Gulat man ay nagawa pa rin niyang masalo ang babae para di tuluyang mabagsak sa sahig.
"F-ck! You are heavy!" reklamo niya. "Hey, wake up!" sabi niya pagkatapos damahin ang pulso nito sa leeg at wrist sa takot na baka namatay na nga.
Napabuntong-hininga na lang siya nang masiguradong normal naman ang heartbeat nitong babae.
Inalog-alog pa niya ang babae pero wala, tulog na tulog na ito.
Habang kapit-kapit ang babae sa baywang, pinilit niyang kinuha ang cellphone sa kaniyang bag kahit hirap na hirap na siya sa sitwasyon nila.
"Come on!" gigil na ngiit niya habang inaalalayan ang babae.
"I should have asked some chairs and sofa here.“
Nang makuha, laking gulat niya nang makitang may tumatawag sa cellphone niya.
Dahil masyado nang nabibigatan, pilit na hinila niya ang babae papuntang c.r saka buong lakas na kinalong ang babae paharap sa kanya bago naupo sa toilet.
Pagbukas sa ilaw ay inayos niya ang pagkakasandal ng ulo ng babae sa kanyang balikat saka ikinawit ang kaliwang braso sa baywang ng babae bago sinagot ang tawag.
"Lo?" tensiyonadong sagot niya sa tumatawag.
"Hundred thousand dollars were credited from your card. What was that?" rinig ang dismaya sa boses ng matanda sa kabilang linya.
"Lo, saka ko na po ipapaliwanag."
"No need! I do not expect so much from you. But prepare for another deal. This one is big and I want you to do it. Prove your worth to us for once!"
"Send me the details." Maiksing sagot niya sa kaniyang Lolo.
"And again, I want you to stop working in that hospital. Do your part in our family business."
"Lo, next time..." natigilan siya nang medyo lumalaglag ang babae sa pwesto nito kaya wala sa sarili siyang napahawak sa mas mababa pang bahagi ng babae sa likuran para ilapit ito papalapit sa kanya.
Napalunok na lang siya ng laway nang marealize niya ang awkward na kalagayan nila.
"What are you doing?" tanong ng matanda sa kabila ng linya nang marinig ang kakaibang tunog.
"Work, Lo! Saka na lang tayo..."
At mas lalo na lang siya napalunok ng laway ng bumaling ang mukha ng babae paharap sa leeg niya.
May kakaibang lamig at init ang dumaloy sa katawan niya na dulot ng mainit na hininga ng babae na dumadampi sa kaniyang leeg. Idagdag pa rito ang mahihinang ungot ng babae habang natutulog.
"What are your really doing?" medyo nag-relax ang boses ng matanda. "Are you having s-x right now? “
“N…no? I—” natigil na naman siya nang mas lumakas ang ungot at halinghing ng babae.
“Wag diyan! Ano ba!“sabi ng babae.
“Oh good boy!" tuwang-tuwang sigaw ng Lolo niya sa kabilang linya.
"Lo! Not now!" nahihiyang bulong niya pabalik sa lolo.
"CAVIN IS HAVING S-X! FINALLY" sigaw ng matanda at maririnig ang sigawan ng iba pang matatanda sa kabilang linya na nagkakagulo, na daig pa ang nanalo sa lotto.
"Oh shoot!" iyamot na bulong ni Cavin. Nakakunot man ang noo ay may kung ano sa loob niya ang gusto ang naririnig niya. "I'm hanging up!"
“Finish hard my boy!“
Nang putulin ang tawag, tumayo na siya, kalong-kalong pa rin ang babae.
Nakahawak siya sa mga hita nito na di niya mapigilang mapatingin sa puputi nito.
Sira ang damit ng babae kaya nakalabas ang mga hita nito. Pulang dress na may t-shirt na naka-ibabaw.
May lakad pa siya ngayong gabi, idinaan niya lang talaga ang mga gamit niya kaya di lubos maisip kung ano ba dapat gawin sa babae.
"You are fine now. Now, I'm leaving you stupid!" sabi ni Cavin saka kumuha ng unan at kumot sa bag na dala niya.
Lumabas siya at ini-lock na ulit ang pinto saka kabadong kinapkapan ang babae para matingnan kung may phone ba ito. Hindi naman pwedeng pabayaan na lang niya ang babae rito na mag-isa.
Wala siyang nahanap, kaya kahit hirap na hirap na, bumalik na naman siya sa loob at kumuha ng retaso ng mga kahoy at may isinulat.
Paglabas, inihiga na niya ang babae sa harapan ng pinto at ipinatong ang sinulat niya sa tiyan ng babae pagkatapos na kumutan.
"Your lips are surprisingly tasty!" napangisi pa siya habang nakatingin sa babae na mahimbing na natutulog.
Nagtangka na siya umalis pero di siya mapakali na mag-isa lang ang babae kaya, umupo siya sa bench sa ilalim ng mangga na katapat lang ng building.
Umalis lang si Cavin makalipas ang isang oras nang may kotseng tumigil at may bumabang babae na nagsimula nang ngumawa.
"Tsk! Mga may sira!" bulong pa niya bago tuluyang umalis.
Nagtungo si Cavin sa isang gaming place na madalas niyang tambayan noong college.
"Finally!" salubong ng mga lalaki na naglalaro ng bowling.
"Long time!" sabi lang ni Cavin at masayang nakihalubilo sa mga lalaki.
Nagkwentuhan lang sila roon at naglaro.
Makalipas ang ilang minuto,
"Mga pre, may nanghahamon! Undefeated raw 'yon!" sabi ng isang lalaki na kagagaling lang sa labas na may dala pang mga dagdag na inumin at pagkain.
Di nga naglaon at nasa malaking arena na sila.
Bitbit ang mga airsoft guns, malakas ang tiwala nila na matatapos agad nila ang laban dahil mga babae lang ang kalaban nila.
Kaso, sunod-sunod na ang pag-announce ng officials sa pagka-out ng mga kagrupo ni Cavin pero wala pa rin kahit isa sa kabilang grupo ang natatanggal.
"Ano na! Cavin, mag split up tayo!" sigaw ng isa.
"Hindi, mas maganda na magkakasama tayo. I-cover natin si Cavin while he shoots. Makabawas manlang tayo ng isa. Peste, kakahiya pa tayo." Atungal ng isa naman na humihingal na sa pagod at di na maipinta ang pagka-asar.
"Ok, gumitna ka Cavin, susugod na tayo."
"Attack!"
Mula sampo, eh aapat na lang sila. Kaya do or die na sila.
Tumango lang si Cavin at nagfocus sa pwesto niya.
Pagsugod, dalawa agad ang natamaan sa kanila pero sobrang saya na nila nang may matamaan rin silang isa sa mga kalaban.
Nagtago si Cavin sa isang obstacle habang nag-aannounce na out na ang isa pa niyang ka-grupo kaya iisa na siya.
Kagulo na ang lahat nang sambitin ng announcer na one on one na raw.
Sobra ang dismaya ng ibang kagrupo ni Cavin na malaman na dalawa lang pala ang kalaban nila.
Habang nag-iisip ng gagawin at nag-rereload, nagsimula nang umulan.
Dahil sa ulan, mas mahirap na magkakitaan kaya sumigaw na si Cavin para sakaling magkaroon siya ng idea kung saan naka-pwesto ang kalaban niya.
"Come out! Come out b-tch!" sigaw ni Cavin pero bigo siya dahil di sumagot ang kalaban.
"Don't bother hiding! YOU'RE MINE!" sigaw ulit ni Cavin.
"F-ck you! NO ONE OWNS ME!" sigaw ng babae.
At laking ngiti ni ni Cavin nang kumagat sa patibong niya ang babae.
Kita niya na lumabas sa pinagtataguan ang babae at sumugod na.
Sumugod na rin si Cavin kaso bigo siya na makatama kasi maliksi ang kilos ng babae hanggang maubusan na siya ng bala.
Tinapon na niya ang airsoft gun para makipag-combat at pinaunlakan naman siya ng babae.
Para silang mga sira na pagulong-gulong sa basang field.
Nang mapagod, sabay silang pabagsak na humiga sa field.
"You are crazy!" namimikit ang mata sa paghabol ng hiningang sabi ni Cavin habang nababasa ng ulan ang mukha.
"I know!" sagot ng babae at walang pasabi na pinutok ang maliit na airsoft gun na hawak sa tapat ng dibdib ni Cavin.
"BALLSEYE! ZAVI TEAM WON!" palahaw ng announcer.
Kagulo na rin ang mga nanonood. Nagderetso na si Cavin sa room niya para makapagpahinga at makapagligo kaso di pa man siya natatagal sa jacuzzi nang may sumulpot na babaeng hubad at dire-diretsong nahiga sa jacuzzi na may baon pang unan.
"What the-?" gulat na usal ni Cavin nang mamukhaan ang babae.
"Hey! I'm tired. Let me sleep." Ungot ng babae na walang pakialam sa nangyayari.
"Get out!"
"No!"
Bahagyang bumangon ang babae mula sa pagkakahiga at lumapit sa kaniya. Agad siyang napasinghap nang makaramdam siya ng paninigas sa dakong ibaba ng kaniyang tiyan.
“Stop!” pigil ni Cavin pero kita niyang naniningkit ang mga mata ng babae sa pagngiti habang papalapit pa lalo sa kanya.
Wala ng maintindihan si Cavin sa mga palita ng salita nila ng babae, humihingal na siya sa pagtitimpi sa nag-aalburuto niyang alaga. Since his wife died, never pa tumibok ang p*********i niya kahit na kanino kahit pa daan at libong hubad na babae na ang kaniyang nakita.
“I knew it! I remember your voice.” Malambing na wika ng babae.
Nakailang lunok ng laway si Cavin pero di na niya mapigilan ang nararamdaman niya.
Namamangha siya sa gaan ng loob na nararamdaman niya sa babae. After Greiy, he never once made an interest with anyone. Kahit anong gawing iwas ng tingin ay nakuha na ng babae ang kaniyang interes. Saglit lang napukaw ang kaniyang pagkahumaling sa babae nang biglang tumunog ang isang tugtog.
“Tara sayaw?” usal ng babae at iniabot ang kamay nito bilang paanyaya.
Nailing na lang si Cavin dahil parang malaya siya sa mga oras na kasama niya ang babae. Tinanggap naman niya ang kamay ng babae at sumayaw sila nang wala ng pakialam sa mundo.
Marami pang sinasabi ang babae pero wala na siyang pakialam roon, wala na siyang nauunawaan kundi nahihiwagaan rito.
“Whatever!” bahagya nang nasabi ni Cavin ang mga salita sa di maunawaang kasabikan na nag-uumapaw sa loob niya saka mabilis na kinulong ang mukha ng babae sa kanyang mga kamay at marahan na inilapat ang mga labi niya sa mga labi ng babae.
“Why do you taste sweet anyway, stupid?” malagkit ang mga tingin ni Cavin habang sumisinghap ng hangin para pigilan ang sarili na hindi lang halik ang gawin.