE!“ sigaw na naman nong lalaki. At nagbago na ang mood na Avi nang marinig ang mga katagang iyon. Naalala na naman niya ang walang kwentang ama ni Conar. “F-CK YOU! No one owns me!“ sigaw ni Avi at saka lumabas sa pinagtataguan nang makita niya ang lalaking magtago sa katapat lang na obstacle na pinagtataguan niya. “Fine! Suit yourself! “ sagot ng lalaki at lumabas na rin sa pinagtataguang obstacle. Bumuhos sakto ang ulan kaya mas naging mahirap na magkatamaan ang dalawa. Maski ang mga nanood ay nahirapan nang makita sila. Habang tumatakbo papalapit sa isa't-isa, parehas na nawalan na sila ng bala. Binitiwan na nila ang mga airsoft gun at nag-combat na lang sila. Para silang mga sira-ulo sa gitna ng ulanan, na pagulong-gulong sa basang-basang field. Nang mapagod, parehas na humiga sa field and dalawa, humahangos at tumatawa. “You are crazy!“ sabi ng lalaki na namimikit mula sa ulan na bumabagsak sa kanyang mukha. “I know!“ natatawang sagot ni Avi. At pagsabi nga ni Avi, isinalpak niya ang natitirang bala sa maliit na paintball gun na inihanda niya kung magkagipitan. “BALLSEYE! ZaVI TEAM WON!“ Malakas na sigaw ng announcer sa itaas. Tatalon na si Zari nang umilaw na nga sa taas ng digital score board ang picture nilang dalawa na may malaking salitang winners. “Good job! Shower na tayo. Ang sarap itulog nito!“ sobrang lawak ng mga ngiti ni Zari na sinalubong si Avi. “Sige una ka na. Nahihilo ako ng konti. Papahinga muna ako.“ Namumutla nang sabi ni Avi. “Sunod ka ha!“ “Oo!“ Dumaan ng mainit na kape si Avi para makahigop ng sabaw pero dahil sa sobrang hilo, di na namalayan ni Avi kung saan siya nagpunta. Basta gusto lang niya ay makapagpahinga. Pupunta dapat siya sa resting area nila ni Zari pero ibang kwarto ang napasukan niya. Naghubad na siya at kumuha ng unan. Di nawawalan ng unan si Avi tuwing pumupunta rito. Bitbit ang unan, pumasok siya sa jacuzzi room at masayang naupo sa mainit na tubig ng jacuzzi saka isinandal ang ulo sa gilid para matulog. “What the-?“ gulat na sambit ng isang lalaki nang makita si Avi. Agad nitong namukhaan si Avi. Dinig ang pagpapanic sa boses ng lalaki na matagal nang di nakakakita ng hubad na babae outside the hospital premises maliban sa mga emergency. “Hey! I'm tired. Let me sleep.“ Inaantok nang ungot ni Avi. “Get out!“ taboy ng lalaki na mas nagpanic na nang maramdamang may tumayo sa kaniyang ibabang bahagi. “F*ck!” “No!“ pagtutol ni Avi saka bahagyang bumangon at nakaluhod na lumapit sa lalaki. “Stop!“ kinakabahang awat ng lalaki na gustuhin man ng utak niya na umalis ay pilit na umaayaw ang kaniyang katawan. “Pangalawang beses na to ha! May I remind you stupid, ako ang nauna rito at ikaw itong sumulpot na naman ng bigla-bigla! Go out or you will be in danger!” Ngumisi si Avi, “I knew it. I remember your voice.“ Mahina at malumanay na sabi ni Narih habang namimikit pa ang mga mata. “Since second time tayong nagkatagpo sa malaking mundong ito, makisama na lang tayo sa trip ng tadhana. Wag mo na lang akong pansinin, tapos di rin kita papansinin, deal? Salamat nga pala at di mo ako iniwan!” Napasinghap ang lalaki at napanganga sa sinabi ni Avi. Di nito inaasahan na alam ni Avi na binantayan nito ang babae hanggang sa may dumating para damputin siya. “Kung ako sayo, lumabas ka na lang hanggat kaya pang magtimpi ng alaga ko,” “Nga pala, yong sign. Di ako stupid ha, frustrated! At malungkot, pero di ako tanga,” sabi ni Avi habang dumadalisdis ang mga luha sa pisngi. Napatulala ang lalaki at parehas silang napabaling ang tingin sa gilid nang umalingawngaw ang isang kanta mula sa speaker na nakalagay kada room. Napatingin si Avi sa kaniyang orasan at napangiti siya nang mapagtanto na oras na ng pagpapatugtog ng mga requested songs. “This is my jam!” sigaw ni Avi. “Tara sayaw!” Tumayo si Avi at iniabot ang kamay sa lalaki na labis na ikinagulat nito. “You are f*cking crazy!” “Sige na! Jusko naman, di naman natin kilala ang isa’t-isa. So what, right?” “Shut up!” hirap na saad ng lalaki habang pilit na iniipit ang mas tumitigas pang alaga sa pagitan ng mga hita. “Alam mo, matagal ko nang pinagdarasal na dumating yong araw na hindi na issue ang pagiging hubad!” natatawang sabi ni Avi at ngumiti ng kay ganda. At dahil sa ngiting iyon ay tinanggap na ng lalaki ang kamay ni Avi saka para silang mga sira-ulong sumayaw sa saliw ng musika. Masaya lang sila na para bang walang pakialam sa mundo. “Ang sarap sa pakiramdam di ba? Malaya!” sigaw ni Avi saka natigil sa pagsasayaw at tumitig sa lalaki. Sa mga oras na iyon, alam ng lalaki na hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili sa kakaibang sabik at pagkahalina na dulot ni Avi rito. “Whatever,” bulong ng lalaki saka walang pasabi kinulang ang mukha ni Avi ng kaniyang dalawang kamay at hinalikan. “Why do you taste sweet anyway, stupid?“
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD