Nagkatuwaan kami ng mga kasama ko habang nasa canteen, dahil lahat kami ay excited sa aming team building. Mesa namin ang pinaka maingay paano ba naman kasi puro mga lukaret ang mga kasama ko kaya nahawa na lang ako sa kanila. Excited sila dahil kanya kanya sila pabida sa kanilang mga swimwear, tahimik lang ako, dahil hindi pa ako nakapag decide kung mag swimsuit ba ako o mag short na lang. Napagkasunduan ng mga head department namin sa dagat kami pumunta dahil sobrang init ng panahon,kaya magtampisaw muna kami sa dagat. Magpapaalam na ako kay Michael at sigurado ako sasama naman siya sa amin. Dahil pwede naman kami magsama ng isang member ng pamilya namin. Ang iba ko pang kasama ay may kanya kanya ng kwento about sa design ng swimsuit ng kanilang susuotin. “How about you, Rosa may

