Chapter - 2

1338 Words
Madilim na nang magsialisan ang mga bisita ni Kenzo at siya na ang inutusan ng Tiyahin na maglinis ng kalat sa may pool area. Pagdating niya sa swimming pool, may tao pa sa pool. Lumalangoy. At sa tingin niya ay ang amo, dahil nakita niyang umalis ang pick-up na sasakyan ng mga bisita nito. Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy na sa pagliligpit o patatapusin muna ang amo sa paglangoy. Naisip niyang marami pa nga pala siyang gagawin sa kusina pagkatapos. Kaya kailangan na niyang matapos ang swimming pool. At baka magalit na naman sa kanya ang Tiyahin niya na mabagal siyang magtrabaho. “Tapusin ko na nga ito,” bulong niya at lumapit na sa may swimming pool para magligpit ng kalat. Puro can ng alak at bote ang nasa sahig. Na para bang nagkaroon talaga ng matinding inuman kanina. Pero parang hindi naman nagsilasing ang mga ito. Kung sa bagay, pag sanay na sa inuman, hindi na madaling malasing. “Who are you?” Nagulat pa siya nang marinig ang tanong ng kanyang amo sa kanyang likuran. Mabilis siyang napalingon at nagulat nang makita ang amo na sobrang lapit sa kanya. Sa kanyang gulat, napaatras pa siya at muntikang matumba. Mabuti na lang at mabilis ang kamay ni Kenzo na agad nahawakan ang kanyang bewang para pigilan ang pagbagsak niya. Tumutulo ang tubig mula sa basang katawan nito na halos bumasa sa kanya habang nakatingala sa gwapong mukha nito. Napalunok siya habang nakatitig sa mga mata nito. Ngayon pa lang siya nakalapit nang ganito kalapit sa amo. At ngayon pa lang din niya napansin ang magandang mga mata nito na tila ba mix colored ng gray at blue. Depende siguro sa lights. Halatang may ibang lahi ito at hindi purong Pinoy. Although halata naman sa tangkad pa lang nito at tindig. Ang balikat, malapad. Ang dibdib, basa at tumutulo ang tubig pababa sa puson. “Are you okay?” tanong sa kanya ng amo na bahagya lang gumalaw ang manipis nitong labi na masasabi niyang napakaganda ng hugis. Malakas ang kabog na naririnig niya mula sa kanya habang hindi magawang alisin ang mga mata sa magagandang mata nito. Hindi na nga niya alintana ang tubig na tumutulo sa kanya. Ang lamig ng tubig, dumidikit sa damit niya. “Who are you?” muli nitong tanong sa kanya na tila nagpagising sa kanya. Ang boses, mahinahon pero may diin. “Ah… Eh…” saad niya at hindi malaman kung paano iiwas dito dahil hawak pa rin nito ang kanyang bewang. Ang mga daliri ni Kenzo, mainit kahit basa ang katawan nito. “Ako po si Aila,” tugon niya. Marahil napansin nito ang nais niyang umiwas kaya naman kusa na siya nitong binitiwan habang hindi pa rin ito nag-aalis ng tingin sa kanya. This time, maingat siyang umatras palayo sa amo na walang ginawang hakbang para lumayo sa kanya kahit kaunti, kahit alam naman nitong nababasa siya ng tubig galing sa basa nitong katawan. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin sa amo. Saka pa lang niya napansin na wala pala itong suot na pang-itaas at tanging short na panligo lang. Masyado kasi siyang naka-focus sa mga mata nito dahil ngayon pa lang siya nakakita ng ganoon kagandang kulay ng mga mata sa personal. Ang tiyan nito, may linya. Ang balat, makinis kahit basa. “Anong ginagawa mo rito sa mansyon ng mga Fisher?” tanong sa kanya ni Kenzo. Ang boses, hindi galit. Nagtatanong lang. “Isa po ako sa mga kasambahay niyo,” magalang niyang tugon kahit nahihiya ritong sabihin na kasambahay lang siya. Wala namang masama sa pagiging kasambahay. Malinis at marangal na trabaho ito. Isa pa, ito ang nagpapaaral sa kanya. Kaya hindi niya dapat ikahiya ang pagiging isang kasambahay. “Ah. Kaya pala ngayon pa lang kita nakita rito sa mansyon,” saad nito at ngayon pa lang ito umatras sa kanya palayo. Pinagpasalamat niya ang paglayo nito sa kanya kahit bahagya dahil nakahinga siya nang maluwag at nabawasan ang kaba niya. “Bakit familiar ka sa mga kaibigan ko?” tanong nito sa kanya. Hindi yata nito alam na isa din siyang estudyante sa De La Cerna University. Kung sa bagay, sino ba siya para alamin pa iyon ng amo. “Baka po nakita po nila ako sa university,” tugon niya. “Estudyante ka?” tanong nito. Ang kilay, tumaas. Banayad siyang tumango dito. “Opo, Sir,” tugon niya. “Ah. Kaya pala,” saad nito. “Iyong lalaki kanina, si Jake iyon. Iwasan mo siya kung makita mo siya sa university,” saad nito sa seryosong tinig habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. “Ho? Bakit po?” kunot-noong tanong niya. Hindi niya maalala kung sino sa dalawang lalaki kanina ang tinutukoy nito. Basta ang alam niya, parehong may mga tattoo ang mga kaibigan nito. Pero si Kenzo, mukhang wala pa itong tattoo. Baka sa susunod, mapupuno na rin ito ng tattoo sa katawan. “Panganib siya para sa batang katulad mo,” tugon nito sabay talikod. Ang likod nito, basa pa rin. Ang buhok, tumutulo pa. “Bata? Hindi na po ako bata, Sir,” saad niya habang nakasunod ng tingin sa amo na lumapit sa isang upuan para kunin ang tuwalyang naroon. “Bakit, ilang taon ka na ba?” tanong nito na hindi man siya sinusulyapan. Ang tuwalya, isinampay sa balikat. “Eighteen na po ako, Sir,” tugon niya. “Eighteen ka pa lang pero ang tingin mo sa sarili mo hindi na bata,” saad nito saka iniling ang ulo nang sulyapan siya. Ang tingin, parang hindi naniniwala. Hindi siya kumibo. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. “Sige na, maglinis ka na riyan,” saad nito nang matahimik siya. “Opo, Sir,” tugon niya. Sinulyapan lang siya nito at lumakad na ito palayo sa kanya. Sinundan naman niya ito ng tingin habang patungo sa malaking pintuan ng mansyon. Napalunok siya nang bumaba ang kanyang mga mata sa magandang pang-upo ng amo. Bihira sa mga lalaki ang may magandang hubog ng pang-upo. Marahil madalas sa gym ang amo kaya may maganda itong katawan. Ang shorts nito, basa at nakadikit. Ang mga binti, mahaba at matipuno. “Tigilan mo nga ang pag-iisip ng kung anu-ano diyan, Aila! Maglinis ka na at nang matapos ka na!” sita niya sa sarili at mabilis na pinunasan ang basa sa kanyang katawan na galing mismo sa katawan ng kanyang gwapong amo. Ang damit niya, dumikit na sa balat. “In fairness, gwapo siya. Para siyang Hollywood celebrity,” bulong niya at nahuli ang sarili na nakangiti. Ang puso niya, mabilis pa rin. Agad niyang sinuway ang sarili. Alam niya ang lugar niya at hindi siya dapat humanga sa amo niya. Dahil baka mawalan pa siya ng trabaho. Mabilis na niyang lininis ang swimming pool para magawa na rin ang iba pa niyang trabaho at makapag-aral pa siya. May exam sila bukas. Hindi niya nais pabayaan ang kanyang pag-aaral kahit wala siyang grades na kailangan i-maintain dahil mismong ang Don ang nagpapaaral sa kanya. Nais niyang galingan para pagka-graduate niya, makahanap siya agad ng trabaho at hindi na niya kailangan mamasukan pa bilang kasambahay. Nais niyang may marating sa buhay. Hindi pwedeng hanggang dito lang siya. Kahit mag-isa lang siya, marami siyang pangarap sa buhay. Pinabayaan na siya ng nag-iisang pamilya niya. Kaya naman dapat lang na itaguyod niya ang kanyang sarili at patunayan sa ina na kaya niyang iangat ang sarili. Mula nang magkaisip siya, wala siyang nakilalang ama. Ang sabi nila, bago pa man daw siya pinanganak, namatay na ang Tatay niya. Namulat siya na kasama ang ina na iba-iba ang kinakasamang lalaki. Hanggang sa magkaisip na siya at makilala na nga ng ina ang isang Hapon na siyang sinamahan nito sa Japan at iniwan na siya nang tuluyan. Ayos lang sa kanya ang lahat. Basta ang mahalaga, patas siyang lumalaban sa hamon ng buhay. Sabi nga nila, kung pinanganak kang mahirap, nasa sa iyo na iyon kung mamamatay kang mahirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD