(Flashback continuation) Minabuti kong lumabas ng kwarto ko kahit dis oras na ng gabi. Lunes bukas, pero wala na akong pakialam kung may pasok. Pakiramdam ko kasi, nalulunod ako sa sariling kwarto at hindi ako makahinga. Kahit saan ako lumingon, mukha ng satanas ang nakikita ko, habang nilalapastangan ang katawan kong walang kalaban-laban. Tahimik ang buong bahay. Kabaliktaran ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Para bang sasabog na ako kapag hindi ko ito nailabas. Kahit magdamag akong umiyak, kulang pa rin, mabigat pa rin. Sobrang sakit pa rin. Wearing jagger pants, hooded jacket and sneakers, I got out from our house. The cold wind touched my skin as I walked my way to nowhere. Looking straight ahead with empty mind. Naglalakad sa gilid ng daan, hindi

