Capitulo Tres

1834 Words
(11 months earlier) Sinalubong ako ng dalawang taong hindi 'ata alam ang salitang hiwalay. Pa'no ba naman kasi, break time, lunchtime at dismissal, laging magkasama. 'Di magtatagal at magkakapalit na sila ng mukha. Pero, kinikilig ako sa kanila! "Ang aga pa, magkasama na kayo kaagad?" tukso ko sa kanila at ngumiti nang nakakaloko. Nakita ko ang biglaang pamumula ng mga pisngi ni Jayde. Mag-iisang taon na sila sa February, pero kung makapag-reack 'tong si Jayde, aakalain mong kahapon lang naging sila. Halatang in love kay Kuya Ivan. Amethyst Jayde Ferrer is my best friend since elementary. She was raised by her parents being prim and proper, well-disciplined, and good etiquette should be followed. Kahit sa paglalakad, pananalita at pagkain, kailangang nasa tamang pag-uugali at pagkilos. Hindi ko nga alam sa parents n'ya kung bakit gano'n sila. We are now in the millennial generation, pero kung disiplinahin nila si Jayde, mahihiya si Maria Clara. Pareho kaming graduating na as senior students. I'll take up Civil Law while Jayde will take up Business Management. Si Kuya ay third-year college na sa kursong Computer Science Engineering, mahilig talaga s'ya sa mga gadget lalo na sa computer at mga hacking system. "Hay naku, JC! Masanay ka na, kasi makikita mo na kaming laging magkasama kapag ikinasal na kami," sagot ni Kuya Ivan saka inakbayan si Jayde. "Manahimik ka nga," mahinang sabi ni Jayde na halatang nahihiya. "Ayieee! P'wedeng kiligin?" tukso ko sa kanila at sabay sundot sa tagiliran ni Jayde. Pinandilatan n'ya naman ako ng mga mata at sa namumulang mga pisngi "Mamaya na, mga five minutes after!" biro ni Kuya Ivan na tinawanan na lang namin. "Yow, JC!" Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at nakitang kasamahan ko pala sa varsity—si Carla. Kaagad s'yang lumapit sa kinaroroonan namin at ngumiti, "Sabay na tayo papuntang court." "Oh? May practice kayo?" nagtatakang tanong ni Kuya Ivan. "Sasabihin ko na dapat, eh nauna pa 'yong kilig ko kaya nakalimutan ko na," pagrarason ko. Mahinang napatawa si Carla na nasa tabi ko lang, "Kung nag-boyfriend ka na kasi, JC. Ang daming nanligaw  sa 'yo last year, pero ni isa wala kang sinagot. 'Di sana hindi ka nagmumukhang lantang chaperone!" "Baka gusto mong ikaw gawin kong lantang gulay," sabi ko kay Carla at ikinuyom ang mga palad ko. "Hep!" Carla block her hands to cover her face, "Ang napag-aaralan sa taekwondo ay for self defense, hindi panggulpi!" "Mga sira talaga kayo," natatawang sabi ni Jayde. "Oh, mauna na kami, JC, text ka kaagad kapag nakauwi ka na," paalala ni Kuya Ivan. "Bye, gee!" paalam ni Jayde saka nauna nang naglakad papalabas ng University, holding-hands with Kuya Ivan. Ang sweet! "Tara na nga!" Hinila kaagad ako ni Carla, "Kung nag-boyfriend ka na, hindi ka sana maglalaway sa relasyon ng iba." "Ano, sapakan na lang?" "Hindi ka na mabiro!" sabi n'ya sabay akbay sa 'kin at nagsimula na kaming maglakad papuntang court, "Ite-train natin 'yong susunod na batch, then hello college division volleyball team na! Mas madaming pogi do'n!" "Kahit kailan ka talaga, Carla!" "Tibo ka ba!" Bigla s'yang lumayo sa 'kin at tinakpan ang kan'yang dibdib. "Porket walang jowa, tibo agad! Wala ka rin naman jowa 'di ba?" Inakbayan n'ya ulit ako, "Walang personalan, JC. Hindi ka na mabiro." Natigil ang pag-aasaran namin nang may humarang sa dinadaanan namin. Base sa sling id nila, mga college student. Tumaas ang kilay ko, "College students in high school division, blocking our way." Nagsalita ang nasa pinakagitna habang inaabot sa 'kin ang isang bouquet of roses, "Pa-Para sa 'yo, JC." "Ohh, star player ng sepak takraw team ng college division ay may gusto pala sa star player ng volleyball team ng high school division," mahabang litanya ni Carla sa tonong nanunukso. Tinanggap ko ang bulaklak at nakita kong napangiti ang nag-abot no'n  pati na rin ang mga kasamahan n'ya. Kahit si Carla ay napansin ko ring nagulat. "Ibig sabihin, p'wede na a-akong manligaw, JC?" Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya, "Ha? Ligaw?" Biglaan din ang pagbago ng mga ekspresyon nila, "Kasi tinanggap mo 'yong flowers na bigay ko." Tipid akong ngumiti, "I just don't want to be rude that's why I've accepted it." "Ouch, pre," bulong ng isa sa mga kasamahan n'ya. Napahagalpak ng tawa si Carla, "Sabi ko na nga ba, eh! Hindi nga nakapasa sa kan'ya 'yong star player ng basketball team ng college division, take note, anak 'yon ng mayor." "Anak naman din naman ako ng mayor, ahh!" sagot ng lalake at halatang naiinis na s'ya. "That's it!" Carla flipped her hair and put her right arm on my shoulder, "Ayaw n'yang ma-involve sa pulitika." Sh*t Carla! Lihim akong napamura! Akala ko ang tino nang magiging sagot n'ya. "Thanks for this." Saka ko sila nilagpasan at sumunod naman si Carla. Ganito na lang lagi. Ilang bulaklak na ba ang nadala ko sa bahay? P'wede na siguro akong magpatayo ng flower shop. I don't know but, hindi ko pa nakikita ang lalakeng magpapatibok ng puso ko. 'Yon bang, unang kita pa lang, makakaramdam na ako ng paghanga. Pero, sa araw-araw na may nagbibigay ng flowers, chocolates or gift, wala pa ni isa sa kanila ang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa 'kin. Natapos ang pagte-train namin sa new batch ng bandang alas syete na. Nakabukas na lahat ng ilaw sa University kahit sa labas nito. Nasa gate na ako at naghihintay na lang kay Manong Rudy. Bigla akong nakaramdam ng gutom, so I send a message to Manong Rudy that I'll buy some snacks at the nearest 7/Eleven. 7/Eleven is just three blocks away from the University, in opposite direction. I prefer to take the lane where I am now, because it was too dark at the opposite lane. Nagsimula na akong maglakad. Pero, bigla na lang akong nagulat nang may dalawang naka-all black outfit ang sumalubong sa 'kin at may iniabot na maliit na pouch, "Pakitago muna, miss. Kailangan 'yan ng kapatid kong nasa hospital." Boses ng babae! Kaagad silang tumawid sa kabilang kalsada at pumasok sa madilim na eskinita, leaving me startled. What was that! Mas lalo akong nataranta nang may narinig akong tunog na galing sa isang police car. Kaagad kong nailagay sa bulsa ko ang pouch na inabot sa 'kin, without looking what's inside. Kinalma ko ang sarili ko. Mas kaya ko pa sigurong maging kalmado sa harap ng libo-libong audience, kaysa sa dalawang pulis na nakasakay sa police car at nakatingin na sa 'kin ngayon. "Miss, may nakita ka bang dalawang naka-all black na dumaan dito?" tanong nang nasa driver's seat. Kailangan ko ang acting skills ko ngayon, kalma JC! "Ahm, nakita ko po silang dumiretso." Galing JC! Hindi ka nabulol sa sobrang kaba! May paturo-turo pa ako ng direksyon! "Sige, salamat, miss!" Kaagad na pinaharurot ng pulis ang sasakyan at naiwan akong nakatulala na para bang kagagaling ko lang sa isang madugong examination. What did I put myself into? Sampung minuto na 'ata akong nakatayo at kinakalma pa rin ang sarili ko nang may papalalit na naman sa kinaroroonan ko. Pero, mga normal na silang tao, I mean hindi katulad kanina na naka-all black. Tumalikod na ako at handa na sanang maglakad nang may tumawag sa 'kin, "Miss!" Sh*t! That voice! Hinarap ko sila kaagad at handa na akong tapunan sila ng sermon nang makita ko ang hitsura ng lalake. Kapatid 'ata 'to ni Bangkay! Baka sa isang buga ko lang ng hangin ay mapalid s'ya, kaya dahan-dahan lang akong nagsalita, "Kayo 'yong kanina?" Sabay pa silang tumango. "Muntik nang matanggal 'yong puso ko, ha!" singhal ko sa kanila na kaagad ko namang hininaan ang boses ko, "Ba't hinahanap kayo ng mga pulis?" Narinig ko ang pag-ingay ng tiyan ko kaya hindi na natuloy ang babae sa pagsasalita. "Tara, do'n tayo mag-usap," sabi ko at tinuro ang 7/Eleven. "Naku, miss, wala kaming pera!" tanggi ng babas na ikinataas lang ng kilay ko. "Mukha ba akong magpapalibre?" Wala silang nagawa kung hindi ang sumunod sa 'kin. Magkaharap na kami ngayon sa mesa na nasa labas ng 7/Eleven. Nagsimula na akong haluin ang cup noodles na binili ko, "Kain na!" Sabi ko sa kanila at tinuro ang pagkain na binili ko para sa kanila. Napansin kong nakatulala lang sila sa 'kin na para bang mali sa sinabi ko. Kaagad kong naalala na hindi pa pala ako nakapagpakilala, kaya naman inilahad ko ang palad ko saka nagpakilala, "I'm Jenoah Christine Alejo, just call me JC." Nanatili pa rin silang tahimik at nakatingin sa kamay ko, kaya ako na ang kumuha sa kamay nila. "A-Ako si Ayana Michelle Perez at i-ito naman si Ku-Kuya Basilio Santos." "Badong na lang kasi, pakiramdam ko ako 'yong nawawalang anak ni Sisa." Tumawa ako nang malutong. Natigil lang no'ng nakita kong natulala lang sila sa 'kin. "Akala ko matapobre lahat ng mayayaman." Nagulat ako sa sinabi ni Ayana. "Pa'no mo naman nasabi na mayaman ako?" "Taga-University ka," sabi ni Ayana na tinuro pa ang University. "Hindi lahat ng nag-aaral d'yan, mayaman. Ang iba sa dean's lister," paliwanag ko, "Isa pa, hindi ako ang mayaman, ang Mama ko." "Alam ko, pero may iba kasi halos ayaw makakita ng tulad namin, pero ikaw, nakipagkamay ka pa," sabi ni Ayana na nagpangiti sa 'kin. "Well, ngayon alam n'yo na, na hindi lahat," masigla kong sabi sa kanila, "Aba! Kapag nakilala n'yo kapatid ko, may sa batang kalye ang ugali no'n!" Masaya kaming kumain at nang matapos ay kaagad kong binuksan ang dapat naming pag-usapan, "Hmm, ba't nga pala kayo hinahanap ng pulis? At saka, ano 'yong nasa pouch?" Nagkatinginan muna silang dalawa bago nagsalita si Ayana, lumingon-lingon muna at saka bumulong, "Shabu 'yon, JC." "The what!" Hindi ko napigilang magulat sa narinig. "Shh!" Sabay pa silang sumenyas na hinaan ang boses ko. "Tama ba ang narinig ko?" Tipid silang tumango. Kinabahan ako bigla, pero hindi naman sila mukhang masasamang tao, "Pa'no 'yon makakatulong sa kapatid mong nasa hospital?" "Ibebenta namin, galing kasi 'yan sa bossing ni Kuya Badong, kailangan naming ibenta 'yan, para masoli namin ang kapital at ang tubo ay paghahatian namin," nakayukong sabi ni Ayana. "Ba't sa ganitong paraan?" "Mahirap lang kami, JC. Ang gobyerno na ang sumalo sa bills ni Amarah, isang buwan na s'yang naka-confine sa hospital, dahil may leukemia s'ya. Hindi sapat ang kita ng karenderya ni Mama para sa mga gamot ni Amarah. Kahit ang kinikita ko sa pagkanta, 'di pa rin sapat." Kumakanta s'ya. May mga tao talagang hindi perpekto ang buhay. Para sa 'kin, my life is perfect. Wala akong problema na katulad nang kay Ayana. "Ako naman, JC, walang trabaho ang inaalok sa 'kin, kahit sa construction, ayaw akong tanggapin." Nakaramdam ako ng awa. Ang ganda ng estado ng buhay ko, pero may mga tao palang naghihirap. "Akin na lang 'to," sabi ko sabay pakita ng pouch. Gulat silang tumingin sa 'kin, "Itatago ko! As if namang alam kong gamitin 'to!" "Pero, JC, kailangan naming—" "Bibigyan ko kayo ng pera." Alam kong mali, pero wala naman mali sa pagtulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD