Chapter - 19

1403 Words
"Kenzo sa lunes sumama ka sa Papa mo sa opisina para maipakilala ka na niya sa mga board members," saad ng Lolo niya sa kanya habang kumakain sila ng almusal sa hapag kasabay ang kanyang Papa. Noon kasama pa nilang mag breakfast ang Mama niya, until hindi na kinaya ng Mama niya ang ugali ng Don kaya mas pinili na lang ng Mama niya na umalis at iwan sila ng kanyang Papa. Sa nangyari sinisisi niya ang kanyang Papa. Ilang beses na rin kasing niloko ng kanyang Papa ang kanyang Mama, paulit-ulit na pambababae, bagay na hindi na kinaya ng kanyang Mama. Kaya naman hindi niya maitago sa kanyang sarili ang galit na nararamdaman niya sa ama, idagdaga na rin ang galit niya sa Don na napakataas ng tingin sa sarili na akala yata nito ito na ang pinaka perfect na tao sa mundo. Yes, successful ang Papa niya ang Lolo niya sa larangan ng negosyo, pero hindi iyon ang basehan para sa kanya, mas nais niyang matawag na successful kung may buong pamilya at nagmamahalan ang lahat. Hindi katulad ng pamilyang meron siya ngayon, hindi niya maipagmalaki ang pamilya niya dahil sira ang kanyang pamilya sa kabila ng marangyang pamumuhay. Mas pipiliin siguro niya na mamuhay ng simple lang middle class, basta may buo at masayang pamilya. "Tama ang Lolo mo Kenzo, kailangan mo nang makilala ang mga nasa board members natin, graduating ka na at ikaw na ang susunod sa posisyon ko," segunda ng kanyang Papa. Hindi siya kumibo tinuloy ang kinakain. Hindi naman kasi siya interesado sa ano mang posisyon na ibibigay ng mga ito sa kanya. Kahit na ilang beses na niyang narinig sa ama at lolo niya na napakaswerte niya dahil hindi na niya kailangan pag paguran pa ang isang posisyon na pinapangarap ng marami. Mapapasakamay niya ang posisyon dahil lamang isa siyang Fisher, ganun lang walang effort. "Nabanggit pala sa akin ni Aila kagabi na nagpunta kayo sa isang yatch party," saad ng Don sa kanya. Nag angat siya ng ulo at sinulyapan ang Don. Wala sa paligid si Aila dahil tapos na itong mag serve sa kanila sa mesa, marahil nasa kusina na ito. Alam niyang mag re-report na ito sa Don, bahagi iyon ng trabaho nito. "Sa susunod na umattend kayo sa mga ganoong klaseng party, siguraduhin mo naman na may makikilala kang nasa larangan ng negosyo para naman may makausap ka at lumawak ang kaalaman mo pagdating sa pag ne-negosyo," litanya ng Don sa kanya. "Makinig ka sa lolo mo, lahat ng sinasabi niya para sa iyo, para sa ikabubuti ng future mo," saad ng kanyang ama na halatang nagpapalapad pa rin ng papel sa Don. Halatang takot mawalan ng mana kung sakali, kaya sunud-sunuran sa Don. "Opo, Lo," tanging tugon niya. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan. Paulit-ulit lang naman sila at alam naman niya kung saan patungo ang sasabihin ng mga ito. Nagpatuloy siya sa pagkain habang patuloy pa rin sa pagsasalita ang mag ama. Hindi naman siya interesado sa mga sinasabi ng mga ito. Panay ang subo niya pero wala siyang malasaan. Nang marinig niya ang Don na tinawag si Aila para ihanda ang gamot nito. "Si Aila nursing student iyan, at kahit estudyante pa lang siya marami na siyang alam tungkol sa mga gamot. Pagka graduate niya at kung makapasa siya sa board exam kukunin ko na rin siyang personal nurse ko," litanya ng Don sa kanila nang makalapit si Aila at inihahanda ang mga gamot ng lolo niya. Naka ilang personal nurse na ba ang lolo niya at walang tumatagal dahil napaka istrikto nito at laging pinagagalitan ang mga nurse nito pag nagkakamali. Baka ganun rin ang gawin nito kay Aila. Sinulyapan niya si Aila na focus sa ginagawa nito. Naka simpleng pambahay lang ito at hindi ito naka uniporme katulad ng ibang kasambahay, marahil dahil hindi lang pagiging katulong ang trabaho nito kundi marami pa. Isa pa parang hindi naman babagay kay Aila ang magsuot ng uniporme para sa mga katulong, maitatago kasi ang ganda nito. Hindi siya mahilig sa mga babaing simple at mukhang inosente, mas nais niya ang mga babaing katulad ni Raven na hindi mo na kailangan mag effort para lang makita ang gusto mo o makuha na agad ang gusto. "Ok ba sa iyo iyon Aila na maging personal nurse ko pagka graduate mo?' Tanong ng Don kay Aila. Sinulyapan niya si Aila na ngiti ang tinugon sa Don. "Kenzo alam mo bang magaling si Aila sa eskwelaan, walang duda na magiging magaling itong nurse. Pagdating ng panahon hindi na ko mamomoblema sa mag-aalaga sa akin," saad pa ng Don sa kanya. Nananatiling walang kibo si Aila, nakangiti lang ito pero iba ang nasa mga mata nito. Mukhang hindi ito sangayon sa nais mangyari ng Don. Kilala pa naman niya ang Don na mahilig magsumbat sa utang na loob. Baka pagdating ng araw na nais na ni Aila na umalis na sa mansyon at maghanap ng mapapasukang trabaho sa iba ay hindi ito basta-basta makakaalis dahil sa Don. Pero sana huwag naman, at hayaan ito ng Don na maging malaya at hanapin ang buhay na gusto nito. Hindi nababagay si Aila sa mansyon bilang katulong, masyado itong maganda at makarisma para maging isang katulong lamang. Sa paglabas nila kagabi ni Aila nag enjoy naman siya, although hindi siya kumakain ng mga pagkaing kinain nito roon, dahil hindi naman niya iyon nakasanayan, isama pang hindi ganoong lugar ang pinupuntahan niya. Sa kabila non nagawa pa rin niyang mag enjoy sa company ni Aila, sa kwentuhan nila at sa pagtitig sa magandang dalaga. Wala siyang mapipintas sa panlabas ni Aila, sadyang hindi lang ito pinalad sa estado ng buhay, iyon lang naman, pero kung sa ganda lang naman ang pag-uusapan kayang-kaya itaob ni Aila ang mga magaganda sa De La Cerna University, kasama na si Raven doon, hindi naman kasi ganun kaganda si Raven kundi lang dahil sa makapal nitong make up at seksing pananamit. Si Aila walang ayos at napaka natural pero iba ang lakas ng dating. Matapos ang almusal nagtungo siya agad sa sarili niyang gym room sa mansyon para mag exercise, nagulat pa siya nang datnan niya roon si Aila na naglilinis sa loob. "Bakit ikaw ang naglilinis diyan?' Tanong niya sa dalaga na nagwawalis. "Umalis po kasi si Manang Patris nagtungo po sa grocery kaya ako po ang inutusan ng Tiyang ko na maglinis rito," magalang nitong paliwanag sa kanya. Ilang beses na niya itong sinabihan na huwag na siya nitong gamitan ng po at opo, naiilang kase siya, lalo na't ilang taon lang naman ang tanda niya sa dalaga. "Oh bakit may po at opo na naman,' saad niya rito habang inihahanda ang kanyang mga gagamitin sa pag ehersisyo. "Iyon po ang bilin ng Don sa akin Sir Kenzo. Nais po ng Don na idistansya ko pa rin po ang sarili ko sa inyo at galangin po kayo sa loob man po o labas ng mansyon," paliwanag nito sa nang tumigil ito sa paglilinis at sinulyapan siya. "Bakit nalaman ba niyang hindi mo ko tinatawag na Sir sa labas?' Tanong niya. "Nadulas po kasi ako sa Don nang mag report po ako sa mga pinuntahan natin kagabi," nahihiyang tugon nito sa kanya. Hindi niya napigilan ang matawa sa naging sagot nito sa kanya. Nagyuko naman ito ng ulo marahil nahiya sa kanya. "Masyado mo naman kasing sineseryoso ang trabaho mo sa lolo ko," iling ulo niyang saad rito. "Kailangan ko pong seryosohin Sir Kenzo, dahil hindi ko po nais na habang buhay na makulong dito sa mansyon at magsilbi bilang katulong," tugon nito sa kanya. Nahimigan niya ang hinanakit sa tinig nito. Marahil may kinalaman sa mga sinabi ng lolo niya kanina ang naging pahayag nito sa kanya. "Dahil ba sa mga sinabi ng lolo ko kanina?' Tanong niya rito. "Mamaya ko na lang po itutuloy ang paglilinis Sir Kenzo," saad nito at hindi sinagot ang tanong niya, halatang umiiwas ito. Tumango na lamang siya rito, at magalang itong nagpaalam sa kanya. Sinundan na lamang niya ito ng tingin habang palabas ng pintuan. Alam niyang tao din si Aila at may damdamin rin. Sadyang insensitive lang ang kanyang lolo at maliit ang tingin sa mga katulad ni Aila. Magkaiba sila ng nakikita ng kanyang lolo. Siya kase ramdam niyang may magandang kinabukasan ang naghihintay kay Aila, dahil maganda at matalino ito. Hindi ito magiging katulong habang buhay sa mansyon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD