(8 months earlier) "Congratulations, Mommy!" bati ko kay Mommy sabay yakap sa kan'ya. "Thank you, anak," naluluhang sabi ni Mommy at humigpit pa ang pagkakayakap sa 'kin. Nandito na kami sa reception at kakatapos lang ng kasal nina Mommy. Natigil kami sa pag-uusap, dahil biglang nagsalita su Tito Bernard at gamit pa ang microphone, kung kaya't dinig ng lahat, "We also want to announce that will be having another part of the family." Nanlaki ang mga mata kong bumaling kay Mommy at kaagad s'yang niyakap ulit, "Oh my! Congratulations, Mommy!" Nagpatuloy sa pagsasalita si Tito Bernard, "And because of her age, bagets na, eh," tumawa kami sa sinabi n'yang 'yon, "She's in menopausal pregnancy, critical as well." Diniinan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Mommy na nginitian lang n'ya, "Do

