Chapter - 18

1505 Words
"Hindi ka bababa?' Tanong niya kay Kenzo matapos itong makapag park sa parking lot habang nagniningning ang kanyang mga mata sa nakapilang mga food cart na siyang nais niyang kainin. Never pa niyang napuntahan ang food park na ito, pero dahil tambay siya sa social media kaya alam niyang sikat ito sa mga katulad niyang mahihirap. At paniguradong hindi pa na pupuntahan ni Kenzo ang ganitong klaseng lugar. "Anong meron diyan?' Tanong nito saka sinulyapan ang labas habang nakasimangot ito. Halatang hindi nito type ang lugar. "Hindi mo alam ito no, kase rich kid ka," biro niya sa amo, saka siya natigilan nang walang ngiti siyang sinulyapan ng amo. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya rito, lalo na't katulong lang siya nito at amo niya ito. Mali nga na makipag biruan siya rito. Iyung sinabi naman niya hindi naman galing sa kanya iyon famous line iyon sa social media ng mga katulad niyang dukha. "Ah.. Sir, sorry po," agad niyang paumanhin rito. "Iyung sinabi ko po kanina, joke lang po iyon, linya lang po iyon sa social media," paliwanag niya sa amo na mukhang hindi na gets ang kanyang biro rito. "May social media ka?' Kunot noong tanong nito sa kanya. Syempre meron siya teenager lang siya at mulat naman siya sa mga nangyayari sa mundo kahit isa lamang siyang katulong at probinsyana. "Opo meron po Sir,' tugon niya. "I add mo ko para naman doon na lang kita i message o di kaya tawagan," saad nito na kinagulat niya. Hindi niya inakala nais nitong maging friend sila sa social media, kahit mag amo sila. "Ah.. Eh.. Sige po," alanganing tugon niya. Ayaw sana kasi niya, lalo na't wala namang laman ang social media niya, sadya niya lang ginagamit iyon pang stalk sa mga taong nais niyang makilala, at isa na si Kenzo sa mga na stalk niya. "Ano bang meron diyan at napakarami ng tao?" Tanong nito sa kanya. "Mga pagkain po Sir Kenzo, ibat-ibang pagkain po,' tugon niya. "Kenzo na lang nasa labas pa tayo. Saka huwag ka ng po at opo, nakakairita," medyo may pagka inis ang tono nito. Kay naman tumango na lamang siya bilang tugon at para hindi na rin ito mairita sa isasagot niya. "Tara na,' saa nito at sabay na silang bumaba ng sasakyan. "Ngayon ka pa lang ba nagawi rito?' Tanong niya sa amo habang naglalakad sila sa maraming tao para mamili ng kanilang makakain. "Yes, ano naman kasi ang gagawin ko rito mag isa," tugon nito habang ginagala nito ang mga mata sa paligid. Alam niyang naninibago ito sa mga tao sa paligid dahil ultimo pananamit ng mga naroon ay malayong-malayo sa nakasanayan nitong makita sa ibang tao. Puro mayayaman kasi ang kaibigan nito at mga ka frat, kaya maayos ang mga damit at mamahalin. Hindi katulad ng mga taong katulad niya na sakto lang ang pamumuhay. "Hindi mo rin ba ito nakikita sa social media?" She asked. "Bakit naman ako makakakita ng ganito sa social media ko," iling ulong saad nito sa kanya. "Kung sa bagay,' tanging saad niya at hindi na nag usisa pa. Maging thankful na lamang siya dahil sumama sa kanya ang amo, kahit hindi naman niti nature ang ganitong lakad. Sa kanilang paglalakad nakakita na siya ng mga ihaw na gusto niya at niyaya si Kenzo na huminto muna para bumili. Huminto naman ito at hindi kumibo habang namimili siya, pero halata sa ekspresyon nito na hindi nito bet ang ganoong klase ng pagkain. Pinabalot na lang niya ang mga napili niyang pagkain para kahit sa parking lot na lang siya kumain, para hindi na mausukan pa si Kenzo at makipag siksikan sa mga tao roon. Sobrang dami kasi ang mga naroon at nagsisiksikan sila sa daan. Pansin din niyang maraming mga babae ang napapasulyap kay Kenzo, may ilang mga bading pa. Hindi siya sure kung kilala si Kenzo ng marami sa bayan ng San Juan, dahil ito ang nag-iisang apo ng Don. Pero baka hindi rin ito kilala ng mga katulad niyang mahirap lang at mga nasa middle class. Usually kase ang nga mayayaman ay kilala lang din ng kapwa mayaman, iyun bang sila-sila lang. "Ganito ba lagi karami ang lumalakad at kumakain sa ganitong klaseng lugar?' Tanong sa kanya ni Kenzo habang naglalakad pa sila at namimili pa ng susunod na bibilhin. Ilang beses na rin niya itong inalok na ibili niya ito at libre naman niya, pero tumanggi ito at hindi na naman niya nais pilitan pa, baka kase kung mapano pa ito at magalit sa kanya ang Don. "Oo parang sumikat kasi ito sa social media. Pang masa kase ang mga pagkain at abot kaya pa," tugon niya rito. "Ang swerte naman ng may-ari ng lupa rito, ang daming umuupa," saad nito. "Sino ba ang may-ari ng area na ito?" Tanong nito sa kanya na kinagulat niya. Ordinaryong tao lang siya at hindi niya kilala kung sino ang may-ari sa lupa. Wala nga siyang kilalang mayayaman kundi ang mga Fisher lang, dahil hindi naman niya kauri ang mga iyon. "Hindi ko alam," iling ulong tugon niya sa amo. "Malaki ang kita niya rito, bawi siya,' saad nito. Business minded ito marahil katulad ng ama at ng Don. Kaya business din ang kurso nito. "Siguro,' tanging tugon niya. Nursing studen siya at wala siyang idea about business dahil hindi niya kayang mag negosyo wala siyang pera. Nursing ang kurso niya dahil nais niyang magpunta ng ibang bansa para doon magtrabaho, malaki daw kasi ang sahod pag sa ibang bansa. "Are you done?' Tanong nito sa kanya. Tumango naman siya rito at niyaya na rin niya itong bumalik na sa sasakyan at sinabing sa parking lot na lang sila kumain para hindi masyadong crowded dahil tila lalo pang dumami ang mga tao sa paligid at halos siksikan na. Sa pakikipagsiksikan nila ni Kenzo sa mga tao ilang beses siyang nabunggo ng mga nakakasalubong at tinatamaan niya ang amo. Agad naman siyang humihingi ng paumanhin rito. Nagulat na lamang siya nang hinila siya ni Kenzo at i pwesto sa harapan nito habang hawak nito ang magkabilang balikat niya, para marahil iiwas sa mga taong walang ingat sa paglalakad. Nagulat man siya hindi na lang siya kumibo pa at hinayaan na lang ang kanilang medyo awkward na posisyon habang naglalakad. Masyado kasi silang dikit nito na tila ba nakayakap na ang amo sa kanya, dikit na dikit ang kanilang mga katawan at naiilang siya dahil kahit mag amo sila, babae at lalake pa rin sila. Hanggang sa marating nila ang maluwag na space ay doon pa lang siya binitiwan ni Kenzo at nauna na itong maglakad sa kanya patungo sa parking. Sumunod din naman siya rito agad. "Dito na lang tayo kumain,' saad niya may upuang bato naman kasi malapit sa sasakyan nila. "Kumain ka na," saad nito sa kanya. "Hindi mo ba gustong tikman ang mga mga ganitong pagkain? Masarap naman ito," saad niya rito habang isa-isang inilalabas ang mga pagkain binili niya na naka plastic lang. Alam niyang uri pa pang ng packaging nandidiri na si Kenzo dahil hindi naka box o naka balot ng maayos ang mga pagkain. Pero para sa kanya na sanay naman sa ganoong klase ng pagkain ay ok na ok na iyon. "Huwag na baka magkasakit pa ko," tanggi nito at naglabas ng sigarilyo sa bulsa at lighter at sinindian iyon. Noong nasa probinsya siya at nag-aaral doon ayaw na ayaw niya sa mga lalaking naninigarilyo na feeling pogi. Pero si Kenzo iba ang dating, ang hot ng dating nito, na para bang isa itong sexy actor, lalo na pag bumubuga ng usok. Hindi rin niya gusto ang amoy ng usok, pero ngayon para ang bango ng usok na naamoy niya. Iba rin ba ang buga ng usok na galing sa mayaman. "Kain na," anyaya pa rin niya bago sinimulan ang pagkaing nakasanayan niya. "Aila, sa susunod pala na isama kita sa mga party, iwasan mo si Jake, mukhang may tama sa iyo," saad nito sa kanya sabay buga ng usok sa harapan niya. Bagay na tila nagustuhan niya at nag e-enjoy siya kahit pa sabihing kumakain siya. "Naku walan iyon, sanay ako sa mga katulad ni Jake na mahangin, mayabang at feeling pogi," pagyayabang niya sa amo habang maganang kumakain. Nagutom lang kasi siya sa party na pinuntahan nila, paano puro alak lang naman ang naroon. "Sanay ka? How?" Kunot noong tanong nito. "Maraming mga katulad ni Jake sa probinsya namin, at lahat ng mga iyon tiklop sa akin, dahil binusted ko," pagyayabang niya sa amo. Nais lang niyang magtiwala ito sa kanya at huwag na itong mag-aalala pa. Baka kase hindi na siya isama pa muli ng amo, sayang din kase ang bayad nito sa kanya at bayad sa kanya ng Don. "Bakit ikaw na ba ang pinaka maganda sa probinsya niyo? Diyosa na ba ang tingin nila sa iyo?" Tila natatawang tanong nito sa kanya. "Sa probinsya namin maganda ako sa paningin ng marami, kahit hindi ako ang pinakamaganda, o dyosa," lakas loob niyang tugon sa amo. Totoo naman kasi iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD