Chapter - 20

1520 Words
"Baka naman Aila masyado kang mag enjoy sa pagsama-sama mo kay Sir Kenzo at mapabayaan mo ang pag-aaral mo. Huwag mo naman akong ipahiya sa Don. Tiwala din siya sa iyo na magtatapos ka ng pag-aaral mo at magiging personal nurse ka niya," litanya ng Tiyahin nang makita siya nitong nag-aayos dahil aalis sila ni Kenzo ngayong gabi. Trabaho na niya ang samahan ang amo saan man ito magpunta dahil bayad siya ng Don at bayan din siya kay Kenzo. "Huwag po kayong mag-alala Tiyang hindi ko po pababayaan ang pag-aaral ko. Goal ko po ang makapagtapos ng pag-aaral,' tugon niya sa Tiyahin. Hindi na lang niya binanggit pa na wala siyang planong manilbihan sa Don pang habang buhay. May sarili na siyang plano pagla graduate niya at hindi na iyon mababago pa. "Dapat lang Aila, nakakahiya naman sa Don na nagpapaaral sa iyo kung hindi ka makapagtapos at hindi mo siya maalagaan," saad ng Tiyahin sa kanya. Hindi na lamang siya kumibo at hindi na tinama pa ang Tiyahin tungkol sa Don. Saka na niya iisipin ang lahat pag naka graduate na siya at nakapasa sa board exam. Marunong naman siyang tumanaw ng utang na loob, pero sana naman hayaan siya ng Don na gawin ang gusto niya at huwag nitong isumbat ang pag tulong nito sa kanya pagdating ng panahon. Nabanggit ni Kenzo na sa isasama siya nito sa frat house. Una niyang tinanong kung may dress code ba sa pupuntahan nila para naman alam niya kung ano ang isusuot niya. Sinabi naman nitong pwede niyang isuot ang gusto niya. Kaya naman pinili niyang mag maong pants na lang at blouse na binili rin naman nila ni Kenzo mall noon. Bilin kasi sa kanya ni Kenzo na sa tuwing ito ang kasama niya huwag siyang magsusuot ng mga luma niyang damit, para hindi daw siya magmukhang kawawa. Hinayaan lang niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok at nag apply na rin siya ng kaunting make up na nabili niya online. Dahil na rin sa extra kita niya sa Don at kay Kenzo nabibili niya ang lahat ng gusto niya ngayon, habang patuloy pa rin siya sa pag-iipon. Magaling naman siyang humawak ng pera at hindi siya basta bili ng bili, kaya kahit papano nakakaipon siya. Kailangan niyang makaipon para pagdating ng panahon makakaalis siya sa mansyon para sa pangarap niya. Wala naman siyang ibang maaasahan kundi ang sarili lamang niya, kahit naman ang Tiyahin niya hindi niya maaasahan dahil nakapako na ito sa mansyon, mukhang habang buhay na itong magsisilbi sa mansyon, hindi dahil iyon ang gusto nito, kundi iyon na ang nakasanayan nito at takot itong sumubok sa pagbabago. Kaya hindi na siya magtataka pa kung bakit hindi ito nagkapamilya pa. Dalawa lang itong magkapatid ng Nanay niya at magkaiba pa talaga ang personalidad. Ang Nanay niya malakas ang loob at mataas ang pangarap, may pagka ambisyosa which is maganda naman sana kaya lang sumobra lang ang Nanay niya na nagawa pa siyang iwan para sa ambisyon nito. Ang Tiyahin naman niya kung ano ang nariyan iyon na iyon para rito. Mabuti na lang din at namana niya ang tapang ng kanyang ina. Palaban sa bawat pagsubok sa buhay, at hindi basta-basta sumusuko. Pero kailanman hindi siya tutulad sa ina na kayang iwan ang anak para sa ambisyon. Habang nag wiwisik siya ng pabangong nabili lang niya sa supermarket tumunog ang cellphone niya. May chat sa kanya si Kenzo. Mag friend na nga pala sila ng amo niya sa social media at doon na siya nito chinachat. Ngayong friend na nga sila nito marami siyang nakikitang naka tagged na mga larawang rito galing sa mga barkada nito, pero katulad lang din niya ang amo na hindi mahilig mag post ng kung anu-ano sa social media. Agad naman siyang nag reply sa amo na lalabas na siya dahil aalis na daw sila at binilisan na niya ang pag-aayos saka nagpaalam sa Tiyahin na nagpapahinga na rin kasama ang iba pang kasambahay sa maids room. Halos tumakbo na nga siya palabas ng mansyon dahil hindi maganda na ang amo ang naghihintay sa kanya. Nakakahiya iyon at baka magalit pa sa kanya si Kenzo. "Pasensya na po Sir Kenzo," aga niyang paumanhin. Tumango naman ito sa kanya at sumenyas na sumakay na sila sa sasakyan. Agad na rin itong kumilos pasakay sa driver seat. "Mamaya lumipat ka na lang sa likuran," saad ni Kenzo sa kanya habang palabas na ng gate ang sasakyan nito. "Ah.. Sige po Sir Kenzo," tugon niya rito. Bilang isa lamang siyang katulong wala siyang karapatang magtanong sa amo. At kailangan niya itong igalang saan man sila nito, iyon ang bilin sa kanya ng Don. Hindi nais ng Don na tawagin niyang Kenzo ang apo nito, at hindi ito igalang sa pampublikong lugar, kaya naman sumusunod lang siya sa Don kahit nasabi na ni Kenzo na naiilang siya sa pag galang niya rito. "Susunduin ko kasi si Raven sa isang coffee shop, daanan na muna natin siya,' saad ng amo sa kanya kahit hindi naman siya nagtatanong rito. "Sige po," tugon naman niya rito. Kahit hindi niya nagustuhan na makakasama nila sa loob ng sasakyan ang girlfriend nito. Sino ba siya para mag reklamo. Wala siyang karapatan dahil katulong lang siya at girlfriend si Raven. Pagdating sa nasabing coffee shop kung saan naghihintay si Raven kay Kenzo, bumaba na rin siya para lumipat sa likod ng sasakyan at doon na lang naghintay habang sinusundo ni Kenzo ang girlfriend nito. Kung siya ang mayamang lalaking katulad ni Kenzo hindi siya makikipag relasyon sa babaing katulad ni Raven. Oo maganda ito at seksi malakas ang dating sa mga lalake, pero hindi ito desente. Iba pa rin pag maayos manamit at desenteng tignan ang isang babae. Panigurado namang aayawan ng Don si Raven pag nakita nito. Masyado kasing seksi kung manamit laging nakasilip ang cleavage at makinis na legs. Isama pa ang makapal na make up nito at mga matang tila laging nang-aakit ng lalake kung tumingin. Well, sariling obserbasyon lang naman niya iyon. Baka kase may nakita si Kenzo kay Raven na nagustuhan talaga nito, maliban sa malalaking hinaharap ni Raven. Pagsakay ng dalawa sa sasakyan marahil hindi siya napansin ni Raven nang mauna itong sumakay sa passenger seat dahil pinagbuksan ito ni Kenzo. Pag upo pa lang kase ni Kenzo sa driver seat hinila na agad ni Raven ang batok ni Kenzo para halikan ito sa labi. Napaatras pa nga siya sa kanyang kinauupuan habang nagtutukaan na naman ang dalawa sa harapan niya. Ayaw na niyang isipin kung ano pa ang ginagawa ng mga ito pag wala kasama ang mga ito. Panigurado kasing hindi halik ang gagawin ng mga ito. Sa itsura at kilos pa lang ni Raven na para bang gutom na gutom ito habang hinahalikan si Kenzo at hindi naman tumatanggi itong si Kenzo at gumaganti pa talaga ng halik. Sa kilos ng dalawa mukhang normal at gawain na talaga ng mga ito ang ganito. "Let's do this, bago tayo magpunta ng frat house,' maarteng saad ni Raven kay Kenzo nang sa wakas maghiwalay ang mga labi ng dalawa. "Oh, we can't do that now,' tugon ni Kenzo kay Raven at nilingon siya nito. Mukhang na gets naman ni Raven ang naging tugon ni Kenzo at lumingon din ito sa kinauupuan niya. Nagulat ito nang makita siya at napatili pa saka napamura nang makita siyang nakaupo sa likod. "Kanina ka pa ba diyan?" Tanong pa nito sa kanya. Tumango naman siya bilang tugon. "Damn, Kenzo!" Mura nito at iniling ang ulo. "Tara na nga sa frat house!" Inis na saad ni Raven kay Kenzo. "Bakit naman kase kailangan mo pang isama ang P.A mo pati sa mga ganitong party," inis na saad ni Raven kay Kenzo. "Si Lolo ang may gustong isama ko siya. Trabaho lang din niya na sumunod sa lolo ko," tugon ni Kenzo habang umaandar na ang sasakyan at kung pag usapan siya ng dalawa ay parang wala siya roon. "Hanggang kailan at hanggang saan ka naman dapat sundan ng P.A mo?" Inis na tanong ni Raven. Mula sa salamin tinapunan siya ng masamang tingin ni Raven. Wala naman siyang magawa girlfriend ito ng kanyang amo. "Ewan ko kay lolo, kung hanggang kailan ang trip niyang ito," tugon naman ni Kenzo sa kanya. "Baka naman pati sa frat house mamaya hindi kita masolo Kenzo dahil sa P.A mo!" Iritang saad ni Raven kay Kenzo saka siya nito sinulyapan. "Wala ka bang ibang mahanap na trabaho at pati ang maging sagabal at istorbo sa buhay ng iba ay kinakarir mo!" Saad ni Raven sa kanya nang sulyapan siya sa likuran. Halata sa tono at ekspresyon nito ang galit at inis sa kanya. Kung siya lang hindi naman din niya gusto ang ganitong uri ng trabaho. Kailangan lang talaga niya ng pera. "Pasensya na," paumahin na lamang niya kay Raven. "Ihanap mo nga siya ng partner mamaya sa frat house para naman hindi niya tayo sundan ng sundan," saad ni Raven kay Kenzo. "Hayaan mo na, titigil din ang lolo ko pag nalaman niyang wala naman akong ginagawang masama," tugon ni Kenzo sa girlfriend nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD