Chapter - 3

1035 Words
Kinagabihan sa hapunan wala si Kenzo at hinahanap ito ng Papa at ng Don. Hindi naman din niya namalayan na umalis pala ang amo kaya hindi ito nakasabay sa hapunan. "Saan na naman ba ang batang iyan? Mula ng maka uwi siya hindi na mapirmi dito sa bahay!" Saad ng Don habang nagsisimula na itong kumain kasabay ang nag-iisang anak nito na siyang Papa ni Kenzo. "Ken hindi mo ba kayang sawayin iyang anak mo?" May galit na tanong ng Don sa anak nito. Tahimik naman siyang nag-aahin ng pagkain sa mesa at pasimpleng nakikinig sa usapan ng mag ama. Interesado kasi siya sa buhay ng kanyang batang amo. Paano buhay prinsepe na ito at meron an ito ng lahat, pero pasaway pa rin. Marahil masyadong spoiled kaya ganito kung umasta. Lahat naman yata kasi ng mga anak mayaman spoiled umasta, dahil nga lahat ng magustuhan ng mga ito ay nakukuha ng mga ito. Samantalang may mga katulad niyang salat sa lahat na para bang sinumpa, na dapat pa niyang pagpaguran ang isang bagay na gusto niya kahit simpleng bagay lang iyon. "Huwag po kayong mag-alala Papa pagsasabihan ko po si Kenzo," tugon ng Papa ni Kenzo. "Nasaan na naman ba ang batang iyan? Panigurado nasa lumang bahay ng Mama niya na ginawa niyang tambayan ng mga barkada niya!" Inis na saad ng Don. Wala pa siyang masyadong idea sa pinag-uusapan ng dalawa, dahil nga isang buwan pa lamang siya sa mansyon at last week lang din umuwi ang batang amo sa mansyon. Nais pa sana niyang makinig sa usapan ng mag ama, kaya lang tapos na niyang maiahin ang lahat ng pagkain sa mesa. Para ngang fiesta sa dami ng putaheng iniluto ng tagapagluto sa mansyon tatlo lang naman ang kakain at wala pa ang isa, kaya dalawa lang. At paniguradong hindi mauubos ng mag ama ang mga pagkain, kaya sila-silang mga kasambahay din ang makikinabang sa masasarap na pagkain. Isa iyon sa nagustuhan niya sa pag stay niya sa mansyon, hindi kuripot sa pagpapakain ang Don sa kanilang mga kasambahay. Kung ano ang kakainin ng mga ito ay ganun rin ang sa kanila. Kaya naman mula nang makarating siya ng mansyon ay hindi na siya muling nagutom pa at nakakakain na siya ng masasarap na pagkain, lalo na ang mga prutas na hindi naman niya nakakakain noon dahil walang pambili. "T'yang bakit po ba laging umaalis ng bahay si Sir Kenzo?' Tanong niya sa Tiyahin nang magtungo sa kusina at maupo sa mesa kung saan nakaupo rin ang iba pang kasambahay. Hihintayin pa kasi nilang matapos kumain ang mga amo nila saka magliligpit at kakain na rin. "Naku, Aila huwag mo nang alamin kung saan nagpupunta iyang si Sir Kenzo,' sabat ng kasama nila sa trabaho na marahil nasa singkwenta na pataas. "Bakit po Manang? Saan po ba? Parang lagi na lang po kasi siyang wala sa bahay, at hinahanap ng Don,' saad niya. "Eh, Aila bakit pa parang interesado kang malaman mo? Sinabi ko naman sa iyo na hindi porke malapit ang edad niyo ni Sir Kenzo at magka eskwela kayo eh pwede na kayong maging mag kaibigan o ano pa man. Amo mo pa rin si Sir Kenzo at katulong ka niya!" Paalala sa kanya ng Tiyahin niya sabay tayo mula sa pagkakaupo at iniwan sila sa may mesa. Lagi naman ganun ang mga sagutan ng tiyahin niya basta pagdating kay Sir Kenzo, kahit wala naman siyang sinasabi o pinapakita na nais niyang magpa cute sa batang amo nila. "Naku, iyang Tiyahin mo pinapairal na naman ang pagka matandang dalaga," saad ni Manang Patris. "Oo nga! Palibhasa matandang dalaga,' saad naman ng isa pang kasambahay. Hindi na lamang siya kumibo. Sanay na siya sa mga parinig sa kanya ng Tiyahin lalo na pag sinasabi nitong katulad siya ng Mama niya, na pag nagka edad na siya gagaya rin siya sa yapak ng kanyang ina. Bagay na hinding-hindi niya gagawin. Hindi siya magpapabuntis sa kung sinong lalake lang. Hindi siya mag-aanak ng walang ama ay iiwan ito. Lahat ng dinanas niya sa ina ay hindi mararanasan ng magiging anak niya, kung sakaling magkaka anak siya. Pero kung siya ang papipiliin hindi niya nanaisin na magka anak sa ganitong estado niya sa buhay. Madadagdagan lang ang mga batang nahihirapan sa mundo. Pero wala din siyang balak maging katulad ng kanyang Tiyahin na para bang galit sa mundo, laging nakasimangot at laging galit kung magsalita, pero kahit ganun sa kanya ang Tiyahin ramdam niyang concern ito sa kanya at may malasakit, bagay na hindi niya naramdaman sa sarili niyang ina. "Pasaway po ba si Sir Kenzo? Bakit parang sakit po siya ng ulo ng Papa niya at ng Don?" Curious niyang tanong sa mga kasama. "Eh mabait naman iyang si Sir Kenzo, magalang iyan at hindi mapag mataas. Pamilya ang turing niya sa aming mga katulong dito sa mansyon,' seryosong saad ni Manang Patris. "Oo, totoo iyan. Napakabait niyang si Sir Kenzo. Pero may nangyari kaya nagbago siya," saad naman ng isa pang kasambahay. "Ano po ang nangyari?" Kunot noo niyang tanong at pinaglipat-lipat sa dalawa ang kanyang mga mata. Magsasalita na sana ang mga ito nang mapapitlag silang tatlo nang marinig ang tawag ng Don mula sa komedor. Mabilis silang nagsi tayuan at nagmamadaling naghiwa-hiwalay na para bang may ginagawang masama at takot mahuli ng amo. Hindi naman masama na pag-usapan nila ang batang amo, lalo na't para makilala niya ito at malaman niya kung anong klaseng tao ito. Ang Don kase at ang Papa ni Kenzo at masasabi niyang mababait, marespeto sa kapwa at matulungin. Sayang naman kunh hindi ganun ang pag-uugali ng batang Fisher. Curious na curious tuloy siyang malaman kung ano ang nangyari kay Kenzo para maging pasaway sa at maging sakit ng ulo sa Don at ama nito. Nag-iisang apo pa naman ito at walang dudang nag-iisang tagapagmana ng mga Fisher pagdating ng panahon. Kung sakali na siya ang maging apo ng Don wala siyang gagawin kundi magpakabuti at i enjoy ang luxurious life na bigay sa kanya. Hindi siya gagawa ng ikakasama niya at ikakagalit sa kanya ng mayamang lolo at ama. Iyon nga lang hindi siya si Kenzo. Siya si Aila na isang mahirap lang at katulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD