bc

MagdaNina Behind the Mask

book_age18+
151
FOLLOW
1.3K
READ
HE
opposites attract
pregnant
arrogant
badboy
mafia
drama
no-couple
like
intro-logo
Blurb

(SPG: R-18) Call center agent, iyan ang alam ng lahat kung bakit sa gabi ako mulat at tulog sa araw. Ang hindi nila alam, sa likod ng makapal na lipstik at mahabang buhok na peke na may nakakaakit na maskara habang umiindayog na pang sexing sayaw iyon ang totoong trabaho ko. Dancer, dancer na tanging manipis na undies ang nagtatakip sa aking hubad na katawan na ginagigiliwan ng ilan.

May pag-asa pa kayang makaahon ako sa madilim na lugar na ito, kung ito lang ang tanging alam na trabaho ko para mabuhay kami ng anak ko? Ako si Nina at ito ang kwento ko, MagdaNina sa likod ng Maskara.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
*Nina* Habang suot ang manipis at kulay itim na undies, bumubulusok ang aking bewang na dahan dahang kumikimbot paibaba at muling pumapaitaas. Ganito ang ginagawa ko, upang ang lahat ng mga lalaking nasa harap ko ay ganahan at mag hiyawan na may kasamang palakpakan. Apat na taon na akong ganito, ganito ang trabaho para makaraos sa buhay kasama ng nag iisa kong anak na babae. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na pasukin ang trabahong ito, pero ito lang ang alam ko para mabigyan ko ng maayos na buhay ang anak ko. Ang alam ng ilang mga kapitbahay ko, isa akong call center agent dahil sa tuwing panggabi ang trabaho ko, ang hindi nila alam isa akong dancer na nagbibigay panandaliang aliw sa mga lalaking parokyano ng bar na pinagtatrabahuhan ko. Minsan, nakikilala ko ang ilang mga kalalakihan na tumutungo upang maka table ako, at dahil sa makapal na make-up at nakatago ang mukha ko sa maskara walang nakakakilala ni isa sa totoong pagkatao ko. "Believe rin talaga ako sa iyo, isipin mo kahit palaging nakatago sa maskara iyang magandang mukha mo ikaw pa rin ang star ng bar na ito," saad ni Monica na naging matalik na kaibigan ko habang nagpapalit kami ng damit sa aming maliit na dressing room. Tanging siya lang at ang manager ng bar ang nakakakita ng totoong mukha ko, bukod doon wala na. Mabuti na lang pinayagan ako ni mamang Fiona, na magsuot ng maskara habang sumasayaw dahil noong unang gabi ko sa trabaho hindi talaga kinakaya ng pride ko ang klase ng trabahong pinasok ko, hanggang sa ito na ang nagsisilbing tatak ko sa bar na ito ang pagkakaroon ng maskara habang umiindayog sa intablado. Bukod sa hindi kinakaya ng pride ko ang pagsasayaw ng bulgar ang mukha ko, syempre ayaw ko rin ipahiya ang anak ko lalo na babae ito at pinag mamalaki ako sa tuwing may makakaharap itong ibang tao sa lugar namin. "Nagkakataon lang, siguro dahil sa kuryusidad kung anong totoong mukha ko sa likod ng maskarang ito." Tinanggal ko ang maskara sa harap ng maliit na salamin at humarap sa kaibigan ko. "Maganda ka, simple, na may maamong mukha. Tingnan mo naman, kahit may anak ka na na apat na taon hindi nawala nag curve ng katawan mo at nanatili ang kakinisan nito, kaya talagang mabenta ka sa mga parokyano." Napangiti sa akin si Monica habang nagtatanggal din ng kanyang make-up sa mukha. Kapwa kami dancer sa bar, ang kaibahan ko sa kanya siya pumapayag na ilabas ng ilang lalaki lalo na ng mga lalaking may yaman na dala. Ako, dancer at tanging pag tatable lang ang kaya kong ibigay sa mga customer bukod doon wala na, maraming beses na rin akong niyayang dalhin sa mamahaling silid, vip kungbaga ng mga lalaking negosyante at pera ang pantapat sa katulad kong nagbibigay ng panandaliang aliw sa kanila. Pero, kahit minsan hindi sumagi sa isip ko ang pasukin ang ganoong kalalang trabaho. May pride pa rin akong iniingatan at pangalan, mahal ko pa rin ang p********e ko kahit may anak na ako at maipagmamalaki ko pa rin sa sarili ko, na iisang lalaki pa rin ang nakahalik at nakatikim ng pinaka iniingatan ko at iyon ang ama ng anak kong si Alexa. Tandang tanda ko pa at sariwa sa isip ko ang tagpong iyon kung bakit mayroon akong isang prinsesa na nagbibigay sa akin ng lakas upang lumaban sa buhay. "Tulala ka na naman, sino na naman ang naiisip mo? Anak mo o, ang tatay ng anak mo?" Bahagyang tinapik ang balikat ko ni Monica kaya nabalik ako sa ulirat. "Wala, naalala ko lang kung bakit ako nananatili sa lugar na ito. Syempre dahil sa anak ko. Tayo na, lumiliwanag na at baka hindi ko na abutan ang anak ko pagpasok nito sa eskwelahan niya," tugon ko at agad kong ipinasok sa loob ng maliit kong bag ang lahat ng gamit ko. Isinoot ko naman ang pekeng makapal na lens ng salamin at mask upang walang makakilala sa akin paglabas ko ng bar. Araw-araw ganoon ang ginagawa ko, upang walang makapansin sa totoong mukha ko. "Mommy..." Masiglang sinalubong ako ng anak ko, at naka uniporme na ito pagkarating ko sa aming maliit na tahanan. "Hi baby, how are you?" Hinagkan ko ang pisngi, labi, at noo ng anak ko habang yakap yakap ko ito. Tanging anak ko lang talaga ang nag aalis ng pagod sa magdamag na mulat ang mata ko sa trabaho. "Mommy, may ipapakita ako tingnan mo ito. Nag draw ako ng family tree, ito kasi ang asignment namin sabi ni teacher kahapon at tinulungan ako ni manang Fely dito. Ito ikaw, si daddy at syempre ako." Inisa isang tinuro ni Alexa ang hugis tao niyang drawing sa harap ko. Nasa daycare pa lang si Alexa, unang hakbang sa pag aaral pero likas na matalino ito at magaling mag drawing kaya tuwang tuwa ako dito sa anak ko. "Ang galing talaga ng baby ko, I'm sure verry good na naman ito sa teacher mo. Goodluck, at galingan mo pa anak ha." Marahan kong hinaplos ang pisngi ni Alexa. "Sayang mommy, kasi hindi ko na naman ito maipapakita kay daddy, ang tagal tagal kasing dumaong ng barkong sinasakyan ni daddy. Kailan ba kasi siya uuwi mommy?" Parang kinurot ang puso ko sa muling tanong ng anak ko, ito na naman nag tatanong na naman siya tungkol sa kanyang ama at wala akong ibang maisip na dahilan kundi ang pagsinungalingan na nasa barko at hindi pa nakakauwi ang kanyang ama, dahil sa totoo lang kahit si Alexis Santiago na ama nito, walang alam na may anak kaming dalawa at bunga lang si Alexa ng isang gabi na mapusok at hindi sinasadyang tagpo sa pagitan naming dalawa. "Malapit na anak, kunting hintay na lang. By the way, may baon ka na bang pagkain para sa recess n'yo mamaya sa school?" Pag iiba ko ng usapan dahil ayaw kong pag usapan si Alexis sa pagitan naming mag ina. "Wala pa, ikaw ba mag prepared ng baon ko. Gawin mong tatlong sandwich ha?" Napangiti si Alexa. "Tatlo? Bakit tatlo? Kaya mo bang ubusin iyon anak?" Napakunot ang noo ko habang patungo sa kitchen. "No mommy, ibibigay ko kasi iyong dalawang sandwich sa classmate ko. Wala kasi silang baon palagi, kaya naaawa ako. Friends ko na sila mommy, alam mo ba wala na silang daddy, sabi nila kinuha na ni papa Jesus so sad diba? Sabi ko nga, maswerte pa rin ako kahit malayo ang daddy ko atlest buhay pa hindi tulad nila forever na nilang hindi nakakasama. Kaya pag umuwi na si daddy, isasama ko siya sa school at ipagmalaki ko." Muntik ng masugatan ang kamay ko habang naghihiwa ng letus dahil sa pagkukwento ng anak ko, tungkol sa kanyang ama. Dahil kung alam lang nito, para na rin siyang ulilang lubos dahil wala naman talaga siyang ama, at dahil nga wala rin alam si Alexis na may anak na siya at isa pa wala na akong balita tungkol sa lalaking iyon at wala na rin akong balak na hanapin at alamin kung saan ito naroroon. Masaya na ako, na kami lang ng anak ko. At balang araw kapag nasa hustong gulang na si Alexa doon ko sasabihin ang totoo, at ipagdadasal ko na lang na maunawan niya ako at hindi ako ipagtabuyan dahil sa pagsisinungaling ko. "Manang Fely, ikaw na bahala sa anak ko ha. At maraming salamat dahil andito ka pa rin sa amin ng anak ko," saad ko sa kasambahay ko. Pinagkakatiwalaan ko ito sa lahat, lalo na kay Alexa dahil mula ng magtrabaho ako pagtungtong nito ng isang taon ito na ang naging kasambahay ko at yaya ni Alexa. Matandang dalaga si manang Fely, kaya wala itong balak umalis sa akin na pinag papasalamat ko naman. Wala itong alam sa totoong trabaho ko, at nagpapasalamat ako dahil hindi ito ang tipong katulong na matanong. Hindi naman sa lahat ng oras, inaasa ko sa kanya ang pag aalaga kay Alexa dahil isang beses sa isang linggo nag lalaan talaga ako ng oras para makasama ko ang anak ko. "May niluto na ako diyan na almusal mo, nalabhan ko na rin ang mga ilang damit kaya pwede ka nang magpahinga Nina," tugon ni aling Fely. Tanging ngiti lang ang naging tugon ko. Nanatili ako sa pinto habang patuloy na natataw ang pag alis ng anak ko patungo sa eskwelahan. Halfday lang ang pasok ni Alexa ngunit pag uwi nito sa hapon tulog ako kaya madalang kaming nakakapag kwentuhan dahil pagsapit ng dilim papasok naman ako sa trabaho ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook