Chapter 9

2103 Words
"Charge to 210 joules!" humahangos na utos ng sang doctor habang nagsasagawa ng CPR. "Not anymore! Let's just stop! We have been reviving her for more than an hour now! She suffered a series of cardiac arrests during the operation." Sagot ng isang doctor na ibinaba na ang defibrillators. "No! Continue delivering shocks, I'll perform CPR in interval." "LISTEN! She's gone! We lost her!" "NO! You listen! As long as I am not giving up, she will make it!" "You know, that is not the case. Her vitals already dropped to a flat line for more than an hour, she's dead. So, we want you to stop! You did what you had to do. You fought hard enough; this girl would have been nothing but thankful to you." "Doctor, it's ok." Mahinahong usal ng isang nurse na hinawakan na ang doktor sa balikat para kumalma. Nagpakawala ng malalim na hininga ang doktor kasabay ng pag-agos ng mga pawis niya mula sa mahigit dalawa't-kalahating oras na pakikipaglaban niya para maisalba ang buhay ng kanyang pasyente. At isang napakalakas na tunog ang umugong sa tenga ng doktor na sa isang iglap ay tila ni isang tunog ay wala siyang marinig kundi ang malakas na t***k ng kanyang puso. "Time of death...1:30 p.m. Cause of death...brain aneurysm." Wala sa sariling naglakad palabas ng operating room ang doktor pagkatapos i-announce ang mga katagang sinumpaan niyang hinding-hindi niya babanggitin hangga't maaari. Impit na mga hikbi at bagsak na mga balikat sa isa na namang pagkatalo, ang mga kapwa doktor at nurses na kasama sa loob ng operating room ay mas nangingibabaw ang pag-aalala para sa doktor na walang lakas na isinara ang dalawang metal na pinto. Sa labas, matapos makapaglinis, agad na sumalubong ang pamilya ng pasyenteng babae. "Doc, k...kamusta po si Trisha?" nanginginig na tanong ng ina ng pasyente na mangilid-ngilid na ang luha sa mga mata. Di maitatanggi sa mga mata nito ang pag-asang matagumpay ang operasyon at buhay ang kanyang anak. "She's gone." Maiksi at walang kabuhay-buhay na sagot ng doktor. "Po?" kasing bilis ng segundo ang naging sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ng ina nang marinig ang sinabi ng doktor. "We have done everything. You can sign the papers and settle the bills when you are ready." Pagkasabi nito ay isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa ama ng babae na tulad niya, kahit di umiiyak ay ramdam mo ang sakit sa malamlam niyang mga mata. "You could atleast be nicer." Mababa ngunit ma-awtoridad na sambit ng matandang lalaki saka inalalayang maupo ang asawa sa waiting bench. Naglakad na ang doktor at dali-daling nagtungo sa kanyang opisina. "Hey! You did..." "Not now Nurse Jane!" "Sorry! Anyway, I have prepared everything, the tickets are there, and your bags are ready. So take a rest before you go." "Nurse Jane, assist her family. They don't have to pay anything." Monotono pa rin ang boses ng doctor habang nagpapalit ng casual na damit pagkatapos ay dismayadong ibinato ang mga pinaghubarang doctor’s gown na ginamit sa operasyon sa basurahan. "But..." "I'll take care of the bills." "Your grandfathers won't like your decision." Kinakabahan at buong pag-aalalang paalala nitong Nurse Jane. "I don't care! Just make it happen!" utos ng doktor na seryoso ang tingin sa kausap nito saka nagtungo sa rooftop at nagpahinga sa special lounge na pinadesign niya, exclusively for his use only. "He's just all charms. But trust me, he's just as dumb as those other doctors." "But he was told as the smartest and the most distinguished, youngest neurosurgeon sa bansa." "He's rich, so having those claims is easy to establish with the use of money." "Gosh, I like him but from all the things you are saying, he must be a horrible person." Natigil lang ang usapan ng dalawang nurse sa isang bench sa ilalim ng puno, ilang metro lang ang layo sa lounge ng doktor, nang makita nilang nakatayo sa kanilang harapan ang taong pinag-uusapan nila. "Ayoko sa lahat, naiistorbo ang tulog ko," inaantok na wika ng doktor. "Pero dahil hiyang-hiya ako sa inyo, ako na lang ang mag-aadjust." Wika ng doctor na wala talaga sa mood para makipagtalo. “Dude! Bakit ikaw ang aalis ehh ospital mo to?” biglang sabat ng isang lalaki habang naglalakad palapit sa kinatatayuan ng doctor. “Jacob?” usal ng doctor. “Cavin! I missed you bro!” bati ni Jacob dito kay Cavin saka inabot ang isang lata ng beer. “Ah, umalis na kayo? Kami naman ang uupo dito sa bench at magkukwentuhan. Do your rounds, malay niyo may masagip pa kayong buhay kesa nag-uusap ng buhay ng may buhay.” Dali-daling nagsitakbuhan ang mga nurse paalis at preskong naupo si Jacob sa bench. Tumabi naman si Cavin at ngumiti, “Bakit andito ka?” Binuksan ni Jacob ang lata ng beer saka uminom bago sumagot, “I know it’s the day at kahapon pa ako tinawagan ni Nurse Jane para halilihan ka while you do your thing.” “Salamat, Jacob,” malumanay na usal ni Cavin saka binuksan na rin ang lata ng beer at uminom. “Para saan pa at naging magpinsan tayo. At may ibabalita rin pala ako,” nangingiti pang sabi ni Jacob. Mabilis na napalingon si Cavin kay Jacob dahil sa tono ng boses nito, “Ano?” Ngumiti na naman si Jacob na tila mo ay nanalo sa lotto ang abot ng saya, “Remember the girl I saved noon unang dalawang taon ko sa provincial hospital?” Kumunot nag noo ni Cavin, “Save? Be specific?” “Dude, yong dalaga na na-ceasarian ko,” “Jacob, dude, you are an obstetrician. Malamang, nagsi C-section ka,” “General doctor! Bwisit to, nagkataon lang na ako lang ang doctor noon. Iyon yong dalaga na inalagaan ko kasi walang pamilya ang nagasikaso after operation, dahil nga binalak na hayaan na lang yong mag-ina mamatay?” Napalaki ang mga mata ni Cavin nang maalala, “Naalala ko na, oh ano meron?” “Dude, while you drown yourself with work at dahil sa pagkamatay ni Greiy, ayaw ko naman maging hypocrite para kwentuhan ka ng pagtatagpo ulit naming nong babae na yon after years,” “Nagkita na ulit kayo?” “Di lang nagkita dude, magkasama kami sa isang building, two units away, at balak ko nang ipaalam sa kaniya na kilala ko siya,” “Good for you, matanda ka na rin naman kaya dapat lang! Tell me when the wedding is, ok?” usal ni Cavin na labis ang saya para sa pinsan. “I’ll get going, yong scheds ko na kay Nurse Jane.” “Ok, I’ll let you know na lang pag may operation dahil malabo ko naman ma-perform ang neurosurgery!” Sabi ni Jacob. “Pakilala mo siya sakin soon. Sige una na ako,” paalam ni Cavin sa pinsan. “Lumandi ka na ulit para naman double wedding tayo,” biro ni Jacob. Kumaway at napailing na lang si Cavin at tuluyan nang bumaba mula sa rooftop. Sa daan pabalik ng opisina, nag-ring ang kanyang cellphone. "Doc, the president's calling you." Kinakabahang sambit ng boses ng babae sa kabilang linya. "Ok." Sagot ni Cavin pagkatapos i-check ang oras. Nang makarating ay malakas na sampal na naman ang inabot niya sa isang matandang lalaki na tensiyonadong naghihintay sa kaniya. "We do not need a hero here, young man. Do you really think that you could do things just as you wish here?" gigil na gigil na sumbat sa doktor ng matanda. "Are you stupid to give the hospital's services for free just because you failed to save the life of that girl?" "I'm sorry!" mababa ang boses na turan ni Cavin habang nakatungo. Hahataw na naman ng sampal ang matanda pero pinutol na siya ni Cavin. "But as far as I could remember, it's not free." Matapang na sabi ni Cavin saka iniangat ang tingin sa matanda sa kanyang harapan. Bahagya namang kumalma ang matanda at ibinaba ang kamay na nanginginig na sa kagustuhang manampal. "I told my Nurse Jane that the family do not have to pay anything because I'll be the one to take care of their bills." Sabi ulit ni Cavin nang hindi inaalis ang tingin sa matanda. Napalaki ang mata ng matanda habang lapat na lapat ang mga labi sa pagtitimpi ng iyamot sa doktor. "Unshameful bastard!" singhal ng matanda saka kwinelyuhan si Cavin. "Nagyayabang-yabangan ka na dahil son-in-law kita? Pwes, sinasabi ko sayo, ni katiting na piso, wala kang mahihita samin. Remember, you failed to save your own wife." Bumagsak ang ekspresiyon ng mukha ni Cavin sa mga narinig. Kung malamig na sa north pole, mas malamig pa ang kanyang mga mata na di papantay ang paghalintulad sa nawalan ng buhay. Saka siya ngumisi. "So, you love your daughter now?" natatanga na wika ni Cavin. "Wag kayong mag-alala, dahil wala naman po akong habol sa pera ninyo. At kung iniisip niyo na hahabulin ko ang sampung taon na pagtatrabaho ko ng libre dito sa ospital niyo, hindi po. I did all that for Griey. Because I love her, so that she could matter to you even a bit." Napabitaw ang matanda sa kwelyo ni Cavin at napaatras sa mga naririnig niya. "LEAVE!" gigil na sigaw ng matandang lalaki habang mariing nakaturo ang hintuturo sa pinto. "I will. Bibisitahin ko nga po ang puntod ng asawa ko, na anak niyo. Sana naalala niyo. Sige po." Di na naka-imik pa ang matanda. Paglabas ni Cavin ay diretso na siya sa kanyang opisina at kinuha ang mga gamit para sa pagluwas. "Are you ok?" tanong nitong Nurse Jane na malungkot man ay pinipipilit pa ring ngumiti. "I am. Settle the payments, ok?" "I will. And give my regards to Griey. Tell her, I miss her. And, loosen up dear. Try falling in love again, ok?" malambing na usal ni Nurse Jane bago niyakap ang doktor. "I'll think about that Nana." Makalipas ang apat na oras na biyahe ay nakarating rin si Cavin sa kaniyang destinasyon. Bitbit ang napakalaking boquet ng bulaklak, ang iyak na kanina pa niya pinipigilan ay agad na kumawala nang paluhod siyang bumagsak sa harapan ng puntod ng kaniyang asawa. "Hi, Love!" maiksing bulong niya bago magpakawala ng libo-libong mga luha. "I'm sorry, I failed again!" Bawat salita ay mas sumasakit ang kaniyang mga iyak. Malamig ang simoy ng hangin, pati ang mga ulap ay makakapal at maiitim, na tila ba bigat na bigat rin sa dala-dala nitong ulanin na konting oras na lang ay babagsak na. "I missed you. Pati si Nana!" hikbi niya. Ibinaba lang niya ang bulaklak saka nahiga sa tabi ng puntod at walang lakas na tumitig sa langit. "Ang tagal mo naman akong sunduin! Napakadaya mo, hindi mo na ba ko mahal? Di mo ba namimiss ang kagwapuhan ko?" natatawang usal niya sa sarili habang diretso ang pag-iyak. Humarap siya patigilid sa puntod habang naka-unan ang kaliwang braso sa kanyang ulo at natulog. Makaraan ang ilang mga oras ay nagpaalam na siya at nagtungo sa lugar kung saan minsan siyang namuhay noon ng payak at tahimik kasama ang kanyang asawa. Malalim na ang gabi nang marating niya ang maliit ngunit magandang building. May malaking sign sa labas na nakasulat na 'Clinic' pero furniture shop ito. Pagpasok, kinapa niya ang switch ng ilaw at pinindot ito. Maayos naman ang pag-maintain ng lugar pero bakas na talaga ang kalumaan. May mga crack na ang pader at haligi tapos madumi na rin ang kisame. Kabi-kabila ang mga supot ng mga gagamba. Ibinagsak niya ang mga dalang gamit at tumayo lang sa gitna habang inililibot ang paningin. Ilang minuto rin siyang ganoon nang magulat na lang siya na biglang may nagsalita. "Tulong!" Boses ng babae. Paglingon niya, nakita niya ang isang babae na mukhang wala sa sarili. Di siya sigurado kung lasing ba ang babae o hindi. Napapunas siya sa mukha at napasabunot sa buhok dahil sa dismaya. "How stupid can you be not to read the word 'close' on the signboard?" singhal niya habang nakakunot ang noo. "Takte ka. Bukas ang pinto pano naging close? Help me, I'm dying!" nanginginig na sabi ng babae. Pagkasabi ng babae ay agad niya itong sinipat dahil di pa siya handa na mamatayan ulit. Two are too much for a day. "Nakakapagsalita ka pa, you are not dying!" Pero laking gulat na lang niya nang lumakad pa rin ang babae papalapit. "Stop! I said, 'Stop!'" awat ulit niya sa babae. Pero mas nagulat na lang siya nang halikan siya ng babae. "Pakiss! Bago ako mamatay!" ngumisi pa ang babae pagkasabi nito bago tuluyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD