Chapter - 11

1010 Words
"Wala bang hindi magandang ginawa ngayon ang apo sa University?" Tanong sa kanya ng Don nang ipatawag siya para tanungin sa unang araw niya sa trabaho. Nabanggit naman ito ng Don sa kanya na kailangan niyang mag report rito araw-araw para daw alam nito kung ano ba talaga ang ginagawa ni Kenzo sa labas ng mansyon. "Wala pa naman po akong napansin na kakaiba," malumanay niyang tugon. "Eh iyung girlfriend niya, ano nga ulit ang pangalan?' Tanong nito nabanggit na kasi niya sa report niya sa Don kanina na nakilala niya ang girlfriend ng apo nito. "Raven po," tugon niya. "Sige, alamin mo kung anong klaseng babae siya at kung anong klaseng pamilya meron siya, para mapa imbestigahan ko siya at nang malaman ko kung nababagay ba siya sa apo ko,' saad ng Don sa kanya. "Mga bata pa naman po sila baka po hindi naman ganun ka seryoso po ang relasyon nila," saad niya para hindi na mag aksaya pa ng panahon ang Don na ipa imbestiga si Raven. Sa nakikita naman kasi niya hindi sa pagiging judgemental ay hindi naman seryoso si Kenzo kay Raven, halata namang naglalaro lang ang amo niya, at panigurado namang hindi lang si Raven ang babae nito. "Kung sa bagay may point ka diyan, Aila," saad ng Don at tumango-tango sa kanya. "Matalino kang bata ka. Mukhang hindi ako magsisisi sa pagkuha sa iyo,' saad pa nito. "Salamat po," pasalamat naman niya. "Sige na magpahinga ka na at nabanggit mong sasama ka sa yatch party ni Kenzo. Bantayan mo ang apo sa mga ganoong klase ng party at baka mapikot siya. Nag-iisa lang iyang si Kenzo, at dapat lang na ako ang pipili ng babaing para sa kanya," litanya ng Don sa kanya. Hindi siya nakakibo na para bang apektado siya sa huling sinabi nito. Hindi naman na nakakapagtaka pa kung naisin ng Don na mapunta ang nag-iisang apo nito sa matinong babae at mayamang katulad ng mga Fisher. Ganoon naman talaga ang mayaman ay para sa mayaman. Paglabas niya ng library nagulat na lang siya nang biglang may humila sa kamay niya. Titili na sana siya mabuti na lang at nakita niyang si Kenzo ang humihila sa kanya palayo sa pintuan ng library. "Sir Kenzo," saad niya habang hila-hila ng amo ang kanyang kamay. Napasulyap pa siya sa kamay niyang hawak ng amo. Masasabi niya may malambot na kamay ang amo at halatang hindi ito nagtatrabaho ng mabigat. Tahimik naman si Kenzo na hila pa rin siya patungo sa labas sa may hardin kung saan naroon ang malaking swimming pool. "Anong ni report mo kay Lolo?' Tanong nito sa kanya nang makalabas na sila at bitiwan ang kanyang kamay. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba sa kanyang kamay na hinawakan ng amo. "Sinabi ko lang po Si Kenzo kung ano ang mga nakita ko," tugon niya sa amo. Ewan niya kung saan galing ang kaba at kakaibang pakiramdam habang kaharap ang amo. "Ginawa mo naman ba ang iniutos ko na magagandang report lang ang kailangan mong sabihin kay lolo?" Tanong nito. Tumango siya sa amo. Another 10k kase ang bayad ng pag re-report niya ng magaganda sa Don. Kung may napapaburan siya sa dalawang Fisher na nagpapasahod sa kanya, ginagawa lang naman niya ang kanyang trabaho. Nagpapaalipin siya sa pera. "Opo Sir Kenzo, pero nabanggit ko po ang tungkol sa girlfriend niyo si Raven," saad niya rito. Sadya niyang sinabi iyon para malaman niya ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa. "It's ok. Balak ko na rin namang makipag hiwalay kay Raven," tugon nito sa kanya. Ewan niya pero para siyang natuwa bigla. "Ano pa ang mga sinabi mo?" Tanong nito. Iniling niya ang ulo. "Wala naman pong importante pa," tugon niya sa amo. "Ok.. Ok...," saad nito. "Anyway, about sa yatch party, isasama kita Aila, pero may isusuot ka ba at nang hindi ka magmukhang katulong?" Pang-iiba nito ng usapan. Medyo na hurt siya sa huling sinabi nito, pero hindi na lang niya binigyan ng pansin. Alam naman niya ang estado niya. Wala din naman masama sa sinabi ng amo, dahil katulong naman talaga siya. "Hindi po kasi ako pala bili ng magagandang damit," tugon niya sa amo. "Damn, mamomoblema pa pala ako," may inis sa tinig nito. Nagyuko siya ng ulo dahil sa hiya rito. "Ok. You need to wear something nice tonight pati na sa iba pang araw," saad nito. "Kakaunti lang po kasi Sir ang mga damit ko," saad niya sa amo. "Ako na ang bahala. Gamitin mo muna ang kalahati ng unang sweldo mo para ibili ng mga kailangan mo. Don't worry sagot ko na ang ibang gastusin, mag share ka lang ng kalahati sa unang pa sweldo ko sa iyo," paliwanag nito sa kanyan. Tumango na lang siya dahil gusto din naman siyang magkaroon ng bagong mga damit, lalo na't sa De La Cerna University outcast na outcast ang datingan niya. "Salamat po Sir Kenzo,' pasalamat niya sa amo. "Tara na bilhin na natin ang mga kailangan mo para hindi na tayo ma late mamaya sa yatch party," anyaya nito sa kanya. "Ho?" Gulat na saad niya. "Dapat pala hindi na muna tayo umuwi at namili na muna tayo,' saad pa nito at muli siyang niyaya nito na umalis. Lihim siyang natuwa dahil lalabas na naman siya ng mansyon at sasakay sa mamahaling sasakyan ng amo. Pakiramdam niya mag e-enjoy siya sa kanyang bagong trabaho. Kumikita na siya, nakakakain pa ng masasarap, nakakapasyal pa at higit sa lahat nakakasama pa niya si Kenzo. Sa mall daw sila pupunta ni Kenzo ay mamimili ng mga bagong gamit niya para naman daw hindi siya mukhang alalay lang nito sa mga lakad nila. "Siguraduhin mo lang Aila na ginagampanan mo ang trabaho mo sa akin, ayokong masira sa lolo ko," saad nito sa kanya habang nasa biyahe sila. "Opo Sir Kenzo," tugon niya. "Pag nasa labas na tayo alisin muna iyang po at opo pati iyang Sir, at Sir Kenzo na yan. Sa mansyon mo na lang gamitin iyan,' saad nito sa kanya. Tumango-tango naman siya sa amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD