Alam niyang ganito talaga pag mga mayayaman party doon, party dito. Actually hindi lang basta party ang nakikita niya ngayon sa yatch party na ito, para sa kanya may pagka wild ang tema ng party. Kahit pa sabihin na isa siyang probinsyana alam naman niya ang difference ng party sa wild party. Karamihan kaseng nakikita niya mga lalake at babae na naghahalikan at kung anu-ano pa ang ginagawa, isa na doon ang amo niya at girlfriend nito. Na kung makatuka sa isat-isa ay parang wala ng bukas na para bang sabik na sabik at matagal hindi nagkita eh mukhang araw-araw naman magkasama ang dalawa. Hindi na rin siya magtataka pa kung bakit inalok siya ni Kenzo ng extra bayad dahil paniguradong i re-report niya sa Don ang ganitong activity nito at paniguradong matatakot ang Don, dahil iniiwasan nitong mapikot ang nag-iisang tagapagmana ng mga Fisher. Malaki at matabang isda si Kenzo kaya naman paniguradong marami ang mang-aakit rito at magnanaid na mabingwit ito. Bagay na pinag-aalala ng husto ng Don, kaya nga siya kinuha para mabantayan ang apo nito.
"Are you ok?" Tanong ni Jeremiah sa kanya ang tinig nito ay puno ng pag-aalala.
"Yeah, ok naman," tugon niya pero deep inside natakot siya sa lalaking tinawag nitong Jake kanina, iba kase ang tingin nito sa kanya, iba rin ang pakiramdam niya nang magtama ang mga mata nila ng lalake. Nakaramdam siya ng takot at panganib mula sa lalake. Iyung tipong hindi siya rito dapat magtiwala.
"Pasensya ka na kung pati ikaw hindi pinalampas ni Jake, pero don't worry panigurado namang sasabihin ni Kenzo na P.A ka niya para hindi ka na pakialaman pa ni Jake,' saad nito sa kanya.
"Sino ba si Jake?" Tanong niya kay Jeremiah.
Nasa tabi sila ng railing ng yate at nakakatakot tumingin sa ibaba dahil madilim ang buong karagatan, isama pang umaandar pala ang yate at hindi niya alam kung nasa malalim na itong parte ng dagat o ano, hindi pa naman siya marunong lumangoy.
Nananatili naman si Kenzo sa kinauupuan nito kasama pa rin si Raven at mga bagong dating na lalake kabilang nga iyung Jake na ilang beses pang sumulyap sa kanya. Sa tingin nga niya siya ang topic sa iniwan nilang mesa ni Jeremiah. Sa bawat sulyap sa kanya ni Jake nakakaramdam siya ng takot rito, ramdam niya ang panganib. Sana na lang hindi siya mapahamak sa pinasok niyang trabaho. Baka dahil sa pagnanais niyang kumita mapahamak pa siya.
"Siya ang pinaka leader ng frat, siya ang sinusunod ng lahat, including Kenzo. Lahat ng sasabihin ni Jake dapat sundan naming mag member ng frat,' paliwanag sa kanya ni Jeremiah.
"Bakit naman kasi kayo sumali-sali pa sa frat na iyan, noon pa man balita ng gulo lang iyan," ,saad niya na tila ba pinangangaralan ang kaharap.
"For fun," ,tugon sa kanya ni Jeremiah sabay kamot pa sa batok nito at nahihiya siyang tinignan nito.
"Ganyan naman kasi kayong mayayaman at mga perfect ang buhay eh. Iyung tipong nasa inyo na ang lahat, pera, pagkain, education, pagmamahal ng mga magulang, kaibigan at babae. Pero naghahanap pa rin kayo ng sarili niyong problema. Kayo ang mga kabataan na na bored lang kaya naghahanap ng problema," litanya niya at iniling ang ulo.
"Hindi naman sa ganon," tugon nito sa kanya. Hindi na lang siya kumibo at iniling lang din muli ang ulo.
Habang nag-uusap sila ni Jeremiah may grupo ng mga babae ang lumapit rito kaya naman na out of place siya. Pasimple siyang dumistansya sa mga ito dahil kung ididikit siya sa mga babaing ang suot ay para palamuti na lamang sa katawan at hindi para takpan ang katawan.
Sinulyapan niya si Kenzo na naroon pa rin sa kinauupuan nito, this time wala sa tabi nito si Raven at mag isa lang ito. Wala na rin roon si Jake at hindi niya alam kung saan na nagpunta naging busy kasi sila ni Jeremiah sa kwentuhan. Humakbang siya para sana lapitan si Kenzo at magpaalam rito na tutungo sa comfort room. Hindi pa man siya nakakatatlong hakbang nang bigla na lang mag humarang sa dadaanan niya. Mabuti na lamang at alerto siya, nakahinto siya bago pa man siya bumangga sa humarang sa kanya.
Matangkad ang malaking tao ang nasa harapan niya, kaya naman tumingala pa siya para tignan ito. Nagulat pa siya nang makilala ito, ito si Jake ang leader ng frat.
"Hi, newbie,' nakangising bati sa kanya ng lalaking kaharap. Napalunok siya at napaatras. Sa uri pa lang ng ngisi nito natatakot na siya.
"Damn, look at you, you are so innocent," saad nito na tila ba takam na takam ito sa kanya habang pinaglalandas ang mga mata nito sa kabuuan niya. Simpleng puting dress lang naman ang suot niya, walang kitang sobrang balatbo cleavage pero kung tignan siya ng lalake para siyang nakahubad. Ang dami namang mga babaing halos hubod't hubad na sa paligid at pakalat-kalata lang, pero bakit para siya ang pinagnanasahan nito, eh hindi na nga siya nakaayos at hindi rin revealing ang suot niya.
"I love your eyes, babe, napaka inosente na para bang nakaka excite makita na nag-aapoy sa kama," saad pa ng lalake sa kanya at hakmang aabutin ang kanyang pisngi para haplusin. Hindi niya malaman ang gagawin para umiwas nang makita niyang may pumigil sa kamay ni Jake bago pa man dumapo sa pisngi niya.
"Kenzo,' bulong niya sa pangalan ng amo na hindi niya napansing mabilis pa lang nakalapit sa kanila. Sa sobrang takot na niya hindi na niya namamalayan ang nasa paligid niya.
"Tama na iyan Jake. Sinabi ko naman sa iyo na tauhan ko siya, huwag mo siyang pakialaman," may pagbabanta sa tinig ni Kenzo habang nakatingin kay Jake.
Kung pagkukumparahin ang dalawang lalake mas hamak na malaki ang katawan ni Jake. Iyung tipong malaking tao pero walang laman ang utak. Mukha din itong sanay sa labanan at malakas. Si Kenzo naman gwapo at mukhang hindi uurong kung sakali sa ano mang laban. But, wait, sino ba siya para ipagtanggol ni Kenzo sa leader ng frat ng mga ito. Of course hindi hahayaan ni Kenzo na makalaban ang leader ng mga ito dahil sa kanya. Huwag siyang mangarap. Walang ibang sasagip sa kanya kundi ang sarili lang niya. Huwag siyang mag pantasya na magiging knight and shining armor niya ang amo.