ISANG ARAW bigla nalang akong pinagalitan ng titser ko dahil lumiban ako sa klase na walang paalam, ang dahilan ay tumulong naman ako sa bukid sa mag aani ng mga mais dahil paparating ang bagyo.
Rosa, bakit lagi ka nalang lumiliban sa klase ko"? "Sana nag bakasyon ka nalang buong taon"!
"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong laging umaabsent tapos kapag mag quest, zero ka naman"! "
" Ehh ma'am tumutulong po kasi ako sa pag aani sa bukid kasi may bagyo na naman na", katwiran ko.
Ganon lagi ang scenario aabsent ako kada linggo or di kaya isang buwan limang beses lang ako pumasok at lagi ako makakatanggap ng warning sa guro at minsan tinatakot ako ng mga kaklase ko na dina drop na ako ng guro namin dahil sa haba ng absent ko.
Habang nasa silid aralan na kami ang ingay ng mga kaklase ko kaya nung dumating si titser galit na galit siya sa amin nag bitaw siya ng mga ng mga profanity words na ang akala ko ay normal lang dahil paraan niya ito sa pag disiplina, dahil nga kulang ang aming mga magulang sa kaalaman hindi na nila ito ni report sa pamunuan ng DepEd. Hanggang sa madalas na niya ito gawin sa amin nandyan iyong sabihin niya na sana dadalhin kami ng maitim na hangin,
"Mga y@wa kayo, sana mamat@y kayong lahat".
Hindi namin i namalayan lumipad na ang aklat papunta sa amin, minsan kwaderno or di kaya eraser. Ganun kalupit ang isang guro namin siya lang bukod tanging asal hayop.
Nag daan pa ang mga araw, linggo at buwan patuloy pa rin ako sa pagpasok sa eskwela kahit na hirap na hirap ako dulot ng stress sa pamilya ko at sa paaralan. Hindi sa pagbubuhat ng upuan may aking talino din naman ako sa tuwing may periodical exam kami isa ako sa nakakuha ng mataas na score sa test paper, kaya dahil dyan binubully ako baka daw may kodigo ako na tinatago. Kinukurot nila ako para lang umamin ako, ganun kalupit ang mga kaklase ko sa akin wala akong patutunguhan dahil minamaliit nila ang aking kakayahan.
"Umamin kana, Rosa"!sabay hila ng buhok ko, "Saan mo tinatago ang kodigo mo sabi ni Maret na kaklase ko
" Wala nga akong kodego", sagot ko sa kanya.
"Hindi ko kasalanan kong mas matalino ako kaysa sayo"!
"Ahh ganun"? Sabay hila sa akin sinabunutan nila ako at pagtulong tulungan.
Kahit ako na ang nasasaktan ako pa rin lumabas na troublemaker sa aming silid aralan, ang masakit pa kinakampihan ng aming guro ang mga nang bubully sa akin dahil lang sa tingin niya sa akin isang mahirap na estudyante. Masakit man isipin pero tiniis ko ang lahat ang pang alipusta nila sa akin dahil sa tuwing may babayaran kami sa paaralan tulad ng measelenious lagi akong huli dahil ayaw maniwala ng aking nanay na may babayaran kami, ganun sila ka higpit sa pera baka lang daw ipambili ko ng kendi.
Grade three ako noong naglayas ang nakakatandang kapatid ko dahil sa sobrang higpit ng aking ama sa mga panahong iyon ay nasa ikalimang baitang na siya sa edad na labing apat na taon, wala akong magawa, hindi ko siya napigilan dahil natatakot din ako na baka patayin siya ng aming ama dahil nag banta na ito na kapag ayaw niya makinig ay puputulan na siya ng mga paa. Sa mga panahong iyon sobrang lungkot ko, ay bago ako matulog umiiyak ako, pagkagising ko ng madaling araw iiyak na naman ako, at sa mga sandaling iyon napagtanto ko na wala na akong katuwang sa gawaing bukid at sa pag papastol ng mga hayop dahil ang kapatid kong lalaki ay hindi maasahan, isang dakilang tamad pa ito, tulad ni Juan.
Nagpatuloy ako sa aking pag aaral baon ang pag asa na balang araw magkikita pa kami ng aking nakakatandang kapatid at balang araw ay kukunin niya ako sa poder ng aking mga magulang dahil sa totoo lang nasusuklam na ako sa amin, kapag mainit ang ulo ng aking nakakatandang kapatid na lalaki ay ginugulpi nya ako na walang dahilan hinahampas niya ako ng kahoy kahit saanng parti ng katawan ko matamaan wala siyang pakialam, dumating sa punto nagdilim na ang paningin ko kong anong mahawakan niya ipalo niya sa akin, naranasan ko din na sinakal niya ako, na akala ko ay katapusan ko na.At tinutukan niya ako ng kutsilyo, at muntik na rin niya hiwain ang aking tenga. Dahil sa galit niya ay mga gamit ko sa paaralan ang pinag buntungan niya sinira niya ang bag ko na kabibili ko lang gamit ang sarili kong pera galing sa mga kamatis na pinag bubuhat ko at sa paggapas ng mga damo sa aming kapitbahay.
"Minsan napaisip ako kapag ba mamatay ako iiyak kaya sila" ? Dahil sa mga pangyayari iyon lumayo ang loob ko sa kanya, sa murang edad ko natuto akong mag dasal na ng hindi maganda na sana mamatay nalang siya para hindi na niya ako sasaktan pang muli. Pero sadyang malakas talaga ang kapit niya satanas at tama din ang kasabihan na
"MASAMANG DAMO MATAGAL MAMAT@Y". Dahil dalawang beses na siyang na aksidenti buhay parin siya,
Noong 9 years old siya nabundol siya ng kotse tumilapon siya ng tatlong metro galos lang natamo niya. At naulit naman ito noong siya ay 26 na taong gulang at sa pagkataong iyon ay hindi biro dahil sa lalim ng bangin na binagsakan nila sakay ng isang bulldozer truck. Nawalan ito ng preno na ikinahulog ng seventy feet o katumbas ng mahigit twenty one meters. On the spot binawian ng buhay ang operator ng bulldozer samantalang siya ay bali ang binti, beywang at braso.
Sa mga panahong iyon halos mabaliw ang aking ama dahil sa nangyayaring aksidente ng kanyang unico iho. Mabuti nalang sagot ng kumpanya ang gastos mula pagakain hanggang sa operasyon na halos umaabot ng limang daang libo, umaabot ng kalahating taon pero hindi pa siya masyadong naka rekober dahil sa matinding pinsala na tinamo niya.
At habang ito ay nag papagaling
"Tatay"!..... "Tayyyy"! Tawag niya sa aming ama.
"Pisti ba nimo tay," bakit ang tagal mo?
" Bigyan mo ako ng kanin"! Sigaw niya sa aming ama..
Hindi siya magawang saktan ng aming ama kahit minumura na niya dahil mahal na mahal siya nito hindi tulad naming mga anak niya babae madali lang niya pag buhatan ng kamay.