Chapter - 17

1506 Words
"Napaaga pa para umuwi ka na Kenzo, hindi mo naman ugali ang umuuwi ng maaga sa party, isa pa pag umuwi ka ikaw ang unang uuwi sa mga bisita dito," saad sa kanya ni Raven nang magpaalam siya rito. Alam niyang ito ang mangyayari once na magpaalam pa siya kay Raven, panigurado pipilitin pa siya nitong mag stay, lalo na't hindi pa sila tapos sa ginagawa nila. Walang party na hindi sila mag se-s*x nito. Sa bawat lugar na puntahan nila hindi pwedeng hindi sila maglalaro ni Raven. Isa sa nagustuhan niya kay Raven at nagpapatagal sa relasyon nila ngayon ay ang s*x. Kapwa kasi sila nito adventurous at mahilig sa thrill. Pareho silang walang takot sa kanilang mga ginagawa, kung saan sila datnan ng init ay doon sila, sa dami na nga ng babaing dumaan sa kanya si Raven pa lang ang tumagal ng tatlong buwan. Yes, tatlong buwan na ang tinagal nila ni Raven. Although kahit na may relasyon na sila nito at nagagawa pa niyang makipaglaro sa ibang babae. Hindi naman siya cheater sadyang nais lang niya ng enjoyment. Aware naman si Raven kung hanggang saan lang ang relasyon nila, kaya nga kapwa silang gawin pa rin ang gusto nila. Panigurado naman kasing bukod sa kanya may iba pang lalaking sinisipingan si Raven. Kialala niya ito alam niyang hindi ito makontento sa isa lang, at wala siyang pakialam doon, as long as nakukuha niya ang gusto niya rito. Nasa-satisfied siya nito. Nag-iingat din naman siya by using condom all the time, dahil takot siyang mapikot at baka ipaako pa sa kanya ang anak na hindi naman kanya. Laging siyang alerto at never pang nakalimot sa condom. "Bawi na lang ako next time,' tanging tugon niya kay Raven. "Dahil ba sa P.A mo kaya uuwi ka ng maaga?" Tanong nito at sinulyapan si Aila na nasa di kalayuan at kausap si Jeremiah. Isa pang dahilan kung bakit nais na niyang umuwi na, ay kanina pa nakadikit itong si Jeremiah kay Aila, hindi na nga yata nagagampanan ni Aila ang trabaho nito sa kanya at sa lolo niya dahil sa kaka entertain nito kay Jeremiah. Na para bang sumama ito roon para makipag lampungan buong gabi kay Jeremiah at hindi para bantayan siya. Sa di kalayuan naman napansin din niya si Jake na nakatingin kay Aila. Mukhang iba ang tama ni Jake kay Aila. Alam niyang katulad ni Aila ang tipo ni Jake, iyung inosente at walang alam sa mundo. Mahilig kasi itong si Jake mambola ng mga babaing galing probinsya iyung mga birhen pa at ito ang nakakauna. Iiwan din naman nito matapos pagsawaan, papaasahin lang. Kung papipiliin siya kung sino ang mas ok para kay Aila, pipiliin na lang niya si Jeremiah dahil hindi naman ito demonyo pagdating sa mga babae, hindi katulad ni Jake na marami ng sinirang buhay dahil kahit ayaw ng babae rito walang nagagawa pag gusto ni Jake. Delikado nga si Aila kay Jake, pero sana hindi na pakialaman pa ni Jake si Aila dahil dinidikitan na ito ni Jeremiah. "Raven hindi, sumama lang pakiramdam ko at gusto ko ng umuwi," tugon niya. Hindi niya pwedeng sabihin rito na hindi niya gusto ang mga tingin ni Jake kay Aila. "Kailan tayo magkikita ulit?" Tanong nito sabay kawit ng mga kamay sa batok niya at sadya pang inilapit ang katawan nitong halos wala ng tinatakpan sa suot nito. Hindi naman kasi siya istriktong nobyo o ano pa man. Hinahayaan lang niya si Raven kung ano ang gustong isuot nito, wala naman kasi siyang pakialam rito. Ang mahalaga sa kanya ay nakakaraos siya rito. "Bukas," walang gana niyang tugon. Habang pabalik-balik ang kanyang mga mata kay Aila na tila enjoy na enjoy na sa pakikipag kwentuhan kay Jeremiah l. Habang wala itong idea na tila hinuhubad na ito ni Jake sa mga mata nito. "Pupuntahan mo ko sa condo ko?' Tanong nito. Tumango na lang siya para hindi na humaba pa ang usapan nila at makaalis na sila ni Aila bago pa kung ano ang maisipang gawin ni Jake rito. Bago sila tuluyang naghiwalay ni Raven halos mangapusan na siya sa hininga a mainit na halik na ginawad pa nito sa kanya. Sumenyas na lang siya kay Aila na aalis na sila para hindi na niya ito lapitan pa at maiwasan ang kausapin si Jeremiah. Member si Jeremiah ng frat nila although matagal na sila nitong magkakilala hindi naman niya masasabing magkaibigan talaga sila nito. Sa dami ng barkada niya at mga nakakasama niya, wala siyang tinatawag na kaibigan, dahil para sa kanya malalim ang salitang kaibigan. Kilala lang siya ng mga ka member niya sa frat bilang apo ng Don, tagapagmana ng mga Fisher iyon lang. Walang alam ang mga ito sa totoong estado ng kaniyang buhay, kung gaano kalungkot ang buhay niya sa malaking mansyon na iyon. Kahit marami ang naiinggit sa kanya dahil tagapagmana siya at pinanganak na mayaman. "Nagkakamabutihan na yata kayo ni Jeremiah?" Tanong niya habang naglalakad na sila nito sa may parking lot. "Ah? Hindi naman," tugon nito sa kanya. "Hindi? Eh halos hindi nga kayo mapaghiwalay,' saad niya rito. Iyon kase ang obserbasyon niya kanina. "Marami lang siyang kwento talaga," saad nito. "Sa sobrang busy mo kanina, may naihanda ka na bang report sa lolo ko?' Tanong niya nang marating nila ang sasakyan at pumuwesto siya agad sa pintuan ng driver seat. Sabay na silang sumakay ni Aila sa loob. "Kahit naman busy ako sa kwentuhan namin ni Jeremiah ginagampanan ko pa rin naman ang trabaho ko," tugon nito sa kanya. "Mabuti naman kung ganun," saad niya at binuhay na ang makina at pinaandar na ang sasakyan palayo. "I re-report mo ba kay lolo ang mga nakita mo sa party kanina?' Tanong niya habang sa kalsada nakatuon ang atensyon. "Iyung mga bagay na alam kong hindi mo ikakasira," tugon nito sa kanya. Nakangiti siya. Yes, halatang probinsyana si Aila dahil uri ng pananamit nito at ayos. Pero kung maaayusan ito at madadamitan ng tama wala ng makakapagsabi na isa itong probinsyana. Kung magsalita naman kasi ito ay mahahalata mong may alam ito, na matalino ito, malawak ang kaalaman at hindi madaling mabola. Kaya medyo kampante siyang hindi ito basta-basta mabobola ni Jake. Ang kinatatakutan niya at baka gamitan ni Jake ng pwersa si Aila. Marami na siyang narinig na ganun ang ginawa ng paraan ni Jake para makuha ang ilang mga babaing tumatanggi rito. Kahit katulong lang si Aila sa mansyon nila, hindi niya nais na mapahamak ito nang dahil sa kanya. Dahil pag napahamak ito siya ang may kasalanan, dahil siya ang nagsama kay Aila at dahilan para makilala ito ni Jake. "Huwag kang mag-aalala gagampanan ko ang trabaho ko sa iyo," patuloy pa nito. "Mabuti naman kung ganun," saad niya. "Uuwi na ba tayo?" Tanong nito sa kanya. "Oo," tugon niya. Nais na rin niyang magpahinga kahit maaga pa para sa kanya. Sa tuwing a-attend siya ng party madalas madaling araw na siya umuuwi, ngayon pa lang siya umuwi ng maaga. "Ano kase, hindi ako nakakain kanina sa party dahil puro alak lang naman ang naroon," saad nito sa kanya. Sinulyapan niya ito at nagtama ang kanilang mga mata. Kahit medyo madilim sa loob ng sasakyan pa rin niya ang magagandang mga mata ni Aila na napaka inosente kung tumingin. Hindi na siya magtataka kung sa unang sulyap pa lamang ni Jake kay Aila kanina ay nabighani na ito. Isama pa si Jeremiah na ayaw ng lubayan ang dalaga. "Pwede tayong dumaan sa may food park, may bibilhin lang ako. Isa pa ngayon pa lang kasi ang nakalabas ng gabi, kaya hindi ako nakakapunta sa food park,' saad nito sa kanya. Ang tinutukoy nitong food park ay iyung parte sa bayan na bilihan ng mga streets foods, mga pagkain sa buong buhay niya at hindi pa niya natikman, ni hindi pa nga rin siya nakapunta sa ganoong klaseng lugar. Hindi kasi para sa kanya ang lugar na iyon. "Ano naman ang bibilhin mo doon, marami namang pagkain sa bahay," saad niya rito. "Namimiss ko na kase ang mga streets foods. Ngayon pa lang kasi ako nakalabas ng gabi. Pinagbabawalan kasi ako ni T'yang,' saad nito sa kanya. "Huwag kang mag-alala, ililibre kita," saad pa nito na para bang kumakain siya ng pagkaing kalye. "Huwag na, hindi ako kumakain ng pagkaing kalye," tanggi niya rito. "Pero sige dadaan tayo doon, maaga pa naman. Basta ipangako mo na magaganda ang i re-report mo sa lolo ko," saad niya rito. "Pangako po iyan, Sir Kenzo," tugon nito. Medyo nanibago pa siya sa pagtawag nito muli sa kanya ng Sir Kenzo. Sinulyapan niya ito at nakita niya itong nakangiti. Katulong lang si Aila pero pati ang ngiti nito ay maganda at puno ng karisma. Kahit mahirap lang ito mukhang alaga pati ngipin nito dahil maputi at malinis ang mga iyon. Wala namang masama sa pagiging isang katulong. Kung ano ang estado ng buhay ni Aila ngayon, hindi ito ang may gusto na maging anak mahirap. Kapalaran nitong maging anak mahirap at maging katulong sa kanilang mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD