Natigil ako sa pag-iisip matapos kong maubos ang sigarilyo. Pinatay ko ang konting apoy na natira saka binalot sa tissue at tinapon sa basurahan. Pumasok ako sa banyo na nasa loob lang ng kwarto ni Ayana saka naghugas ng kamay. Ayaw kong maamoy ni Mommy. Tumingin ako sa salamin na nasa taas ng lababo. Isang nakakaawang babae ang nakikita ko. Why? Of all people, why me? Wala akong maalalang may inapi ako, may inaway, may tinapakan na tao. I am a good daughter, hindi ako nagiging sakit sa ulo ni Mommy. I'm a good friend. I'm good to everyone! Pero, bakit? Bakit nangyayari 'to sa 'kin? Bakit binagsakan ako ng ganito kabigat na pangyayari sa buhay ko? "Bakit?" bulong ko sa sarili habang nakatingin pa rin sa repleksyon ko sa salamin. Ang laki ng binagsak ng katawan ko. Medyo mala

