Chapter - 12

1406 Words
"Salamat po Sir Kenzo," pasalamat niya sa amo nang makauwi na sila galing sa mall at matapos siyang ipamili nito ng mga damit niya na kakailanganin sa kanyang trabaho. Marami ang naipamili ni Kenzo sa kanya at sinabi nitong ibabawas nito sa sweldo niya ang iba. Ok na rin dahil siya naman ang gagamit at sa kanya na ang mga damit. "Huwag kang magpasalamat Aila, babayaran mo naman iyan. Isa pa kailangan mo iyan sa pinasok mong trabaho," saad nito sa kanya. Tumango siya. "After dinner mag ready ka na aalis tayo ng 9pm,' saad pa nito bago tuluyang nagtungo sa hagdan. "Sige po Sir Kenzo," tugon niya. Mabilis na rin siyang kumilos patungo sa maids room at nakasalubon niya ang tiyahin sa may hallway. "Hoy, ikaw bata ka," salubong sa kanya ng Tiyahin at hinila siya nito papasok sa loob ng silid. "T'yang aray ko," reklamo niya. "Saan ka galing bata ka? Bakit ang dami mong dala? Bakit ka sumama kay Sir Kenzo?" Sunud-sunod na tanong sa kanya ng Tiyahin nang nasa loob na sila ng silid. Hindi pa kasi niya nababanggit sa Tiyahin ang tungkol sa kanyang bagong trabaho sa mansyon. "Huwag mong sabihing pinamili sa iyo ni Sir Kenzo ang lahat ng iyan," galit na saad ng tiyahin. "T'yang hindi po libre ito," saad niya sa Tiyahin. "Talagang hindi libre panigurado iyan. Wala ng libre sa panahon ngayon Aila!" Galit pa rin nitong saad sa kanya. "Naku bata ka! Huwag kang gagawa ng ikakasira ko sa Don. Huwag mo kong ipahamak at kung may gagawin ka mang labag ikaw na lang mag isa at huwag mo na kong idamay pa!" Galit nitong pangaral sa kanya. "T'yang makinig po kasi muna kayo,' saad niya sa Tiyahin at nagkibit balikat rito. Inuuna kasi nito ang galit at kung anu-anong pangaral bago siya nito pakinggan. "Hindi po ito libreng binigay ni Sir Kenzo. Inalok po niya ko ng trabaho," saad niya sa Tiyahin. "Anong trabaho?' Kunot noong tanong nito. Plano naman talaga niyang sabihin ang lahat sa Tiyahin, sadyang nauna lang itong magalit sa kanya bago pa man siya makapagsabi rito. Pinaliwanag niya sa Tiyahin ang lahat-lahat simula sa pag-uusap nila ng Don hanggang sa mag alok na rin ng trabaho sa kanya si Kenzo. "Naku Aila, baka magalit ang Don sa ginagawa mo. Tumatanggap ka ng bayad mula kay Sir Kenzo para pag takpan ang mga ginagawa niya sa labas. Tapos tumatanggap ka rin sa Don ng sahod para i report ang mga ginagawa ng apo niya,' litanya ng Tiyahin sa kanya. "T'yang kaya ko naman pong gampanan ng sabay ang trabaho ko sa kanila. Lahat po ng i re-report ko sa Don iyung importante at mga bagay na alam kong makakasira sa buhay ni Sir Kenzo. Pagtatakpan ko lang naman po si Sir Kenzo sa mga bagay na alam kong dala lang ng kabataan niya. Bata pa rin naman po kasi si Sir Kenzo at mukhang mag pinagdadaanan lang kaya po siya parang nag re-rebelde sa Don at sa Papa niya," litanya niya sa Tiyahin. "Bahala ka diyan Aila! Basta ako labas ako pag sumabit ka! Isama pang hindi ako nagkulang ng pangaral sa iyo," saad ng Tiyahin niya sa kanya. "Huwag po kayong mag-alala T'yang kung magalit man po ang Don sa akin at paalisin ako rito sa mansyon. May sapat na po siguro akong pera non para mamuhay mag isa," medyo malungkot ang kanyang tinig. "Naku bahala kang bata ka! Ganyan na ganyan rin ang Nanay mo," inis nitong saad sa kanya. "Huwag niyo po akong ikumpara kay Inay, magkaiba po kame," saad niya at padabog na binaba ang mga hawak niyang paper bag na may lamang mga bagong damit niya. "Magka ugali kayo ng Nanay mo, Aila! Ambisyosa!" Saad ng Tiyahin niya. "Hindi po masamang mangarap at kumilos para makamit ang mga pangarap," tugon niya habang isa-isa nang inilalabas ang laman ng mga paper bag. Umismid naman sa kanya ang Tiyahin at lumakad na ito palabas ng silid iniwan siya. Magkaiba sila ng Tiyahin niya, baka nga magka ugali sila ng Nanay niya. Malakas din kasi ang loob niya at mapamaraan. Marami siyang paraan pag hindi na niya gusto ang kanyang sitwasyon, agad na siyang umaalis. Hindi katulad ng kanyang Tiyahin na kung saan na lang ito ay doon na lang ito. Hindi na nga nito nagawang magka pamilya dahil sa pagsisilbi sa mansyon ng mga Fisher. Buong buhay yata niti ay inalay na sa pagsisilbi sa pamilya Fisher. Kaya paniguradong maraming alam ang Tiyahin niya tungkol sa mga Fisher. Alam na alam marahil ng Tiyahin niya pati ang baho ng pamilyang Fisher. Habang isa-isa niyang sinusuri ang mga bagong biling damit napansin niyang nakangiti siya at ramdam na ramdam ang kasiyahan sa kanyang sarili. Ito ang unang beses na mamili siya ng kanyang mga damit sa loob ng mall. Madalas siyang mamili sa mga bangketa o di kaya ay sa ukay-ukay lang dahil iyon lang ang afford niya. Kaya naman iba ang sayang naramdaman niya nang dalhin siya ni Kenzo sa mall at ipamili. Marahil ganito rin ang nararamdaman ng mga kapwa niya babae sa tuwing namimili ng dami ng mga ito, maswerte lang ang iba dahil hindi na problema sa mga ito ang perang pambili, samantalang siya kailangan muna niyang pagpaguran ang lahat bago makuha ang gusto niya. Gaya ng sinabi ni Kenzo sa kanya aalis sila ng alas nueve ng gabi, kaya naman tinapos na niya ang lahat ng gawain na nakatoka sa kanya sa kusina matapos ang hapunan ng mga amo nila at silang mga kasambahay. "Aila ah, huwag kang basta-basta magtitiwala kahit kanino sa mga kasama ni Sir Kenzo at naka gawin kang pulutan," saad ni Manang Patris sa kanya habang nag-aayos na siya. Naipaalam na niya sa mga kapwa kasambahay ang bago niyang trabaho, kailangan din kasing malaman ng mga ito para na rin hindi siya pag isipan ng masama at matulungan pa siya ng mga ito kung kailangan. 'Naku Patris pwede ba! Huwag kang kung anu-ano sinasabi diyan kay Aila, at baka lumaki pa ang ulo niyan!' Sita ng Tiyahin sa sa kanila. Kilala niya ang Tiyahin, kahit parang lagi itong galit sa kanya alam niyang concern lang ito sa kanya, lalo na't silang dalawa na lamang ang magkamag anak. Dalawa lang kasing magkapatid ang mga ito at ang Nanay nga niya ay nasa Japan na, kaya silang dalawa na lang ng Tiyahin niya ang magkasama. Kahit minsan o madalas masakit magsalita sa kanya ang Tiyahin alam niyang mahal siya nito at pinangangalagaan lang siya nito. Alam din niyang takot itong matulad siya sa Nanay niya, siya din naman iyon ang kinatatakutan niya ang maging katulad siya ng Nanay niya na kayang iwan ang anak para sa lalake at pera. Kung siya ang papipiliin nais niyang manatiling single habang buhay, hindi na niya nais dagdagan pa ang mga batang katulad niya na mahihirapan lang sumabay malupit na mundo. Aayusin na lang niya ang buhay niya at ipaparanas sa sarili ang buhay na siyang nararapat sa kanya, kesa sa mag anak pa siya at hindi niya alam kung ano klaseng buhay ang maibibigay niya. Naranasan niya ang lahat ng hirap sa buhay, kaya hindi na niya nais na may ibang tao pang makaranas ng naranasan niya. "Mara magpakatotoo na tayo, maganda itong si Aila at may appeal. Kung patuloy siyang sasama kay Sir Kenzo marami siyang makikilala, at baka may magka interes sa kanya. Swerte siya kung mayaman at totoo ang hangarin sa kanya," litanya ni Patris sa kanila. Hindi siya kumibo. Hindi ang maghanap mg mayamang boyfriend ang goal niya. Ang tanging goal niya ay makapagtapos ng pag-aaral, makapag ipon ng sapat na pera para makaalis na sa mansyon at mamuhay mag-isa ng tahimik at masaya. "Pag mayaman ang lalake manloloko iyan. Lolokohin lang si Aila," saad ng Tiyahin niya at nahiga na sa kama para magpahinga. "Mag iingat ka doon Aila, huwag kang tatang*- tang* tuso ang nga mayayamang lalake. Bully naman ang mga mayayamang babae. Baka imbes na mapabuti pa sa iyong trabahong iyan mapasama ka pa," ramdam niya ang pag-aalala sa tinig na kunwari'y galit ng Tiyahin niya. Madalas naman ganito ang Tiyahin niya na parang laging galit sa kanya pero deep inside concern ito sa kanya. Hindi nito nais na mapahamak siya. Trabaho lang ang sa kanya, perang masasahod niya ang importante, kahit maliit man iyon pag na ipon niya malaking tulong na rin para sa pangarap niyang makabukod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD