"Oops, ang prinsepe na ang nagsalita," saad ni Jake habang nakatingin ito sa kanya. Tumayo na rin sa tabi niya si Kenzo para marahil hindi siya matakot o ano pa man. Kahit papano nabawasan ang kanyang kaba at takot dahil nasa tabi niya si Kenzo.
"Sige na Jake,' saad pa ni Kenzo.
"Maswerte ka, dalawa ang nagpo-protekta sa iyo,' saad ni Jake at sinulyapan si Kenzo na nasa tabi niya. Alam niyang si Jeremiah ang isa sa dalawang tinutukoy nito. Si Jeremiah kase ang nagtanggol sa kanya kanina mula rito, and now wala si Jeremiah kaya si Kenzo naman.
"P.A ko siya ano man ang mangyari sa kanya while she is on duty with me ako ang may kasalanan, ako ang may pananagutan," Kenzo said.
"Ok, I understand, don't worry, Kenzo," tugon ni Jake kay Kenzo. Tumango naman si Kenzo sa lalake.
"It just hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na humanga sa ganda niya. Beside she is different iba ang atake niya, nangingibabaw sa mga babaing narito, kaya siguro agad niyang napukaw ang atensyon ko,' litanya ni Jake habang pinaglilipat-lipat nito ang mga mata sa kanya at kay Kenzo.
"Iba ang karisma niya, mahiwaga," dagdag pa ni Jake sabay laro pa sa dila nito sa ibabang labi. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito sa harapan niya, nabastusan siya, nais na nga niyang umalis sa harapan nito kung hindi lang kay Kenzo na nakatayo sa tabi niya.
"Tama na iyan Jake," saway ni Kenzo kay Jake na kung tumingin sa kanya at napakamalisyoso. Kahit sabihin na probinsyana siya, alam naman niya kung kailan may ibang ibig sabihin ang tingin sa kanya ng isang lalake, ramdam niya pag nababastos na siya, and now iyon ang nararamdaman niya kay Jake, binabastos na siya nito.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Jeremiah nang lapitan sila.
"Ok. Ok," taas kamay saad ni Jake. Dalawang kamay pa talaga this time ang tinaas nito sabay atras palayo sa kanya.
"Safe na si Princess for tonight," saad pa ni Jake at muli siya nitong hinagod nang malisyosong tingin na nagpanginig sa buong katawan niya.
"Ano na naman ang ginagawa ni Jake?" May galit sa tinig ni Jeremiah nang makalayo na sa kanila si Jake.
"From now on, Aila huwag kang aalis sa tabi ko, pinagti-tripan ka ni Jake, iba ang tama niya sa iyo at kilala ko siya na hindi basta titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya,' seryosong saad ni Kenzo sa kanya.
"Damn it, sa dami ng babae dito sa party si Aila pa ang napag tripan niya!" May galit ding saad ni Jeremiah na napamura pa.
Wala naman siyang nasabi napasulyap lang siya kay Kenzo na sinulyapan naman si Jeremiah.
"Sumunod ka sa akin," saad ni Kenzo sa kanya at bago pa man siya makapagsalita nauna na itong lumakad palayo sa kanya.
"Are you ok?" Tanong ni Jeremiah sa kanya na nag-aalala. Tumango siya rito.
"Ayos lang ako," tugon niya rito at ngumiti ng bahagya.
"Susundan ko lang ang boss ko," paalam niya at tinuro si Kenzo na pabalik sa kinauupuan nila kanina, this time wala na sa upuan si Raven, hindi niya alam kung saan na nagpunta ang girlfriend ni Kenzo.
"Sige, kakausapin ko si Jake," tugon ni Jeremiah sa kanya. Tumango siya rito mabilis nang sumunod kay Kenzo.
Nakasimangot ito habang nakaupo mag isa at may hawak na kopita na lamang alak. Tahimik siyang naupo sa tapat nito, silang dalawa lang ang naroon. Ginala niya ang mga mata hindi na niya matanaw si Jake, bagay na pinagpapasalamat niya.
"Kenzo, totoo ba si Jake ang leader sa frat niyo?" Tanong niya sa amo dahil kanina pa sila nito nakaupo roon at hindi naman sila nito nag-uusap.
"Sinong may sabi sa iyo?' Balik tanong nito sa kanya.
"Nabanggit ni Jeremiah kanina, at ikaw daw ang sumunod kay Jake na leader sa frat niyo," tugon niya sa amo.
"Stay away from him," mariing saad nito sa kanya habang patuloy ang pag inom.
"Huh? Kanino? Kay Jeremiah?" Kunot noong tanong niya.
"Both! They are both bad news for you, Aila," tugon nito sa kanya.
"Sus, hindi no, mabait si Jeremiah. At si Jake naman hindi ko naman siya makilala kung hindi mo ko sinama rito sa wild party na ito," saad niya sa amo na tila ba siya nakalimot kung sino ang kaharap niya. Natigilan siya at mabilis na tinakpan ang bibig gamit ang dalawang mga kamay at sinulyapan ang amo na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya.
"Ah.. I mean..., ano Sir-"
"Trabaho mo ang bantayan ako Aila, ang sundan ako sa lahat ng lakad ko! Huwag mong isisi sa akin kung ano ang nangyari ngayong gabi. Kung hindi mo tinanggap ang trabahong ito sa lolo ko, wala ka sana rito, edi hindi ka makikilala ni Jake," litanya nito sa kanya. Hindi na tuloy niya nagawang ituloy pa ang nais sabihin sana rito dahil nagkamali siya ng salitang lumabas sa kanyang bibig.
"Mawawalan ka ng trabaho kay Lolo kung dahil kay Jake hindi ka na pwedeng sumama sa akin," saa nito sa kanya sabay malakas na binagsak ang kopitang hawak nito sa salaming mesang nasa harapan nila. Kahit malakas ang musika sa paligid narinig pa rin niya ang pagbagsak ng kopita.
"Pasensya na, hindi ako nag-iisip," paumanhin niya. Kailangan niya ng pera, wala siyang hindi kakayanin basta pagdating sa pera. Kahit ikapahamak pa niya gagawin pa rin niya sa ngalan ng pera.
"Tayo na umuwi na tayo," malamig nitong saad sabay tayo sa kinauupuan.
"Ah? uuwi na? Paano ang girlfriend mo?" Tanong niya. Wala pa yata silang isang oras mula nang makarating sa party.
"Nawalan na ko ng gana. Tumayo ka na riyan at uuwi na tayo," saad nito sa kanya, kaya naman mabilis na siyang tumayo mula sa kinauupuan. Nais pa sana niyang magpaalam kay Jeremiah dahil naging mabuti naman ang pakikitungo nito sa kanya, pero hindi niya ito makita sa dami ng tao. Isama pang lumakad na ang amo niya papalayo sa kanya kaya naman nagmamadali na siyang kumilos para habulin ito at makauwi na sila nito. Dahil tuloy sa kanya nasira ang gabi ng amo niya.