Hi
My name is Samantha bago lang po ako sa larangan ng pag susulat pero sana suportahan nyo, bilang manunulat ay marami pa akong dapat pag aralan. Dati po isa lang lang ako readers hanggang isang araw ay nag decide po ako na mag share po ng sarili kong akda.
Fold
May isang lugar sa Balamban na malayo sa baryo, ito ay ang Sitio Elihan, tatlo lang dito naninirahan at hindi pa gaano kalapit ang kanilang kapitbahay. Bundok ito at malapit sa batis at kagubatan, mayroon doong malaking kuweba na kapag tuwing bumabagyo, roon sumisilong ang mga alagang baka, kalabaw at kambing.
Si Rosa, ay isang batang puno ng pangarap. Pangarap niyang makaahon sa hirap kaya nagsusumikap siya para makamit ito. Sa murang edad niya ay natuto siyang magbanat ng buto, tumutulong siya sa pagsasaka sa bukid.
Salat sila sa mga bagay kahit isang radyo transistor ay wala sila dahil sa hirap ng kanilang buhay. Kailangan pa nilabg mag trabaho sa ibang tao para lang may pagkain sila sa mesa. Kailangan nilang magtabas ng mga damo sa kapitbahay para magkapera upang may pang tustos sa kaniyang pag- aaral, pambili ng gamit sa paaralan at pambili ng bigas.
Kung walang magpatabas ng damo, nagtatanim siya ng luya o 'di kaya naghahakot ng mga kamatis sa halagang singkuwenta sentimos, bawat kilo ng kamatis na kaniyang madala mula sa bukid papuntang baryo ay malaking bagay na para sa kaniya.
Kahit anong sideline pinapatos niya para lang magkapera. Ngunit kahit ganoon kahirap ang buhay, masaya si Rosa dahil kumpleto ang kaniyang pamilya. Kahit pa nga ang agahan lamang nila ay kamote, masaya nilang pinagsasalu-saluhan iyon. Hindi nya inaalintana ang hirap ng buhay dahil naniniwala siya na balang araw ay makaahon din sila.
Subalit sadyang malupit ang kapalaran, sapagkat hindi ito sumang-ayon ayon sa kaniyang kagustuhan. Dahil sa nangyari, nagpasya siyang lumuwas ng kabihasnan at doon siya magpapatuloy sa pag-aaral.
Ano kaya ang kapalarang naghihintay kay Rosa sa bago niyang tahanan?
Paunawa :
Ang mga pangalan at katauhan sa akdang ito ay kathang isip lamang at hindi nag papakita ng totoong kaganapan kong anu man ang pagkakahalintulad sa mga totoong pangyayari ito ay hindi sinasadya at nagkakaton lamang.
🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞
RATED SPG 🔞❗❗❗❗❗❗❗
Si Hiraya ay pangalawang anak sa tatlong magkakapatid isang anak ng labandera na pilit tinagtauyod ng kanilang ina simula ng silay iniwan ng kanilang ama. Ang kanilang ate Mylene ay nag aaral ng nursing pero dahil sa liit ng kita ng kaniyang ina ay napilitan itong huminto at naghanap nalang ng trabaho. High school pa lang si Hiraya Selene humahanap din siya ng raket para makatulong sa kanilang pamilya nandyan iyong nagsisideline siya ng pagiging waitress, pag alaga ng bata at minsan sumasama din siya sa kanya ina sa pag lalabada.