CHAPTER 1
Manang, nakakapagod na pong magsasaka.
"Kailan kaya tayo yayaman?" malungkot kong tanong sa aking nakakatandang kapatid.
Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa ilalim ng puno ng bayabas habang pinagmamasdan ang mga ibon na lumilipad sa hangin.Bumuntong hininga si Manang at wala akong nakuhang sagot kahit isa.
Pero kahit gaano kahirap ang buhay ay nagagalak pa rin ako sapagkat kompleto ang aming pamilya. Kaya lang hindi ko maiwasang maging malungkot minsan dahil kahit na kompleto kami ay kasing wasak ng basag na salamin ang aming buhay.
Lasinggero si Tatay at mas inuuna niya ang kaniyang pagsusugal ng sabong at pagiinom kaysa sa aming makakain. May labing tatlo kaming alaga na mga baka at dalawang kalabaw maliban doon may mga baboy pa kami at mga kambing,at mga itik pa kami at mga manok pero ang pinagtataka ko ay bakit mahirap pa rin kami wala kaming maayos na bahay. Ang aming tinitirahan ay isang maliit na kubo at nagtitiis matolog sa matigas na papag. Mayroon kaming isang ektaryang lupain pero nakikisaka kami sa ibang lupain at nagtiis sa kakarampot na ani.
Nakakalungkot man isipin pero wala akong magagawa.
Ang aming ina ay paralisado ang kalahating katawan kaya kapag siya ay mag lalakad para siyang isang talangka nakatagilid pero kahit ganun ang kanyang kalagayan ay tumutulong parin siya sa amin sa bukid pero mabilis na siya mapagud dahil sa kanyang kalagayan, maganda ang aming ina may alindog ito noong kabataan pa niya at ito ang nakuha namin ang kanyang kagandahan may biloy siya sa dalawang pisngi, mahaba ang mga pilik mata at matangos ang ilong.
Noong June 1990 limang taon lamang ako noon napag desisyonan ng aking pamilya na ako ay papasukin sa paaralan, dahil sa murang isip hindi ako nakapasa at umulit pa ako ng dalawang taon at sa pag kakataong ito ako walong taong gulang na.
Dito ko na naraanasan ang totoong mundo at kong gaano ito kalupit sa akin.
"Ayan na si Liling ohh" sabi ng mga ka klase ko
Kinukutya nila ako dahil sa naka paa lng ako tuwing pumapasok.
"Aray! Bakit mo ako kinukurot?" Tanong ko sa aking kaklase.
"Bakit may angngal ka?isusumbong kita sa tita Emma ko sagot naman ng kaklase ko.
" Hindi naman kita inaanu Jun"sabi ko na umiiyak dahil sa naramdaman ko na hadpi at sakit sa aking balat dahil sa kurot niya.
Natapos ang buong taon na ganun ang mga senaryo, inaaway ako lagi at lalo na na hindi naman ako lumalaban sa kanila . At palagi na lang ako nagiisa dahil ayaw ko sumasama sa iba kong kaklase kong makipag away lang naman kami sa iba.
"Tatay pwedi po ba ako mag-aaral sa darating na pasukan?" tanong ko sa aking ama habang ito ay humihithit ng tabako at pinapasok sa dahon ng lomboy para gawing sigarilyo.
"Oo" pero alam mo naman na mahirap tayo, ikaw na ang bahala gumawa ng paraaan para maka bili ka ng pangangailangan mo.
"Pwedi ka mag tanim ng luya o di kaya mag hakot ng kamatis nila Ka Luis"."Sabi ng aking ama.
"Opo tatay gagawin ko po yon para makabili ako ng kwaderno, lapis at papel."sagot ko naman sa aking ama habang ang aking ina ay nakikinig lang sa amin.
Dumating na ang bakasyon at summer na ngayon. Iyon na ang aking ginagawa, nag bubuhat ako ng kamatis mula sa bukid at dadalhin ito sa Baryo para ibenta.
At sa liit ko at sa bigat ng kamatis at sa layo rin ng baryo parang mabali ang liig ko.
Sa edad na sampung taon ay grade three palang ako at nagbubuhat na ako ng dalawangput limang kilo ng kamatis
At sa halangang tig piso ang kilo mula sa bukid hanggang baryo, para sa akin ito ay malaking tulong.
Ganun ang routine ko sa buong summer para makaipon at ng may pambili ako ng mga kakailanganin ko para sa susunod na pasukan.
Dumating na ang pasukan pero kulang pa ang aking mga kwaderno,
"Tay gusto ko mag-aral ulit," sabi ng kapatid kong lalaki,hindi boses nakikiusap kong hindi boses nag dedemand dahil sa lahat ng gusto niya ay siya ang masusunod palibhasa nag iisa lang siyang kapatid na lalaki namin kaya mas mahal siya ng mga magulang namin
"Sige mag aral ka ulit", sabi naman ng tatay
"Put*ng ina wala akong kwaderno" , pag mumura nya sabay tingin sa akin tumahimik lang ako kasi takot ako sa kanya.
"Sige Manong, sayo na itong apat na kwaderno ko akin nalang itong tatlong natititra", offer ko sa kanya.
"Ikaw mag-aral ka ng mabuti Rosa huwag ka munang lumandi iritabling sabi nya.
"Manong sampung taon palang ako bakit mo nasasabi mag lalandi ako"? Kahit kailan ang bastos ng bunganga mo iritabli ko sagot sa kanya sabay irap.
"Huwag mo akong iirapan baka gusto mo dukutin ko iyang mga mata mo",pagalit na sabi niya tumatahimik nalang ako para hindi na humahaba ang aming bangayan.
Ganon kami lagi, ang munting kubo namain walang katahimikan. Kapag siya umuuwi dahil siya ang hari ng aming tahanan kahit ang aming magulang ay under sa kanya lumalaban siya, ako bilang bunso ako lagi ang bugbog sa trabaho tulad ng pag lalaba, pag luluto pag bantay ng mga alaga namin mga hayop habang siya ay nakahiga lang mag hapon daig pa ang anak mayaman, ang dami niyang ambisyon sa buhay.
Doon kasi siya namamalagi sa bahay ng ninong namin. Doon siya kumakain, matotolog at kong anong mga materyal na mga bagay na bibilhin ng mga kinakapatid namin ay gusto din niya niya bilhin ng tatay namin.
Ehh hirap nga kami sa pag kain namin araw- araw
"Pisting buhay 'to sila ni Dodong may may bagong pantalon na levis ako hindi man lang makabili ng tsinilas! Sabay hagis sa mga bagay na mahahawakan nya gaya ng plato,at iba.
" Ibinta natin ang baka Tay, para makabili ako ng bagong damit!"!
"Kong gusto mo bumili ng bagong damit mag sisikap ka sa pag-aaral mo, tutulong ka sa bukid dahil alam mo naman na mahirap lang tayo huwag mong pilitin ang mga bagay na hindi mo kaya abutin dahil isa kang tamad"! Sagot ng tatay namin, tumaas ang tension sa aming barong-barong dahil sa sagutan nilang dalawa.
Tuwing alas singko ng umaga ay ginigising kami ng aming tatay hindi para mag handa ng almusal kong hindi pupuntahan namin ang alagang hayop na nasa bukid upang mag papastol, pag uwi namin sa bahay ay alas otso na ng umaga at late na ako pumasok sa paaralan.
Minsa pagdating ko sa paaralan ay alas dyes na ng umaga dahil medyo may kalayuan ito sa aming bahay.
Aalis ako ng bahay na walang laman ang aking sikmura dahil wala kaming bigas at pagdating naman ng tanghalian ay wala din akong pananghalian at minsan binigyan ako ng pagkain ng aking guro.
At pag uwi naman sa hapon mura ang sasalubong sa akin dahil gusto ng mga magulang ko ay dapat alas kwatro palang nasa bahay na ako upang magkapag pastol ng mga hayop at makahanap ng pag kain namin.
"Pesting bata ka bakit ang tagal mo umuwi"? Tanong ng aking ina.
"Ehh kasi po nay alas singko na po kasi ang uwian namin,"sagot ko naman.
"Sinungaling kang pesti kang bata ka"!