Alas dyes na ng gabi kami nakauwi mula sa surprise engagement na ginawa nila sa akin. Walang pagsidlan ng kasiyahan dito sa aking puso at sobra akong nagpapasalamat sa buong maykapal sa mga oras na ito. “Tatay saan na nga pala si Manong Julio bakit hindi siya kasama mo?”, tatnong ko kay itay. “May trabaho siya, kaya hindi siya lumiban, babawi na lang siya sa kasal mo”, mahinahong niyang sagot. Medyo nalungkot ako kahit paano kapatid ko parin siya kahit parang aso’t pusa kami pero okay na yon. “Matulog na po kayo itay, medyo malalim na ang gabi”,sabi ko na lang sa kanya. Nakita ko kasi siya umiinom ng alak. “Huwag muna kayo mag tabi ni Michael matulog, hindi magandang tingnan, hindi pa kayo kasal”, nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nag papahalata,kung alam lang ng itay na

